Ameri's POV
"NO!"
Kainis ha! Seryoso ako ngayon bukod sa galit!
Pero nakatingin lang siya sa akin ng diretso, walang reaksyon ang mukha at hindi man lang nagulat sa pagsigaw ko. How could this man be so calm?! He then twitched his lips for a smirk.
"Pinagbigyan na kita, lagpas pa sa dalawang taong pinag-usapan natin. It's your time to do your part of the bargain, ma chérie."
I just gave him a deadly stare and marched to the kitchen. Sumandal ako sa harap ng kitchen sink. At huminga ng ilang beses. No! Not now! Ayoko pa, hindi pa 'ko handa. Gah! Dalawang taon na ba ang lumipas? Ba't parang ang bilis ng panahon.
"Pack your things, Ameri and we'll fly back to Manila before dusk." Sumunod siya sa akin dito sa kusina at sinabi niya iyon habang inuusisa ang mga prutas sa gitna ng lamesa.
I really hate it when he used that tone on me. Iyong parang laging nag-uutos at kailangang masunod lahat ng gusto niya. Ugh! Typical of rich men! No, hindi ko siya madadaan sa init ng ulo. I've to use another tactic. And I just know how…
Lumapit ako sa kanya at yumakap mula sa likod niya. I felt him tensed. *Evil grin
"Honey, bakit hindi natin pag-usapan muna ng maayos, you know, we --"
"Pinag-uusapan na nga natin ng maayos, ikaw lang naman ang sumisigaw, Ameri, and,"
Tinanggal niya ang mga braso ko sa kanya at marahan akong hinila para magkaharap kami.
"and… you need a proper lesson on how to seduce a man, honey . Try harder, Ameri. Baka mapapayag mo 'ko na hindi kita ibalik sa Manila."
Yeah! That was it! Seduction be damned! Kelan ko ba maiisahan ang giant kamoteng 'to!
Binigyan ko siya ng isang hampas sa dibdib at tinulak siya. But it was like pushing a hard wall. Lalo lang akong nayamot.
"Seduce your face!"
Bumalik ako sa sala, umupo sa sofa at hinanap si Fiery pero nakita ko siya nang lumapit siya kay Vince at kiniskis ang katawan niya sa mga binti ng lalakeng 'to. Hmp! Taksil na aso!
Nakita lang ang totoong amo, nakalimutan na 'ko. Ako na nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawang taon. Ako na nagpapakain sa kanya, ako na---
"Hindi ka na ba magdadala ng kahit anong gamit mo? Well, its okay, nakahanda lahat ng kailangan mo pagbalik natin sa Manila." Tumabi siya sa akin sa sofa habang nakikipaglaro pa din kay Fiery.
"Can't you understand disagreement when you heard one, Vince?" I snapped on him.
"Not when it's from you, honey."
Isa pa yan! Yang mga pag-gamit niya ng mga endearment sa 'kin like he really meant it. Naalala ko na naman ang pakay niya sa'kin. I really hate being controlled!
Lalabas sana 'ko papuntang dagat pero hindi pa 'ko nakakalabas ng pinto nang bumuhos ang ulan. Hmp! Grabe naman itong weather na ito ah. Hindi pa 'ko pinagbigyang makalayo sa lalakeng 'to. And thinking of lalakeng 'to, nararamdaman ko na sinundan niya ako dito sa pinto. And I can feel his breathing on my neck and it sent a warm sensation down my spine... This is bad. Inhale… Exhale…
Hindi ako pwedeng magpadala sa kung ano mang kalandian ko sa katawan, remember, galit ako sa kanya?
"It seems it's not a lucky day for both of us, huh?" si Vince.
Yes. Dahil ang ulan ay lalo pang lumakas pati ang hangin. Halos humapay na sa lupa ang mga puno at lalong lumamig ang paligid kaya sinarado ko na ang pinto.
"Oo nga eh, paano ba yan, di hindi mo 'ko makakaladkad sa Manila ngayon?" I smiled to him hopefully.
Kung chopper ang sinakyan niya para makapunta siya dito, I'm pretty sure na hindi iyon makakabiyahe sa ganito kasamang panahon. At malamang sinarado na rin ang mga main highway dito dahil delikado ang daan.
"Yeah. At dahil hindi na nga muna tayo makakaalis, you can be hospitable enough para patuluyin mo muna 'ko dito, right?" and he tucked his hands to his pockets at sumandal sa likod ng sofa.
"A-As if my choice ako!"
"Good."
Teka. Oo nga naman no? Ba't hindi ko iyon agad naisip? Vince and me in this house? Alone?! Parang hindi ako sanay. Nasanay ako sa ilang minutong pag-aaway sa cellphone, At sandaling pag-uusap at pagbati kapag pumupunta ako sa bahay kapag may importanteng okasyon… At kapag dinadalaw niya 'ko sa trabaho ko ay sandali lang siya. He'll only say how crazy I am to live like this and moment later… he's gone. Hay….
Sumilip ako sa bintana pero walang pagbabago sa buhos ng ulan, may bagyo pa yata. Lumapit ako sa fireplace at gumawa ng apoy. Umupo ako sa sofa, tinaas ko ang mga binti ko at niyakap.
Binalik ko ang tingin kay Vince na nakasandal pa rin sa likod ng sofa malapit sa akin habang nagbabasa ng libro. Si Fiery ayun. Nakatulog na sa paanan niya. What a sight!
Nakakainis lang na napaka-kalmado ng aura niya samantalang kabaligtaran naman ang sa 'kin. Well, bakit nga ba labag sa loob kong sumama sa kanya? Iyon naman talaga ang usapan namin.
