NOPI 10
Sephine's POV
"Since nandito na rin naman tayo't malapit na magsimula ang campfire, may gusto akong buksan na topic" napatingin kaming lahat kay Venus sa sinabi niya
Ano nanaman bang kabaliwan at kaguluhan ang nasa isip nito?
"Tungkol san ba?" tanong ni Mandy
Hindi ko sila pinansin at humiga na sa lapag.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Magandang tambayan raw dahil wala akong roommate/s. Haha. Ginawa pa nilang tambayan ang kwarto ko.
"Para sa may-ari ng kwartong 'to" hindi ako kumibo
Dinamay nanaman ako. Tahimik na nga ako dito eh.
"Sephine naman, don't be stingy" singit ni Ynna kaya naman sinilip ko sila
Nakatingin na silang lahat sa akin. Nako naman. Ang mga tingin 'yan? Ang mga ngiting 'yan?
"Do I have a choice?" tanong ko dahilan kung bakit sila nagtinginan saka ngumiti at tinignan na ako
"You don't!" sabay sabay nilang sabi kaya naman napailing nalang ako't bumangon na galing sa pagkakahiga saka umupo ng maayos.
Nasa study table ko si Mandy, nasa kama ko si Ynna habang sina Venus at Violet naman.. ayun, pinapapak ang mga binili nilang mga makain.
Si Icy naman ay busy sa project niya. Wala siyang ka-section sa amin eh.
"So? Ano?" tanong ko saka ko kinuha 'yung isang pack ng fries
"So who do you prefer from the five of them?"
Isusubo ko na sana pero nanatili lang akong nakanganga sa tinanong ni Venus sa akin.
What? Ha? Ano raw?
"Ha? Five of them? Sino?" tanong ko saka ako tuluyang lumamon ng fries
"Ed, Rico, Rod, Ken and Charles"
*COUGH
Nanlaki ang mga mata ko saka umubo ubo.
HAAA?
"Paano *cough ba sila napasok *cough sa usapan?" tanong ko
"Sagutin mo nalang!" sabay sabay nilang sigaw kaya naman nabigla ako saka nagmadaling uminom ng tubig
Huminga ako ng malalim.
"Uh. Prefer? Prefer for what?" mahina kong tanong kaya naman sabay sabay silang napasapo ng mga noo nila
"As a partner. As someone who can make you happy. Or a potential ideal man" kumunot noo ko
Binigyan ko sila ng why-me-look pero pinanlakihan lang nila ako ng mga mata.
Ngiting ngiti ang mga baliw. Pasalamat sila mas matanda sila sa akin eh.
"Sila lang ba ang choices? Sa tingin ko lahat ng mga lalaki na nandito sa Royal Academy ay outstanding bachelors at kung isa isahin mo sila'y makikita mo na ideal silang lahat," sagot ko dahilan kung bakit sila tumango tango
"That's a very diplomatic answer, Seph. Pero nga, ang tanong ko eh, kung pipili ka lang sa limang 'yon" sagot naman ni Venus kaya naman kumunot na ang noo ko
Pero dahil sinamaan nila ako ng tingin ay wala na akong nagawa at nagisip nalang.
"Hmm. May Venus na si Ken, may Violet si Rod, may Ed si Steph at si Charles naman ay may Corazon na. So ang natira ay si Rico. Si Rico nalang para walang away"
Nabigla kaming lahat nang biglang paluin ni Mandy ang study table ko to the point na nanahimik kaming lahat.
Haaaa? Ano nanaman? May nagawa nanaman ba ako? May nasabi ba akong masama?
"G-galit ka ba don? Si Rico ba sayo, Mandy?" tanong ko dahilan kung bakit siya tumahimik ng ilang segundo bago niya ako naisipang sagutin
"Ah. Don't mind me, Seph. Continue what you're doing. Sumakit lang bigla ulo ko" sagot niya saka niya ako nginitian saka siya bumalik sa ginagawa niya
Kakaiba ang honor student. Festival na nga, nag-aaral pa rin.
Pero.. 'yung ngiti niya.. Hindi nakakatuwa. Nakakatakot.
