NOPI Chapter 5: Corazon Josephine C. Falcon

NOPI CHAPTER 5

Chapter 5

Sephine's POV

Nasa Cafeteria ako ngayon kasama 'yung mga pinsan ko, lunch break na. Woo~

"Ayoko na" sabi ni Mandy sabay hinga ng malalim pagkatapos ay tinulak ang plato niya papunta sa akin

"Kainin mo na, Mandy" pamimilit ni Venus

"Since when pa ba kayo naging vegetarian? --- AW!"

"Mandy, alam mo naman sigurong nandito si Sephine diba?" sabi ni Violet habang pinanlakihan ng mata si Mandy.

Nyahaha!

"Whatever" sagot naman ni Mandy sabay pout

"Ayieeh! Bad vibes yan ngayon kasi si --" di natuloy ni Ynna ang sasabihin niya

"Shut up Ynna"

"Ah si Mr. Dream boy nanaman ba?" singit naman ni Violet sabay ngiti nang nakakaloko

"I said shut up" sabi ulit ni Mandy

"Sumuko ka na kasi don! Alam mong isa sa mga Campus Princes 'yun eh! Maraming chikas" sabi naman ni Ynna sabay pat sa likod ni Mandy kaya naman kumunot ang noo niya

"Hindi nga! Ang kulit naman eh!" kasabay nang tawanan nila Violet

Oh, sige. Ako na ang out of place. Ano ba 'yang pinag-uusapan nila? *pouts

Bumukas naman ang pinto ng school cafeteria at nakita ko sila Ed na may mga kasamang magagandang babae.

Ba't nga pala nandito 'yan sila? Ang sabi nila Venus dun daw sila sa kabilang cafeteria parati nakatambay eh.

May lima kasing cafeteria dito. Dalawa sa school malaki at maliit, dalawa sa dorm malaki at maliit din tapos isa para sa mga teachers.

Cool no? Sa amin nga dalawa lang. Sabagay wala kasi kaming dorm doon eh.

Naglinis na ako ng mga pinagkainan namin. Tamad sila eh. Ayokong nagpapalinis ng kinainan, kung ayaw nila maglinis, ako nalang.

May pinapakita sila Ed na mga picture. Hindi namin makita kasi nagkumpulan sila dun eh. Bahala na nga.

"Baka hinahanap nanaman nila 'yung babaeng maganda"

"Baka nga. Simula first year pa 'yan hinahanap ni Prince Charles eh"

"Pumunta pa nga raw sila sa School for the Elites para lang makita ung magandang babaeng 'yon eh"

"Oo nga. Ang swerte niya at si Prince Charles pa ang nagkagusto sa kanya"

'Yan ang mga naririnig naming magpipinsan sa katabi naming table na puno ng mga babae.

Elite School? You mean, sa school namin? Bakit?

"Ano ba--" di ko natuloy ang itatanong ko sana nang merong sumingit

"Hey"

Napalingon naman ako. Ah. Sila Ed lang pala. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni Violet

"May ipapakita lang sana akong picture ulit, naalala niyo na ba? Diba tinanong na namin kayo dati?" tanong ni Rod

"Ah, eh? Hindi namin maalala eh. Atsaka ano daw 'yon? Falcon lang ang alam niyo sa pangalan niya? Patingin nga ulit ng mga pictures" sabi naman ni Mandy

Tiningnan na ata nila 'yung picture. Kaya lang nagtaka ako kung bakit ang tahimik. Napabangon naman ako.

"Wow, she's pretty" sabi naman ni Venus

"Ahahaha" sabi ni Mandy

"Patingin nga!" singit ko

Binigay naman nila sa aki--. ASDFGHJL?!

Eh?

"Ah. Eh. N-naiihi ako! E-excuse me" sabi ko at agad na tumayo upang pumunta sa comfort room

How did they get those pictures?!

Rod's POV

"That's weird?" tanong ko

"Ganyan talaga 'yan pag nakakita ng maganda eh"

Nagkatinginan sila sandali sabay tawanan.

"Hindi niyo ba talaga kilala?" tanong naman ni Rico

"Parang may kamukha nga siya eh, 'di ko lang maalala" sabi ni Venus

"Sige na! Maawa naman kayo kay Charles at sa amin. Hirap na hirap na kami sa paghahanap! Alam naman namin na kilala niyo 'yan eh. Hindi naman siya liligawan ni Charles eh, gusto niya lang makita ulit"

Tahimik lang sila kaya naman napabugtong hininga nalang ako at aalis na sana ng biglang hawakan ni Violet 'yung balikat ko.

Omo

"Hep hep" sabi ni Violet kaya naman napasagot ako ng "Hooray?"

"You're so silly Rod" aniya saka tumingin sa likuran ko

Ah, asdfghjkl. Namumula ata ako. Paksyett

Pagkalingon ko, nakataas ang kilay nila Annallie tapos biglang walk out.

May gusto 'yun sakin eh.

"You're so mean, Ms. President" sabi ni Venus

"Eh, bakit ba? Kanina kasi nung trigo tinulak niya ako, kaya ayon natisod ako" sagot naman ni Violet sabay nguso at bitaw sa akin

Aish! Hawakan mo ako ulit!