I was torn between something I do not know. But may be, deep inside, I knew the answer. Ang sagot kung bakit ayokong nakakasama siya ng matagal…
I stared at the woods burning. Nagsisimula ng lumaki ang apoy at hindi ko na makita ang mga tuyong kahoy. And through the blazing color of the fire, memories of last few years flashed in front of me…
TWO YEARS AGO…
"Señorita, we'll bring you to the hotel." Habol sa 'kin ni Ms. Sommers, my personal maid, nang bumaba kami sa private jet.
"Don't bother Alicia, ngayon din ang flight ninyo pabalik sa Texas di 'ba? Don't worry, kaya ko na ang sarili ko."
I gave the middle aged woman a tight hug and kissed her on the cheeks and waved goodbye. At nagsimula na 'kong maglakad sa tarmac.
Hindi pa rin niya maalis ang tingin sa'kin at parang naiiyak pa. That's her.
Masyado siyang napalapit sa 'kin kaya nang sinabi ko sa kanyang gusto kong bumalik sa Pilipinas nang nag-iisa naging emosyonal na siya. Ma-mimiss ko din naman siya but I want to live like this. Freely. Nang walang convoy ng bodyguard kahit saan ako magpunta… Walang mausisang paparazzis… Walang mga katulong na umaako kahit sa mga maliliit na bagay na kaya ko namang gawin…
I rented a taxi. Sa totoo lang, wala akong alam na pupuntahan dito. My grandfather has a ranch and a mansion in the North but that was out of a question since gusto ko ngang iwan lahat ng may kaugnayan sa dati kong maginhawang buhay bukod pa sa mahabang biyahe. I just want to rest for a while and plan my following days here.
"Saan po tayo, Miss?" tanong ng driver ng taxi.
"Ahmn…..Iisipin ko po muna." And I smiled to him.
Binigyan niya lang ako ng weird look at tinuloy na ang pagmamaneho.
Tumingin ako sa labas. At may nakitang mga batang nagtitinda ng sampaguita. They were about five to seven years old. At halata ang pagtitiis sa mukha dahil sa hirap ng pagtatrabaho sa ilalim ng araw.
"M-manong," kinulbit ko siya. "Diyan na lang ako sa tabi."
"Sigurado ka, hija? May malapit na hotel dito, kung gusto mo doon na lang kita ibababa."
"Wag na po, lalakarin ko na lang tutal sabi ninyo nga malapit lang di ba?" Inabutan ko siya ng five hundred peso bill at hinintay ang sukli niyon.
If I'm in my old world, malamang sasabihin ko sa kanyang 'keep the change' but I'm not. Kailangan kong matutong gumastos ng pera nang maayos.
Tinulungan niya 'kong ibaba ang dalawa kong malaking maleta sa gilid ng kalsada at tinanong ulit kung ayaw kong magpahatid sa hotel. Tumanggi ako at nagsimulang maglakad. Nilapitan ko ang mga nakita kong bata kanina.
Nag-unahan sila sa pagbebenta sa 'kin ng mga sampaguita. And I can see the need in their eyes. At kagustuhan na mapagbilhan sila dahil kailangan nilang mag-uwi ng pera o pagkain sa pamilya nila. At habang tinitingnan ang maliliit nilang mga katawan na hinubog na ng maghapong pagtatrabaho sa kalsada at mga mukhang pawisan, alam ko na kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw…
+++++++++++++++
Kanina, tuwang-tuwa ako habang pinapanood ang mahigit sampung batang lansangan na masayang kumakain sa isang exclusive restaurant na pinasukan namin kanina. Matinding pakiusap pa bago kami makapasok sa mismong hotel na kinaroroonan ng restaurant kung saan ko dinala ang mga bata. And my charms really did work.
At matapos nga ang masayang dinner kasama ang mga bata, dito ako pinulot. In this luxurious office. Sakop nito ang buong pinakamataas na palapag ng hotel.
All the things in this spacious room are in black, gray and silver. Kahit saan ka tumingin, kayamanan ang katumbas ng lahat ng gamit. At may isang wall din na pinuno ng security cameras. They look like black tiles but you only need to push buttons at makikita na ang iba't ibang bahagi ng buong hotel. The room is equipped of high technology. Nakatodo din ang aircon kaya sobrang lamig.
In all, the office spoke of wealth, power and authority. It's like the den of a modern king that when you enter here, you will have the heavy feeling of being scrutinized. At manliliit ka dahil sa pagiging grandyoso ng lugar.
Lalo na kung makakaharap mo ang pinakahari ng building na 'to. Vince Laurel Fierro.
Mula sa paglibot ng tingin sa buong opisina, binalik ko ang tingin sa kanya. The man is talking to someone through his phone. One hand in the phone while the other is tucked in his pocket. Nakatanaw siya sa labas ng glass wall na parang haring nakatanaw sa buong imperyo niya.
It's past seven in the evening at halos dalawampung minuto na 'kong nakaupo dito. Gusto ko ng umuwi at tumakas sa lalakeng 'to. But I should know better that no one can get away from him.
Nabuhay ulit ang inis ko para sa lalakeng 'to. Gah! Umuwi ako dito sa Pilipinas pero hindi pa lumilipas ang sampung oras at kay Vince Laurel Fierro pa 'ko bumagsak! I grimaced. Ang lalakeng 'to ang kahuli-hulihang taong inaasahan kong makita.
Why? For a simple reason that I don't like everything about him.
His arrogance, his dominance, his wealth, his brains, his looks, his gait, and his ability to play the world in his hands. Ugh!
I was a teenager and he was in his early twenties when we first met. Sa isang party ng kompanya ni Lolo sa Texas. Pero bago iyon, kilala ko na siya dahil na rin sa pagkagiliw ni Lolo sa kanya. Hindi lang basta business associates ang dalawa, they are like father and son. Si Vince Fierro ang dahilan kung bakit matatag pa din ang negosyo ng pamilya. Vince helped out when the Montojeos are in the brink of bankruptcy. He took over the company and brought back the control to Lolo when everything is stable. At doon nagsimula ang samahan ng dalawa. Higit pa sa utang na loob kundi nakita ni Lolo kay Vince ang anak na lalake na nawala nang mamatay ang Daddy bata pa man ako. My grandfather saw him as an adviser, a confidante, a friend and a son.
