Ameri's POV
Kinuha ko ang tasa ng tinimpla kong kape at sumandal sa pintuan ng kusina. I sipped my coffee. Hmn… Hot… Yummy…
Pero hindi ang kapeng 'to ang tinutukoy ko. Kundi ang isang nilalang na nagsisibak ng kahoy sa bakuran ko.
He's naked from top to waist. Nakapantalong maong lang siya at walang sapin sa paa. Nakadagdag pa lalo sa magandang view ang pang umagang sikat ng araw na tumatama sa katawan niya. Oh my heart...
I suddenly felt the urge to wipe his sweat and run my fingers to his stomach. At ang mga muscles at abs na nagkikislutan kapag tinataas niya ang palakol na hawak. Hay... Ang agang kalandian.
Parang nawalan ng init ang kape kaya napabilis ang paghigop ko. Well, it's not everyday na makakakita ako ng isang Greek God na gumagawa ng gawaing bahay.
"Pinakelaman ko na ang kitchen mo, I cooked breakfast." Sabi niya habang sinasalansan ang mga kahoy.
"Okay lang. Nag-almusal ka na ba?"
Ako tapos na, that sexy body of yours is better than bacon, sausages and bread.
"You go first, mag-iigib muna 'ko." at kinuha niya ang dalawang timba na malapit sa laundry area.
Gah! Kalimutan muna ang totoong almusal, may isa pang eksena.
Sumunod ako sa kanya sa likod-bahay. Nakita ko siyang balewalang tinutungga ang poso ng isang kamay lang.
Psh! Samantalang kapag ako ang nag-iigib, kailangan ko pang ubusin ang buong lakas ko para maka-isang timba ng tubig. Bakit pa ba 'ko magtataka? He's a man… and a very strong one…
"What?" sita niya sa'kin.
"Bakit ka ba nag-iigib? Ikaw ang bisita dito tapos ikaw ang gumagawa niyan. Halika, sumabay ka na sa'kin sa almusal."
"It's okay, mag-almusal ka na."
"Uhmn, mamaya na lang din." umupo ako sa bangkito, ipinatong ang mga siko ko sa tuhod ko at nangalumbaba at walang habas na pinagmasdan siya.
Wala naman talagang dahilan para mag-igib. Nadito na talaga ang poso nang mabili ko 'tong bahay. May linya naman ng tubig dito. Pero hindi ko alam kung alam niya 'yon. Baka naman… nagpapasikat lang siya sa'kin? But it's okay, I 'm enjoying it naman. *Giggles
"Why?" he gave me that weird look.
"H-huh?" (?_?)
"Bakit ka bumubungisngis dyan? I said go inside and have breakfast."
"Ang sabi ko ay mamaya na di ba? At saka… tinitingnan ko kung... tama ang ginagawa mo…" Wala akong maisip na ibang dahilan.
He gave me that weird look again and raised a brow. 'Cant blame him, maski ako hindi naniniwala sa dahilan ko.
Hay… Makapamboso lang….
"Anong magiging mali ko sa ginagawa ko? I did this chore one-fourth of my life."
Hanu daw?
"What do you mean?"
Inalis niya ang napunong timba at sinahod ang isa pa. He didn't answer. Tahimik lang siyang nagtutungga sa poso habang nakatingin sa 'kin.
"Anong ibig mong sabihin, Vince?"
Hobby ba niya ang pag-iigib?
"I didn't come from a rich clan, Ameri. At ang pag-iigib ay isa lamang sa mga gawaing dapat kong matutunan noong bata pa 'ko."
He said that, not breaking the contact. Parang gusto niyang makita kung anong magiging reaction ko.
Well, I am surprised for his little revelation. And admire him as well, dahil kung hindi siya galing sa mayamang pamilya, sarili niyang puhunan ang ginamit niya para kilalaning isa sa magagaling na negosyante sa bansa.
"That's a first, Vince. Tell me more about yourself."
"What to tell?"
"About your past. Mainit sa mata ng media ang pagiging misteryoso mo. And I admit, wala pa din akong masyadong alam tungkol sa 'yo."
