NOPI Chapter 15: Stella Clarise Aquino

NOPI Chapter 15

Sephine's POV

Monday na and all I can say is ang boring nanaman. Nasa garden ako ulit at ako lang mag-isa. Walang guro eh. Busy siguro sila kasi midterms na next week.

As for studying, tapos na ako kahapon after kong nag-attend ng mass. Nag-pull na rin ako ng all-night-er para naman matapos ko lahat ng dapat study-han at para wala na akong iba pang aasikasuhin. Hindi ako 'yung type na mag-study lang kapag exam na eh.

*Ringtone

Kinapkap ko ang phone ko at sinilip kung sino ang tumawag

A call from an unknown caller

Kinansel ko na since 'di ko rin naman kilala. Pero dahil tumawag siya ulit ay sinagot ko nalang. Nagtaka ako dahil walang nagsasalita.

"Uh. Hello?" tanong ko

"Miss me?" nanlaki ang mga mata ko

This voice..

"Little sis, I can't believe you agreed on being an exchange student. You're so far from your big bro" I giggled hearing his whining voice

"Paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko

"From some pretty sources" kumunot noo ko. Isa sa mga pinsan siguro. Tss

"Corazon," sabi niya kaya naman bumugtong hininga nalang ako

"Lumiere"

"Josephine"

"Joseph"

"Lumiere Joseph? Familiar 'yan ah? 'Yung Falcon ba?" napatingin ako sa nagsalita

Nabigla ako nang makita ko si Rod. Holy.

Narinig niya. Napatingin ako sa phone ko, thank god at unknown number ang nakalagay. Nang bumakas ang screen ay napanganga ako dahil ongoing pa rin pala 'yung call.

Sht. Narinig din ni kuya si Rod.

"Hoy, bakit may lalaki kang kasama, Little si—" agad kong in-end ang call at agad na itinago sa bulsa ko almost dropping it on the floor because of my trembling hands

"A-ah. Oo. Hindi niya daw siya makapaniwala na pumayag akong maging exchange student. Kakilala ko siya eh" sagot ko saka ko tinago ang phone ko

Patay. Mangungulit nanaman ang kuya kong 'yun. His name is Lumiere Joseph C. Falcon. Dito siya nag-graduate at astonishingly and as expected, na-discover siya sa Showcase at ginawa siyang isang unbelievable sensation. He's famous as an actor, singer and dancer. Siya ang panganay sa aming magkakapatid at siya ang kinilala kong pangalawang ama.

Ang pangalawa naman sa aming magkakapatid ay si Kuya Joshua, nag-aaral siya sa Elite School. Siya ang pinaka-close kong kapatid dahil nga ama ang pagkilala ko kay Kuya Joseph.

Knowing that I'm on a different school without Kuya Joshua watching over me, I'm sure aawayin nanaman ni Kuya Joseph si Dad.

And to think na nalaman ni Rod na may koneksyon kami ni Kuya Joseph. Hays. I was almost caught!

Tinignan ko na si Rod. Napakamot siya Rod sa batok niya at nakatingin lang sa akin ng nagtataka.

"I have tons of questions right now pero I guess I'll leave it with knowing just that for now" ngumiti nalang ako ng pilit

Thank God he won't try to interrogate me!

Pero wait, nung isang araw si Rico tapos ngayon si Rod? Sino ba ang sunod?

"A-ah. Haha. Bakit ka nga pala nandito? Wala rin pala kayong klase?" tanong ko at tumango naman siya

"Violet was looking for you. So I volunteered on helping her"

"I see" agad kong sagot saka ako tumayo

Ngiting ngiti ako. Naalala ko ang usapan namin ni Rico nung isang araw eh. 'Yung part na may gusto ni Rod kay Violet. Hihi

"Asan siya?" tanong ko kaya naman umiwas siya ng tingin at bumulong

Natawa ako dahil narinig ko ang binulong niya.

"Nasa puso mo? Edi meow" asar ko

"That- That was a joke! Psh. Ang lakas ng pandinig mo. May tainga ka palang pang chesmosa. Sumunod ka na nga lang," praning niyang sagot at nauna nang maglakad kaya naman sumunod nalang ako at patuloy lang sa pagtawa

Nakadaan na kami sa library, school ground at sa auditorium. Hays. Ang lawak din naman kasi ng school nila eh. Nakakapagod maglakad.

Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong magandang boses. Mukhang napansin naman ni Rod na tumigil ako kaya naman tumigil din siya.

"What's wrong, Seph?" tanong niya kaya naman umiling ako saka tumingin sa direksyon ng pinanggalingan ng boses

"Wait lang. May narinig akong magandang boses eh"

Naglakad na ako at sumunod lang sa boses.