Walang kaso iyon sa 'kin, natutuwa pa nga ako dahil bumalik ang sigla ni Lolo. At nasa isang dormitory school ako kaya hindi ko sila madalas nakikita. Pero nagsimula lang ang animosity sa pagitan namin nang parang inihabilin na ni Lolo kay Vince ang buong buhay ko. And he seemed to not mind his role.
Who cares if he saved our family or the whole world?
Sa totoo lang wala naman siyang ginagawang masama laban sa 'kin. Sa tuwing magkikita kami, isang tango lang ang binibigay niya sa'kin bilang pagbati. But there are circumstances that he makes me feel like one helpless princess. Lalo na kapag nasasangkot ako sa gulo at siya ang umaayos niyon dahil na rin sa pakiusap ni Lolo.
He seldom talked to me but his look said it all. At ang mga tingin niyang iyon ang motivation ko para inisin siya lalo. I irritate the hell out of him in my own simplest ways. Pero madalas din akong nabibigo dahil hindi niya pinapatulan ang lahat ng iyon. And in the end, he will still be the high and mighty Vince Laurel Fierro and I will still be the tiny little princess in his palm.
And looking at him now, standing few meters away from me like the king of the world, is like looking at my dreams of being free vanishing slowly in front of me. Gah!
Nakita kong binulsa niya ang mobile niya at naglakad palapit sa'kin.
"Welcome to the Philippines, princess." He said with a dark expression in his face.
"Particularly to your hell of a kingdom, Vince?"
Let's cut the greetings, maayos ko siyang pinakikitunguhan dati dahil na rin ay Lolo. But that's the past and we're in different place now, also different time zone, far from Texas. Kaya sasabihin ko kung anong gusto kog sabihin sa kanya lalo na't alam kong may pinaplano siya laban sa'kin.
"Watch out your tongue, lady. Now, care to explain why did you put that act in the restaurant?"
Ang tinutukoy niya ang mismong dahilan kung bakit ako nandito sa opisina niya.
I didn't pay the bill that costs almost fifty thousands. Matapos kumain ng mga bata, pinauwi ko na sila at idineklara sa maître d na wala akong pambayad.
I just thought that washing the dishes of the restaurant all night is one great experience. Napanood ko lang sa mga drama sa TFC. Pero sa halip na papaghugasin ng pinggan, sa opisina ng manager ng restaurant ako pinapunta. At saktong kausap niyon si Vince. And then I end up in the CEO/Owner's office, no other than Vince Laurel Fierro.
At ang pangarap na paghuhugas ng mga pinggan ay nauwi sa bangungot. Ugh! 'Atta night !
''Dahil wala akong pambayad.'' I said then looked at him directly.
''Don't give me that crap, Ameri, alam kong kayang-kaya mong bilhin ang buong restaurant na 'yon ngayong gabi lang kung gugustuhin mo lang.''
I rolled my eyes. ''Hindi ako nagbayad dahil gusto kong maghugas ng pinggan, satisfied?''
"What for? Another whims and caprices of a princess like you?'' he mocked.
''None of your business, Fierro. Now, can I go back to the restaurant and face the consequences of my action?''
"Leave that. I've settled that. I won't let your hands hold that greasy plates. Now, let's call my pilot to bring you back to Texas.''
"No way!" napatayo ako bigla.
Ilang pulgada na lang ang layo niya sa 'kin at kailangan ko pang tumingala para masalubong ang mga mata niya.
Damn him! He's doing that again. Ang kontrolin ako. But I will never give him a chance to decide for me.
"Don't push me, honey. Hindi ka pa nakakaisang araw dito pero gumagawa ka na agad ng kalokohan. You will give your grandfather a heart attack when he knows this."
"Pero nagpaalam ako sa kanya ng maayos!"
"Really? At anong dinahilan mo?" he challenged.
Hindi ako nakaimik agad. Isang mahabang bakasyon ang sinabi ko kay Lolo para payagan ako. Hindi ko sinabi ang buong plano ko. At ngayon nga ay hindi ko pa man naisasakatuparan ang planong iyon ay heto ang lalakeng 'to na nagbabanta pa.
"I hate you!" sigaw ko sa kanya.
"Well, thank you." At prenteng umupo sa swivel chair.
Hinila ko ang dalawa kong maleta at naiinis na lumabas ng opisinang iyon. Hindi pa 'ko nakakadating sa elevator nang makita ko ang isa, dalawa… Ugh! Bodyguards! They are all in black suits.
Nakapag-produce agad ang lalakeng iyon ng limang bodyguards! Mas marami pa kesa noong nasa Texas ako. How I hate him badly! Nilapitan ako ng isa sa kanila. A tough-looking woman in her late twenties. Naka-dark suit din siya at hapit na hapit ang pagkakatali ng buhok. She had the no-nonsense look in her face at alerto ang mga mata.
"We'll take you to your suite, Miss Ameri." Sabi niya at kinuha ang dala kong bagahe.
Iginiya ako ng dalawang bodyguard papasok sa elevator at sumunod ang tatlo. I feel like the first lady of the state. And it suffocates me…
+++++++++++++++
"You have to drag me to your plane, kung gusto mo talaga akong mapauwi sa Texas." I said at sumubo ng bacon.
Sinulyapan lang niya 'ko habang humihigop ng kape at saka tinuloy ang pagbabasa sa broadsheet. We're having breakfast in his suite connected with his office.
At kagabi, napag-isipan kong kahit makatakas ako sa hotel, mahihirapan pa din akong pumunta sa kahit saang lugar sa Pilipinas at makalayo mula kay Vince. Kaya tinanggap ko na ang kapalaran kong mapauwi nang maaga. But that doesn't stop me to continue what I wanted, iyon nga lang, sa ibang bansa na lang.
