NOPI Chapter 16: Ms. Mysterious and Mr. Aloof

NOPI Chapter 16

Ed's POV

Pre-term examinations na. Iniisip ko palang, kinikilabutan na ako.

Pero thinking about what mom always tells me whenever exams are near - "If you want to be happy and win in life, push yourself dear. Strive harder than everyone else because no one is going to do all the work for you", I just can't help but also look forward to it at the same time.

After all, only when you fail that you will learn to succeed. Trite but I read that on a book just a few days ago. A book recommended and was FORCED to me to be read by Sephine, by the way. Hahaha.

"Patay. Patay" habang sinasabi ko 'yan ay nakapikit ako't napahawak sa ulo ko

"Ha? Sino?" natigilan ako sa tanong ni Sephine

Dahil seatmate ko siya, sinamaan ko siya ng tingin na ikinagulat niya.

"B-bakit?" tanong niya

"You're my seatmate. You should know what's dead by now" sagot ko

Halata namang 'di niya na-gets kaya naman bumugtong hininga nalang ako.

"Grades. MY GRADES, Seph" sagot ko na ikinatango niya

"I see. 'Yung grades mo pala. Akala ko ba naman kung ano na, Ed" nabigla ako sa naging sagot niya

"What?! 'Yung lang pala? Wala ka bang kahit 1% na concern para sa akin?" tanong ko saka ako ngumuso dahilan kung bakit siya natawa

"Pasensya na, Ed. Konting study lang, makakabawi ka din" sagot niya

"Sa Wednesday na ang Income Taxation at talagang sinundan pa ng Principles of Finance at Accounting 1. How could I possibly do that in just one day?" tanong ko sakanya dahilan kung bakit siya napakamot sa batok niya

It's already Monday. Nagsimula na ang exams. Lucky dahil English lang ang meron ngayon at Filipino bukas pero sinundan naman ng napakahirap na mga subjects sa Wednesday.

Patay. Patay talaga.

I want to be happy and I want to strive but.. my brains just won't let me!

"Hoy, ba't kayo lang dalawa ang magkasama?" napatingin kami ni Sephine kina Rico na bagong dating lang

"Malamang. Nauna kami natapos eh. Ang tagal niyo" sagot ko dahilan kung bakit nila ako tinignan ng matalim

"Sephine aside, Ed, paano? Anyare? Ba't ang bilis mo ha?" tanong ni Ken kaya naman tinapunan ko siya ng notebook

"Napaka-sadista mo tol. Letse" sagot niya saka siya tumabi sa akin

Umupo naman sa kabilang gilid ko si Rico, si Charles tumabi kay Sephine habang si Rod naman ay nakatayo lang sa likod ni Sephine at mukhang tinitignan ang sinusulat niya.

Nasa pinakatagong part kami ng greenfield para malayo sa ingay. Alam nilang nandito kami dahil lagi kaming dito nagmi-meet up kung may mga occasions kaming napagkasunduang puntahan.

Atsaka mahirap na. Baka puntiryahin nanaman ng mga bullies si Sephine dahil nilalapit lapitan namin siya.

People can be both insecure and stupid at the same time. It's ridiculous really but I guess it's just how humans are.

"Anong sagot mo sa exam? It's patterned, right? Kaya ang bilis mong natapos, diba?" tanong ni Ken kaya naman napa-isip ako

"All C" sagot ko

"Diba? Pero ang sabi sa akin nung katabi ko marami daw akong tama pero marami ring mali" sabi ni Ken kaya naman kumunot noo ko

"Ano? Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi mo, tol" sagot ko

"Maraming tama dahil C ang karamihang sagot" napatingin naman kami kay Sephine dahil sa sinabi niya saka ako napatingin kina Ken

Napalunok ako habang si Ken naman ay agad na naubo.

Halata namang napansin ni Sephine 'yung mga reaksyon namin dahil huminto siya sa pagbabasa.

"Don't worry. Pasa pa rin kayo kung C ang lahat ng naging sagot niyo" sagot ni Sephine saka siya natawa

"54 na mga questions na C ang tamang sagot. Barely passed" dagdag niya saka niya pinakita sa amin 'yung notebook na kanina niya pang sinusulatan

Napanganga ako sa sinulat niya.

Organized, clean and clear. Ang ganda pa ng writing niya. She wrote all her answers at the previous exams and already made some corrections and calculated her own scores.

"Whoah. You memorized your answers and rechecked them here?" tanong ni Ken saka niya kinuha 'yung notebook

"So 6 mistakes ka lang, Seph?" tanong ko na ikinatango niya kaya naman napanganga na ako

Unbelievable. May mga ganitong klaseng tao pala talaga.

I'm so lucky that she's here!

"Ikaw! Ikaw na talaga ang tamang sagot, Seph!" sigaw ko saka ako umurong at lumapit kay Sephine

"Ha?" naguguluhang tanong niya habang tinitignan niya 'yung mga kamay niyang na-sandwich ng mga kamay ko

"Could you tutor me? Please?" tanong ko kaya naman napatitig siya sa akin

Nagulat ako nung bigla akong nasuntok nung apat.

What? Pati si Ken at Charles?!

"Stupid. Bakit ikaw lang ha?" - Rod

"Letse talaga. Lahat na tayo" - Ken

"Selfish" - Charles

"Mahina din kami when it comes to numbers, you jerk" - Rico

Napahawak na ako sa dibdib ko at agad na nagsimulang umarte na nasasaktan. But of course, it really hurt. Well, I do know that they were joking. After all, we do this all the time.

