NOPI CHAPTER 9
Chapter 9
Sephine's POV
*Sound effect of crickets
(A/J: Lol. Tama ba?)
"............."
Parang mababaliw na ako sa katahimikan ni Charles.
Ang tahimik niya, kanina pa ata hanggang sa makalabas kami dun sa Wild Guess Booth nila Ate Jeann.
Pagkatapos ibigay ni Ate Jeann kay Charles ang wild guess niya, agad na tumayo si Charles saka nagpasalamat. Lumabas din siya kaagad kaya naman nagpasalamat nalang din ako kay Ate Jeann at sumunod sakanya palabas.
"Uhmm. Maraming possibilities ang pwedeng makuha mo dun sa sinabi niya, Charles" mukhang nagising naman siya saka tumingin sa akin
Iniwan kami nila Venus, Violet, Ed at Ken. Charles's asked me to accompany him while his friends aren't here yet.
"What do you mean? May ibang meaning 'yung sinabi niya?" tanong niya kaya naman tumango ako
"Yep. If you think of it clearly, posibleng ang sinasabi niya ay tama na dahil hindi mo na siya kailan pa makikita, tama na dahil siya ang makakahanap sayo, tama na dahil mahahanapan mo na rin siya mamaya or give up because you already met her" habang sinasabi ko 'yun ay biglang nag-flashback sa akin 'yung time na una niya akong kinausap
It was cliche. 'Yung tipong nag-start sa "Hi" at "Hello" pero wala kami nakapagpaalam sa isa't isa.
"Hi, I'm a Begley. It's an honor to meet you"
"Hello, I'm a Falcon. The honor's mine, Mr. Begley"
Casual kami non dahil nasa harap namin ang mga magulang namin.
Pagkatapos naman ng meeting ay pinaalis na ako ni Dad dahil may pagu-usapan raw sila at 'yun na ang first and last na pagkikita namin. Pero I didn't really think na magkikita kami dahil lang sa ex-change student thingy na 'to.
"Tama man 'yang conclusion mo, siguro pipiliin ko nalang 'yung 3rd at last choice. Maybe makikita ko na siya mamaya o bukas o di kaya'y nakilala ko na nga siya. I just didn't pay too much attention" saka niya ako tinignan kaya naman napatingin nalang din ako sakanya
You really didn't pay attention.
Nandito nga ako sa harapan mo eh at wala ka man lang kaide-ideya kung ano ang tunay kong pagkatao.
Though mas gugustuhin kong hindi mo ako makilala.
"Ehem," natauhan nalang ako at agad na napa-cover ng mukha
WAAAH! Kanina pa pala kami nagtititigan ni Charles! Whattheeeeeeee?!
"Hay nako, naiwanan lang kayo ang dami nang nangyayari" sabi ni Violet saka umupo sa tabi ko at sumunod naman si Ed na umupo sa tabi ni Charles
"Yeah yeah. Anong meron ha? Connected ba 'to doon sa Wild Guess na pinuntahan natin kanina?" tanong ni Ed kaya naman napatingin ako ulit kay Charles
Syet. Ba't ba tumingin rin siya sa akin!? Nahihiya tuloy ako. GRR
"Ah" umubo ubo pa si Charles saka tinanggal ang paningin sa akin
"Actually I've been told that I should give up on finding the person whom I wanted to find"
"Really? What a bummer. Akala ko pa naman makikilala ko na 'yung babaeng papakasalan mo. Tss" nanlaki naman ang mata ko saka tumingin kay Violet na pinipigilan ang pagtawa
Anong-kasal-'tong-sinasabi-ni-Ed?! T.T
Kaya niya ba ako hinahanap dahil dun? Grabe naman pala ma-inlove 'tong mga lalakeng 'to. Kasal agad ang nasa isip nila.
Jusko po. Buti nalang nerd na ako at hindi nila ako makilala.
"Anyways, tara, ikot pa tayo. Magkasama na sila Venus at Ken eh" sabay akbay ni Ed kay Charles at nauna nang maglakad kaya naman sumunod kami ni Violet na maglakad sa likod nila
"Anong sabi sayo, Seph?" bulong ni Violet kaya naman napa-iling ako bigla
"It seems like she knows my secrets. It bothers me" napatango naman siya saka napahawak sa chin niya
"Sabagay, she actually knew na nakapasa ako sa isang US Scholarship Grant. Sabi niya wild guess lang pero right on the spot" saka siya natawa kaya nakitawa nalang ako
After ng ilang ikot at pagpasok at pagtry sa mga booths ay napagusapan na namin na kumain nalang muna.
Kaya naman pumunta kami sa mga stall na nagpapabenta ng pagkain.
Nang makabili kami ay pumunta kami sa may garden at dun na naisipang kumain.
Kakagat na sana ako sa vegie salad ko pero biglang tumingin sa akin si Charles kaya naman feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa mukha.
"A-ah. Haha. Sorry. Sige, ituloy mo lang" saka siya umupo sa tabi ko kaya naman napatingin ako sa mga kasama namin
"Huh? Asan na sila?"