"Pero dapat mo 'kong bantayan sa buong biyahe, cause I might jump off the plane."
Pero bago matapos ang maaga kong bakasyon, sisiguraduhin ko munang maabala siya ng todo. Some sort of revenge.
"What a tragic death for the only princess of Montojeo." Tiniklop niya ang broadsheet at humigop ulit ng kape.
Pinagmasdan ko siya. I can't help but admire the sight. Hindi pasiya naka-three piece suit. He's wearing plain white T-shirt and soft pajama, walang sapin sa paa at medyo magulo pa ang buhok.
Nang unang kita ko sa kanya dati, crush ko na siya. Who wouldn't? But I got over him. Kung maraming babae ang may gusto sa mga strict, brainy, leader-type plus animalistic arrive and air of mystery sa isang lalake, then, they're looking for Vince Fierro.
Kung hindi siguro bilyonaryong negosyante si Vince ngayon, malamang pinag-aagawan na siya ng mga agency para maging artista o modelo. But unfortunately for them, baka hindi nila makaya ang talent fee ng lalakeng 'to.
I sighed slowly. Hindi ko dapat binibigyan ng description ang lalakeng 'to. Hindi ko dapat pinagninilayan ang mga ganoong bagay. He's a monster. Kahit gaano kagwapo!
"Don't worry, Ameri. Napag-isipan kong hindi ka muna pauwiin, you want a vacation, right? Then let's give you a vacation, katulad ng pinagpaalam mo sa Lolo mo."
"Vacation? With you, Vince? Thanks but no thanks. I'd rather go home." I rolled my eyes.
"Other girls will bargain everything just to be with me in a vacation, why the rejection, Ameri?"
"Hindi ka rin mayabang no?"
"I'm just stating a fact."
"Well, I am not the 'other girls' so spare me, okay? Ngayon, abalahin mo ang sarili mo para mapauwi na ko ora mismo." utos ko sa kanya.
Hindi lang siya ang may karapatang mag-mando.
"Gaya ng sinabi ko, hindi ka muna uuwi, understand? Now, tell me what are your plans here in the country. Maganda ang career mo bilang director sa children's theater, you also choreographed for a fire dance group and an active member of different charitable institution. Why came here all of the sudden?"
Napataas ang kilay ko. "Hindi ko alam na alam mo pala ang pinaggagawa ko sa buhay. And the reason why I came here? I believe that it's-not-your-business."
"Well, I'm making it mine since you're in my guidance."
"Sa tingin mo ba ginusto kong bumagsak sa pangangalaga mo? Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?"
"Hindi ko gagawin iyon hanggat hindi mo sinasabi sa'kin ang dahilan mo."
"Huwag na, you'll only laugh at me."
"Try me."
"Papayagan mo ba 'ko?"
"Depends. So?" he gave me a questioning look.
Nag-atubili akong sabihin sa kanya. Bakit ko sasabihin sa kanya ? But what the hell? Malalaman at malalaman din naman niya!
"I want my freedom. I want to live on my own. Not as a Montejeo but as, you know, as ordinary individual." sinabi ko 'yon ng diretso ang tingin sa mata niya.
Hindi ko alam ang reaksyon niya. His face was blank of expression. I know, that's a ridiculous thing to say. Sinong gugustuhin ang ganoon kung nasa sa iyo na ang lahat?
But I was in the point in my life when I feel suffocated by the luxury around me. Then suddenly, I heard my calling. It is to help out and live the life I wanted. Dahil alam kong nandoon talaga ang kaligayahan ko.
Inubos lang ni Vince ang kape niya at saka tumayo na.
"Anong plano mo sa 'kin ngayong araw, Vince?"
Napatigil siya sa paglabas. "Just do whatever you want, go to wherever you want but… don't escape from your bodyguards and be sure to come back before six pm."
Iyon lang at lumabas na siya. That's it. I have my freedom for one day. Kalayaan na limitado pa din. I let out a deep sigh and drink up my coffee.
+++++++++++++++
Halos dalawang linggo na din ako dito sa hotel. Nalibot ko na ang kabuuan at nakita ko kung gaano kahusay si Vince sa pamamalakad sa lahat ng negosyo niya. Kumpleto sa facilities at amenities ang Fevrier Bridge Hotel. The hotel, with its sky high rates, offers the best of the bests.
Pero hindi ko kailangang magpakasawa sa lugar na 'to. Teritoryo 'to ni Vince. And thinking of him, sa loob ng dalawang linggo kong pananatili dito, tatlong beses ko pa lang siyang nakikita. He's often out of the country. Inaasikaso ang mga negosyo niya sa ibang bansa. At dahil dalawang linggo na nga akong nandito,sapat ng taning iyon para kontrolin ako ni Vince the Great.
I planned to compromise with him. Dahil alam kong hindi ko siya basta madadaan sa pangangatwiran at pakikipagtalo. I can't fight him through mind games, hindi ko siya matatalo doon.
Papunta na 'ko sa office niya nang makasalubong ko si Wendi, Vince's secretary. Nakita ko siyang umiiyak habang dala-dala ang mga gamit niya. I wanted to comfort her but she only gave me dagger looks and ran away, still crying.
Hindi ko alam kung bakit niya 'ko pinakitaan ng ganoon samantalang mabait naman siya sa akin sa ilang linggo kong pananatili dito. Pumasok ako sa opisina ni Vince at nakita ko siyang abala sa pagre-review ng kung anu-anong dokumento.
"Bakit umiiyak si Wendi, did you fire her?"
"Yes."
"But why? I can see na magaling siyang empleyado."
"This has got nothing to do with you, Ameri."
"Eh tinatanong ko lang naman."
Binaba niya ang mga binabasa niya at sumandal sa headrest ng swivel chair.
