NOPI CHAPTER 7
Chapter 7
1 Week nalang bago mag-56th Aniversary ang Royal Academy and all I can say is that.. busy ang lahat.
Well, except nalang siguro sa class namin or ako lang ata ang hindi busy?
Hindi naman kasi nila kailangan ng tulong eh, everybody has bodyguards, construction workers and assistants doing the work with them. Ang astig nga eh.
While they're working and preparing for the Dating Sanctuary, I was assigned to help in making the token for participation.
Kailangan daw 'yun para maalala ang mga memories sa Dating Sanctuary na prine-pare ng Royal Academy's Star Section.
Gumagawa nga pala ako ng token of appreciation together with Ed, Rico, Ken and two more classmates.
At kung bakit kasama ko 'yung tatlong Campus Prince? Aba'y hindi ko rin alam. Inutusan nalang ako bigla ng Classroom Mayor na tumulong sa pag-prepare ng Token for Participation eh.
"Pang 23rd ko na 'tong bracelet, Mayor. Pwede bang magpahinga muna?" tanong ko sa Mayor ng Classroom na busy sa paglilista ng iba pang mga kakailanganin
"Ah. Good job, Nerdy. Okay, magpahinga ka muna pero remember na bawal lumabas ng classroom" tumango naman ako saka nilagay 'yung nailon ko sa table
"Uwah. Grabe! May talent ka pala dito, Seph?" nginitian ko nalang si Rico as response
"It's just luck"
"Buti ka pa. Tatlo palang ang nagagawa ko eh. Bakit ba kasi napunta pa ako dito?" napatingin naman ako sa ginawa ni Ken
Anla? Ba't kasi hindi niya nilalagyan ng harang 'yung dulo ng string? Ahaha. Natatanggal tuloy 'yung beads.
"Hehe" 'yun nalang ang nasabi ko kaya naman in return ay tinaasan niya ako ng kilay
Ang taray niya talaga.
"What? It's not like I'm born to build bracelets. Tss"
Maliliit ang butas ng beads kaya naman hindi ko siya masisisi. Akala niya siguro hindi sila matatanggal. Haha
"Hindi ka naman uulit sa paglalagay ng beads kung haharangan mo 'yung isang dulo eh. Just try again but make sure you'll lock the other end part of the string" napatingin naman siya sa dulo ng ginagawa niyang bracelet at bigla nanamang may natanggal na bead kaya naman nanlaki ang mata niya
"Shit. Hindi ko napansin" pagkasabi niya nun ay hinarangan niya na 'yung dulo ng string at on cue ay humalakhak na sina Ed at Rico
"What the?! Mwahahaha! Ang tanga mo pre! Hahaha"
"Nice one tol! The best! Ahahaha!"
Hindi ko alam kung bakit pero nakitawa nalang din ako at gumawa na ulit ng bracelets.
Parang nawala na lahat ng pagod ko ng matawa ako at makita ko silang masayang nagbabangayan. Haha.
It seems that laughter really is the best medicine
"Group yourselves into ten. Since 50 naman kayong lahat, hahatiin natin ang work. First, waiters and waitresses. Second, tellers. Third, assistant and priests. Fourth and Fifth ay magiging ka-exchange na ng mga First, Second at Third Group. Bale morning 'yung first, second and third group habang 'yung fourth at fifth group ay sa afternoon. Understood ba?" pagkatanong sa amin nun ni Ma'am ay agad na merong humila sa akin amin.
"First Group tayo. Wala nang aalis" pagkasabi ni Venus ay napasimangot nalang ako
Kabanas naman.
Bakit pati ako? At talagang sa waiters at waitresses pa ako na-belong.
*DEEP SIGH. Ibig sabihin magco-costume pa ako.
Hindi naman nagtagal ay may sumigaw.
"Pasok na" bumukas na 'yung pinto at nagsipasukan na 'yung mga taong naka-uniform na pormal na may mga dalang malalaking bag at may mga nakasabit na tape measure sa mga leeg nila saka lumapit sa amin isa isa
"A..ano pong ginagawa mo?" tanong ko dun sa sumusukat sa akin
"We're tasked to take your measurements. So please don't move" sumunod nalang ako
"Required ba talaga 'to?" bulong ko kay Venus kaya naman tinawanan niya ako
"I'm sure you'll look cute! Ahaha"
"Buti nalang morning ang schedule ko, sana naman konti lang ang ipapapasok nila sa Hearts Restaurant"
~.~
The Royal Academy's Festival already came at ang masasabi ko lang ay ang.. ang..
ANG DAMING TAO SA HEARTS RESTAURANT!
Kill me now! Ayoko na! Nakakahiya 'tong suot ko! Kyaaah~
"Isang waitress sa table #8" nabigla naman ako dun.
Nako! Ako nalang ang natira dito. Hahays
"O..okay" kumuha na ako ng Menu saka pumunta sa table #8
"I see. So talagang 'yung nerd pa ang napunta sa table namin? Kung umuulan nga naman ng kamalasan" nabigla naman 'yung lalaking kasama nung babaeng nagsalita
Kahit na nabigla din ako ay hindi nalang ako kumurap at ibinigay nalang 'yung mga Menu dun sa table.
"Annallie naman"
"Oh shut up, Tom. It should be perfect if only Rod was here"
"You're the one who should shut up, Annallie. You already know that he won't fall for you. Give it up"
"Giving up isn't in my Vocabulary"
Teka, may gusto siya kay Rod?
"Ugh. What're you still doing here ba? You think we'll order? Well, unfortunately, hindi na. Nakakawalang gana ka kasi. Just seeing you here made me lose my appetite" sabay tayo niya at nagpa-mewang sa akin
"Uhm. May ginawa ba akong masama sayo?" tanong ko dahilan kung bakit tumaas nanaman ang isang kilay niya
Jusko. Ang romantic atmosphere sa Hearts Restaurant ay ngayo'y hindi na romantic, nasira na at pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Yeah, actually, you've done enough. At sa tingin ko, hindi ka pa nakukuntento. Just how bitchy could you be ba ha? You're just a freaking nerd"
"Teka Annallie, nage-eskandalo ka na ah?" sabay hila sa akin ni Venus at tinago sa likod niya
"Bakit ba ha? Pakealam mo ba? It's not like you're best friends with this nerdy bish" tumayo naman 'yung kasama niyang si Tom at hinila na si Annallie
"That's enough Annallie. Nakaka-istorbo na tayo"
"Remember this goody-two-shoes-nerd, you better watch out with who you're becoming close with. If you try to make a move in our territory, you're going to regret it"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~