NOPI Chapter 1: EXCHANGE STUDENT

NOPI CHAPTER 1

Chapter 1

Sephine's POV

"Nasaan na 'yong assignment? Hurry na. Malapit nang dumating si Sir Rodrigo" sabay lahad ng kamay sa akin ni Clarisse, one of the usual bullies in my school

"Opo, opo. Nandito na po. Antay lang" sagot ko saka kinuha ang notebook niya

Assignment 'to at pairing ang napag-usapan kaya naman wala akong magawa kundi ang gawin nalang ang assignment kahit na wala man lang siyang na-ambag.

"Dapat lang, give me na. Dapat ako ang magpasa, Who knows whether you'd be tempted to betray me or something" aniya kaya binigay ko na 'yong notebook at kinuha niya naman kaagad

"By the way, 'wag ka ngang mag- po kasi kung tutuusin mas matanda ka pang tignan kaysa sa akin" dagdag niya saka ako nginisian

Nagtawanan naman sila ng mga alipores niya habang naglalakad pero ng makalayo na sila sa akin ay napairap na ako't umiling iling nalang.

Hay! Naman oh, alam niya ba 'yung word na common sense? Halata naman sa sinabi ko na sarcasm 'yun eh.

Nagising ako sa pagde-daydream ng nakaramdaman nanaman ako ng mga papel na tinatapon sa akin, hays, mga walang trip talaga ang mga taong 'to. Nakakasawa na!

Natigilan naman ako kaagad sa naisip ko saka natawa. Half a year na rin na akong pinagtri-tripan ng mga 'to, ngayon pa ba ako magsasawa? Ridiculous.

"She's laughing by herself again, guys"

"I hear loneliness can make someone crazy. Is she mad?"

"What's so surprising about that? It happens everytime"

Whatever. Matagal na rin naman akong baliw sa mga mata niyo.

Umupo ako sa chair ko at ipinatong ang aking bag sa katabi kong upuan.

You know why? Kasi walang may gustong tumabi sa isang nerd.

Pero during examination time, marami ang tatabi kasi mangongopya lang naman sila.

I'm Corazon Josephine C. Falcon. Pero now, everyone knows me by the name Sephine Cruz. I'm 17 years old, 2nd year college student, known as the 'Nerdy Queen' because of my consecutive wins in many different competitions regarding Academics. I'm studying at The School for the Elite pero for short, everyone calls it 'The Elite School'.

The Elite School is the number one most prestigious school in the country, and it's the only private school in the northern province. And when I say it's the only private school in the northern province, it means that all kinds of rich families' children are all studying here. Good or bad students alike. May it be spoiled and bratty second generation rich kids.

"Good morning class!" bati ni Sir at wala man lang sumagot kundi ako at 'yung iba pang mga nerds kaya naman napangiti na lang si Sir sa akin

Lima lang kaming mga nerd dito at isipin mo nga 'yon. 30 students each section ng BS Business Administration Major in Marketing Management. And there are more than 10 sections.

To be frank, hindi pa rin talaga sila nagbabago.

Mga naging classmates ko ang iba sa kanila nung high school pa kami eh. Madisiplina naman but most of us are really disrespectful specially when it comes to the teachers

Actually, sa half a year na magkasama kami ay nakapagpaiyak na sila ng 16 na guro.

I've been counting. Anyways, that is just for half a year. See? 1st section pa lang 'yan. What if 'yong last na?

"Class, may announcement na ibinigay si Sir Falcon kanina" ewan ko kung nakikinig ba 'tong mga kaklase ko sa sinasabi ni Sir pero hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang

"Magkakaroon ng mga exchange students sa iba't ibang mga school at ang napili ng Head Principal na ka-exchange ay ang sa Royal Academy"

Why so sudden?

Natanong ko nga 'yon pero agad din naman akong napangiti nang marinig kong sa Royal Academy pupunta ang exchange students na 'yon.

If the Elite School is no. 1 in the country then the Royal Academy's no. 2. The only difference is that it's on the Southern Part of the Province so if you think about the distance of the two schools, it would be 10-15 hours ride on a van at the very least.