"Because she declared her love for me." balewala niyang sabi.
My jaws almost dropped. "Nagtapat siya sa 'yo kaya tinanggal mo siya sa trabaho? You're…. you're so cruel!" I exclaimed.
"I know."
"But why? Nang dahil doon lang?"
"Yes. Hindi ko hahayang maapektuhan ng nararamdaman niya ang trabaho niya. What's next? Habang nagbibigay ako ng instruction sa kanya, nakatunganga siya sa 'kin? Fantasizing things? At ano ang susunod pa? Mga bagay na maaring makaapekto sa operasyon ng kompanya? I won't let that happen because of one stupid feeling for me. I need my employees focused on their works. Don't worry I gave her a good monetary package she can use."
How could this man be so unfeeling?! He broke a girl's heart just like that! I wonder kung anu-anong pinagsasabi niya kay Wendi para umiyak siya ng ganoon lang.
"Employees focused on their works? You need robots!"
"Drop the topic, Ameri, why are you here?"
" Paano kung magtatapat din pala ako ng nararamdaman ko sa 'yo ngayon? Will you also break my heart?" hamon ko sa kanya.
I am pissed off because of his brutally frank attitude. At naaawa din ako kay Wendi. Sinong babaeng gugustuhing ma-basted ng isang lalake? At sa isang masaklap na paraan pa?
Vince is playing his pen in his hand and is looking at me intently. "Well, you better be good at your speech, honey, I might consider it."
"Over my dead body!" I said and marched out of the room.
++++++++++++++
It is my two weeks and two days in the hotel. Hindi ko pa ulit nakikita si Vince. Naglakad-lakad ako sa labas ng hotel. Pumunta sa malapit na mga malls at nakisabay sa mga taong tumatawid.
I don't know where my bodyguards are. Mga tanghali na 'ko nakabalik sa hotel.
Sa entrance ay nakita ko ang ilang may katandaan na mukhang mga magsasaka na pinipigilang pumasok ng dalawang gwardiya. Mga lima silang lahat. At mukhang galing pa sa malayong probinsya. Pinagmasdan ko sila hanggang sumuko sila sa pakikiusap at nagsimulang maglakad paalis.
Anger, defeat, and sadness are in their faces that I can't help myself but approach them. Nginitian ko sila nang mapansin nila ang paglapit ko.
"Magandang tanghali po, ano po bang kailangan ninyo?"
Nagpalitan sila ng tingin sa isa't isa. Parang pinag-iisipan pa kung ako ang taong tamang kausapin.
"Gusto lang naman sana naming makausap si Mr. Fierro, hija. Galing pa kaming Quezon, bukas ay sapilitan na kaming paalisin sa mga bahay namin at gusto sana naming pakiusapan si Mr. Fierro na pagbigyan pa kami para mabayaran namin siya. Pero napakahirap niyang hanapin at kausapin. Ni hindi kami papasukin ng mga gwardiya." Panimula ng pinakamatanda sa grupo na may punto pa.
Alam kong sensitibong bagay ang problema nila. At hindi ako dapat makialam. But my heart went out for these people. Niyaya ko silang kumain ng tanghalian. At matapos kong mabayadan ang bill, nagpaalaman kami sa isa't isa at dumiretso 'ko sa opisina ni Vince.
Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair at nanunuod ng afternoon news flash. He then turned off the TV when he knew my presence.
"What?"He asked.
"Nasa baba ang mga magsasaka ng lupang nabili mo sa Quezon."
"So?"He crossed his arms over his chest.
''Anong so ? Hindi mo ba sila haharapin man lang ? Ang layo ng pinanggalingan nila. Hindi ka ba naaawa sa kanila? Wait. That's so stupid of me to ask, wala ka nga palang pakiramdam.''
"You don't have anything to do with their problems, Ameri, leave that."
"How could you sit here while they're worrying over their lives?"
Tumayo siya at lumapit sa'kin.
"Napag-usapan na namin ang tungkol doon. Ilang taon ang binigay ko sa kanilang palugit. Now, I'm claiming what's mine and the only thing they needed to do is find somewhere to live."
"Ganoon lang kadali sa 'yo?They don't have money! You took advantage sa kaawa-awang kalagayan nila!"
"I did not. I'm just a businessman."
"A ruthless one!"
I saw something crossed his eyes. Is it hurt? Nah! Walang pakiramdam ang lalakeng 'to kahit anong sabihin ko sa kanya.
"Go to your room." He commanded coldly.
"Bakit hindi mo sila pagbigyan?" I asked him desperately.
"Dammit, Ameri! What's with you?Hindi mo kailangang maawa sa kanila. Your charitable side might cause you harm someday! Hindi mo matutulungan lahat ng tao! Don't look the whole world like it's a beautiful place to live in."
"I know. But you can! You're rich enough. Hindi mo kailangan ng kapirasong lupa lang. Marami silang pamilya na umaasa sa isang 'oo' mo lang!"
"Hindi mo kailangan tulungan ang lahat ng tao, Ameri. Kung gusto nilang umasenso, they must rely to their own selves."
"Pero kailangan din nila minsang tulungan para makapagsimula sila. Please ,Vince, please!"
Anong karapatan kong utusan siyang gawin iyon! Ni wala kaming relasyong dalawa. Ayoko sanang makiusap sa kanya, but the situation asks to. Gah! I just said please to the heartless man in the planet. I just can't believe that such kind of man really exists!
"You're so cruel, Vince! You're so cruel!"
"Sh*t! Don't cry!" at kinabig niya 'ko payakap sa kanya.
Hindi ko alam na naiyak na 'ko. I don't know why. Siguro dahil sa nararamdaman kong awa para sa mga taong nakausap ko. O sa nakikita kong katigasan ng loob ni Vince. O dahil alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko sa kanya. I just…don't know.
