NOPI Chapter 17
Sephine's POV
"Last na bukas! PE and Logics, right?" tanong ni Venus kaya naman tumango ako
"Outing tayo after ng exams? Ano sa tingin mo, Seph?" tanong ni Violet kaya naman nanlaki mga mata ko saka ko tinuro sarili ko
"P-pati ako kasali?" tanong ko kaya naman nagtawanan sila
"This isn't The Elite school, after all. Kung wala kang kaibigan don para maka-bonding, dito marami. Of course kasama ka, silly" pagkasabi non ni Mandy ay agad na akong napa-aja
Outing daw. Ibig sabihin parang magpa-party kami buong magdamag.
"Let's invite the guys" pagkasabi non ni Ynna ay agad na nag reak sila Violet at Mandy
Ako tumahimik lang. It's.. my first time then.
"What? Hindi ko pa nga binanggit kung sino eh. Why are you guys so defensive and in denial at the same time?" pagkasabi nun ni Venus ay agad silang nanahimik
"Sila Charles at Ed ba?" tanong ko na ikinatango naman ni Venus saka siya napahalakhak kaya naman nagpatuloy sa pag-ingay sila Mandy
"Ayaw niyo ba?" tanong ko kaya naman tumahimik ulit sila
Nagkatinginan naman sina Mandy at Violet saka sabay na namula.
"It's.. fine" sabi ni Mandy
Sa tingin mo'y napipilitan siya dahil sa lumalabas sa bunganga niya pero hindi naman halata sa itsura niya. She's actually smiling like an idiot right now.
But of course, I won't tell her that. She'd obviously torture me to death.
"Yeah. Let's. Let's" natatawang sabi ni Violet kaya naman natawa nalang din ako
An outing with Charles and the rest of the guys. Napangiti nalang ako. Magiging masaya 'to!
*
"Outing? Tayo tayo lang ba?" tanong ni Ed kaya naman sinilip ko si Charles na busy sa pagbabasa ng libro niya sa Logic
Napangiti nalang ako. Hmm. They after all say that guys who are serious on what they're doing are hot. Looking at Charles now whose focusing on his book with a serious look on his face, I can't deny it. He's just seemed to be perfectly sculpted by god himself.
"Nasabihan na ako. So of course pumayag na ako" sagot ni Ken kaya naman tinaas ko ang kamay ko saka hinarap sakanya na ikinataka niya
Nagtaka naman ako dahil napatingin siya kina Charles, Ed, Rico at Rod na nakatingin na din pala sa amin. I blushed immediately because of their curious stares.
Ngumiti si Ken ng nakakaloko saka nakipag-apir sa akin. Lumapit naman siya sa akin saka bumulong.
"Banggitin mo lang 'yung mga crush nila, sasama din ang mga 'yan" sabi ni Ken kaya naman tumango tango ako
"Talaga? Baka mahiya sila. Mukhang mga torpe eh" bulong ko din dahilan kung bakit siya natawa
"Seriously. Pwede rin. Pero why not try? Baka ma-excite sila. After all, the more the merrier" tumango ako ulit saka umayos ng upo at tinignan na 'yung iba
Nagtaka naman ako dahil ang seryoso nila kung makatingin sa amin.
"What?" tanong ko pero agad silang ngumiti
"Anong binu-bulong bulong niyo dyan ha?" tanong ni Rod kaya naman natawa ako kaagad
"Hindi ko daw sabihin na kasama ang mga Falcon cousins. And by Falcon cousins, I meant Violet, Ynna, Mandy, Venus and even Stephanie" pagkasabi ko non ay nag-isip silang lahat
Well, except for Charles. Nagpatuloy siya sa pagbabasa eh.
Not that I planned to interrupt him or anything but I actually wanted him to listen to whatever I'm saying.
"I guess it's.. fine" bulong ni Rico kaya naman natawa ako
Parehas pa sila ng sinabi at reaksyon ni Mandy. It feels like that thing called de javu.
"Okay lang. Sige ba! Masaya siguro 'to! After all, the midterms been full of all night-ers and we haven't been eating normally so we really need this break" sabi din ni Rod
"Sasama naman talaga ako eh. Gusto ko lang na pilitin niyo ko" dagdag pa ni Ed saka siya humalakhak kaya naman bigla siyang binatukan nung iba
"San ba tayo maga-outing?" tanong ni Charles kaya naman nabigla ako
"You're coming?" tanong ko dahilan kung bakit niya ako nginitian
"Is it bad? You don't want me to com-" agad ko nang siyang pinahinto sa pagsasalita sa paraang pagtakip ng bibig niya gamit ang mga kamay ko
"No, no. I just.. I though.. well-" napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman ko yung feather like flesh na gumalaw sa kamay ko
Nang marealize kong nasa bibig pa rin ni Charles ang kamay ko ay agad ko na itong tinanggal.