Most of my cousins are there. Weird mang pakinggan pero napakarami kong pinsan. Maniniwala ba kayo kung sinabi kong may 14 na kapatid ang lolo ko?

Haha. I know but yes, my grandfather's just amazing like that.

"Ito raw ang paraan ng pag-alam ng mga pag-uugali ng mga estudyante at paraan ng pag-evaluate nila ng mga positive and negative parts and values ng schools. It's for the ranking for the best schools in the country and for giving students more chances in terms of socialization and open mindedness" dagdag ni Sir

I see.

Every 3 years lang 'to ginagawa so I guess the administration will have to take measures.

"Kaya naman sana ay magpakabait kayo para naman hindi mabigyan ng bad record ang school natin. Mga ilang minuto mula ngayon, the exchange student from Royal Academy shall be introduced at mamaya ko na sasabihin ang magiging ka-exchange niya"

"Is she a girl?"

"Is he a guy?"

"Is she pretty?"

"Is he pogi?"

"Why can't you answer RODRIGO?"

Err. Nakakainis. Ang babastos talaga ng mga taong 'to! Pasalamat sila kung hindi ay talagang-- Hays. Tama na, Seph. Tatanda ka lang ng wala sa oras. Chill.

Pagkatapos na ng ilang minuto ay mas umingay na ang classroom tungkol sa exchange student at kung anong klaseng school ba daw ang Royal Academy.

Pero naistorbo rin naman ang paguusap nila ng may biglang kumatok at pumasok sa classroom at nang tuluyan ko nang makita ang mukha niya ay..

"Steph?" nanliit naman ang mga mata ko habang tinitignan ko siya ng maayos.

Dapat na irapan niya ako at iwasan pero talagang nginitian niya pa ako saka kinawayan.

Ugh. I think something bad is going to happen!

"Wew, she's not that bad"

"Tss.. Told ya. Another bitch" kahit ano na yung mga comments nila at criticts pero naga-act lang si Sir na parang wala siyang naririnig

"Okay, Miss Exchange Student, please introduce yourself" sabi ni Sir at agad namang nagsalita si Steph

"Hello everyone. I'm Stephanie Cruz and I'm the exchange student from Royal Academy" aniya saka nag-flash ng kanyang oh-so-precious-eye-smile.

She was clad in high waisted blue skirt with white stripes on it paired with an elegant white button-up polo. Of course, meron suot niya rin ang necktie na blue na may seal ng Elite School at black shoes.

Ang cute talaga ng pinsan kong 'to! Specially in our school uniform!

"Ah, Sephine, pwede bang pumunta ka muna dito sa harapan at pakidala na rin ang mga gamit mo" nagtataka man ay sinunod ko na si Sir, sinuot ko 'yung packbag ko at dinila 'yung mga books saka pumunta sa harapan

"Stephanie, doon ka umupo sa inupuan ni Sephine"

"Thank you" sagot ni Steph sabay upo dun sa nakaasign na upuan para sa kanya

Teka lang, pinaalis ako para si Stephanie ang umupo dun?

W..wait, don't tell me..

"So as I have said earlier. Exchange student siya at ang ka-exchange niya ay si Sephine Cruz"

WHATTHEACTUALFK? Napatingin nalang ako sa mga kaklase ko na grabe rin ang reaksyon.

Ha? Hindi ko alam ang tungkol dito ah? Ba't ngayon ko lang 'to narinig?

"B-bakit ako pa po Sir?" imbis na si Sir ang sumagot sa akin ay nagsisabatan na 'yung mga kaklase ko

"Ano ba choosy ka pa?"

"Oo nga! Ang ganda kaya dun!"

"Pero Sir! Ba't siya pa?"

"Ako nalang! Ako nalang, Sir!"

Nagsi-sigawan naman sila at nagsi-sabihan na sila nalang daw. Oh, sige. Kayo na! Gusto niyo ihatid ko pa kayo eh.

Napatigil naman sila ng bigla nalang merong kumatok. Ano 'to? Ex-change student number 2?

Nagpigil naman ako ng tawa ng biglang pumasok si Sir Falcon, ang President at ang may-ari ng school.