I felt him kissed my head and heaved a deep sigh. "I'm sorry, Ameri, I'm sorry for being myself." Bulong niya at inalis ang pagkakayakap sa'kin.
He walked out of the room.
That's it. The proud me said please, and the monster said sorry…
+++++++++++++
Napamulat ako nang maamoy ang pamilyar na bangong iyon. Vince.
Umupo ako at sumandal sa headboard ng queen size bed. Hindi ako nag-abalang buhayin ang lampshade sa tabi ko.
His silhouetted frame beside my bed is causing something in my system. Anong ginagawa ng lalakeng 'to sa kwarto ko sa ganitong dis-oras ng gabi? At bakit parang naiilang ako sa presensya niya? Madalas ko din naman siyang nakikita?
"H-Hindi dahil ikaw ang may-ari ng hotel na 'to ay may karapatan ka ng basta pumasok sa kwarto ng may kwarto."
"I just wanna watch you sleep." He whispered.
"Well, you need to buy tickets, Mr. Fierro, I'm sure you can afford naman, you're so rich di ba?"
"What's the sarcasm for, Ameri? Ikaw lang ang babaeng galit sa 'kin dahil mayaman ako."
"Maybe because of your heartlessness, ruthlessness, roughness, blah, blah, blah."
Hindi siya nagsalita. At kahit anino lang niya ang nakikita ko, sigurado akong tinitigan niya 'ko.
"Why did you pack your things?" tanong niya mayamaya at sinulyapan ang dalawa kong bagahe sa gilid ng kama.
"I'm leaving first hour in the morning."
Bago ako natulog kanina, napag-isip-isip ko na kailangan ko ng umuwi, sa ayaw at sa gusto niya. It will be better that way. Para hindi na namin pinapasakit ang ulo ng isa't isa.
"Akala ko ba gusto mo ng iwan ang buhay mo sa Texas?" he asked and tucked his hands in his pockets.
Naka-business suit pa din siya. Siguro kagagaling lang niya sa opisina niya. A typical businessman. Habang tulog na tulog ang buong mundo, gising pa din at nagtatrabaho.
"Why not? Hindi ko din naman makukuha ang gusto ko dito, lalo na sa poder mo."
"Ganoon ba ang dating ng ginagawa ko? I just want your safety, Ameri. Para na rin sa Lolo mo."
"Who needs your protection, Vince? Kaya ko naman ang sarili ko, wala lang kayong tiwala sa 'king lahat."
"How much do you value your freedom, Ameri?"
"So much that I will do everything just to have it."
"Everything?" tanong niya, parang tinitiyak kung sigurado ako sa sinabi ko.
"Yeah. Bakit mo naitanong?"
He shrugged his shoulders and started to head to the door.
"Why did you ask, Vince?"
Hindi siya sumagot. "Sleep tight, honey." Iyon lang at tuluyan ng lumabas sa kwarto.
+++++++++++++++
Nasa rooftop kami ng Fevrier Bridge Hotel, may hangar doon kung saan makikita ang isang chopper. I'm ready to leave.
Ang chopper ang gagamitin namin para makarating sa airport. Gusto ko sanang mag-taxi na lang pero sinabi ni Vince eh. At syempre, walang makakasuway kay Haring Vince. Pero sisiguruhin kong iyon na ang huling pagkakataon na siya ang masusunod.
Mula sa pagche-check ng chopper ay lumapit siya sa' kin. He's wearing a gray T-shirt under his black leather jacket and denim jeans. Sa tangkad at tindig niya, mas mukha siyang modelo kesa negosyante.
Inalalayan niya 'ko para makaupo sa loob ng chopper.
"Paano ang mga maleta ko?"
"Don't worry about them, hindi 'yan mawawala diyan."
Bakit kailangan kong iwan ang mga bagahe ko?
"Where's your pilot, Vince?" nagtaka 'ko nang mapansin kong kami lang dalawa ang nasa chopper.
"He's on leave. I' m flying this piece." umupo siya sa unahan.
I was surprised. Hindi ko alam na kaya niya ding mag-piloto. Ang alam ko lang ay bukod sa pagmamaneho ng kotse at motorbike, kaya niya ding magpatakbo ng yate. In line sa sea transportation ang negosyo niya sa ibang bansa. May-ari siya ng isa sa mga pinaksikat na Cruise Liner sa Caribbean. Pero ano pa nga ba? He is Vince Laurel Fierro.
"Are you alright?" he asked through the mic in his headphone.
"Yes." Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ako takot sa heights, kulang lang talaga ako sa tulog. Hindi na kasi ulit ako inantok nang lumabas si Vince sa kwarto ko kagabi.
Hindi ko namalayang nakatulog ako. Tiningnan ko ang wristwatch ko and it said 9:00am. Halos isang oras at kalahati din akong naka-idlip. Alas nwebe na ng umaga…at 8:30 ang flight ko?!
Bakit hindi ako ginising ni Vince. Mabilis akong bumaba sa chopper. And I was shocked when I saw the place. Hindi 'to ang airport.
Puro green… Sa kalayuan ay nakikita ko pa ang dagat. Malawak na taniman ng kape, rancho at walang katapusang gubat na pagkatapos noon. Nag-land ang chopper sa isang parang building kaya kitang-kita ko ang buong paligid.
I am sure I'm on the countryside. Pero bakit? Nakita ko si Vince na nakasandal sa railings ng rooftop/hangar na kinaroroonan namin.
"W-Where are we?"
"Quezon Province."
"W-Why?"
"Halika sa baba, marami ang naghihintay sa' tin."
Pumasok kami sa elevator. Glass ang door frame ng elevator kaya kitang kita ko ang mga palapag na dinadaanan namin.
It's a house. No, a mansion. Apat na palapag na mansion. At halatang under construction pa. Wala pang pintura, wallpaper, tiles at kahit anong gamit. Maski ang nakita kong grand staircase ay hindi pa din tapos. Elevator pa lang ang maayos. Pero sigurado 'ko na napakaganda ng buong bahay na 'to kapag natapos.
