Stell's POV
"Guys! Sa'n ba kayo galing? At anong nangyari sayo Sejun? Bakit nakabenda na 'yang kanang kamay mo?" Nagtatakang tanong ko kay Jah at Sejun. Nagtinginan naman 'yong dalawa na parang may pinag-uusapan gamit ang mga mata.
"May inayos lang kami sa dance room. Tapos nabagsakan ng box na may tools si Sejun kaya ayan." Paliwanag ni Jah pero hindi ako kumbinsido. Alam kong maingat na tao si Sejun at alam ko din kung nagsisinungaling ba sila o hindi dahil matagal na kaming magkakasama.
'May tinatago ang mga 'to.'
"Ahh... Pano ka makakapag-practice niyan, Sejun?" Tanong ko. Alam ko talagang may tinatago 'to, pero kung ayaw nilang sabihin ay rirespetuhin ko. Aantayin ko nalang na magkalakas siya ng loob.
"Kaya 'yan. Malakas ata 'tong leader niyo!" Nakangiting sambit niya at umakto pang maskulado na ikinatawa namin. Feeling may maskels ang hotdog na'to.
"Hoy Josh! Ano?! ML is life na ba?" Pagtawag ni Sejun kay Josh na busy padin sa paglalaro, bakas sa mukha nito ang pagkairita at inis. Defeat siguro 'to.
"Arghh! Mga pabuhat! Ako lang kumikilos sa team namin?! Ang noob no'ng tank!" Inis na sambit ni Josh na ikinatawa namin dahil kulang nalang ibato niya ang cellphone niya sa sobrang inis. Sige ibato mo, Josh! Hahahaha!
"Gigel niyo si Master Lolo. Hahahaha!" Pang-aasar ni Jah na ikinatawa namin. Lalong lumukot ang mukha ni Josh dahil sa pagkainis.
"Ang bunso namin badtrip, epekto ng lose streak." Sambit ni Sejun na lalong ikinainis ni Josh.
"Tigilan niyo ako ha. Ipapabugbog ko kayo kay Gwaen." Pagbabanta ni Josh sa amin, pero imbis na matakot ay natawa nalang kami.
"Ikaw lang naman binubugbog ni Gwaen eh. Hahahaha!" Natatawang sambit ni Jah.
Minsan talaga hindi ko alam kung sino 'yong bunso sakanilang dalawa eh. Sina-savage lang ni Jah si Josh, samantalang mas matanda si Josh sakanya. Kawawang Josh.
"Hey boys!" Pagtawag sa amin kaya napalingon kami sa pumasok. Si ate Rappl, ang manager din namin.
"Naks naman ate Rappl. Ang sexy, may papizza kaba?" Tanong ni Jah na ikinatawa lang ni ate Rappl.
"Magtigil ka Jah! Bukas na ang pizza niyo. Bakit kayo lang ang nandito? Asa'n 'yong iba?" Nagtatakang tanong ni ate Rappl kaya napakibit-balikat nalang ako.
"You mean si Ken at Gwaen?" Tanong ni Jah na ikinatango ni ate Rappl. Napansin ko namang nagtiim bagang si Sejun dahil sa sinagot ni Jah.
'Anong mayro'n? Ba't gano'n reaction niya nang binanggit si Ken at Gwaen?'
"Magkasama sila. Nagpasama atang bumili ng pagkain si Ken." Sagot ni Jah. Napatingin kami kay Sejun ng bigla siya lumabas habang salubong ang kilay.
"Oh anong nangyari do'n?" Tanong ni Josh na ikinakibit-balikat ko nalang.
"Baka naiihi? Ewan." Kibit-balikat na sagot ko habang si Jah naman ay nakatingin lang sa pinto at parang malalim ang iniisip.
'May tinatago talaga silang dalawa ni Justin eh. Pero anong kinalaman ni Gwaen at Ken?'
"Papunta na dito sila Ms. Hong at Sir Robin. Antayin niyo nalang. Ako na magtitext kay Ken, para pabalikin sila dito." Sambit ni ate Rappl bago lumabas ng meeting room. Habang kaming tatlo ay tahimik lang at may kanya-kanyang iniisip.
"Mukhang mino-mood swings na naman si Sejun ah?" Pagbabasag ni Josh sa katahimikan kaya napatingin kami sakanya.
"Mahampas ka sana ni Sejun mamaya. Master lolo na'to." Sambit ni Jah na ikinainis ni Josh kaya napatayo sa upuan atsaka binatukan si Jah. Natawa naman ako sa dalawa dahil nag-aasaran na naman sila na parang mga bata.
"Hindi mo ako mahahabol. Hahahaha! Mas mahaba biyas ko sa'yo, Master lolo!" Pang-aasar ni Jah habang tumatakbo paikot sa mesa habang ako ay natatawa nalang sa kalokohan ng dalawa. Naghahabulan sila na parang mga bata.
Napatigil sila sa paghahabulan paikot sa mesa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Tatang at Teacher Hong, kasama nadin si Sejun. Mukhang magsisimula na ang meeting ah. Pero hindi pa kami kompleto.
"Hi boys. Where's Ken and Gwaen?" Tanong ni Teacher Hong atsaka kami tinignan isa-isa.
"They went outside to buy something." Sagot ko na ikinatango lang ni Teacher Hong. Lumapit naman kami kay Tatang at nagmano bilang paggalang.
Sa tagal na nila dito sa Pilipinas ay alam nadin nila ang kultura namin, pati nadin ang ibang Filipino words. Pero mas sanay sila sa English kaya iyon minsan ang ginagamit namin. Hindi naman kami bihasa sa Korean language except kay Sejun na gamay ang lengguwahe nila.
"Upo kayo. Let's start the meeting." Sambit ni Tatang na agad naming sinunod. Magkatabi kami ni Sejun na walang emosyon at nakafocus lang kila Tatang at teacher Hong.
"So we will talk about your—" Napatigil sa pagsasalita si Ms. Hong nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming lahat sa pumasok na sila Ken at Gwaen. Nagtatawanan pa ang dalawa, pero agad ding nag-bow at bumati at humingi ng paumahin sa amin.
"Kumain lang po kami. Sorry po." Pagpapaumahin ni Gwaen. Napansin ko namang kumuyom ang kamao ni Sejun na nakabenda, kaya napakunot ako ng noo. Salubong lalo ang kilay ni Sejun at matalim na nakatingin sa gawi nila Ken na nakaupo na.
"So, let's continue the meeting." Sambit ni Ms. Hong kaya sakanya na natuon ang pansin namin. Pero hindi ko padin maiwasang mapaisip sa inaakto ni Sejun. Lalo na sa kamay nitong may benda at injured.
'Ano bang nangyayari dito kay Sejun?'