NOPI Chapter 13
Sephine's POV
I'm so tired. After ng half day na practice namin kahapon, sinundan din naman ng buong gabing pangungulit sa akin ng mga pinsan ko. *sigh
I could die out of stress.
"Haggard na rin ako," sabay libot ko ng paningin ko saka ako natawa
Baka isipin ng ibang mga estudyante na nababaliw na ako. Kinakausap ko lagi ang sarili ko eh. Haha
Pero hehe, nakakailang. Halos lahat ng mga mata ng mga estudyanteng nandito, sa akin nakatutok. Oh diba? Sinong hindi maiilang?
Tinignan ko na ang phone ko. May gagawin raw kasi sila Venus at Violet sa student council habang sina Ynna naman at ang iba pa ay busy sa mga assignments nila at projects. Kaya naman heto ako nag-iisa sa cafeteria, pinagtitinginan, at kumakain ng cheesecake.
Tsar. Nag-emote ako oh. Haha
"Hello, pwede maki-upo?" tinignan ko naman kung sino..
Oh. Isa rin siyang nerd tulad ko. Whoah. Ngayon lang ako nalapitan ng isang katulad ko ever since nung naging ex-change ako dito.
Pero teka, may kamukha siya pero hindi ko maalala. Though, nerd nga siya! Haha. Ang galing naman. Lumapit siya sa akin!
Ito na ba ang simula ng pagkakaroon ko ng mga kaibigan na matagal ko nang pinapangarap?
"S-sige" nauutal kong sagot
Nauutal na ako sa sobrang pagka-excited. Haha
Umupo naman siya at nagsimulang kumain kaya pinagpatuloy ko na ang kinakain ko.
Nga pala, babae siya. Kaya nga katulad ko. Haha
"So ikaw 'yung exchange student ng year natin?" tanong niya kaya naman tumango na ako
"Ikaw rin 'yung pinsan ni Stephanie?" tumango ako ulit
"Ah. Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko
"Ako nga pala si Shane Aguinaldo" sabay lahad niya ng kamay niya kaya naman nakipag shake hands ako
Siya ang first nerd na naka-shake hands ko. Kyaah~
"Ang ganda ng name mo. Pang president lang," saka ako natawa sa sinabi ko
"Haha. I get that a lot. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya
"Sephine Cruz. Isa akong nerd. Pinsan ko nga si Stephanie pero tulad niya, hindi ako anak mayaman," sagot ko at mukhang pilit naman siyang natawa
Iniisip niya siguro na oblivious ako masyado.
"Madaldal ka pala no?" tanong niya kaya naman napangiti ako
"Yup. Nararamdaman ko kasing mapagkakatiwalaan ka eh" sagot ko
Stella's POV
"Yup. Nararamdaman ko kasing mapagkakatiwalaan ka eh" ngumiti na ako ng pilit
"Ahaha. Oo naman"
Boom.
Those were the words that I didn't want to hear. It felt like I heard something inside me talking, saying she's nice and innocent.
Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa schools at sa mga courses namin and a little about ourselves and then after two hours ay nagpaalam na siya para pumunta sa Student Council's Office kaya naman naglakad na din ako pabalik sa dorm.
Nalaman kong nag-iisa lang pala siya sa kwarto niya at mahirap mang aminin pero mabait siya for someone who doesn't even know me.
She's not like the girl Annalie, Donna and Traucy talked about.
Nang makarating na ako sa pinto ng room naming apat ay hindi muna ako pumasok. Tinanggal ko na ang salamin ko at tinignan ang reflection ko through its mirror.
"I'm Stella Aquino pero for her I'm just Shane Aguinaldo. Great. Parehas pang president ang last name. Mahahalata ka talaga, Stella. Do remember that everything you do has consequences. Wala ka nang takas nito" bulong ko saka ako bumugtong hininga
Actually, wala akong intensyong lokohin siya. Pero kailangan daw ng mga besties ko ng information eh.