I stole a glance at the man beside me.
Ang dami na niyang mansion sa iba't ibang bansa. Wala naman yatang nakatira. They're worth millions. Ang mga ganitong bahay niya ang maiinit sa mata ng media. Pero lagi na lang silang nabibigo na mai-feature man lang kahit isang bahay niya. Lalo na ang personal niyang buhay. Nobody knew about Vince Laurel Fierro's life. Sa pagiging magaling na batang negosyante lang siya kilala. And of course, as one hot bachelor in town.
May balak kaya siyang mag-asawa? Or he will end up alone for the rest of his life, with only his wealth as his pillow?
Nakarating kami sa first floor. Nagtaka ako ng makita ko ang maraming tao. Nakita ko din ang mga magsasakang nakausap ko kahapon. May mga babae pang karga-karga pa ang mga anak nila. Mas lalong naging mukhang tensyonado ang lahat nang makita nila si Vince.
Ngayon nga pala silang nakatakdang palayasin. Pero bakit sinama niya pa 'ko dito?
Napansin ko ang isang ginang na napahagulhol ng iyak nang tumayo si Vince sa harapan ng lahat. Blangko naman ang mukha niya.
Parang gusto ko uling mainis sa kanya. Nakita lang siya ng mga tao, bumigat na ang atmosphere at may umiyak pa. Paano kaya kung magsalita pa siya. I can't blame this man. Kung makatayo siya ay 'kala mo pag-aari niya ang mundo. And that air around him is not because of his wealth. Ewan. Kahit siguro hindi siya mayaman, nasa kanya pa din ang dating na parang kailangan mo siyang igalang at… katakutan.
Nasa gilid lang ako. Nginitian ko ang mga matatandang bumati sa 'kin na nakaalala sa'kin kahapon.
Kinakabahan din ako para sa kanila. Sinong gugustuhing mapalayas sa tirahan mo kung doon ka na nagkapamilya at tumanda? Kahit pa nga sabihing ang mga taong iyon ang nag-squat sa lupang binili ni Vince. At nasa lalakeng 'to ang lahat ng karapatan para gawin ang gusto niyang gawin sa lupa niya.
"Tapos na ang dalawang taon kong binigay sa inyo…" panimula niya.
That's so nice of him. Hndi man lang nagmagandang umaga. Pakiramdam ko walang humihinga sa lahat ng tao.
"At ngayon… Pinapayagan ko ng manatili kayo. Ang lupang nabili ko ay sakop pa ang baryong tinitirhan niyo, but I'm allowing you to stay. Hindi ko na din papalitan ang mga trabahador sa taniman ng kape."
Hindi inintindi ni Vince ang mga taong nagpapasalamat sa kanya, nagsimula siyang maglakad paalis at dumiretso sa elevator.
Totoo ba 'yon? Anong nakain niya?
Nilapitan ako ng mga matatanda at abut—abot ang pasasalamat nila sa' kin. Nginitian ko lang sila kahit wala akong kaide-ideya kung bakit ginawa iyon ng lalakeng iyon. Well, masaya ako para sa kanila. Mayamaya ay nagpaalam na ���ko sa kanila at sinundan si Vince sa rooftop.
Naabutan ko siya sa tabi ng chopper, nakatanaw sa rancho sa baba.
"Bakit mo ginawa 'yon Vince?"
"Why did you ask? Hindi ka ba masaya?"
"Masaya. Gusto ko lang malaman kung… bakit."
Humarap siya sakin. "I did that to see that look in your face, Ameri."
"H-huh?"
"Hahayaan ko silang manatili sa hacienda, hindi ko rin papalitan ang mga trabahador sa rancho at taniman ng kape, gaya ng sinabi ko kanina. And I will also give their family jobs. At… 20% ng kinikita ng lahat ng kompanya ko ay ibibigay ko sa mga charitable institutions. What do you think?"
I was speechless. Gagawin niya 'yon? Twenty percent? That's so handsome amount of money. At hindi lang dalawang kompanya ang pag-aari niya kundi marami!
"W-Why will you do that?"
"Because of you."
"Ako?"
"Yeah. Pero huwag mong isipin na dahil gagawin ko iyon ay hindi na ako ang tinatawag mong ruthless, rough, heartless Vince Fierro, Ameri. I'm a businessman, honey. Lahat ng gagawin ko, may kapalit. And it is you."
"Bakit ako?"
Anong iniisip ng lalakeng 'to?
"Dahil ikaw ang nakiusap sa 'kin."
"Pero.."
Gah! Kailan ko sinugal ang sarili ko para bumagsak sa sa kamay ng lalakeng 'to? At anong balak niyang gawin sa 'kin bilang 'kapalit' ng mga sinasabi iya.
"It's blackmail!"
"It's not. It's a good offer."
"How dare you! You're right, hindi dahil gagawin mo 'yon ay ibig sabihin niyon ay nagbago ka na!"
Huminga ako nang malalim. Bakit ba lage na lang akong nasosorpresa sa mga ginagawa niya. At lage na lang niyang sinasagad ang pasensya ko.
"Anong ibig mong sabihin na ako ang kapalit, ha?"
"Very simple, honey. You'll just have to be my wife."
"What?!"
"You heard it, Ameri."
Maging asawa niya? Iyon ang kahuli-hulihang bagay na maiisip kong mangyayari sa'kin!
"Bakit? In… in love ka ba sa'kin?" No, I can't imagine!
"For me, feelings have got nothing to do with marriage. I have my reasons why. "
"Damn you! Bakit kailangang may kapalit pa bago ka tumulong sa iba?"