"She's scaring me, Violet" bulong ko kay Violet dahilan ng pagtawa niya
"Kay Mandy na si Rico. Though it's one-sided" nanlaki naman mata ko dun saka sinilip si Mandy
Sumakit daw ulo niya. Halata namang ayaw niyang binabanggit si Rico.
"No choice ka no? Si Charles nalang sayo. Ikaw pa rin naman si Corazon eh" kumunot noo ko sa sinabi ni Ynna
"Ha? May sinasabi ka ba, Ynna?" pagpapaulit ko kaya naman tinawanan niya ako
"Tama naman si Ynna eh. Bakit mo sinasabing may Corazon na si Charles na parang ibang tao si Josephine at hindi ikaw 'yun? Haha. Weird" singit ni Venus kaya naman bumugtong hininga nalang ako
Kung pagtutulungan din naman nila ako sa dulo, 'di nalang sana ako sumagot. Gee.
"Bakit niyo pa ako tinanong kung itatapon niyo lang din naman si Charles sa akin? Gulo niy--"
"Teka nga, anong may Violet na si Rod?" tanong ni Violet habang nakataas ang isang kilay kaya naman nanlaki bigla mga mata ko
Tinignan ko naman sila Venus, tumatawa lang sila.
She's so late!
"Talk about late reaction, girl" sabi ni Venus
Hindi ko ba dapat binanggit 'yun?
"A-ah. May partner kasi halos lahat kaya naman dinamay nalang kita. Teehee" pagpapacute ko
"Really? Bummer. Akala ko ba naman kung may nai-share si Rod sayo"
"Eh?" gulat kong tanong
Holy. Nagpabebe si Violet! At ang nakaka-shock pa dun ay dahil si Rod ang dahilan. WHATTHE.
Bigla namang tumunog ang ringtone ng phone ni Violet kaya naman napatingin ang lahat sakanya.
"Ah. Tawag galing kay Ma'am Alice, 'yung assistant ni Madam President. Excuse me muna, girls" paalam niya saka siya tumayo at nagpakalayo layo sa amin
Bigla namang may pinakita sa akin si Ynna gamit ang phone niya.
Nanlaki mata ko ng makita ko sila Violet at Rod na naka-prom costumes. Sumasayaw ata sila ng waltz dito.
"They're the prom King and Queen nung 3rd at 4th year kami"
"Wow. Consecutive? Astig. Ba't ngayon ko lang 'yan nalaman?" tanong ko
"That's because walang gustong buksan ang topic na 'yan" sagot ni Venus kaya naman tinignan ko si Violet
Busy. Haha
"And? Anong meron sakanilang dalawa?" tanong ko
"MU sila nung high school. They're like best friends. Pero ang kakaiba lang sakanila ay 'yung part na kapag busy sila eh nakakalimutan na nila ang lahat ng nasa paligid nila. One time ay bumaba ang mga grado nila sa sobrang gala. Napagalitan ni Tito Blue si Violet dahil dun. Nung nalaman 'yun ni Rod ay nag-decide siyang magconcentrate nalang muna sila sa school"
"Don't tell me.."
Seryoso? There was actually such a past behind them!
"That's why they kept on staring at each other?" mahinang tanong ko dahilan ng pagsabay nilang tango
I see. Big news.
Seriously, what's with this group of friends and my cousins? Connected silang lahat, one way or another.
"Ah. Si Mandy ba at si Rico? Anong connection nila?" tanong ko kaya nahampas ulit ni Mandy ang mesa ko
"You wanna die, Seph?" tinaas ko na ang dalawa kong kamay habang nagpipigil ng tawa
"Joke lang naman eh. I was just curious. You didn't seem to like it when I said I'd go for Rico" tinaasan niya na ako ng kilay
"He was a Prince-Charming type. So what?" tanong niya kaya naman napangiti nalang ako
Prince Charming huh?
May Charles na si Corazon. Pfft. Oo nga.
Tumayo na ako saka humarap sa salamin ko at tinanggal ang napakakapal kong glasses.
Corazon. Ako rin pala 'yun. So akin ba si Charles? Pfft.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~