"I had a boring past. And there's nothing more to tell, honey. I am just this ruthless, heartless and rough bastard."
And again, I am surprised. Dalawang taon na nang sabihin ko iyon sa kanya. Nasaktan ba siya sa mga sinabi ko sa kanya dati para matandaan pa rin niya iyon hanggang ngayon?
''You still remembered those words… I'm sorry hindi kita dapat j-in-udge.''
"No harm has done, Ameri. I just have this sharp memory when it comes to things about you."
"Anong ibig mong sabihin?
"Nothing."
"Tss!"
"Pumasok ka na sa loob."
Ayoko pa nga sabi eh. Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan at nagulat na lang ako nang bigla niyang ibuhos ang kalahating timbang tubig sa buong katawan niya. Ohma !
"H-Hey. A-anong ginagawa mo ?''
Napalunok ako ng wala sa oras. Gah ! Live show?
''What do you think?" Nagbuhos na naman siya ng tubig.
Napasandal ako sa dingding ng bahay. Para 'kong gaga, bakit ako umaatras? Hindi naman siya nalapit sa'kin ah ?
''B-Bakit ka sa poso nanliligo ?''
''Will you allow me to your own bathroom? If you'll excuse me, I want to take a bath... privately." tumalikod siya sa 'kin at nakapag-produce agad siya ng sabon at shampoo.
The nerve of this man! Sa tono niya ay parang pinapalabas niyang spectator ako sa ginagawa niya. Pero... totoo naman nga.
''Oy ! Ikaw diyan ang basta na lang nanligo sa harapan ko!''
Bahagya niya 'kong nilingon. " Kaya nga kita pinapapasok sa loob di ba?"
Hindi ako nakaimik. Oo nga pala. Ugh! Hindi na kailangang pumasok sa loob at mag-almusal! Nabasa na ang buong pantalon niya at balewala niyang kinukuskos ng sabon ang dibdib niya. Kahit nakatalikod pa rin siya sa 'kin ay hindi nabawasan ang kagandahan ng view. Pakiramdam ko hindi ako kumukurap.
Teka... Komportable bang manligo ng naka-pantalon? Hindi ba dapat… Ugh! Erase! Erase! Erase! Gah! Ganito na ba 'kong katagal sa gitna ng gubat at ganito na lang ang reaksyon ko nang makita ko si Vince na... half-naked, wet all over, with bubbles….
Parang slow motion ang kilos niya sa paningin ko. Parang nasaksihan ko lahat ng pagtulo ng tubig sa katawan niya, ang tilamsik ng tubig, ang mga bula…
"Aaaah!" Naramdaman kong may tumalsik na tubig sa mukha ko.
Winisikan niya 'ko!
"Like what you see?" he teased.
Kitang-kita niya ang pagtunganga ko sa kanya! Napatayo ako. "Yabang mo ah!"
"I'm just asking you, Ameri."
Ugh! Hello?! Hindi ba niya alam ang mga assets niya? Pero nunca kong aaminin sa kanya. Naglakad ako papasok sa pinto ng kusina pero nilingon ko ulit siya. Nakatingin pa din siya sa'kin, walang emosyon ang mga mata at… nahigit ko ang hininga ko.
He's unsnapping the button of his jeans!
Parang gusto kong bumalik sa pwesto ko kanina ah!
"Go inside, Ameri. I'm a very conservative man, you know. Pwera na lang kung ikaw mismo ang magyayaya sa 'king bumalik sa Manila and marry me in haste. Then you will have all the right in the world." Makahulugan niyang sabi.
At hindi ako isinilang kahapon para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Ugh! Conservative your face!"
Ganoon ba kalahata ang pagnanasa ko sa kanya?! Damn him! Siya 'tong nang-seduce eh!
+++++++++++++++
"Oy, tabi dyan." Taboy ko kay Vince na nakasandal sa motor ko.
"Give me the key. I'm coming with you."
"What?!"
Tss!