"Sinong may sabi sa 'yong tumutulong ako? Pwede rin naman 'wag mong tanggapin, Ameri, kalimutan nating hindi ko sinabi 'yon. Babawiin ko na lang ang sinabi ko sa kanila. Hindi pa naman sila siguro nakakaalis." At nagsimula iyang maglakad papuntang elevator.
"You are blackmailing me! Damn you!"
"I did not. Now, take it or leave it?"
"Do I have a damn choice?"
"Yes. May choice ka, you'll be mine and many people will be happy or you don't accept the offer at walang magbabago.'''
Oo, meron nga akong choice, pero kapag tumanggi ako, hindi ko din matatanggap na mangyari ang ganoon sa mga taong hindi magkaintindihan sa kaligayahan kanina nang malaman ang pagbabago ng desisyon ni Vince. That will break my heart so much.
Huminga ako nang malalim. Hindi kailangang mawalan ng composure ang isang Ameri Dea Montojeo dahil lang sa isang halimaw na Vince Fierro.
"Do you really think that my offer is that really bad? Accept it, Ameri and I'll give you your freedom hanggat hindi pa tayo naikakasal."
Napatingala ako dahil sa sinabi niya. I frowned my forehead. "Anong ibig mong sabihin?"
"I'll give you a year para magawa mo ang gusto mong gawin sa sa buhay bago ko itakda ang kasal natin."
My freedom. Kung tatanggihan ko ang alok niya, ang mga tao sa hacienda ang magsa-suffer. At babalik ako saTexas, back to my boring, suffocating luxurious life as an heiress.
At kung tatanggapin ko naman, I will have a year to live my own. Sapat na panahon para magawa ko ang gusto ko. At maraming tao ang makikinabang. Then I'll end up marrying him in one year time.
And marrying him is not a bad idea. Magkaibang-magkaiba kami. We won't fit to each other. At sinong makakapagsabi na baka bago matapos ang isang taon ay baka si Vince na mismo ang tumangging magpakasal sa 'kin? At kung hindi man mangyayari 'yun, sisiguraduhin ko na makakagawa ako ng paraan para walang kasalang mangyari.
"Make it two years, Vince." utos ko sa kanya. Hindi lang naman siya ang may karapatang magsabi ng kasunduan. I also had the right since I am the one involved.
"Okay."
"So that's it. My two years freedom at tutuparin mo din ang mga sinabi mo."
"Your two years freedom plus two bodyguards."
"What?!"
"Easy, Ameri. That's only for your safety. Hindi ka nila pakekelaman. At hindi nila kailangang mag-report sa'kin kada oras. Just for your safety."
Boyguards again. Sabagay, sa dalawampu't dalawang taon kong nabubuhay kasama ang mga bodyguards, natuto na 'kong deadma-hin sila sa paligid.
"Ok, siguraduhin mo lang."
"Sure. Do you want to have a contract for all of that?"
"No, I believe your words."
Kung may bagay man akong hinahangaan kay Vince, iyon ay ang pagtupad niya sa mga sinasabi niya.
Inilahad ko ang isa kong kamay sa kanya, tinanggap naman niya iyon. Our eyes met. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Basta ako, masaya 'ko dahil sa excitement para sa dalawang taon.
"Can I kiss my fiancee?"
He didn't give me the chance to say something and pulled my waist and.. Kiss me.
I can't explain what's in this kiss. Nablangko ang utak ko. Mas matindi pa ang nararamdaman ko kesa nang makita ko siya kagabi…
I responded to his kiss. Our lips seemed to search for something we do not both know. Odd. Parang matagal na naming ginagawa 'to. Nilapat ko ang dalawa kong kamay sa dibdib niya at mas lalo naman niya 'kong hinapit. I'm drowning. Ito ang tinatawag na masarap na pagkalunod. Ayokong matapos…
And when the kiss ended, I buried my face on his chest. We are both catching our breath. For minutes, we stood there, holding each other.
Parang nakalimutan ko ang dalawang taong pinag-usapan namin, ang kasunduan. What only mattered to me is this very moment, this moment with him…
Present
Minulat ko ang mga mata ko. Baga na lang ang nasa fireplace. Brownout pa yata. Malakas pa din ang ulan sa labas. It's seven in the evening.
Hinanap ko si Vince. Nakita ko siyang natutulog sa kabilang dulo ng sofa. Si Fiery naman ay nasa paanan niya. Nagtaas lang ng tenga ang aso nang maramdaman niyang nagising ako at saka bumalik na ulit sa pagkakatulog.
Tumayo ako at napansin ko ang pagkahulog ng blanket. Dinampot ko iyon at ikinumot ko sa natutulog na si Vince. Gusto ko sana siyang gisingin para maghapunan pero mukhang pagod na pagod siya.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. I had the chance to see his handsome face this near. Ang bait ng mukha niya habang tulog.
Nilaru-laro ng daliri ko ang mahaba niyang pilik. Mata talaga ang asset niya. Dark deep set eyes. At nakadagdag pa ang paraan ng pagtingin niya. Matangos na ilong. Na parang gugustuhin mong paglandasin ang daliri mo sa bridge ng ilong niya. And his sensual lips… Gah! Parang nararamdaman ko ulit ang nagyaring halik sa 'min two years ago.
Haay... Tapos na ang dalawang taon. At nitong nakalipas na mga buwan, nagkaroon ako ng dahilan para hindi gustuhing magpakasal sa kanya.
Umupo ako at niyakap ko si Fiery. Gusto ko sanang si Vince ang yakapin imbes na ang asong niregalo niya sa 'kin noong isang taon. But I know I must not try.
Fear consumed me. Natatakot ako para sa darating na araw. Handa na sana 'ko para sa mga mangyayari, at habang tinitingala ko ang mapayapang mukha ni Vince, nahiling ko na sana, isang taon na lang ang hiningi kong kalayaan.
So I will have all the time in the world to do what I really wanted. And it is to… I looked again to Vince's face. I sighed. Huwag ko na nga lang isipin.