NOPI CHAPTER 8
Chapter 8
Sephine's POV
"Tama na Sephine. Saan ba nanggagaling 'yang luha mo ha? Ang dami na eh"
"Right. Tahan na nga. Ganun naman talaga si Annallie eh. Masanay ka na lang sakanya. Nasanay lang din kami eh"
"P-paano kayo nasanay dun, Venus? A-ang sakit niya.. k-kaya magsalita. Pa-rang 'yung mga bu-bullies lang sa Elite School. M-makukulong na ba ako nito Venus at Violet? Huwag daw ako gagalaw sa teritoryo niyo eh" napatahan na ako sa pag-iyak ng bigla akong binatukan nila Venus at Violet
"Aray naman! Nasasaktan na nga ako emotionally pati ba naman physically sasaktan niyo rin ako?"
"Ikaw naman kasi eh! Nagawa mo pang nag-joke. Baliw" sabay tayo ni Violet at kinuha 'yung bag niya
Kinuha ko nalang din 'yung bag ko at pinunasan na ang mga luha ko.
"Hurry up na, Sephine. Nakapagbihis na tayo't free na si Violet, tara na't mag-enjoy sa Festival! Yeah!" saka lumabas si Venus sa pintuan ng locker room's comfort room
Hinila ako ni Violey kaya naman sumunod nalang ako.
Free schedule na nga pala namin ngayon ni Venus dahil morning lang naman ang schedule naming na magbantay at mag-serve sa Hearts Restaurant kaya naman pwede na kaming magpaligoy-ligoy pagka-afternoon.
Si Violet naman, siya lang ang may free schedule ngayon compare sa iba ko pang mga pinsan, may inaasikaso pa raw sila Ynna, Mandy at Twinkle eh.
Nag-ikot ikot lang kami at nagmeryenda sa mga different food booths ng mga different sections.
Ang saya nga eh.
May mga unique booths! Ang kyu-cute pa talaga. Buti nalang marami kaming selfies and groufie. Hihi.
Ang mga nabisita naming mga booths ay ang Flower Booth, Décor Booth, Horror Booth, Game and Application Booths at meron ring Dancing Tutorials and Singing tutorial. Ahaha.
Ang cool din ng mga different floats at decorations sa mga hallways at fields ng Academy.
"OMG. Tama talaga 'yung hula niya!"
"Sabi niya wild guess lang 'yon pero parang ang hirap paniwalaan!"
"That's why she's scary and at the same time, super cool~"
Napatingin nalang ako kina Venus at Violet nang marinig namin 'yung tsismisan nung mga babaeng nasa bench na mukhang mga upperclassmen.
"Siguro 'yung pinasikat na college booth ang pinaguusapan nila. Narinig kong may 3rd year college transferee na magaling manghula dun sa booth na 'yun eh" sabi naman ni Violet at naglakad na ulit kaya naman sumunod nalang kami ni Venus
"Really? How come I didn't know about that transferee?" tanong naman ni Venus
"She's an upperclassman at ang alam ko lang, patransfer-transfer siya lagi ng school kaya naman late siya nagpa-enroll"
"I see. Parang naku-curious ako dun sa babaeng 'yun ah! Tara Violet, Sephine, dun nanaman tayo sa booth nung babaeng 'yun"
"Tama, curious na rin ako eh. Marami akong gustong ipahula. Ahaha!" sagot naman ni Violet kaya naman tinignan ko siya
"Ano din ang ipapahula mo?" tanong ko kaya naman napangisi siya
Ah. Ang ngiting 'yan? Fan girl smile 'yan.
"Oy, alam ko ang iniisip ni Seph" natatawang sabi ni Venus kaya naman natawa ako
"Heh. Ipapahula ko lang naman kung may bagong single sina Taeyeon at Tiffany" sabay aja ni Violet jaya naman natawa kami dalawa ni Venus
Fan girl nga!
Syempre 'di ako papatalo.
"Si Seohyun din. May bago din kaya siyang movie?" tanong ko dahilan kung bakit napahawak si Venus sa chin niya
"Updated naman ako kay Yoona kaya hindi ko nalang itatanong. Haha"
Sumunod lang ako ng sumunod sa kanila hanggang sa makarating kami dun sa isang booth na mukhang..
"Mukhang horror house/Horror House ba 'to?" nabigla naman ako dahil may kasabay akong nagsalita
"Sephine?/Ed?"
Napatingin ako sakanila.
Tatlo sila. Si Ken, Ed at si Charles.
Free schedule rin pala nila ano? Pero wow, tadhana ba 'to?
Kailangan ko ng lalaking makakasabay para makapasok dito sa "Wild Guess" Booth na 'to eh at ang mas kapansin pansin pa ay 'yung nakalagay na 'One Boy and One Girl per wild guess' sa baba ng title ng Booth nila.
"Wow! Timing! This is a great opportunity. Tara, sabay tayo Sephine! Boy and Girl daw dapat eh" hihilain na sana ako ni Ed pero bigla siyang hinila ni Violet
"No, Ed, you're coming with me. Sephine, sabay nalang kayo ni Charles. Partner sila Ken at Venus eh, mag-jowa 'yan sila" nabigla naman ako dun saka tumingin kay Venus na namumula at kay Ken na kumakamot sa batok niya
"Sephine, mauna na kayo" napatingin naman ako kay Charles na nakapamulsa at naghihintay sa akin sa entrance nung "Wild Guess" kaya naman napabugtong hininga nalang ako at sumunod sakanya
Nang makapasok kami ay nadagdagan nanaman 'yung takot ko. Jusko.
