NOPI CHAPTER 11
Chapter 11
Sephine's POV
Last day na ng Royal Festival ngayon at all I can say is that, this is the best week in my whole stay here. Sobrang saya.
Hindi ko naman sinasabing hindi masaya sa school ni Dad tuwing school festival pero hindi ko talaga maipagkakaila na mas masaya ang festival dito.
At ahehe. Kalimutan nalang natin 'yung mga bullies. Part na 'yan sila ng fun and memories.
Nung isang araw, kasama naming nanuod ng napakagandang play sila Charles, Ed, Ken, Rico at Rod. Libre daw kasi sabi ng ibang members ng Theater Club kaya naman pumunta kami. Ahaha. Pero masaya naman at nakakaiyak.
Kahapon naman, inikot na namin lahat ng booths at pumunta kami sa gym dahil may concert daw at kasama parin namin sila Charles.
Pagkagabi naman non ay lumabas kami ng Academy at naglibre si Ed sa 5 star restaurant nila.
Kung nagtataka man kayo kung bakit niya kami inimbita ng biglaan ay dahil nahihiya raw siyang makipagkita kay Stephanie ng siya lang isa kaya naman sinama niya kaming lahat. Ahaha. Torpe nga pero sweet naman. Okay na rin.
And now is the last day. Hindi ko alam pero naging boring na. Haha. Free time ko na pero ang iba ayun, busy ata. Kaya naman wala akong nagawa at naglibot nalang ng mag-isa.
"Well, well, look who's here"
Kahit alam kong ako 'yung kausap niya, nilampasan ko lang siya.
Marami rami ding tao eh at kung posible man, kailangan kong lumayo sa mga taong may balak na gumawa ng eskandalo. Not to mention na marami rami din sila at familiar sila sa akin. Sila 'yung bumasa sa akin sa comfort room.
Natigilan ako nang may biglang humila ng buhok ko
"A-aray!"
Talagang hinila niya pa kaya naman napaupo ako sa impact.
Ang sakit naman!
"How dare you turn your back on us?" sabi nung isang babae
"Mali ata kayo ng kinausap" casual kong sagot na ikinataas ng mga kilay nila
Ano ba sila? Mga Amazona?
"Baka nga. Di bale nalang kung ikaw si Sephine Cruz. Ikaw ba si Sephine Cruz?" tanong nung maiksi ang buhok
"A-ako nga" nauutal kong sagot
Napahawak na ako sa pisngi ko. Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi man lang ako nakailag. Nang maramdaman ko na 'yung sakit nang sampal niya, parang gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko nalang.
It's a typical move from a bitch so nagpigil nalang ako.
Napa-gasp 'yung mga nanunuod at nagsimula nang magkumpulan sa amin.
"That's for flirting Ed and Ken" sabi nung babaeng humihila ng buhok ko
Lumayo ako sakanya pero 'yung isa niya pang kasama ay sinampal ako ulit.
"That's for flirting Rico" dagdag niya kaya naman naluha na ako dahil masakit na.
Hindi lang 'yung mga sampal nila, pati na rin 'yung mga sinasabi nila.
"T-tama na" saka ako yumuko at nagpunas ng luha
Binitawan naman nung babae 'yung buhok ko saka hinawakan 'yung chin ko at iniharap sakanya ang mukha ko
"At bakit? Di ka ba nage-enjoy?"
"Right. We're just playing. Don't try to hold grudges, honey"
"Ang besides, tama lang 'yan sayo since malandi ka"
Tinanggal ko 'yung kamay nung isang babae saka huminga ng malalim
"Hindi ko matandaan kung kailan ko nilandi sila Ed eh!" sagot ko
"Aba. Sumasagot ka pa?!"
Akmang sasampalin niya ako kaya napapikit ako. Nagtaka ako dahil merong biglang humila sakin patayo at biglang pagtahimik ng paligid.
Posible lang 'to sa mga books at movies kaya naman talagang nakakagulat.
"Ano ba?! Kita niyo na ngang walang laban 'yung tao eh!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses, si Rico.
Napamulat na ako ng mga mata ko. Nakita ko si Rico sa harapan ko, Si Ed na inaalalayan ako at sina Ken, Rod at Charles na nasa gilid.
Niligtas nila ako? Bakit?