"You know that I could use somebody,

You know that I could use somebody,

Someone like you" kumakanta na babae sa loob ng music room

Sa Music Room pala nanggagaling ang boses. Not to mention na nagpia-piano pa siya.

Pumasok naman ako at wow. Maganda siya, maputi, matangos ang ilong, pero.. Teka lang, may kamukha siya ah?

Hindi naman sumunod si Rod at nanatili lang sa labas ng Music Room.

"Off in the night while you live it up,

I'm off to sleep

Waging wars to shake the poet and the beat

I hope it's gonna make you notice

I hope it's gonna make you notice

Someone like me

Someone like me

Someone like me, somebody

Go and let it out

Someone like you, somebody

Someone like you, somebody

Someone like you, somebody

I've been roaming around,

always looking down and all I see~"

Nung tumayo naman siya at humarap sakin, kasi nga diba nasa may pintuan ako, mukhang nabigla siya na hindi ko alam. Nanlalaki ang mga mata niya na biglang kumunot ang noo eh.

"Hi" bati ko sakanya saka ako ngumiti

Ngumiti din naman siya at agad niyang sinuot ang bag niya.

"K-kanina ka pa ba andito?" nauutal niyang tanong

That's weird thou. Bakit siya nauutal? Nakakatakot ba ako?

"Ah, bago lang eh. Ay, tama nga pala. Ang ganda ng boses mo" sabi ko sakanya

"Salamat. Mauuna na ako sayo ha?" aniya saka siya naglakad

Nang makalampas na siya sa akin ay tinignan ko siya ng maayos.

"Nagkita na ba tayo Miss?" pahabol kong tanong

Napatigil naman siya saka humarap sa akin. Familiar talaga siya eh. Or may kamukha lang talaga siya?

"Hindi. Uh. Ako nakilala na kita nung first day mo dito. Pero ako hindi mo kilala" sabi niya kaya naman tumango na ako

"Ah. Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko

"I'm Stella Aquino"

Ang ganda naman. Parehas sila ni Shane.

"Oh? Parehas kayo nung kaibigan ko. Maganda ang first name tapos pang presidente ang last name" sabi ko sakanya

"Ah. Okay" sagot niya habang tumatango tango pa

"Stella!" may tumawag namang lalaki sa kanya sa likod ko

Nanlaki nanaman ung mata niya kaya naman napalingon ako. Familiar ang boses na 'yon eh.

Eh? Sila Ed?

Tumingin naman ako kay Stella. Parang narararanta siya na naiilang. Ano bang nakakagulat don? Takot ba siya sa mga lalaki?

"Oh Seph. Andito ka pala" sabi ni Ed saka siya lumapit sa amin

Nakabuntot naman sa kanya ay si Charles. Nagkatinginan kami sandali. Nang ngumiti siya sa akin ay ngumiti nalang din ako pabalik.

"Magkakilala ba kayo?" tanong ni Ed kaya naman tumango ako

"Bago lang" sagot ko at bahagya akong natawa

"Yow Stella, long time no see" bati ni Ed kay Stella pero nginitian lang siya ni Stella bilang sagot

Uhm. Why do I feel like there's tension in here?

"So where's Shane, Seph?" tanong ni Charles kaya naman kumunot ang noo ko

Paano napasok si Shane sa usapan? Weird din 'tong si Charles eh.

"Why so sudden?" tanong ko at ngumiti naman siya

"Sagot na" ngumuso lang ako at sumagot nalang

"Iniwan ako kanina eh. Bumalik sa dorm niya. Maglilinis daw dahil babalik na ang mga roommates niya galing sa paggawa ng project" sagot ko

"I see" sagot niya saka siya tumingin kay Stella kaya naman tumingin din ako kay Stella

Naka-poker face siya for a reason.

"Who's Shane? A friend of yours?" tanong ni Stella sa akin kaya naman tumango ako

"Yep. Mga 1 week na rin simula nang magkakilala kami"

"Really? That's good" ngumit ako sa sagot niya

"Stella, you don't know Shane?" singit bigla ni Charles kaya naman sabay kaming tumingin ni Stella sakanya

"Oo nga. Sabi niya nga kanina eh 'who's Shane' diba?" sagot naman ni Ed na tawang tawa

Uhm. Bakit ba parang out of place ako dito?

Stella's POV

Umiwas na ako ng tingin.

Why does an event in my life always turn out like this?!

"Nope, never heard of her before. Ngayon lang ng banggitin niyo siya" sagot ko

That's right, Stella. Easy.

"You're the Student Council Assistant Secretary. You must know all the students here at Royal Academy" sabi ni Charles

"Well, I'm not that industrious when it comes to my responsibility" sagot ko pero nginisian niya lang ako

Charles, don't do this to me.