"Sorry. I-" hindi ko nanaman naituloy ang sasabihin ko nang natawa siya saka niya sinarado ang libro niya't pinat ako sa ulo
My heart skipped a beat.
It was just a simple gesture but it was enough to make my heart react so unbelievable.
"So? Where do you plan on going?" tanong niya saka siya nagpamulsa kaya naman nagising ako galing sa pagde-daydream saka inikot ang paningin ko kina Ed
"Tama pala no? San nga ba?" tanong ko pabalik sakanya kaya naman kumunot ang noo niya
"So.. you're going unplanned?" tanong niya kaya naman hinarap ko ang palm ko sakanya meaning ay 'stop'
"I'm going to ask the headquarters, sergeant" pagkasabi ko non ay natawa nalang siya
Inilabas ko na ang phone ko at agad na tinawagan si Violet.
"Yes?"
"Violet, san daw tayo maga-outing?"
"Ah. Sabi ko na nga ba kulang 'yung pinag-usapan natin eh"
"San nga? Bilis na"
"Chill. Tatanungin ko muna sila" pagkasabi niya non ay nag-end na ang call
Ay bastos. Napatingin ako sa messages dahil may nag-text sa akin.
Venus: BEACH! \m/
Ynna: May festival sa kabilang syudad. How about that?
Mandy: Out of town
Violet: What they said. XD
Natawa nalang ako sa mga text nila saka tinignan 'yung mga boys.
"San niyo ba gusto?" tanong ko sakanila
"Beach?" tanong ni Ed saka niya tinignan 'yung iba
"That could be great" sagot ni Ken kaya naman tumango tango nalang ako
"If it's beach, then isa nalang sa mga resort namin" agad kong tinignan si Rod sa sinabi niya
"Meron? Sa kabilang syudad? Meron?" tanong ko kaya naman napa-isip siya
"Kabilang syudad? 'Yung may festival ba? Dun ba ang gusto niyo?" tanong niya kaya naman tumango ako
"Festival, huh? Maraming games at mukhang meron ring mga rides. It's perfect" sagot din ni Rico
Nilabas naman ni Rod ang phone niya at mukhang nagche-check sa website nila.
"Meron 'yung isang beach resort namin na malapit sa dagat at pati na rin sa lugar na kung saan gaganapin ang festival" sagot niya kaya naman napapalakpak na ako
"You're an angel given by heaven, Rod! You're amazing!" sagot ko kaya naman natawa sila
"So mga 6 hours ride papunta 'don hindi ba?" tanong naman ni Charles at bigla naman naglabas ng phone si Ken
"My mom should be fine if I borrowed a van or something," napangiti nalang ako sa sinabi ni Ken
"So last na rin naman bukas, Thursday. By morning, tapos na ang exams natin diba?" tanong ni Ed kaya naman tumango kami
"How about lunch time tayo magbyahe? Para after ng byahe ay magpahinga nalang para sa next morning ay magsisimula na tayong mag-party" dagdag niya kaya naman nagkatinginan kami
I was so excited I immediately texted Violet.
Violet: It should be fine.
"Okay daw" sagot ko
"Wait. Paano si Stephanie?" tanong ni Ed kaya naman napangiti ako
"Their exams should be done by yesterday" sagot ko kaya naman tumango na siya
"Hehe. Tara na. Ngayon nalang" sagot niya kaya naman nagtawanan nalang kami
Natigil ako sa kakatawa dahil nag-vibrate ulit ang phone ko.
Nag text si Violet.
Pagkabasa ko palang ng text niya ay agad na nawala ang excited kong ngiti sa mukha ko.
Violet: Ang mga hindi nakapasa sa mga exams nila ay babalik sa Saturday for removals at kapag hindi ulit nakapasa ay babalik ulit sa Monday
Pagkabasa ko non ay agad kong tinignan sila Ed.
"Ed.." mahinang sabi ko dahilan kung bakit sila tumahimik
"Okay naman siguro ang exams niyo diba? Okay na ang akin eh" sagot ko kaya naman nabigla sila
"Ha? Bakit?" tanong naman ni Rod
"Babalik ang mga mag-removal. Magte-take daw ng exams hanggang sa makapasa" sagot ko kaya naman nagkatinginan sila
Ngumiti naman sila kaagad at talagang tumawa tawa pang parang mga baliw.
Si Charles eh bumugtong hininga lang.
"I saw them spacing out on their exams on Accounting and Finance" sabi ni Charles kaya naman hindi na ako nagsalita
I-it should be fine, right? Right?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~