May magagawa pa ba 'ko? Kelan ko ba siya napigilan? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Today, the city will be seeing this goddamn action star. Naka-leather jacket siya na dark blue na pinatong sa gray T–shirt at denim jeans.
"Teka, saan ka nga pala kumuha ng mga damit mo?"
Wala naman akong nakitang dala niya kahapon ah.
"Pinasunod ko kina Epin kaninang umaga. I know how stubborn you are so... I guess I gotta be prepared na hindi ka ganoon kadaling sasama sa 'kin, ayt?" sumampa siya sa motor at kinuha sa kamay ko ang susi.
So, plano niya na talagang hindi umalis sa bahay ko kung hindi ako sasama sa kanya nang maayos?
"At balak mong sumama sa pupuntahan ko ngayon, ganoon?"
"Yes. And besides, pinagbakasyon ko muna sina Tomas at Epin so I'll be your bodyguard. 'Wag kang mag-alala, ngayong araw lang na 'to, tomorrow, we'll fly back to my office. Kaya mag-resign ka na at magpaalam sa mga kakilala mo dito. Or…gusto mong ako na ang bahala doon?"
"No, I'll take care of that." Nayayamot kong sabi sa kanya.
Tsk! Kainis ! Naunahan na naman niya 'ko.
"Are you thinking na tatakasan kita, Vince?"
"Looking at those mischievous eyes of yours? Yes."
"Hindi naman kita tatakasan! A deal is a deal."
"Easy, Ameri. Wala 'ko sa mood na makipagtalo sa'yo. You asked me and I said yes." He sighed at siya na ang nagsuot ng helmet sa'kin. "Sampa na."
Ginawa ko nga ang sinabi niya. This is the first time na makakaangkas ako sa likod niya.
"Ahm….s-saan kita h-hahawakan?" mahina kong tanong sa kanya. Bakit kailangan kong mag-s-stammer kapag malapit siya sa 'kin?
"What?"
"Uhmn…sabi ko kung saan kita hahawakan?"
"Anywhere you want." He laughed amusedly.
Anong nakakatawa sa tanong ko? Malay ko ba kung may kiliti pala siya sa balikat? Hindi pa 'ko nakakapag-decide kung saan ako hahawak nang pinatakbo na niya ang motorsiklo. Napayakap tuloy ako sa kanya.
Haay…automatic ang kamay ko, diretso sa abs niya.
"Teka, alam mo ba kung saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"It's your schedule today to go to the Laughing Hearts foundation."
"Paano mo nalaman? Akala ko ba hindi nagrereport sina Epin sa 'yo sa loob ng dalawang taon?"
"They did not. Nakalagay sa kalendaryo mo."
"Ah…"
Tama lang ang pagpapatakbo niya. Pero kung ako siguro ang nagda-drive, malamang malapit na kami sa bukana ng Foundation. I like fast cars,lihim na sumasali din ako dati sa karera noong teenager pa 'ko.
Ngayon, hindi ko na 'yon magagawa kahit bumalik pa 'ko sa Texas. Dahil malapit na nga pala 'kong ikasal... sa lalakeng 'to.
Mayamaya ay pumarada na kami sa tapat ng Foundation. Hindi ko na siya hinitay bumaba, naglakad ako papasok. Kahit naman pigilan ko siyang pumasok ay alam kong makakapasok pa din siya kung gusto niya.
"Ano pang ginagawa mo dito, aber?" nakataas-kilay na salubong sa 'kin ng isa kong co-volunteer. Nginitian ko lang siya at nilagpasan na, lage namang ganyan ang salubong nila sa'kin.
But something's odd today. Ang daming volunteers na wala sa kanilang assigned areas. May kanya-kanya silang grupo at puro nagkukwentuhan lang. Nasa playground ang mga bata, lahat naglalaro. What's happening?
Gusto ko sanang magtanong sa kanila pero hindi rin naman ako makakakuha ng matinong sagot lalo pa nga't narinig kong ako ang pinagtsi-tsismisan nila.
Lumabas na lang ako sa building at tinipon ang mga bata. This is my last day here and I wanna spend it with those little angels.