"Good morning" nang sabihin 'yun ni Sir Falcon ay nagsitayuan ang lahat ng mga kaklase ko, except kay Stephanie, at nag bow ng 90 degrees

"Good morning, Sir Falcon" nag-nod lang si Dad at nag-gesture na magsiupuan na kaya naman umupo na sila

*SIGH. I hope they're like this even if Sir Falcon's not around.

"Ms. Cruz, pack up your things and follow me" sabi ni Sir Falcon kaya tumango nalang ako at nginitian si Steph bago sumunod kay Sir Falcon papunta sa gate ng school

Nang makarating na kami sa gate ay agad kong nakita 'yung service ni Sir Falcon.

"Darling please be careful, okay? Hindi sana kita papayagan pero ang sabi nila mage-exchange lang raw para mage-evaluate ng school at para mas mapalawak ang circle of connections niyo. Okay lang naman siguro sayo diba? I mean, in a way, it's both a win-win situation for both their school and ours and besides you'll have tons of advantages. You'll be able to explore many things and maybe, just maybe, gain some more friends. I noticed na wala ka masyadong kaibigan dito eh. At wala ka rin namang pinapakilala sa amin" natawa nalang ako sa itsura ni dad habang nagsasalita

Alam ko naman kung bakit nagsusumikap siyang magpaliwanag sa akin. I can't blame him for fidgeting and getting a cold sweat. After all, he could possibly receive a scolding from his wife later.

"Yes dad, okay lang po. It's a good change of environment and pace. There should be no problem. I can adjust fast. So there's no need to explain this to me. Of course.. as long as you explain this to mom" sagot ko kaya naman agad na namutla si dad at agad na naglabas ng cellphone at tumawag na sa kanyang boss, which is my mom

If you're still confused, let me tell you this.

He's my dad. I'm her daughter. Anak ako ng may ari ng Elite School. So in short, that sort of makes me the owner too.

Si papa ang nagiisang lalaking anak ng pamilyang Falcon at since si dad naman ang pinakamatanda siya ang rightful Heir ng mga Falcon, sakanya ipinamana ang Falcon Empire at isa sa mga subsidiary companies ng Falcon Empire ay ang Elite School.

I'm the only girl in the their children of three. First is Lumiere Joseph, second is Auden Joshua, and then me, Corazon Josephine.

May dalawang kapatid si Dad na babae which is Tita Anessa and Tita Cecille may anak si Tita Cecil na si Venus habang si Tita Anessa naman, anak niya si Mandy at ang 8 years old na si Andrea. May mga pinsan din ako sa side ni Dad na sina Stephanie, Violet, Ynna, Icy, Kuya Keith at marami pang iba.

Habang sa side naman ni mom ay meron rin akong mga pinsan na kambal na sina Trake and Drake. Ang iba nama'y hindi ko na alam.

Hindi naman nagtagal ay natapos sa pagtatawag si dad kay mom, which is his boss at agad na akong pinagbuksan ng pinto ng kotse kaya naman pumasok na ako.

"Okay, thanks, oh and by the way, you'll stay there for five months. Bye" paalam ni dad at on cue nama'y umandar na ang kotse

Ah, five months lang naman pala eh. So since August na ngayon, sa December pa ako babalik. I see. Wait. WHAAAT?! 5 months? December?!

"Wait! Kuya John!" pagpapahinto ko sa driver namin na si kuya John

"Young lady, hindi na raw po pwedeng bawiin ang napagkasunduan na. Nandoon na po sa Royal Academy ang iba mong mga gamit dahil dorm school po ito at 'pag may iba ka pa raw pong kailangan, lapitan niyo lang raw po ang mga pinsan niyo. Yun lang po at maraming salamat"

I face palmed. A month can be tolerable but 5 months?

Nabanggit ko na ba? No. 1 ang Elite School at No. 2 ang Royal Academy. Alam niyo ba kung bakit sila no. 2? Well, because of the student's discipline and conduct. There were tons of bullying cases in that school and moreover, almost all of their victims were.. nerds.

Realizing that fact... Nanlaki na kaagad ang mga mata ko..

Just whatthefcknghell.

I'm a nerd right? Does that mean I'll become their target by then?