NOPI Chapter 14: A Guy's Intuition

Sephine's POV

Akalain mo ba namang makakatagal ako ng 2 months dito. Haha

Except sa pagbubully sa akin ng mga bullies, nagkaroon din naman ako ng kaibigan. Which is si Shane, Shane Aguinaldo.

Ilang beses na rin akong nailigtas ng aking mga knight in shining armors na sina Ed. Korni man pero oo, totoo pala ang mga knight and shining armor. Though, hindi ako prinsesa at wala akong prinsipe. Haha

Saturday ngayon, since walang NSTP, nag-plano kami ni Shane na magbigay ng mga recommendations sa kung anong mga libro ang maganda basahin. Hihi

She's one of my precious friends now, together with Charles, Ed, Rico, Ken, Rod and my cousins. Sabi niya nga pala ako lang ang nakakausap niya na babae except sa mga teachers at sa mga roommates niya. Weird pero posible naman. Wala rin naman siyang rason para magsinungaling sa akin eh. Ang galing nga dahil parehas na parehas kami at makasundong magkasundo.

"Sephine, anong meron? Ang lalim ng iniisip mo ah?" tanong niya saka ako binigyan ng soda saka siya umupo sa tabi ko

"Wala, may inaalala lang" sagot ko sabay tingin sa langit

"Anong naaalala mo?" tanong ni Shane

Hmm. Nilagay ko naman 'yung kamay ko sa chin ko. 'Yung pose na para bang nag-iisip.

"Nanahimik ka? Ano nga?" tanong niya saka siya uminom ng soda

"Naaalala ko lang naman 'yung mga masasarap na sampal nila Annallie't Gelou" sagot ko

Nanlaki ako ang mata ko ng maibuga niya 'yung soda.

Nagpigil na ako ng tawa.

"Ew. Ano ba Shane? Pffft. Kadiri ka. Hahaha" sabi ko saka ko pinunasan yung parte ng katawan ko na nabugahan ng soda

Haha. Buti nalang at wala masyadong tao. Kung hindi ay paniguradong paguusapan at pagtatawanan nanaman kami, well, ako in particular.

Not that I mind though.

"Sorry. Ikaw kasi eh. Pinagloloko mo nanaman ako. Ang mga ganyang bagay, hindi dapat dinadaan sa mga jokes. Tsk" sabi niya saka siya nagpunas

"Pasensya naman. I didn't know that you would actually react that way. Joke lang naman 'yon eh" saka ako natawa at binigyan siya ng tissue

"Pero totoo nga? Bakit?" tanong niya ulit kaya naman ngumiti na ako

"Kasi nakahanap na ako ng kaibigan. Sa amin kasi hindi ako pinapayagang magkaibigan eh, kasi.. Ah, eh basta" tumingin siya sa akin kaya naman tumawa ako awkwardly saka ginalaw ang salamin ko

Hindi ko naman pwede sabihing kasi hindi ako pinapayagan ng parents ko dahil isa akong Falcon.

Hindi ko pa gaano ka-close si Shane para pagsabihan ng mga ganun kalalim na mga sekreto eh. Sa sunod siguro, I'll surely tell her properly.

"Atsaka wala ring lumalapit sa akin kasi isa akong nerd. Tapos ayun nga, ang nahanapan kong kaibigan, ikaw 'yun. 'Yun ang iniisip ko. I'm so happy to have met you. It's probably fate"

Nagtaka ako nung bigla siyang natahimik, pagtingin ko sa kanya ngumiti lang siya sakin.

"Sephine, you actually believe in destiny? Why?" nagtaka ako sa sagot niya saka ko siya tinignan

"Don't you?" patanong kong sagot only to receive her stare and a minute of silence

Hindi naman nagtagal ay natawa siya saka nagsimulang mag ayos ng gamit niya.

"Mauna na pala ako, Seph. Malapit nang matapos ang mga roommates ko sa project nila. Baka magalit pa sila kapag hindi ako nakapaglinis ng kwarto" sabi niya saka siya tumayo

"Okay, kita nalang tayo bukas! Text me, okay? Ingat sa daan" sagot ko sabay ngiti sakanya habang kumakaway

Kumaway na din siya at naglakad na paalis.

Nang mawala na siya sa paningin ko, nagsimula na akong magbasa ulit.

"Boo!" tinignan ko 'yung sumubok na gumulat sa akin

Si Rico. Naka-pose pa siya na nanggugulat.

"Oh, ikaw lang pala, Rico" napakamot siya sa batok niya bago siya natawa

"Impressive. So hindi ka pala magugulatin" ngumiti nalang ako

Na-practice ko na 'yan. Baka kasi masabi ko pang ako si Josephine sa gulat eh. I can't afford to be caught that way.

It would be embarrassing and degrading if I did. Haha

"Bakit ka nga pala nandito, Rico?" tanong ko kaya naman ngumiti siya

"Sasamahan lang kita. Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya kaya naman tumango na ako

"'Yep" sagot ko

"Boring. So this is what nerds do huh?" tinignan ko siya in a weird way

"What? What do you think they do, Rico?" tanong ko

"Nagpapaka-loner" nginusuan ko siya kaagad

Aasarin nanaman ako. Hindi talaga 'to mawawala.

