NOPI CHAPTER 6
Chapter 6
Venus' POV
"Kilala mo ba kung sino ang gumawa nan sayo?" tanong ko
"Hindi" sagot ni Sephine
"Oh? Ba't ganyan mukha mo?" tanong ko ulit
Parang nalugi eh.
"Walang kwenta kasi 'yung rason nila" sagot niya
"Ano raw?" tanong ko
"Kasi nilalandi ko raw sila Ed"
Nakita ko namang nag-teary eyes na siya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya at itap sa likod niya.
"Shh. It's okay Seph, hindi naman 'yun totoo. Pabayaan mo nalang sila. They can just run their mouths throughout the day and then they'll be serve what they deserve" pagpapagaan ko ng loob niya
"Nakakainis eh. N..nung ako pa si Josephine sinasabihan nila akong malandi. Tapos ngayon na pumalit na ako ng anyo, malandi parin ako sa paningin nila?" sabi niya
Hinarap ko na siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Oy, ano ka ba? Hindi mo parin 'yon nakakalimutan?" tanong ko at umiling lang siya
"Tahan na nga. Tara na baka mapagalitan pa tayo ng sunod na teacher" saka ko inayos ang pagkakulot ng buhok niya
Nag-ayos naman siya tapos pumunta na kami ng room.
Nung nasa elementary palang siya, gustong gusto na talaga siya ng nakararami. Kahit nung high school, marami umaagilid sa kanya.
Kasi nga. Mayaman. The unica iha of Mr. and Mrs. Falcon. One of the most wealthiest families in the South East Asia.
Matalino. Valedictorian. Top-Scorer in the the National Examinations. Contributed to so many projects and overwhelming proposals to the Falcon Empire.
Maganda. She has a gorgeous face and a wonderful figure. Everything you could search for an ideal woman. Ano pa bang hahanapin mo?
Mabait, has made so many donations that she, herself, doesn't remember anymore.
Modest and humble, none of her unbelievable achievements and deeds are being shared in the media or even the citizens of the nation.
Dahil don, ayaw na sakanya ng mga classmates niyang girls kesyo malandi, sipsip and what-not daw siya.
Kaya naman simula nung mag-college na siya, she decided to take cover. Nagpaka-nerd siya, aniya shield daw 'yun. Shield daw. Haha.
And then now, nerd na siya. Ganon pa rin. You just can't escape things that easily, right? Haha.
Though alam ko kung bakit siya nabubully kahit na nerd pa rin siya. Kahit kasi nag iba ang itsura niya ngayon bilang si Sephine sa itsura ni Josephine dati, hindi talaga maide-deny na maganda pa rin siya. Para bang kahit sino pa angi-impersonate niya, maganda pa rin siya. Haha
Nang makarating na kami sa may pinto ay inayos ko na ang glasses ni Sephine.
"Okay ka na ba? Papasok na tayo ha?" tanong ko at tumango naman siya
Pagkatapos kong kumatok ay pumasok na kami, classmate ko siya ngayon eh. English and Literature na. Though ang teacher ngayon ay ang adviser din namin. Haha
"You're late" sabi ni Ma'am
"Sorry ma'am, may emergency po eh. Tumawag si daddy. Right, Seph?" sabi ko sabay tingin kay Sephine at tumango naman siya
"Okay, take your sit"
Sephine's POV
"May Event nga pala sa school this upcoming September 1st kaya naman maraming mga outsiders ang papasok at bibisita sa school natin. And kindly guess what kind of special event is it?" tanong ni Ma'am kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa mga kaklase ko
Ano nga ba?
Nagtaka nalang ako dahil lahat ay sabay sabay na sumagot kay Ma'am.
"It's the Royal Academy's 56th Anniversary, Ma'am!"
"Waaah! I'm so excited!"
"Oo nga! I can't wait!"
I see. So matagal na pala ang Royal Academy at kinasasabikan pala ng mga students ang celebration nito.
"Psst. Sephine. Oy" napalingon naman ako kay Ed
"Masaya ang Celebration ng Anniversary ng Royal Academy. Kahit na hindi ganun ka-garbo katulad ng Elite School ay worth it parin namang ma-experience. Ah at ang tawag pala sa Anniversary ng Royal Academy ay Royal Festival. Maraming booths and different kind of parties and celebrations" tumango ako kaagad
"And it's not magarbo actually, may kainan lang at program sa Auditorium. I guess mas magarbo pa 'yung inyo. Kini-kwento nila Stephanie sa akin 'yung mga ginagawa niyo every event na mangyayari sa school niyo eh" napahawak naman siya sa chin niya at base sa expression ng mukha niya ay parang may iniisip siya
"Hehe. This will be fun" aniya saka binaling ang tingin niya kay Ma'am kaya naman nakinig nalang din ako kay Ma'am
Nagsusulat siya sa board ng mga events na pwedeng gagawin sa Academy.
Wedding Booth, Hearts Restau or Dating Sanctuary. Pero.. bakit parang connected sa love lahat ng mga 'yan?
Kumunot ang noo ko. Could it be..
"I know what you're thinking" napatingin ako kay Ed sa sinabi niya
Alam niya? Psychic kaya si Ed?
"Ano?" tanong ko dahilan ng pagtawa niya
Nilapit niya naman ang upuan niya sa akin saka siya bumulong.
"Walang boyfriend si Ma'am at wala ring nanliligaw sa kanya dahil sa strict niyang parents. Kaya naman mahilig siya sa ganyan. Everyone knows how she feels, so sinasakyan nalang namin" natawa nalang din ako sa binulong ni Ed sa akin
Nakaka-shock naman 'yun.
Kaya pala puros ganyan ang mga events na pinapapili ni Ma'am sa amin at kaya ang blooming parin ni Ma'am.
She's already 20+ years old at ang alam ko lang ay mayaman si Ma'am at wala pang jowa.
She must be lonely. Haha
"Okay, so, pumili na kayo, mga bata!" sabi ni Ma'am kaya naman nag-ingay na sa classroom
"Wedding Booth will be okay"
"The Hearts Restau will be perfect too, you know"
"Ako ang gagastos sa costume Ma'am!"
"My mom won't mind if I'll donate money for all of those events. We could pick all of them"
"I'll hire well known chefs for the Restaurant Ma'am"
"I'll ask my Assistant if he can ask the construction workers to build a Sanctuary perfect for dating"
Napakamot nalang ako sa noo ko.
Rich kids. *SIGH
"Ma'am! Ma'am!" napatingin naman ako kay Venus
Parang bata. Haha
"Yes, Miss Venus? You have a suggestion?" tanong ni Ma'am kay Venus kaya naman tumango siya saka tumayo
"Dating Spree nalang Ma'am para may thrill at para ma-mix na ang mga Events na napili mo. First is dadalhin sa Dating Sanctuary ang lovers na kung saan ay meron ang Hearts Restaurant na gusto niyo and then they'll get married in the Wedding Booth which is optional. How about it?" tumahimik naman lahat sa classroom at nag-isip ng malalim
Well, except sa akin. Nagulat nga ako dahil pati sila Ed at 'yung iba pang mga boys ay interesado rin eh.
It's like they're all willing to cooperate on the Events.
Ang cute nga eh. Para silang mga bakla. Ahahahaha
"Hmm. Pwede na. Do your classmates agree?" sabay tingin ni Ma'am sa amin kaya naman sumigaw ang lahat ng "YES MA'AM!" tapos nagsi-hiyawan na
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~