"May bibilihin pa daw. Hintayin nalang daw natin sila dito" napapout ako kaagad
Nakakailang iwan sila Venus at Violet sa akin ngayong araw ah. -.-
"Besides, nandito pa naman ako eh. Mauna nalang tayong kumain" tumango ako kaagad saka kumain na
"Why vegies? Vegitarian ka ba?"
"Yup. Ikaw? Why burger? Mahilig ka ba sa meat?" napatingin naman siya sa binili niya sabay tawa
"Oo at hindi. Ewan. Haha. Lasagna or Spaghetti ang parati kong binibili pero nang pinatikim nila ako ng burger, I just happen to like it"
"Kilala mo ba ang Girls' Generation?" mukha namang naguluhan siya pero agad ding tumango
"A really famous korean pop group consisting nine girl members, right?"
"Uhuh. At isang member nila don, particularly, si Seohyun, sabi niya sa isang member 'If you eat that burger, you'll die'. So since idol ko siya, I never once tried to eat one or even take a bite"
"I see you're a hard core fan girl. Alam mo bang ang sarap ng burger? Here! Take a bite" inayos niya naman 'yung burger kaya naman napataas 'yung kamay ko
No because ignorante ako sa burger at no dahil nakakahiya!
Wahhh! Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Come on, stingy" napasimangot naman ako dun
"Aray ha. Akin na nga!" aabutin ko na sana 'yung burger niya pero nabigla ako ng bigla nalang siyang lumapit sa akin at sinubuan ako
Nag-init nanaman ang pisngi ko na nagpapahiwatig na nagba-blush ako.
Pagkatapos kung kumagat ay bumalik din naman siya kaagad sa dating pwesto niya at saka umubo kaya naman kumain nalang ako ng kumain.
"Hmm. Ang sarap pala talaga!" napangiti naman siya sa sinabi ko
"I told you. At grabe naman, talagang hindi ka pa ba nakakatikim ng burger?"
"Yup. Puros vegies lang din meron sa bahay eh. Nagmi-meat at fish lang ata kami every weekends"
"Kaya pala ang healthy mong tignan" nginitian ko lang siya saka inabot sakanya 'yung isa kong milk bar
"Uhh?"
"A token of gratitude" saka ako tumataas taas at baba ng kilay dahilan ng pagtawa niya at kinuha na 'yung milk bar
"Strawberries, huh? Thanks. Here" sabay bigay niya sa akin ng cookie na naka-plastic kaya naman tinanggap ko 'yun
"Token of friendship. Haha. Friends naman na siguro tayo no?" natigilan naman ako dun
Patay! Ngayon ko lang naalala. I'm with Charles nga pala!
Inikot ko 'yung paningin ko at .. tama nga ako. Ang daming nakatingin sa amin. A nerd alone with the Campus' Heartthrob Prince.
Mamatay ako nito ng maaga. Asan na ba sila Violet?! T.T
Napatingin naman ako kay Charles dahil bigla siyang umubo. Napansin niya rin pala.
"Ngayon ko lang din napansin ah. Kabanas naman" aniya saka siya napasabunot ng buhok niya at 'di naman nagtagal ay tinignan na ako
"Sorry, Seph. Mukhang may magtatangka nanamang mag away sayo 'pag nagkataon" napailing naman ako kaagad
"Okay lang. Wala rin naman tayong magagawa. So.. you don't like the treatment na binibigay sa may mga titulong gaya mo sa Academy?" tanong ko at pinabayaan nalang ang mga nanunuod sa amin
Mamatay kayo sa inggit na kausap ko 'tong gwapong lalaking 'to.
Joke. Haha
"Masaya naman every class hours at activities since kami ang ginagawang priority" sabay smirk niya kaya naman nabigla ako
Whoosh. Hindi ako makapaniwala na may ganito palang side si Charles.
"Pero sometimes, hindi mo rin magawang maging masaya. With all the eyes on you, watching you step by step. And with all the expectations? Hah. Mababaliw ka kakaisip"
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
That's right. Bilang si Josephine na nag-iisang babaeng anak ng panganay ng Falcon Tribe, masaya naman pero with all of their eyes on you and with all of their expectations. Parang hindi mo magawang maging masaya.
"Pero you don't have a choice, right?" tanong ko saka binaling ang tingin ko sa hawak hawak kong mineral water
Right. We don't have a choice.
Pinanganak akong si Josephine eh at syempre naman hindi ko pa once pinagsisihan na nabuhay ako.
Kahit na maraming mga pangyayari sa buhay ko ang naging dahilan ng pagtago ko ng tunay kong pagkatao.
At kahit na ang mga pangyayaring 'yon ay ang dahilan ng pagsesekreto ko at pagsisinungaling sa kanila.
"What's with the sad expression?" napatingin naman ako kaagad sakanya saka ngumiti
"Nothing. Haha. Friends na tayo, right?" tanong ko at mukhang nabigla naman siya dun at agad na napakamot ng batok
"Right. We're friends na"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~