Star 4: Chickenken

Gwaen's POV

"Ewan! Ano ba kasi iniisip mo?" Takang tanong ko sakanya.

"Nandito na tayo." Sambit niya at hindi pinansin ang tanong ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa McDonalds dahil sa pag-uusisa ko kay Ken. Sobrang bilis pala naming maglakad. Kung sabagay ay 4 na building lang naman ang pagitan bago kami makarating dito.

Pumasok na kami sa loob at agad na pumila sa counter. Mabuti nalang at hindi mahaba ang pila, kundi ay iiwan ko talaga 'to si Ken. Ayoko pa naman sa lahat mahaba ang pila at nag-aantay ng matagal.

"Anong gusto mo?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Ililibre mo ako?" Gulat na tanong ko pero tumawa lang siya, dahilan para matulala na naman ako sa pagtawa niya. Anak ng manok! Ang gwapo niya kasi kapag tumatawa lalo na kapag labas ang ngipin.

"Oo. Hindi ka pa nasanay, nako." Sambit niya, atsaka ginulo-gulo ang buhok ko na ikinangiwi ko.

"Aish! Isa ka pa eh! Ang hilig manggulo ng buhok. May buhok ka naman, bakit hindi mo guluhin?" Iritang sambit ko na ikinatawa niya nalang habang umiiling.

"Galit na si Gwaen. Yare yare." Natatawang sambit niya atsaka ginulo ulit ang buhok ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya para pigilan sa paggulo ng buhok ko.

"Isa, Ken! Kainis!" Sambit ko atsaka binitawan ang kamay niya ng tumigil ito.

"Sorry na si Kenken, Gwaen." Sambit niya habang naka-pout.

"Ano hindi ko marinig, Kenken?" Pagkukunwari ko na mas lalo niyang ikina-pout. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa dahil sa itsura niya.

'Mukha talaga siyang manok! Hahahaha!'

"Gihigugma tika." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko dahil hindi ko maintindihan iyon.

"Ano? Huwag kang magsalita ng hindi ko naiintindihan. Baka minumura mo ako ah? Lagot ka talaga sa'kin, Felip." Sambit ko na ikinangiwi niya kaya natawa ako. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa real name niya. Masiyado daw kasing pang-matanda ang pangalan niya, at baka mapagkamalan siyang lolo.

"Isa pang tawag mo sa akin ng Felip..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya na ikinatawa ko.

"Ano, Felip ha?" Pang-aasar ko na ikinasimangot niya. Ang sama ko ba kapag sinabi kong natutuwa ako kapag nakita kong napipikon siya? Ang cute niya kasing mapikon!

"Nyenyenye. Hindi kita ililibre diyan."

"Aba! Sinama mo pa ako kung hindi mo ako ililibre. Gusto mo iwanan kita?"

"Joke lang eh! Nagjojoke lang si Kenken. Ililibre na kita, ano ba gusto mo?"

"Fries at burger." Sambit ko habang nakangiting tagumpay. Sa aming magkakasama ako lang ang laging nililibre ni Ken. Pa'no ba naman kasi simula ng kausapin ko ay sa akin na palagi nagpapasama. Masaya din naman siyang kasama, kahit minsan ay tahimik.

Sa akin niya lang din ipinapakita ang pagiging childish niya, dahil siguro hindi ko siya inaasar? Natatakot siguro siyang ipakita ang pagiging childish niya sa kagrupo dahil baka husgahan siya ng mga ito. Kahit na alam kong malabo na husgahan siya ng mga ito, pero ang asarin? Panigurado.

"Miss. Dalawang chicken sandwich tapos large fries at regular burger. Coke nalang 'yong drinks." Sambit niya sa cashier at napansin kong nagpapa-cute naman ito sakanya. Pero ang kuya niyo? Ayun! Balewala lang sakanya. Kawawang ate! Hahahaha!

"Hoy! Lapit ka dali may ibubulong ako." Utos ko sakanya na sinunod naman niya kaagad.

"Ano?" Tanong niya habang nakayuko at nag-aabang ng sasabihin ko sakanya.

"Alam mo bang nagpapa-cute sa'yo si ateng cashier?" Pabulong na tanong ko dahil baka marinig ni ateng cashier. Siya naman ang tumapat sa tenga ko at may ibinulong.

"Alam mo bang mas cute ka do'n?" Sambit niya na ikinakunot ng noo ko. Binatukan ko naman siya kaagad dahil sa pambobola niya.

"Puro ka talaga kalokohan! Pero may point ka, cute ako. Cute tayo!" Sambit ko atsaka pinanggigilan na nama ang pisngi niya.

"A-aray! Bad ka, Gwaen!" Singhal niya kaya binitawan ko na ang pisngi niya. Nakakapanggigil pisilin eh! Hindi ko tuloy natiis.

Hinihimas niya padin ang pisngi niyang pinisil ko nang kuhain niya ang order namin. Nang makahanap na kami ng table ay hinihimas niya padin ang pisngi niya.

"Hoy, masakit padin ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya at lumapit ng kaunti.

"Sino ba namang hindi sasakit ang pisngi?! Eh hobby mo na atang kurutin ang pisngi ko."

"Hala, sorry na Kenken. Akin na massage ko." Sambit ko atsaka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi at ako na ang nag-massage no'n, para hindi na sumakit ulit.

"Ayan. Hindi na ba masakit, Kenken?" Tanong ko sakanya pero nakatulala lang siya sa akin kaya pinitik ko ang noo niya.

"W-wala na. Kain na tayo." Sambit niya atsaka uminom ng softdrink niya bago nilantakan ang chicken sandwich.

"Oo nga. Baka hinahanap na tayo." Sambit ko atsaka nagsimula nading lantakan ang burger ko.

Matapos naming kumain ay naglakad na kami agad pabalik sa building, dahil nagtext na si ate Rappl sakanya at hinahanap na daw kami.

"Gusto mo fries, Kenken?" Alok ko sakanya dahil hindi ko pa nauubos ito ng umalis kami.

"Oum. Ahh..." Ngumanga naman siya kaya sinubo ko sakanya ang fries na hawak ko.

"Want more?" Tanong ko na ikinatango niya naman, atsaka sinubuan ulit siya ng fries. Naubos na agad iyon bago pa kami makarating sa building.

"Kenken, was so lucky to have Gwaen."

"I'm lucky too." Sambit ko atsaka ginulo ang buhok niya.