Pati si Charles nahawa nila Ed, Rico, Ken at Rod sa pang aasar. Inaasar niya na rin ako. Hmp

Ay, teka. Bakit napasok si Charles sa usapan? Ang weird ko talaga.

"Hindi ako loner no. May kasama ako bago ka dumating" sagot ko at tinaas baba ko pa ang kilay ko na naging dahilan kung bakit siya natawa

"'Yung lagi mo bang kinekwento na si Shane? Imaginary friend mo ba 'yon?" nag-poker face na ako

May counter attack talaga siya lagi sa mga sinasabi ko. Hays.

"Anyways, bakit ka nga nandito? Samahan ako? Bakit? Wala ka bang gagawin?" tanong ko kaya naman tinaas niya ang dalawa niyang mga kamay

"Teka lang. Ang puso mo, Sephine"

"Wala namang nangyayari sa puso ko eh. Anong klaseng expression ba 'yan?" tanong ko at tumawa nanaman siya

"It means chill. Nako naman. Slow ka na, hindi ka pa updated"

"Bye," tatayo na sana ako pero agad siyang nag bow

Nagbow siya pero tawa ng tawa.

"Sorry sorry. Haha. It's just so fun teasing you. Hindi ko mapigilan"

Aba'y binubully na ako, laughing stock pa.

Kung nalaman kaya nila na ako si Josephine? Makakaya pa kaya nila akong ganituhin? LOL.

Nagpunas naman si Rico ng luha niya. Tears of too much laughter. Sayang saya siya ah.

"Oh tapos na?" tanong ko at nag-thumbs up naman siya

"Yeah. Haha. Hinahanap ka namin actually. Paunahan kami nina Ed, Rod, Ken at Charles" napanganga naman ako dun

"Ha? Bakit din?" tanong ko

"The Falcon Cousins asked us a favor to look after you just this day. Pero obviously, gusto lang nilang ma-distract si Ken"

Ma-distract si Ken?

"Ha?"

"Anniversary na kasi nina Ken at Venus next two days. Kaya naman si Venus kailangan ng paraan para hindi muna sila magsama ngayon ni Ken para naman makapag-ready siya ng gift niya or maybe a surprise" napangiti naman ako dun

"Alam 'din ba nila Ed?" tanong ko at tumango naman siya

"Humingi na ng favor ang mga Falcon cousins and I'm telling you, hindi naming kayang tanggihan ang mga 'yon" aniya sabay pamulsa

Napangiti ako lalo.

"Ang galing naman. Willing kayong tumulong. Obviously, may gusto kayo sa mga Falcon Cousins" nabigla ako nung nag-iwas siya nang tingin

Whoah.

"Don't tell me meron nga? Ikaw, Rico? Meron? Sino? Si Violet?" tanong ko kaya naman tinignan niya ako ng masama

"'Wag mo sasabihin 'yan sa harap ni Rod, masasapak niya ako" natawa ako sa sagot niya

"Rod likes Violet? Haha. That's Awesome!"

Napahawak na ako sa chin ko para mag isip.

Tanggal na sina Ken at Venus. So, ang natitira ay sina Ed, Rod, Rico at Charles. Ang gusto ni Ed ay si Stephanie, kay Rod naman ay si Violet.

Sino bang natitira sa mga pinsan ko? Si Ynna, Icy at Mandy. Hmm. Si Ynna may crush na 4th year na taga-Engineering habang si Icy naman ay bitter.

"Si Mandy ba?" tanong ko

Holy. Ang cute niya mag-blush! Haha

"Hahaha. Okay na. May pang-asar na rin ako sayo sa wakas. So si Mandy pala ha. Ngayon alam ko na ang mga love interest niyo" saka ako napapalakpak

"Hep. Si Charles pa. Hulaan mo" kumunot na ang noo ko

"Di na kailangan. Si Corazon ang gusto niya diba?" tanong ko

Though ako rin 'yon. Ang weird pala tawagin at pag usapan ang sarili mo sa ibang tao. Haha

Nagtaka naman ako kasi nakatingin lang siya sa akin.

"What?" tanong ko

"Hah. It's nothing. Just so you know, hindi gusto ni Charles si Corazon. Nagka-interes lang siya" natawa ako dun

Hindi niya gusto pero nagka-interes?

"Hindi ba't parehas lang 'yan?" tanong ko kaya naman natawa din siya

"Well yeah, matagal niya nang hinahanap ang babaeng 'yun. Pero alam ng barkada na hindi na lalampas pa sa paghanga ang nararamdaman ni Charles para sa kanya" tumango tango nalang ako

"At paano mo naman nasabi aber?" tanong ko

"Gutom ako, Sephine. Meryenda tayo"

"Paano mo nasabi?" tanong ko ulit kaya naman natawa siya

Ginulo niya naman ang buhok ko saka tumayo.

May balak pa ata siyang ibahin ang topic eh. For an unknown reason, gusto ko rin malaman kung ano ang love status ngayon ni Charles. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

"Kasi hindi kay Corazon nakatuon ang 100% na atensyon ni Charles. Kumabaga 50-50"

"Eh? Anong konek non?" tanong ko at tinanggap na ang kamay niya

Tinulungan niya akong tumayo.

Nagpagpag na ako ng palda at sinuot na ang bag ko.

"You can call it a guy's intuition" napatitig ako sakanya sa sinabi niya

Ha? Ano daw?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~