NOPI CHAPTER 4
Chapter 4
Sephine's POV
"You look familiar"
Tinignan ko lang siya sa mga mata niya saka pilit na ngumiti.
That's because we already met.
Nagkakilala kami sa isang party nung nasa 6th grade palang kami, siya pa nga 'yung first crush ko eh pero hanggang 4th year lang 'yon dahil hindi na ako uma-attend ng mga parties simula nung naging candidate for valedictorian.
I chose books over boys.
Pero dahil hindi naman kami ganun ka-close dati, safe parin ang sekreto ko. Ako kasi ang heiress ng Falcon Corporation habang siya naman ay ang successor ng Begley Family kaya naman nagkaroon ng chance na magkasama kami sa isang Business Meeting.
May dalawa nga pala akong kuya. Since may tatlong major na pagaari si papa at tatlo kaming anak niya ay hinati niya na 'yong tatlong 'yon sa amin. Sa akin 'yung kompanya, ang panganay naman namin na si Kuya Joseph ay ang magiging successor ng Elite School habang 'yung pangalawa naman na si Kuya Joshua ang successor ng Airlines. Ang sa minors naman na pag aari ni papa ay siya na raw ang bahala for the mean time.
Anyways, Charles pala. Haha. Ang alam lang naman namin dati isa siyang Begley at ako ay isang Falcon. Hindi naman nalaman 'yung mga first names namin.
Kaya naman wow. Finally. Alam ko na ang full name niya. Charles. Charles Anthony Begley.
"Ah, okay" 'yun lang ang lumabas sa bunganga ko at binawi na 'yung kamay ko
There was electricity in it. That's weird. First time ko 'yun naramdaman sa buong buhay ko.
"Oh ba't nakatambay pa kayo dyan sa labas? Pasok na!" sabi ni Rico na sumisilip lang mula sa pinto ng Dean's Office kaya naman sumunod nalang kami at..
At..
At ang awkward.
Ako lang ang babaeng nandito sa iisang couch at kaharap ko pa 'yung limang lalaking 'to
"Hoy, Sephine, magsalita ka naman oh. Tsk tsk. Mapanis ang laway mo nan eh" ngiti nalang ang sinagot ko kay Ed
"You know her?" tanong nung isa sa hindi pamilyar na lalaki
"Yep, she's my seatmate"
Ang popogi pa nila. Haha. Parang mas gwapo pa ata sila sa mga Kuya ko eh.
"Nakilala mo na ako kanina diba? Hehe. I'm Rico nga pala ulit and this is Rod and Ken. We're the Campus Princes together with Ed" sabi nung Rico habang tinuturo pa 'yung mga iba
"Ang this is Charles, The Heartthrob Prince" dagdag niya
"I'm Sephine"
"Excuse me" napatingin naman kami sa pinanggalingan ng boses
"Ay ma! Nandyan ka pala?" napatawa naman sila ng sabihin 'yun ni Charles
Wait, Mom niya ang Dean ng Royal Academy?
I didn't know Mrs. Begley was a Dean. Bakit hindi nabanggit sakin 'yon ni Daddy? 😐
"Gusto niyo bang madagdagan ang punishment niyo?" tanong ng Dean
"No ma'am" seryosong sagot nila kaya naman ako nanaman ang natawa
Thou patago at mahinang tawa lang. Hehe
"Very good. Ms Cruz, ibigay mo 'to sa Registrar and go back to your room, ihahatid nalang 'yung mga books at pati narin 'yung uniform mo" tumango naman ako saka kinuha 'yung papel na inaabot niya sa akin
Tumayo na ako at lalabas na sana kaso lang biglang napa-"Ah!" 'yung Dean kaya naman napahinto ako at tumingin sakanya
Nanggugulat nalang bigla. Lakas din ng trip.
"Ah! I have a perfect punishment for you guys" sabi ng Dean sabay ngiting nakakaloko sabay harap sa akin
"Ms Cruz, may tradition nga pala kami dito sa Royal Academy na tuwing December, there will be a school showcase here at Royal Academy at nung nagreview kami sa mga files mo, nakita naming may potential ka at talent kaya naman isinali kita sa Showcase at magpe-perform kayo ng either sayaw, acting or di kaya ay singing" sabay tingin ng Dean
"Dahil babalik ka na rin naman sa Elite School sa December, it could be a huge opportunity for you. Kaya..." dagdag ng Dean sabay harap sa mga boys
Oh, no.