Para talagang Horror House 'to eh!
Mga nakakatakot na sculpture ng mga demons, mga nakakatakot na nakamaskarang mga college students, mga nakakatakot na painting ng dugo, mga nakakatakot na mga gagambang nakasabit sa itaas at marami pang nakakatakot na iba!
Huwah!
"Okay ka lang ba? You look pale" nag-thumbs up lang ako sakanya
"I-I'm okay. I thin—Kyah!" sa bigla ko ay napalo ko 'yung nanggulat sa amin
Napa-"Aray" naman 'yung halimaw kaya naman nanlaki ang mata ko.
"Pfft. Ahaha" sinimangutan ko si Charles na humahalakhak na ngayon saka humingi ng sorry at panay ang bow dun sa napalo kong upperclassman
"Sorry po. Nagulat po kasi ako eh"
"A-ah. Ako nga dapat ang mag-sorry eh. Ahaha. Enter this room nalang and you're going to see the Wild Guesser" nagpasalamat kami at pumasok na doon sa pintuan
Nakakahiya naman kay Kuya.
At nakakatakot parin.
"Hi, I'm JeAnn"
"S-sephine po"
"Charles"
Umupo kami dun sa dalawang chairs na may nakalagay na 'Boy' at 'Girl'.
Grabe, required din pala na ilagay ang mga 'yan no? Ahahaha.
"I know. So, what do you want me to take a wild guess of?'' tanong niya saka nag-crossed arms kaya naman tumingin ako kay Charles
"Ikaw na mauna" aniya kaya tumango nalang ako at binaling na ang tingin kay Ate Jeann
"Alam niyo po ba kung anong pangalan ng best friend ko?" tanong ko kaya naman natawa siya
"Pwede ba 'yung tungkol lang sa mga mangyayari sa hinaharap? Maraming pangalan sa mundo eh, hindi ko 'yan kayang matsambahan" napatango nalang ako saka tumawa
"Eto nalang po, may malaking pagbabago po ba ang darating sa buhay ko dahil naging ex-change student ako sa Royal Academy?" tinignan niya naman ako saka siya nag-shrug
"Yeah, normal lang naman 'yun. Everyday is a new day, a different day and there's a lot of learning into it. Pero sa situation mo, it won't change the fact that you're going to have so many incoming invitations from so many prosperous companies. But of course, if it's you, I think you'd choose the Corporation, the Falcon Empire. Congratulations in advance. Two more years to go before you graduate with flying colors"
Wew. Alam niya ba talaga or wild guess lang? Paano niya nalaman na napakadaming invites ang dumadating sa akin? That's so cool and well.. a bit scary..
"May chance ba na magkaroon ako ng mga kaaway dito? May mga nags-start na pong mam-bully sa akin dito eh"
Parang si Annallie lang kanina.
"Hmm. Of course. With that innocent and naive face and personality of yours, kahit na wala kang gawin, they'll be hunting you. It's not even just a wild guess. The world is full of people with different personalities and different pasts. You can't just avoid envious people sometimes"
Napa-gulp nalang ako ulit.
Tama nga naman siya, kahit na wala akong ginagawa, parang dumidikit talaga sa akin 'yung mga bullies at ako ang parati nilang puntirya.
"Uhmm. Do you happen to know someone's personality and secrets by just taking a wild guess?" tanong ko at napalunok nalang ako ng bigla niya akong kinindatan
"Do you want me to take a wild guess about yours? What kind of personality do you have, who're you in love with or if you have deep secrets maybe" nanigas naman na ang buong katawan ko dun
"A-ah, ikaw na Charles" mukha namang nagtaka si Charles pero tumango nalang din
Kahit na wild guess lang ito, feeling ko parang totoo eh. Kaya ayoko na. Suko na.
"Yung diretsuhang sagot na, Ate Jeann. Mahahanap ko pa ba 'yung babaeng matagal ko nang hinahanap?"
"Pfft/Eh?" napatingin nalang ako kay Ate Jeann ng napa-"Pfft" siya
Napatingin din siya sa akin ng mag-"Eh?" ako at pinigilan niya na ulit ang pagtawa.
Pinipigilan niya ang pagtawa at parang alam ko na kung bakit. Alam kaya ni Ate Jeann na ako 'yung hinahanap ni Charles?
"Actually, Charles, I'm not sure about my answer. Alam kong hindi kapani-paniwala 'tong wild guess ko na 'to pero since mukhang desperado ka namang malaman. My wild guess is.." napahawak naman siya sa chin niya saka tumingin sa akin at nalipat nanaman ang tingin kay Charles
.
.
.
"Haha. Hindi ko alam. I will only give you a simple advice; 'wag mo na siyang hanapin pa. Just give up"
"........." - kami
"Your time's up. I have to remind you guys. Some of my guesses aren't really just simple guesses. I have facts and theories backing up my conclusions and almost nonsensical remarks. Well, let's just simply say that I'm.. enjoying learning and studying human psychology and their utmost deepest and profound secrets" sabay ngiti ni Ate JeAnn
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~