"Siya naman nauna eh!" sigaw nung isa
"Kami ang unang lumapit sa kanya. Kusa 'yon" sabi ni Charles saka niya pinulot ang mga gamit ko na nahulog sa lapag
"W-what?" tanong nung isang babae
"Mag-sorry kayo sa kanya" sabi ni Rod
"No hell way, Rod!"
"Magso-sorry kayo o aalis kayo sa school na to?" seryosong sabi ni Ed na para bang nagbabanta kaya naman nanahimik 'yung mga babae
I can already feel the tension.
Masisira ang pangalan ng Academy nito. Festival pa naman eh, maraming mga bisita.
Bumugtong hininga nalang ako saka ko hinila 'yung dulo ng polo niya.
"Ed, no worries. Haha. Okay lang ako" Pinilit ko namang ngumiti pero bigla niya nalang akong hinila
"Tsk" 'yon lang sinabi niya
Sumunod naman sila Charles sa amin. Hinila niya lang ako ng hinila.
Natatakot akong magtanong, baka mapaano pa ako. Natatakot ako sa expression niya eh.
Tumahimik nalang ako at nagpahila nalang hanggang sa mahila niya ako papunta sa.. Clinic? Clinic nga.
"Bakit tayo nand—"
"Gasgas. Tuhod" hindi ko na natignan ang tuhod ko dahil hinila niya nanaman ako papasok
Tatanungin pa sana kami nung Nurse pero dire-diretso lang si Ed na hinila ako papunta sa isang room.
Pinaupo niya ako sa kama saka kumuha ng first aid kit
Sunod sunod namang pumasok 'yung iba kaya naman napasinghot ako.
"Iiyak mo na 'yan, dummy" napatingin ako kay Charles nang sabihin niya 'yun
Ipinatong niya 'yung mga gamit ko sa tabi ko
Napabit na ako ng lower lip ko para pigilan ang pag-iyak. Pero hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Hindi ko na sinubukang punasan 'yung mga luha ko dahil baka matanggal pa 'yung contacts ko. Hindi naman kumibo sila Charles at nanatili lang nakatingin sa ibang direksyon kaya naman tahimik nalang ako sa pag iyak.
Dumating naman si Ed at nagsimulang gamutin 'yung tuhod ko.
Nang tumigil na ako sa pag-iyak, umupo si Rico sa tabi ko saka ako inabutan ng panyo kaya naman napangiti na ako saka nagpasalamat at nagpunas na.
"Ed. Sorry" sabi ko sabay tungo
Timing naman na natapos siya sa pag gamot nung gasgas kaya naman kumuha na siya ng upuan saka umupo sa harapan ko.
"Ha? Ba't ka nagso-sorry?" tanong ni Ed saka ako nginitian
Bumalik na siya sa dati. Hindi na siya nakakatakot.
Grabe, ito na ata ang tinatawag nilang 'Split Personality'.
"K-kasi nagalit ka. Ako naman may kasalanan kung bakit sila napikon eh. Basta sorry"
"Dapat nga kami mag-sorry eh" sabi naman ni Rod
"Oo nga. Kami may kasalanan" singit din ni Rico
Tumahimik naman kami sandali pero bigla nalang nagsalita si Ed.
"Okay lang kung hindi mo na kami mapatawad, Seph" sabay arte niya na umiiyak
"Oo nga. Alam naman naming napapagod ka na rin eh" pagsabay din ni Rico na nasa tabi ko
"Wala kaming magagawa kung lalayuan mo na kami" dagdag naman ni Rod kaya naman natawa na ako ng tuluyan
"Wala namang masamang nangyari eh. Buhay pa naman ako diba?" sagot ko at mukhang nabigla naman silang lahat
Bakit?
"Anong walang masamang nangyari? Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi pa ba 'yon masama? Pasalamat ka nandun lang kami sa may labas ng canteen eh!" sigaw ni Ken kaya naman nginitian ko na siya kaagad
"Concern ka? Thanks. Pero sana 'wag ka nang sumigaw. Nakakahiya sa nurse. Haha" Inirapan niya lang ako kaya naman mas natawa pa ako.
"Ayie! Suplado lang 'yan nung una pero nung nalaman niya na close kayo ni Venus, biglang ganyan na! Mwahaha" sabi ni Ed saka niya pinalo si Ken kaya naman nagtawanan nalang kami
*
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong gumalaw ang salamin ko. Pagkatingin k—Charles?!
"Ah, sorry. Nagising pa ata kita" sabay kamot niya ng batok at umayos ng upo
Umupo na rin ako at nag unat.
