NOPI CHAPTER 3
Chapter 3
Sephine's POV
Natigilan naman siya sa eternal celebration niya ng biglang may bumato ng papel sa kanya, pagkatingin ko naman ay biglang kumaway 'yung lalaking-bumato-ng-papel-kay-Ed sa direksyon namin. Magkakilala ata sila.
"Baliw talaga. Alam nang bawal magkalat eh. Tss" pinulot niya 'yung papel saka binuksan at bigla nalang natawa saka binigay 'yun sa akin
Ay. Trash bin ba ako?
"May nakasulat. Basahin mo. For Sephine daw," natawa naman ako at agad ding tumango
"Uhh. Ehem" panimula ko dahil parang nabara ang lalamunan ko
"Hi, nerdy exchange student! Pwede bang pakitanggal sandali ng glasses mo? You kinda' look like someone I know. Ps, I'm Rico nga pala, best bud ni Ed!" matapos kong basahin 'yun ay napatingin ulit ako dun kay Rico.
Someone he knows? Posible kayang nakita niya na ako dati?
Binigay ko na kay Ed 'yung papel saka ngumiti sakanya at tumingin na kay Rico na nakatingin pala sa akin.
Nakadikit ang mga palad niya na para bang nagsasabing "Please" with matching pout pa.
Pfft.
Umiling ako saka nag-peace sign sakanya at binaling na ang tingin ko sa teacher.
Ayokong mag-risk lalo na at baka may chance na makilala niya ako. Hindi pwedeng mabuko ang sekreto ko ng dahil lang sa naging exchange student ako.
Nabigla naman ako ng meron nanamang papel na dumating at hindi na galing kay Rico, sa ibang tao nanaman.
Since hindi ko naman alam kung kanino nanggaling 'yung papel, binuksan ko nalang kasi merong nakasulat na note katulad nung kay Rico.
Nabigla naman ako dun at agad na lumingon sa may pinakalikod, nanlaki ang mata ko pero agad din namang ngumiti.
[I see you're already friends with Ed. Hihi. Bantayan mo 'yan, best friend 'yan ni Stephyyy. Hindi mo ako napansin no? Mianhe, forgive nalang si Pretty Venus ha? HAHA. Hindi ko rin napansin na nandito ka na sa classroom eh. I fell asleep, boring kasi. Ps, please don't use your phone. Nangongolekta sila ng phone unlike sa school niyo. Pero kapag ginamit lang naman during class hours. Let's talk later nalang]
'Yun ang nakasulat (A/J: Translation of the Korean Word: Mianhe - Sorry. Si Venus ay isa rin sa mga Falcon Cousins)
"Ah, so kaibigan mo rin pala 'yung pinsan ni Stephanie?" tanong ni Ed kaya naman tumango ako saka tinago 'yung papel na binato ni Venus
"Actually lahat silang magpipinsan, kakilala ko na simula pagkabata eh"
Well, that's because mga pinsan ko sila. Pero syempre, hindi ko pwedeng sabihin 'yon sakanya. Haha
"I see. Wow, I didn't actually knew that they had a nerd-ish friend. Haha. How about being my new best friend?" tanong niya kaya naman napailing ako
"I don't mind pero are you planning on finding someone else rather than my cousin? Yung parang ibabaling nalang sa iba yung atensyon mo para mapigilan 'yung umaapaw na feelings mo sa isang tao? Like 'yung sa mga nababasa ko?" nabigla naman siya doon saka natawa
"Haha. What kind of books are you reading ba? Hopeless Romantic Books? Moving on Books? Sawi Books? Bitter kind of Books ba? Hahaha" napailing naman ako
"Books about Boys who doesn't know how to confess" natigilan naman siya ng tawa saka napa-halumbaba
"Napatigil mo ako dun ah. Tsk. Ipahiram mo nga sa akin 'yang libro mo para malaman ko kung ano ang mangyari sa akin kapag hindi na ako naka-convey ng nararamdaman ko para sa kanya"
Nilabas ko na kaagad 'yung libro ko saka binigay sakanya.
"You can borrow it" saka ko binigay sakanya at napakamot naman siya ng batok niya saka tinanggap 'yung libro
"Ah. Ahaha. I was just kidding pero anyways, okay nalang, babasahin ko 'to" saka niya ako nginitian
After ng classes ay nagkamustahan lang kami ni Venus saka nagpaalam sa isa't isa, may Student Council Work daw siya during Monday eh.
Ako naman, tinexan ako ni Dad na pumunta daw muna ako sa Dean's Office for my books and booklets kaya naman humanap ako ng pwede kong tanungan.
Kaso sure ako na hindi madaling makipag usap ng agad agad lang. Iba pa naman ang tingin ng mga estudyante dito sa akin. Pero wala na akong choice, mamaya pagalitan pa ako eh.
Linapitan ko 'yung dalawang babaeng nakatayo sa may pinto banda
"A..ano, pwede bang itanong kung saan ang Dean's Office?" nabigla naman ako ng tinaasan ako ng kilay nung isa.
Lord, mamamatay na ba ako? I'm a stranger nga pero mukhang kinasasakiman niya talaga ako to the highest level!
'Yung isa naman parang natutuwa pa na tinatarayan ako nung kaibigan niya.
"What?" napalunok muna ako
"S..saan ang Dean's Office?" tanong ko ulit
"Look for yourself, ang liit liit lang naman ng school na 'to compare sa school niyo eh"
"Okay" sagot ko at tumalikod na pero bigla akong pinigilan nung isang babae
"Sorry 'bout that, wala sa mood eh. I'm Mirana nga pala and this is Caryl. Ang Dean's Office ay nasa 1st floor ng Dean's Building" napatango naman ako
"Thanks" saka ako pumunta sa Dean's Building
I see. Kaya pala parang wala sa mood 'yung si Caryl kanina. Jusko. Hindi niya sana ulitin 'yon sa akin, paranoid pa naman ako. *SIGH
Mga ilang minuto din ay nakarating na ako sa Dean's Building...
"Oh, Sephine! Hi, pinatawag ka rin ba? Bakit?"
"A..ah" 'yun nalang ang nasabi ko ng makita kong nasa harapan si Ed at pati narin 'yung mga friends niya
Pero mas natigilan ako ng makita ko 'yung lalaking mukhang familiar na familiar sa akin.
"Kilala mo 'tong nerd na 'to, Ed" tanong niya kay Ed habang nakatingin parin sa akin
"Yup, she's Sephine. Childhood friend ng mga Falcon Cousins at ka-exchange ni Stephanie. Ah, Sephine, ito nga pala si Charles, Charles Anthony Begley" inabot naman ni Charles 'yung kamay niya kaya naman nilahad ko din ang kamay ko at nakipagshake hands
"You look familiar" aniya kaya naman hindi nalang ako nagreak
Tinignan ko lang siya sa mga mata niya saka ngumiti ng pilit.
That's because we already met.