"Stella, tell me, why ar—" 'di naman natuloy ni Ed ang tanong niya dahil may narinig kaming maingay sa labas

"Hi Rod!" - Annalie

"Sephine's inside. 'Wag kayong pumasok" - Rod

"What? She's with Stella?" - Donna

Bumukas naman ang pinto at sunod sunod na pumasok sina Annalie, Rod, Donna at Traucey.

Nagkatinginan kaming lahat. Now this is what you call awkward.

(A/J: Bullies (Annalie, Donna, Traucey) – the faker (Stella) – the target of bullying (Sephine) – Knight in shining armors (Charles, Ed, Rod))

May pumasok naman na isa pa. Si Rico. Though sa back door siya pumasok katulad nila Charles at Ed.

"Hey," sabi ni Annallie sa akin dahil nakatitig na ako kay Sephine na ngayon ay kinakausap si Charles

"So what's this all about?" tanong ni Annallie

"None of your business, let's go" hinila ko na siya at sumunod naman sila Dona at Traucey

Binitawan ko rin siya ng makalabas na kami at agad nang naluha.

Pagkadating na pagkadating namin sa dorm, pumunta ako kaagad sa sofa at agad na umupo dun.

"Hey, what's wrong?" tanong ni Traucey

"Why are you crying?" tanong rin ni Dona

"Is it that nerd again? Is she doing something out of hand again?" tanong din ni Annallie

"No. It's not Sephine" sagot ko

Kinuha ko naman 'yung panyo na inabot ni Traucey.

"I think Charles and Ed know that I'm Shane. I guess they heard me when I was talking on the phone. They were trying to interrogate me"

"Nagpahalata ka ba? Inamin mo ba nang ini-interrogate ka nila?" tanong ni Annallie kaya naman napa-singhot ako

"N-no. I denied" sagot ko

"Good thing you did that. Kung nagreact ka kanina, malamang pagtutulungan ka na ng mga Princes. Tsk" sabi naman ni Donna

"It's okay Stella" sabi ni Traucey at niyakap ako

"Right, there's no harm done" sabi rin ni Dona at nakiyakap din

"Aishh. Ang korni niyo!" sabi ni Annallie na parang diri na diri pa

"You bitch! Come here na nga!" sigaw ni Traucey sabay hila kay Annallie

That's why I won't let anyone know that I'm Shane the nerd because surely, it'll become a gossip here at Royal Academy.

Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay. Kahit na ibang katauhan pa ang kailangan kong gamitin.

Donna's POV

"Don, do you think that those guys know Stella's secret?" tanong ni Traucey

Nakabalik na nga pala si Stella sa room niya.

"I think so" sagot ko kaya naman tinignan ko na si Annalie na nakaupo ngayon sa lapag

"Annalie, kailangan na natin 'to tigilan" naasar na sabi ko kay Annallie

Napapahamak na si Stella ng dahil sa kalangyaan namin eh. I feel like we're the source of bad influence to Stella.

Hindi lang siya mentally hurt, emotionally pa. Gusto niya si Charles eh. Not to mention na unrequited love 'yon. 6 years na.

"What? The hell no," napa-crossed arms na ako sa sagot niya

"This is getting out of hand. Okay naman na eh. Nagiging cautious na si Sephine sa kung anong dapat niyang gawin kaya naman dapat tantanan na natin siya. Tama na. Hindi ko kakayaning makitang iiyak pa si Stella" hindi ako umimik ng tignan ako ni Annalie ng seryoso

Si Traucey naman ay tahimik lang ding nakatingin sa amin.

"Aren't you even thinking logically? Hindi ka ba nagtataka, Donna? She's friends with the Falcons, the teachers favor her, even the Princes are on good terms with her. She's just a freaking nerd. How did that happen?" hindi ako sumagot

Oo nga. Pero hindi naman na ako nag-isip pa ng ganun kalalim eh. Ni hindi nga 'yun pumasok sa isip ko eh. So what? Even nerds can have that kind of life.

"So? Anong gusto mong i-point out, Annalie?" singit naman ni Traucey kaya naman tumayo si Annalie saka humarap sa amin

"She's hiding something" kumunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Traucey

"She's hiding something?" tanong ko

"She's obviously hiding something. And I ought to figure it out. Don't get too carried away by your emotions. Tandaan niyong may mga reputasyon tayo dito sa school. Kinikilala tayong bad girls. Why not lift up their expectations and do a good job on it?" sagot niya

She's out of her mind.

"So anong gagawin natin?" tanong naman ni Traucey na ikinaiwas ng tingin ni Annalie

"Plan b na tayo"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~