Nilibot ko na 'yung paningin ko. Tama, nasa clinic pa pala kami. Nakatulog pala ako? Pero sandali, asan sila Ed?
"If you're looking for them, they left. Nagugutom daw sila eh. Bibili lang daw muna sila ng pagkain tapos babalik din dito kaagad" tumango naman ako
Kinuha ko 'yung phone ko at tinignan kung may mga text ba. It's only from my parents and my cousins. Mukhang nalaman na nila Violet.
Ang bilis talaga ng tsimis.
"You could have fought against them really," binalik ko na 'yung phone ko at agad na tumingin kay Charles
Nakatingin lang siya sa baba habang nakapamulsa pero nakaupo siya sa may upuan.
Mukhang malalim ang iniisip niya.
"I could've pero ayoko eh" tinignan niya naman ako at nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay umubo siya saka nag-ayos ng upo
"Then why?"
Then again, nagtititigan nanaman kami.
Nahihiya man ako at gusto ko mang ibaling ang tingin ko sa iba ay hindi ko magawa.
Parang may glue sa mga mata niya na hindi ko matanggal ang paningin ko. It's really weird.
To think na hinawakan niya ang glasses ko. Anong bang balak niyang gawin? Titignan niya ba ng maayos ang mukha ko?
"Because I don't want to" napakunot naman ang noo niya kaya naman napangiti ako kaagad
"Kapag hindi ko sila pinansin at pinabayaan nalang sila, mas naiinis sila eh" napa-"Pfft" naman siya pero tumawa rin kaagad
"That's right. Good choice. Kung posible nga, ipakita mo rin sakanila 'yang ngiti mong 'yan eh. That'll make them like you just like what you did.. to me.. right... now" humina naman ng humina 'yung boses niya nang sinabi niya 'yun dahil parang na-realise niya na hindi niya dapat sinabi 'yun
Uminit naman ang mga pisngi ko. Tae.
Nanlaki ang mga mata niya kaya naman napatingin kami sa magkaibang direksyon. Kasi naman! Kasi naman 'yung sinabi niya eh!
Sinilip ko naman siya. Napangiti nalang ako nang nakita ko siyang nakangiti. Sheez. A-ang.. ang cute! Parang tuta. Haha
Nang makarinig na ako ng footsteps sa labas ay agad na akong humiga saka humarap sa may wall para hindi ako makita.
"Oh? Still asleep?" rinig kong tanong ni Rod
"P-probably. Ikaw ba naman pagtulungan nung mga babaeng 'yon" sagot ni Charles
"Hmm? Anong meron? Ba't pulang pula ka? Nilalagnat ka ba tol?"
I flinched nang itanong 'yun ni Ken kay Charles.
"A-ah? Eh, an—"
"Hoy, tanga! Blush 'yan!" - Ed
"Weh? Blush?" - Rico
"Ganyan ang laging nangyayari kay Ken kapag nagde-date sila ni Venus!" - Ed
"Ba't ba dinadamay mo si Venus! She has nothing to do with Charles' blush!" - Ken
Nagpigil na ako ng tawa. Puro sila bangayan. Ang sarap siguro nilang panoorin.
"That's right! Bakit nga ba nagbla-blush ka ha mokong?" - Rod
"Oo nga? Bakit? Anong nangyari ha?" - Ed
"Siguro may sinasabi siya kay Sephine or worse, may ginawa 'yan kay Sephine! Mwahaha" - Ken
Napalunok naman ako dun.
Wah. Pinagtutulungan nila si Charles dahil sa akin.
Sorry. Hahaha
(Somewhere)
Annalie's
"Hey, Annalie. You think sila talaga ang unang lumapit sakanya?" napasimangot ako sa tanong ni Donna
Pinaalala niya lang ang eskandalong ginawa nila Gelou kay Nerdy bish.
"Nakita mo naman siguro, diba? Bakit dun pa sila sa nerd na 'yon? Tss. I'm sure I told her she'll pay if she makes a move in our territory" sagot ko
Hindi sila nagsalita. Paniguradong natuto na siya sa ginawa ng grupo ni Gelou pero I think she's going to rely on the Princes much more because of the incident.
Napatingin naman ako kay Traucy na bigla siyang ngumiti habang nakahawak sa chin niya.
"This is going to be fun. New plaything," sabi ni Traucy kaya naman napangiti ako
You bet.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~