Gwaen's POV
Napamulat ako ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Panira! Ang ganda-ganda ng panaginip ko eh!
Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sejun. Nilibot ko naman ang paningin ko at napansing kaming dalawa nalang ang naiwan sa van.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa akin si Sejun. Parang may mga kabayong nagkakarera sa puso ko at bumabaliktad ang sikmura ko, pero hindi naman ako nasusuka.
"Buti naman at gising kana, Gwae." Nagpipigil-tawa niyang sambit, na ikinakunot ng noo ko. Lumapit pa siya sa akin ng kaunti at halos magkapalit na kami ng mukha.
'Anong problema ng baliw na'to? Tinotopak na naman ba?'
"A-asa'n sila? Bakit t-tayong dalawa lang dito?" Nauutal na sambit ko na biglang ikinaseryoso niya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa pagkautal. Paniguradong aasarin na naman ako ng hotdog na'to.
"Chill, be. Nauna na sila sa office." Napatigil ako sa sinabi niya. Aba't ikaw ba naman tawaging be? Feeling close?!
"Anong be ka diyan?! Aba't!" Inis na sambit ko atsaka hinampas siya ng travel pillow. Sinasalag niya naman iyon gamit ang braso niya habang hindi matigil sa pagtawa. Baka sa sobrang pagkatuwa nito kumalas braces niya, nako.
'Sapakin ko kaya 'to ng matanggal ang braces niya?!'
"Gwae, be. Hahahaha!" Pang-aasar niya sa akin. Akmang hahampasin ko na naman siya ng travel pillow, nang agawin niya 'yon sa akin kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
'WHAT THE FUCK?!'
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naririnig ko din ang mabilis na pagtibok ng kanya. Para akong aatakihin sa puso pero hindi naman. Napatingala ako at nagsalubong ang mga mata namin. Tila inaalam kung ano ang iniisip ng isa't-isa.
Bigla niya akong hinawakan sa ulo at marahang tinapik iyon, na kinabigla ko. Hindi ako makakilos kaagad at parang nagma-malfunction ang katawan ko. Kahit anong utos ng utak ko ay wala parin.
'Shit! Gwaen, kumalma ka! Ano bang nangyayari sa'yo?!'
"Hoy! Anong ginagawa niyo ha?!" Sabay kaming napatingin sa nagbukas ng pinto ng van. At nakita namin si Justin na nanlalaki ang mata pero ngumisi din kaagad.
'Alam ko ang ngisi na 'yan! Anak ng! Yare.'
"W-wala ah!" Sambit ko atsaka dali-daling itinulak si Sejun kaya nauntog ito sa bintana ng van at napadaing.
"Ang kalat niyo! Kayo talaga." Pang-aasar ni Justin sa amin kaya pinanglakihan ko siya nang mata. Kung anu-ano na namang lumalabas na kalokohan sa bibig nito.
"Ang baboy mo, Jah! Magsama kayo! Nakakainis!" Inis na sigaw ko sakanya sabay walk-out at malalaking hakbang na pumasok sa building ng showBT.
"Nakakainis! Bakit kasi?! Nakakainis talaga! Naabutan pa kami na gano'n ang posisyon. Arghhh!" Inis na singhal ko habang nakasakay sa elevator patungo sa office. Mabuti nalang at solo ko ang elevator, kundi ay baka masapak ko kung sino man ang makakasama ko.
'Bakit ba kasi nangyari 'to?! Aish!'
Habang naglalakad ako papunta sa meeting room ng may biglang humarang sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. Tumingala ako ng kaunti para makita kung sino ang lapastangan na humarang sa'kin. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ken.
"Ano ba?!" Galit na tanong ko pero ngumiti lang ang buang.
"Galit na galit, Gwaen? Tara samahan mo ako. Gusto kong bumili ng chicken sandwich." Sambit niya atsaka ako hinawakan sa pulsuhan, kahit hindi pa ako pumapayag.
"Anak ng manok?! Hindi kaba nabusog kanina? Atsaka hindi pa ako pumapayag na sumama sa'yo." Mataray na sambit ko sakanya kaya bumitaw siya sa pagkakahawak at hinarap ako.
"Pleaseeeee! Samahan mo ako. Gutom na Kenken." Sambit niya habang naka-pout. Natawa naman ako dahil sa itsura niya. Naging isip bata na naman siya.
"Mukha ka talaga manok! Oo na sasamahan ko na si Kenken." Sambit ko atsaka kinurot ang pisngi niya. Ewan ko ba pero kapag kasama ako ng buang na'to bigla siyang nagiging isip bata.
"Yey! Tara kain tayo chicken! Sandwich nga lang." Tuwang-tuwa na sambit niya atsaka ngumiti ng kita ang mapuputing ngipin. Hinawakan niya ulit ako sa pulsuhan at hinila papunta sa elevator.
"Alam mo Ken, dapat lagi kang naka-smile. It suits you." Nakangiting sambit ko sakanya na ikinatulala niya.
'Oh? Anong nangyari sakanya?'
"Hoy! Bakit ka nakatulala? Sumakabilang mundo ba utak mo?" Pagtawag ko sakanya dahilan para mapaigtad siya.
"W-wala. Hahahaha." Sambit niya atsaka nag-iwas ng tingin. Muling bumalik sa pagiging seryoso ang itsura niya habang kunot ang noo.
'Ano kayang iniisip ng manok na'to? Mukhang malalim ah?'
Bumukas na ang elevator at bumungad sa amin ang dalawang baliw. Si Justin at Sejun. Inirapan ko naman sila. Napansin kong tumalim ang tingin ni Sejun kay Ken at dumako ang tingin sa nakahawak na kamay ni Ken sa pulsuhan ko.
"Tara na, Gwaen. Gutom na ako." Sambit ni Ken at akmang palabas na kami ng building ng biglang nagsalita si Sejun.
"May meeting tayo. Bumalik kayo kaaagad." Walang emosyong sambit nito na ikinatango lang ni Ken atsaka nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Hoy po, Sejun! Anong nangyari sa'yo? Teka! Huwag mo munang isasara!" Rinig kong sambit ni Justin bago kami tuluyang makakabas ng building.
"Sa'n ba bibili ng chicken si Kenken?" Baling ko kay Ken na hanggang ngayon ay kunot padin ang noo.
"H-ha?" Nagtatakang tanong niya kaya binatukan ko siya dahil hindi niya ako naintindihan.
"Ewan! Ano ba kasi iniisip mo?"