NOPI Chapter 12: Under the Same Umbrella

NOPI CHAPTER 12

Chapter 12

Sephine's POV

Tapos na ang Festival at ang ibig sabihin lang nito ay malapit na ang midterms. Haha. At dahil malapit na ang midterms, seryosong seryoso ang lahat sa pagfocus sa mga classes. Kapag hindi ka makapasa exams mo, pwedeng maapektuhan ang mga chances mo para makasali sa Showcase.

Pero sabagay, nakakabilid din sila. Kung activity, activity dapat. At kung academics, talagang academics dapat. Ito ang rason kung bakit isa sa pinaka-standard na school ang Royal Academy. Now I know.

"Okay, dismiss. Mukhang uulan kaya naman you guys better head straight to the dormitories. Is that clear?" tanong ni Ma'am

"Yes ma'am"

"Okay then. See you on Monday" paalam ni Ma'am at lumabas na siya ng room

At on cue naman ay parang bagyong nagsilabasan ang mga estudyante

Mga takot atang mabasa ng ulan. Haha

"Sephine, aalis na kami ha? Kitakits nalang tomorrow!" paalam ni Ed kaya tumango na ako

"Oh right. May practice tayo bukas ha?" tanong naman ni Rico

"'Yung para ba sa showcase?" tanong ko pabalik at tumango naman sila

"Uhm. That wasn't a joke?"

Nagkatinginan naman sila at sabay na natawa.

Anong nakakatawa sa tinanong ko? -.-

"Of course not. It's the real deal, so we better not humiliate ourselves" sagot ni Ed gamit ang seryoso niyang face kaya naman napasimangot ako

"And to think na Friday bukas, to top it off, no class day" bulong ko at mukhang dinig din naman nila dahilan kung bakit ako napitik ni Ed sa noo

"Wala ngang pasok every Friday, that's why it's a perfect day for practice"

"Of course masters" ngumiti naman sila

"Anyways, I'll text you the time and place. Bye, Seph" naki-wave nalang ako at lumabas na sila ng room

Nag-ayos ako ng gamit ko at timing naman na lumapit sa akin si Venus.

"Seph, 'di kita maihahatid sa dormitories. Something urgent came up daw eh. Okay lang ba?" tanong ni Venus kaya naman tumango ako

"Okay lang. Kahit apat pang buildings ang kailangang daanan papuntang dormitories, okay lang. Para namang mga babysitters ko na ang mga pinsan ko. I think I'm beginning to be a huge bother" pinalo niya ko bigla kaya napa-aray ako

Aba! Ang sadista talaga!

"Baliw. It never crossed my mind even once. You're not a bother at all. At sa tingin ko, ganun din ang iniisip nila Violet" napangiti naman ako dun

Kikiligin na ba ako? Hahaha

'Yan ang ilan sa mga good points ni Venus eh. Kaya pala parang nabaliw si Ken sa kanya.

Though, she's totally a sadist.

"Saan ka nga pala pupunta? What's that urgent thing you're talking about?" tanong ko at mukhang nabigla naman siya dun

"Tama nga pala! It's a council meeting. It's urgent daw so see you when I get to see you, Seph!" naki-wave nalang ako at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng room

See you when I get to see you? Haha

Napaikot naman ang paningin ko. Ako nalang ang nandito.

*Shivers

Nakakatakot din pala. Wala nang mga magugulo at maiingay na mga estudyante.

"It's kind of lonely. Pero I'm used to this so okay lang 'to" bulong ko sa sarili ko

Sinuot ko na ang bag ko at binuhat na ang mga libro ko saka ako lumabas ng room at naglakad na papunta ng dorm.

Actually, mag-isa lang ako sa kwarto. Sabi kasi ni Violet para daw walang makaalam na isa akong Falcon at para may privacy ako.

Ang per room kasi dito ay for two to four students. Kaya naman if in case magkaroon ako ng mga roommates, it'll be risky for me and my secret.

Anyways, maganda ang room ko, ang liit kung titignan sa labas pero kung nakapasok kana ang laki laki. Elegant ang dating at puno ng libro.

Sabi ni Violet pinadagdagan daw ni daddy 'yung dating size ng room kaya lumawak ito. Aww. I love my daddy talaga.

Though I feel like such a spoiled brat. Pero kay Dad lang 'yon, Mom wouldn't really spoil me this much. If Dad's a deity, Mom's probably a spartan. That's why they're so perfect together. Haha

"Patay," bulong ko saka ako sumilong

Umulan nga. Weather forecasts are so accurate these days. Iba na talaga ang technology ngayon. Pero anyways, wrong timing. Hindi pa ako nakakaalis ng building eh.