"Gusto niyo ba tulungan nalang namin kayong maghanap sa kanya?" tanong ni Mandy

"Oo naman. Bakit?" tanong ni Rico

"Pamilay na pamilyar lang" sabi naman ni Venus at nagtawanan nanaman sila

Feeling ko na parang nagsisinungaling talaga sila eh.

"Bakit tinutulungan niyo si Charles sa paghahanap? Magpapagod lang din naman kayo eh. Baka nga malay niyo nasa harapan niyo na 'yang babaeng 'yan. Hahays"

"Oo nga. Ang hirap pa talagang halungkatin ng profiles ng lahat ng mga Falcon" sagot ko na ikinatango nilang lahat

"We're talking about the Falcons after all" sabay smirk ni Mandy kaya naman tumango tango nalang kami

"So. Ayun nga, hindi niyo mahalungkat ang tungkol dyan. Hindi parin ba kayo susukong maghanap sa Falcon na 'yan?"

"Eh kasi nga, siya ang first love ni Charles tapos siya rin ang nakapagbigay kay Charles ng motivation na mag aral ulit. Sabi niya pa nga dati kapag nahanapan niya daw ang babaeng 'yan, papakasalan niya na kaagad. Ambaduy nga eh" sagot ko sabay tawa

"Haha! Kasal agad? Eh diba 17 palang si Jose---HMMMM!"

Kinoveran naman ni Ynna 'yung bunganga ni Mandy.

Okay.

"Sandali nga! Nakakahalata na ako ah! Kilala niyo diba? Sigurado ako eh" sabi ni Rico

"Pshh. Stupid talaga oh. Oo na, nahuli na kami. Dapat si Charles ang makakahanap sakanya eh." sabi ni Violet sabay palo ng mahina sa braso ni Mandy

"Talaga? Kilala niyo talaga?" tanong ko

"Oo"

Humarap naman ako kina Charles

"Hoy Charles!" sigaw ko

Lumapit naman sila samin. Well, except 'yung princesses kasi may nilalandi eh.

"Ano na? I knew it. She's your cousin after all. Taga sa--"

"Atat lang Charles?" tanong ni Ken

"Shut up" 'yan lang ang nasagot ni Charles

"So sino?" tanong ni Ed

"Pinsan namin"

"Hindi ba't alam naman nating lahat 'yon?" tanong ni Rico

"Oo" sila sabay tawa

"Sino nga?" asar na tanong ni Charles

Haha. Excited lang eh.

"Si Cora" sagot ni Violet

"Cora? Ang iklie naman ata ng pangalan niya?" tanong ni Charles

"Corazon Josephine Cruz Falcon. Siya ang anak ng may-ari ng Elite School, she's 17, ka-year level niyo siya" nabigla naman kami ng biglang pinukpok ni Charles 'yung katabi naming mesa

"I knew it! She really was the girl I met in 6th grade" aniya kaya naman hindi namin napigilang ngumiti

Kasi naman ang itsura niya eh. Parang bata na nanalo sa isang contest.

Nakangiti siyang matagumpay.

"If you wanna meet her, attend her debut at the Royal Falcon in January 1" page-explain ni Violet

"Di ba parang nakakahiya? Kasi hindi 'yung magbibirthday ang nag-imbita sa amin?" tanong ko

Hindi ba't nakakahiya naman talaga? Hindi 'yung mismong magbibirthday ang nag-invite? Hahaha

"Marunong ka pala mahiya tol?" tanong ni Rico sa akin sabay taas ng kilay.

Parang bakla. 😒

"Baliw ka" sabi ko sabay suntok ng mahina sa tiyan niya

"Don't worry, invited naman ang mga nasa business industries eh" pagiiba ni Twinkle ng topic

"Ay oo nga, sabi sa radio kanina na nadaanan ko sa dorm. Humahanda na raw sila sa first time na ipapakita siya sa lahat ng mga tao sa syudad" Sabi ni Ed.

"Hays" napalingon naman kami ng lahat sa bumugtong hininga

Ay.. Si Sephine lang pala.

Bakit basang basa 'yung kalahati 'yung uniform niya?

Actually namumukaan ko talaga sa kanya si Corazon ba 'yun? Para kasing magkahawig sila sa mata eh.

Ah basta. Urgh. Ang gulo

"What happened to you?" tanong ni Violet

"Wala" sagot niya sabay iwas ng tingin

Wala? Eh, basang basa nga oh

"Seph" sabi ni Violet na parang nagu-usisa ng tao

"Oo na. 'Yung mga babae sa cr. Pabayaan mo na 'yun"

"Basang basa ka oh, anung pabayaan lang 'yon? Kung gustuhin mo, jujumbagin natin sila!" sabi ni Ynna habang nagpo-pose na parang ready na manuntok.

Natawa naman kami. Ang sweet kasi eh, mahal na mahal talaga nila ang kaibigan nila

Ano ba naman 'yan! Nakakabakla. Paksyet

"Huwag na kayo maghiganti kasi kapag ginantihan niyo pa, mas aapihin nila ako kaya pabayaan niyo na" sagot ni Sephine

Habang di pa rin nakatingin sa kanila. Nag ring naman ang bell na sinundan ng announcement.

"Students, go to your classrooms"

And yeah, we all went in our classrooms.. Except lang kay Venus at Nerd pumunta ata ng cr.

Eh, pake ko ba? -.-

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~