Ang mga lait nila, parang pin na tinutusok sa puso ko. Ouch.

"Mga seloso! Maghanap kayo ng inyo!" sigaw ko kaya naman sinamaan na nila ako tingin

"Psh. Hindi pa nga pumapayag si Sephine eh. Stop goofing around" sagot ni Charles kaya naman napatingin na kami kay Sephine

"I think its better kung isama natin Falcon cousins. What do you think?" tanong niya kaya naman nagkatinginan kami

"Hah. It's fine by me dahil wala si Stephanie. Pero itong mga eggnog na 'to? Hindi sila maka-concentrate" sagot ko na ikinatango nilang lahat dahilan kung bakit natawa si Sephine

"Okay. Let's start now then" sagot niya kaya naman nabigla kami saka nininerbyos na tumingin sakanya

"Ngayon na talaga?" tanong ni Ken na ikinatango ni Sephine

"Sit down and listen carefully. Medyo strict ako eh" sagot niya saka siya ngumiti kaya naman nagkatinginan kami

Iba talaga kapag honor student, nagkakaroon ng split personality when it comes to academics. Haha. It's cute though.

*

"Correct," pagkasabi non ni Sephine ay napatingin ako kina Ken saka kami nag-apir

"Yeah! First subject done!" sigaw ko saka ako nag-aja pose

"Sino na ang sunod?" tanong ni Sephine kaya naman tinulak ako ni Charles saka umupo sa tabi ni Seph

"Sa Taxation lang ako mahina" sabi ni Charles kaya naman tumango si Sephine saka nagsimulang maghanap ng notebook niya or whanot

Lumayo nalang ako ng konti saka lumapit kay Rico.

"Ilabas mo na ang phone mo. Bilis," bulong ni Rico kaya naman tumango nalang ako at agad na binuksan ang camera ko

Pa-simple naming hinarap kina Sephine at Charles saka kami kumuha ng maraming pictures.

"I-minus mo lang ang Personal Exemptions sa part na 'to" page-explain ni Sephine

"I see. So after nito, i-add na 'yung iba?" tanong naman ni Charles

Nagpigil kami ng tawa dahil nakatingin si Charles kay Sephine na seryosong seryoso kung mag-tutor.

I can't believe na naniwala siya na Taxation ang subject na kung saan ay mahina si Charles. Haha. It's his favorite subject.

Managing a subsidiary of their company, Charles have already mastered those kind of subjects.

Hindi naman nagtagal ay may tumawag kay Sephine. Sila Violet ata.

"Ah. Ngayon na ba? Okay. Okay. Sige, papunta na ako" sagot niya saka tinago ang phone niya

"Sorry, guys. Bukas nalang ulit. May kitain daw kami ngayon eh" sabi niya saka siya tumayo

"Okay lang. Ihahatid ka daw ni Charles in case na may mag-ambush nanaman sayo" sagot ko saka ko nginisian si Charles na mukhang nabigla

"Psh. Push pa," bulong niya saka siya tumayo at nagpamulsa

"Tara?" tanong ni Charles saka niya nginitian si Sephine

"Haha. Sige, tara" sagot ni Sephine saka sila nagsimulang maglakad

Nag-picture ulit ako.

Nang makalayo na sila ay tinapon ko na 'yung phone ko kay Ken saka humiga.

"A nerd that doesn't seem to be a nerd because of her surprising personalities and talents and a cold and distant heartthrob prince that turns everything into spring and smiles brightly like the sun whenever the nerd's with him. Ms. Mysterious and Mr. Aloof. Perfect height, wavelength and so much more. From one point to another, nagay sila. Kabanas. Nakakainggit na nakakainis. Hays" pagkasabi ko non ay agad na silang nagtawanan

"Manood ka nalang" sagot ni Ken saka binigay sa akin ang phone ko kaya naman tinignan ko ulit 'yung nakuha kong litrato nila Charles at Sephine

Napangiti nalang ako nung ma-close up ko ang mukha ni Charles.

Kung makangiti naman ang mokong. Parang nanalo sa loto.

"It's been a while since I've seen him smile like this," pagkasabi ko non ay sabay sabay silang tumango

"Sephine still looks like Corazon though" sabi ni Rico kaya naman umupo na ako ulit

"Pero halata namang magkaiba sila. Hawig lang siguro" sagot ko

"Besides, Cruz si Sephine hindi Falcon. I can't believe na nagawa niyo pang mag-isip ng ganyan" dagdag ni Rod kaya naman natawa nalang ako

"Tama pala. Nung wala pa kayo kanina, sabi ni Sephine sa akin feeling niya daw may sumusunod sakanya. Ang sumusunod lang naman sakanya ay tayo. Hahaha. We're like stalkers. Nakakahiya. Napansin niya pala tayo" pagkasabi ko non ay nagulat sila

"It's a favor from the Falcon's after all. Ayaw daw nilang may nambu-bully pa kay Sephine" sagot ni Ken saka siya nagpamulsa

"Ako ang sumunod sakanya kahapon diba? Kasama niya si Stell kahapon. Ay mali, Shane pala" sabi ko

"Hindi ko alam ang balak nila pero mukhang masaya naman si Sephine kapag magkasama sila" sagot ni Rico kaya naman napatango nalang ako

"Anong gagawin natin?" tanong ko saka kami nagkatinginan

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~