Inalis ko ang salamin ko saka ito pinunasan. Sana naman madaliang ulan lang 'to. Kung punas ako ng punas ng salamin ko, baka may makakita pa sa akin. Nako naman.

"Sephine?" nabigla naman ako dun sa tumawag sa akin

Tumingin ako sa likod ko.

Si Charles lang pala.

"Hello," bati ko saka ko binalik ang salamin ko

Lumapit naman siya. Simple lang siyang naka-pamulsa.

Lagot. Namukhaan niya kaya ako?

"Yow,"

Uh. Namalik mata ba ako? I think I saw him smile for a split-second.

Hindi naman 'yon bihira so hindi ko nalang pinansin.

"Ba't nandito ka sa building namin?" tanong ko

"Ed and Rico happen to owe me. Mukhang tinakasan ata nila ako" nagpigil ako ng tawa

Kaya pala nagmamadali silang umalis kanina. Haha. Usually kasi hihintayin pa nila akong makalabas eh.

Anyways, he doesn't seem to recognize me. Sabagay, salamin lang naman ang nataganggal eh. Praning ka lang talaga, Seph.

"I see" sagot ko saka ako tumawa

"Alam ko ang code sa locker ni Ed. Tara. Samahan mo ko" napatingin ako sakanya

"Ha?"

"May payong 'don. Ime-message ko nalang siya. Papayag din naman 'yun panigurado" saka siya nagsimulang maglakad

Anla. Di pa nga ako pumayag eh. *sigh

Sana naman walang makakita sa amin na mga fan girls niya.

Sumunod na ako sakanya.

Tahimik lang kaming naglalakad. Nasa harapan ko siya kaya naman nakatingin lang ako sa likod niya.

Mas matangkad nga pala sa akin si Charles. He has broad shoulders. Hindi siya ganun ka-macho pero ma-feel mo 'yung aura niyang nagsasabi na padaanin siya at ayaw niyang may humaharang sa dinaraanan niya. A typical bad boy type pero obviously, he's a good guy. Ideal man nga siya ng mga kababaihan kung tutuusin eh.

Matalino, mayaman, gwapo't talented pa. Parang totoong version ng isang fairy tale prince. Ang swerte ng magiging prinsesa niya. Haha

"We're here," pumikit pikit ako saka nilibot ang paningin ko

Ah. Nandito na pala kami sa locker hall. Mero pa palang mga estudyante dito. Buti naman at walang nakatingin sa amin. Ibig sabihin they're not fans or haters or something. Haha

"What's wrong, Seph?" tanong ni Charles kaya naman tumingin na ako sakanya saka umiling

"Ah. Pasensya na. Ginugutom lang" sagot ko dahilan ng pagtawa niya

"Of course, malapit na mag-six eh. We should better head back to the dormitories. Magpahatid ka nalang ng makakain kaysa dumaan ka pa sa may cafeteria," tumango na ako at bumalik na kami sa may exit ng building

Binuksan niya na ang payong saka inilagay sa taas namin.

Natawa na ako kasi nasa may bubong pa kami.

"Since isa lang naman ang payong, sabay nalang tayo. So hurry. Gutom ka pa naman" tumango tango nalang ako saka lumapit sakanya

Sinuot ko ang pack bag ko ng paharap saka ito niyakap. Siya naman ay nasa left shoulder niya lang nakasabit ang bag niya habang ang left hand niya ay nakapamulsa. And he's actually the one who's holding the umbrella, through his right arm.

Napatingin naman ako sa taas ko. Nanlaki ang mata ko saka tumingin kay Charles.

"Teka, nababasa ka Charles"

"Sus, its just water. I won't die" sagot niya kaya naman lumapit ako sakanya

"There, para naman hindi mo na ipunta sa akin ang payong. Napaka-gentleman mo" saka ko siya nginisian

"Hah. Pinapakilig mo ba ako?" tanong niya kaya naman natawa ako

Linya ko dapat 'yan eh.

"Hindi no. Concern lang ako sayo. Mahal ang gamot. Besides, it's too cliche. Atsaka kinikilig ba ang mga lalaki?" tanong ko kaya naman natawa din siya

"I don't really know. Though naalala kong sinabi sa akin ni Ed na kinikilig siya kapag nagpa-punch line si Stephanie sakanya" napaisip naman ako

"Eh. Imagine Ed making that 'kinikilig' face" sagot ko

Nagkatinginan kami saka nagtawanan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~