Mukhang alam ko na kung saan pupunta ang usapang 'to.
"Because you guys didn't participate in the Camping Spree last July and since you have a boy band, you're going to sing with Miss Cruz on the Showcase this December"
"What?" - Ken
"Pero tita" - Rod
"Why me?" - me
"Mom!" - Charles
"Nako" - Rico
"Hehe" - Ed
'Yun ang reaction naming anim kaya naman nagkatinginan kami saka napatingin ulit sa Dean.
"Pero Ma'a—"
"Sephine! Yes, makakapagbonding tayo! Haha" sabay palakpak ni Ed kaya naman napa frown ako
"That's right. That's right" dagdag naman ng Dean
"B.bu--"
"No more buts. Is that clear?" tanong ng Dean
Ugh. Ang tigas ng ulo ng mama ni Charles.
"Yes Ma'am" sagot namin
"Okay, bahala na kayo kung magpra-practice pa ba kayo oh hindi na. Mukhang professionals na kayo eh. Tsupi na. Shoo!" sabi ng Dean kaya lumabas na kami
"I'm dead" sabi ko sabay exhale
May humawak naman ng kamay ko atsaka binitawan agad
"No, you're not. You're still alive" sabi nung Rico sabay ngiti sa akin
"I didn't mean literally"
"Alam mo bang kumanta o kaya sumayaw man lang?" tanong nung Rod
"Anung gusto mo? Kantahan kita dito sa daanan?" tanong ko
"Hindi, tara sa music room!" sabi ni Ed sabay hila sa akin
Buti nalang at konti lang ang mga estudyanteng nadadaanan namin. *SIGH.
Mga bigatin pa naman 'to sila sa school.
Hays. Hinayaan ko nalang na hilain ako ni Ed hanggang sa nakarating kami sa music room.
"Wow! Ang daming instruments!" sigaw ko at agad na lumapit dun sa violin
Pero syempre, mas marami parin sa Elite School. Haha
Ed's POV
"Pwede bang i-try?" tanong niya
"Oo naman" sagot ko
Nagsimula naman siyang tumugtog. 'Yung safe and sound ni Taylor Swift tapos kinuha niya 'yung gitara
"Ito 'yung bagong model! Hihi" sabi ni Seph
Haha! Ang cute niya, ang kulit kasi eh. Parang hindi nga nerd eh.
Parang 'yung sa mga librong kini-kwento ni Stephanie sa akin na Campus Nerd to Campus Princess.
Mas gaganda kaya 'tong si Sephine kung maayusan?
"Ano na? Magiging childish ka na lang ba jan o kakantahan mo na kami para ma-relieve kami na may boses ka nga talaga kahit isa kang hamak na nerd?" tanong ni Ken
"Oo na. Ayoko mag-gitara kapag hindi 'yung gitara ko ang gagamitin. Sa piano nalang" sagot niya
Tumakbo naman siya sa piano. Kumuha na kami ng mga upuan at umupo kami sa left side ng piano.
"Hmm. Ano kayang kakantahin ko?" sabi niya sabay hawak ng baba niya
"Just a dream" sabi ni Charles
Napatingin naman kaming magbabarkada kay Charles.
"Don't tell me?" bulong ko pero umiling naman kaagad si Charles
"What? I just missed that song and I want her to sing it. Masama ba?" tanong niya pabalik kaya naman inirapan ko nalang siya
"Whatever Charles" saka binaling ang tingin
Pssh. Imposibleng magaya ni Sephine 'yung babaeng narinig naming kumakanta habang naglalaro ng piano nung 1st year high school palang kami.
Edi destiny na kung siya nga 'yon!
"Just a dream, huh?" sabi ni Seph saka inayos ang pagkakaupo niya
"Bakit bakit? Does it ring a bell ba ha? May maalala ka ba sa kantang 'yan?" tanong ko kaya naman siniko ako nila Rico
"Wala naman. Matagal tagal ko na rin kasi 'tong hindi naple-play sa piano pero sa tingin ko memorize ko pa 'yung lyrics. Hmm. I'll give it a try. Fighting!"
'Yung long sleeves niya na polo ay fi-nold niya. Tapos tinuck-in niya ang buhok niya at nagsimula na. Haha. She's charming!