Bumugtong hininga ako ulit saka ako pumasok.
"Hey Stella. Welcome back"
"Any clue? What? Tell us"
"Shut up. Let Stella talk first, girls" pagpapahinto naman ni Annalie kina Donna at Traucy
Inikutan na nila ako kaya naman bumugtong hininga ako ulit.
"Uhm. Actually she's kinda..."
"What? She's kind what?" singit ni Donna
Tinignan niya ako ng seryoso kaya naman hindi ako sumagot
"Kinda what, sissy?!" sabay yugyog naman sa akin ni Traucy kaya naman binatukan na sila ni Annalie
"Psh. Ano na, Stella? Continue" Tinignan ko lang si Annalie saka ako ngumiti na ikinataka nila.
"She's kinda nice?" patanong kong sagot kaya naman pinanliitan nila ako ng mata
"The hell, Stella!" sigaw ni Donna
Naglakad naman sila papuntang sala kaya naman sumunod ako at habang naglalakad ako ay tinatanggal ko na 'yung pesteng braces ko atsaka ang hair extensions.
"I can't believe you!"
"How disappointing!"
"I said she's kinda nice already! What's wrong with you? Is there something in your ears? How come you can't hear me?!" sigaw ko rin sakanila
Ang ayoko talaga sa lahat ay 'yung sinisigawan ako! Sawang sawa na nga akong nasisigawan nila Daddy't Mommy eh, dadagdagan pa nila. Tch
"Stella, we trusted you on this" sabi ni Donna kaya naman napa-irap ako
"I'll try, okay? Tomorrow or the next day" sagot ko
"Just make sure you can get information about her. Or we just might use plan b" sinamaan ko ng tingin si Annalie
"Plan B? You'll force her? No hell way. I just told you that she's nice! Don't ever do something like that to her!"
Nabigla ako sa sinabi ko dahilan kung bakit sila napatingin sa akin.
Oh my gosh. Pati ako nabigla dun ah.
"You. Ano bang pinakain niya sayo?" tanong ni Traucy kaya naman umupo na ako sa sofa
"You won't understand it. You don't get me at all" sagot ko
"You'll get benefits on this, Stella" tinignan ko si Annalie sa sinabi niya
"But my conscience is not pleased of what I'm doing" bulong ko pero sigurado akong narinig nila 'yon
Napatingin ako kay Annalie nung tumawa siya. What the hell? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Fine. Then will you believe me if I say that she's with Charles every day?" napatigil ako sa sinabi ni Donna
T-talaga?
"Do you want her to tame Charles just like what she did to you?" tanong naman ni Annalie
Iniwas ko na ang tingin ko.
She's nice. She's cute. She's charming. Even if she's a nerd, she's really beautiful. I don't want to do it anymore. But if it's about Charles' interest..
"N-no. I'll get information. I promise"
I'm sorry, Sephine. I'm just this selfish.
Sephine's POV
Hays. Pinapunta lang pala ako ni Violet sa may Student Council's Office para sumabay sakanila kumain. Baliw din ang babaeng 'yon eh. Haha
Pero sayang, sabay nalang sana kami ni Shane kumain ng dinner. Saan kaya banda dito ang room niya?
Napatingin ako sa langit dahil kumidlat bigla. Uulan ata. Tumakbo na ako pero naglakad nalang ako nang may makita akong lalaking pamilyar ang likuran sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
"Uh. Charles?" tumingin naman siya sa akin
Bakit nandito siya sa harap ng girl's dormitories?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at lumapit naman siya sa akin
"May itatanong lang sana ako" sagot niya kaya naman tumango ako
"Kanino din?" tanong ko
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin.
"Charles?" tanong ko at mukha namang natauhan na siya
"Wala. Sayo sana pero okay na. See you later, Seph" sabay kaway niya at naglakad na paalis
Eh? Nakuha niya na kaya ang sagot na kailangan niya?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~