Nang makita nila ako ay lumapit agad sila sa'kin. Tuwang-tuwa din sila. May mga maliliit pang bata na yumakap sa binti ko. And that was enough to make my day. Umupo kami sa ilalim ng puno malapit sa parking area.
Tsk! Mali pala ang pwesto namin. Dahil ilang dipa lang ang layo sa 'min ni Vince na nakasandal sa motorsiklo.
He's looking at my way. Bodyguard na bodyguard ang dating!
Bakit naman dati, kahit isang batalyon ang bodyguard ko ay hindi ako naiilang kung may sumusubaybay sa mga kilos ko? But then again, I know. Cause it is Vince this time. That was enough answer.
Sinimulan kong magkwento sa mga bata. I tried hard to ignore his presence. Beauty and the Beast ang kinwento ko sa kanila. At pagkatapos ay bibigyan ko sila ng activity para mas maintindihan nila.
Ganito lang lage ang ginagawa ko dito, pero kahit dalawang oras lang ako dito, ito pa rin ang bumubuo ng linggo ko sa loob ng dalawang taon.
May allowance na binibigay sa mga volunteer. Ayoko sanang tanggapin kaya iniipon ko na lang at pinambibili ko ng mga regalo para sa mga bata kapag may importanteng okasyon katulad ng birthday o Christmas. And thinking about Christmas, malapit na nga pala. Tatlong linggo na lang.
"Okay mga bata, punta na kayo sa dining hall para makapagmeryenda na kayo."
Niligpit ko ang mga libro at illustrations na ginamit ko. Tiningnan ko sila nang maramdaman kong hindi sila kumilos para pumunta sa dining hall.
"Bakit mga bata? Hindi pa ba kayo nagugutom? Merienda time na di ba?"
"Eh… Miss Ameri…sabi ng mga teachers namin ay hapunan na daw ang sunod naming pagkain." Sabi ni Bert, ang pinakamatanda sa grupo.
Bakit naman? Kung ako nga na mas matanda kesa sa kanila ay nagugutom na din, ano pa kaya 'tong mga batang 'to na maliliit pa at kailangan ng sapat na pagkain?
Kahit hindi kalakihan at hindi rin marami ang sponsors ng Foundation ay ngayon lang naman nangyari na nagtitipid sila sukdulang hindi pakainin ng limang beses ang mga bata.
Tiningnan ko ulit sila. Halata sa mga mukha nila na gutom na din naman sila. Galing sila sa paglalaro at idagdag pang napakainit ng panahon.
"Sige, hintayin ninyo ko dito ha? Saglit lang ako."
Iniwan ko muna sila at naglakad papunta sa opisina ng pinaka-head ng Foundation. Nasa hallway pa lang ako nang makasalubong ko si Mrs. Cynthia, ang pinakanamumuno sa kitchen.
"Mrs. Cynthia, bakit sabi po ng mga bata ay wala daw merienda para sa kanila?"
"Tama. Dahil naghihigpit ng sinturon ang LHF, hindi mo ba nakikita ang ilan sa mga co-volunteers mo na nagaalisan na? Dahil wala na ding maibigay na allowance sa kanila. Marami sa mga sponsors na matagal ng hindi sumusuporta. Siguro dahil malayo pa nga naman ang eleksyon, hay buhay…"
Nilagpasan niya 'ko habang may sinasabi pa din siya na kung ano. Tumuloy ako sa opisina ng pinaka-Presidente ng Foundation at natiyak ko nga ang sinabi ni Mrs. Cynthia.
I feel sad. Nakakaawa naman ang mga bata. Wala na ngang kumupkop sa kanila tapos ganito pa ang mangyayare sa tinitirhan nila. Baka din daw ilipat ang ibang mga bata sa mga Foundation na kayang sumuporta ng maraming bata.
Mahirap iyon para sa kanila. Panibagong adjustments. At paglayo din sa nabuo na nilang identity dito. Life is so unfair. Ano sila? Mga tutang pwedeng ipamigay sa iba't ibang bahay? And how about the friendship they have built?