*I was thinkin about her, thinkin' about me.
Thinkin' about us, what we gonna be?
Open my eyes, yeah; it was only just a dream.
So I travel back, down that road.
Who he come back? No one knows.
I realize, yeah, it was only just a dream~
"Hey Charles, lusaw na oh. Mabilis ba ang tibok ng puso mo? Parehas ba? O siya na 'yung bago?" bulong ko kay Charles kaya siniko niya ako
"Gago. Manahimik ka nalang nga dyan" bulong niya pabalik
"I was at the top and I was like I'm at the basement.
Number one spot and now he found him a replacement.
I swear now I can't take it, knowing somebody's got my baby.
And now you ain't around, baby I can't think.
Shoulda put it down. Shoulda got that ring.
Cuz I can still feel it in the air.
See his handsome face run my fingers through his hair.
My lover, my life. My baby, my guy.
He left me, I'm tied.
Cuz I knew that it just ain't right~"
"She looks familiar though. What do you think Ed?" tanong ni Rod
"Hmmm" sabi ko sabay tingin kay Sephine
*I was thinkin about her, thinkin about me.
Thinkin about us, what we gonna be?
Open my eyes, yeah; it was only just a dream.
So I travel back, down that road.
Will she come back? No one knows.
I realize, yeah, it was only just a dream.
When I be ridin man I swear I see her face at every turn.
Tryin to get my usher over, I can let it burn.
And I just hope she notice she the only one I yearn for.
Oh I miss her when will I learn?~
"I think so too. Pero, mukhang malayo naman eh" sagot ko kay Rod
"Alam kong maganda siya mga dre. Kaya naman hindi niyo na kailangang pag usapan pa ng patago" bulong ni Rico
"Ulol. Hindi tungkol dun ang pinag-uusapan namin" sabi ni Rod
"Shhh" saway ni Charles sa amin
"Didn't give her all my love, I guess now I got my payback.
Now I'm in the club thinkin all about my baby~
"Oh? Bat ka huminto?" tanong ni Ken na parang sarap na sarap pang makinig
Ulol talaga. Parang kanina lang inaaway away niya eh.
"Hindi naman kasi kayo nakikinig eh" sabay simangot niya
"Sorry. We just got carried by these two eggnogs" sagot ni Charles sabay turo sa amin ni Rod
"Haha. Okay lang" sagot naman ni Sephine
Nag-ring naman 'yung bell kaya naman nagsitayuan na kami.
"Sephine saan ang next schedule mo? Diba may pupuntahan ka pa raw sabi ng Dean?" tanong ni Rico kaya naman nanlaki ang mata ni Sephine at agad na nag-ayos ng uniform niya at glasses
"Ay hala! Nako po. Sige mauna na ako ha? Babay"
Sephine's POV
Ilang Building nanaman ang nadaanan ko hanggang sa makarating ako sa Registrars Office.
"Heto po oh, binigay po ng Dean sa akin tapos aniya ibigay daw po sa inyo" tumango naman 'yung Registrar saka ako binigyan ng receipt
"Hintayin mo nalang mamayang 5:00 p.m. 'yung mga libro at pati na rin ang mga uniform, ipapahatid ko nalang sa Assistant ko"
"Thank you po"
Naglakad na ako saka dumiretso sa next class ko. Physics na at classmate ko si Ynna.
"Kyaa~" and speak of the Devil
Bigla niya nalang akong niyakap kaya naman malapit na ako ma-out balance.
Ang baliw talaga
"Wahaha! I missed you!" sabay bitaw galing sa pagkakayakap niya sa akin
"Me too" sagot ko
"Ay, ano ba naman 'yan? Nerd parin? Hmp" sabi niya sabay nguso
"Ito na ako Ynna, wala nang makapagpabago pa" sagot ko
"Lagi naman eh" sabi niya
Sabay naman kaming napatingin ni Ynna dun sa umubo ng sadya at pagkatingin ko, sila Ed at Rico lang pala.
Tiningnan ko naman si Rico tapos tumingin kay Ynna.
Nagkakatitigan sila ng 5 seconds pagkatapos iwas and then mamumula.
Lol. Ano kayang meron sa mga 'to? I smell something fishy~
"Uh. Hello" bati ni Ynna sa kanila
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~