Lumabas ako sa opisina at bumalik sa playground. At nagulat ako nang makita ko na masayang kumakain ang mga bata. Foods are everywhere. Nakita ko ang mga styro na may tatak ng isang mamahaling restaurant sa bayan.
And my eyes landed to the man at the parking. And from where I am standing, I can't understand the mixed emotions in his eyes.
Sa halip na lumapit sa mga bata ay sa parking ako dumiretso. Tutal tapos na naman ang oras ko dito.
Lumapit ako sa tabi ni Vince. ''You did that.'' That was more of a confirmation than a question.
"What?"
"You ordered those food. Why?"
"Bakit mo tinatanong? Tapos ka na di ba? Tara ng umuwi." Sumampa siya sa motor at nirebolusyon iyon.
Hindi na siya ulit nagsalita at sampung minuto lang ay nasa bahay na kami.
Kahit ano pa ang dahilan niya, masaya 'ko. Sigurado 'ko na siya ang gumawa non. Sino pa ba sa Foundation ang magpapa-order ng sangkaterbang pagkain ng ganoon kabilis?
With Vince money and connections, everything's possible.
Akala ko aalis ako sa Foundation nang hindi ko nakikitang masaya ang mga bata. Hindi na 'ko nagpaalam sa kanila. Saka na 'ko babalik sa bayang 'to. Papayagan naman siguro 'ko ni Vince.
Saka na 'ko magpapaalam sa lahat-lahat ng taong naging bahagi ng buhay ko kapag… oras ko na talagang umalis...
+++++++++++++++
"Bakit mo i-sponsor-an ang LHF?" tanong ko kay Vince na katapat ko sa lamesa. Naghahapunan kami at kahit masaya 'ko sa gagawin niya, hindi ko mapigilang tanungin siya kung bakit.
He just look at me and continue eating.
"I heard you talking to your secretary."
Tatawagin ko na sana siya para sabay na kaming maghapunan pero hindi ko sinasadyang narinig ko siyang nagbibigay ng mga instructions sa secretary niya at iyon nga ay ang pagtulong sa Laughing Hearts.
"Why ask me?" tanong niya.
"Bakit ba kailangan mo pa lageng itanong kung bakit kita tinatanong?" I pouted my lips.
Habit niya na talaga 'yon. Tapos sasabayan niya pang titig na parang binabasa kung anong nasa isip ko.
"I did that just to see you happy, satisfied?"
"Tss!" Ewan ko kung maniniwala ako sa kanya. "Sinabi mo na rin yan dati noong nasa Quezon tayo. At ang deal ang naging kasunod."
"Why don't believe me?"
"I know you, Vince. You're a businessman at sabi mo, hindi ka gumagawa ng mga bagay ng walang kapalit. I'm wondering what it is this time."
"Nothing. Walang kapalit. Ituloy mo na ang pagkain mo."utos niya sakin.
Wala daw eh di wala. Itinuloy ko nga ang pagkain ko. At ilang minuto na ang lumilipas nang mapansin kong tapos na siya at pinagmamasdan lang niya 'ko.
I felt uneasy. Wala naman siguro 'kong dumi sa mukha?
"I-it's rude to stare, you know."
"I'm just watching you and I don't see something rude with that. Bakit kanina sa poso.. tinitingnan mo din ako?"
"Hindi no!"
Gah! Pinaalala pa! Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko.
"Easy, Ameri. No need to shout and... blush."
Naman! Inirapan ko siya at binilisan ko ang pagkain ko.
Siya na ang nagligpit nang matapos ako. Siya na din ang nagprisinta na maghugas ng mga pinggan. Gusto ko sana siyang samahan pero baka sabihin niya ay tinitingnan ko na naman siya.
Lalabas na sana 'ko sa kusina nang tawagin niya 'ko.
"What?"
"Prepare yourself for the following days, Ameri. Dahil tititigan kita ng buong isang araw kung gusto ko." iyon lang at tumalikod na siya para asikasuhin ang mga pinggan.
And what did he mean by that?!