NOPI Chapter 18
Charles' POV
"Seriously. You had us worried. Sephine's so excited about this pero nung sinabi ni Charles na hindi niyo sineryoso 'yung exams ay parang nawala ang kaluluwa niya" sabi ni Violet habang ginugulo ang buhok nila Rico at Rod
"Sorry naman Miss President. Haha. All's well that ends well" sagot ni Rico kaya naman napa-iling nalang ako
"Buti nalang nga at naturuan mo sila tungkol sa major parts ng exams. Good for you, Seph" sabi ko kay Sephine na ngiting ngiti at nakaupo sa loob ng van
Damn, she's so cute.
Nasa harap siya nakaupo at yakap yakap niya 'yung bag niya.
"Hihintayin nalang muna natin si Stephanie. Sinundo pa siya ni Ed. They should be here by a minute" sabi ni Venus saka siya pumasok at umupo sa dulo ng van
Sumunod naman si Ken sakanya at pati na rin si Rod at Rico.
Di naman nagtagal ay dumating na sina Stephanie at Ed.
Pinigilan ko nalang na ngumiti dahil sa itsura ni Ed. Parang lumiwanag ang expression niya na parang may kung anong kumikislap sa ngipin niya habang ngumiti siya na hindi mo alam. Iba talaga kapag inspired.
"Sa tabi ka nang driver, Charles. Sephine, bumaba ka muna" sabi ni Violet kaya naman tumango kaagad si Sephine at bumaba na sa van
Nang marinig ko 'yung pagpipigil nila Ed ng tawa ay agad ko na silang tinignan.
Sinadya nila 'to. Tsk.
Not that I mind though. Pero hindi dapat nila dinadamay si Sephine sa mga plano nila. *sigh
"Pasok na, Charles" madiin na sabi ni Violet saka niya ako tinulak papunta sa van
Bumugtong hininga nalang ako at pumasok na. Sumunod naman si Sephine at isinara niya na 'yung pintuan. Pumikit nalang ako saka nag-crossed arms dahil hindi ako mapakali. Damn. Huminahon ka Charles. Lagi naman kayong magkatabi dati eh.
Nang makasakay na silang lahat ay nagsimula nang mag-drive si Kuya Arnold, Ken's driver.
"Whoo! Beach, beach, beach!" sigaw ni Rico at Ed kaya naman bumugtong hininga ako ulit pero nung marinig ko 'yung tawa ni Sephine ay hindi na ako nag-reak
"I'm hungry" sabi ni Stephanie
"Snacks, you want?" rinig kong sabi ni Ynna
"Yes please" sagot naman ni Stephanie at kung anu anong ingay na ng cellophane ang narinig ko
Mukhang nagpapasahan ata sila.
Pero that's not what I'm thinking about. I'm actually very attentive about Sephine. Whether she needs something or uncomfortable about anything.
I knew this was her first outing and I didn't know why but of course I just shrugged it off immediately because her parents are probably strict and wouldn't let her out of their house.
But now that she's an exchange student and is with her friends, they probably allowed her to do things she wasn't allowed to do when she was there.
Thinking about this and remembering her excited smiles and giggles, I tried to force myself to stop smiling like an idiot.
"Kayo, Charles, Sephine?" tanong ni Violet kaya naman umiling nalang ako kaagad
"I'm fine" sagot ko
"Water nalang, Vi" sagot ni Sephine kaya naman minulat ko na 'yung mga mata ko saka binuksan ang bag ko
Kinuha ko 'yung mineral at isang strawberry juice saka binigay sakanya.
"Thanks, Charles" sagot niya
Pumikit nalang ako ulit.
Binili ko talaga 'yun para sakanya eh. I after all, wanted this outing to be perfect for her. I even prepared each and every one of her favorite snacks on my backpack but of course.. I can't possibly say that to her, right? I'd be so embarrassed to the point where I won't know how I should face her.
Habang kumakain sila ay pinag-uusapan nila si Stephanie. Kung ano daw klaseng school ang Elite School, kung may nanliligaw ba daw sakanya dun or whatnot. Kahit nasa harapan ako, nai-imagine ko na ang mga reaction ni Ed. Tatawa tawa pa 'yan ngayon pero kapag kami kami nalang eh halos maiyak iyak na.
Di naman nagtagal ay napunta kay Violet 'yung asaran dahil sa Secret Admirer niya. Nagpigil nga ako ng tawa dahil kilala ko 'yung secret admirer niya. Hindi naman sinasadya pero nahuli ko talaga sa akto eh.
Kung sino 'yon, hindi ko sasabihin because you probably would have guessed it already. Hahahaha
"Ah. Sabi ni Sephine, kilala niyo daw 'yung kaibigan niyang nerdish din" hindi ako nag-react nung sinabi 'yun ni Ynna
"Oo nga. Inaasar ko pa naman si Sephine na imaginary friend niya lang 'yon" dagdag pa ni Venus
"Eh! Totoo nga kasi siya. Bakit kaya hindi niyo natata-timing'an kung magkasama kami?" tanong ni Sephine
Walang nagsalita sa mga boys ng ilang segundo. Nag-iisip ata kung sasabihin nila o hindi. Na si Stella si Shane. Basta ako hindi nalang ako magsasalita. It's not something I should be saying. Baka magkaroon lang ng problema.
I trust the girls and I trust Sephine. I sincerely believe that she won't get fooled by Stella's tricks or whatever it is that she's planning together with her friends against Sephine.
"Si Shane ba? Oo, totoo 'yun! Mukhang sa Star Building ata siya nakabilang" sabi ni Ed kaya naman napa-"Ah" 'yung falcon cousins
"Buti naman. I'm kind of worried kung hindi namin kasama si Sephine eh. Baka may binabalak nanaman 'yung mga bullies sakanya" sagot ni Violet
"Haha! Tama na 'yan! Nakaka-stress lang kung 'yan ang laman ng mga utak natin" sabi ni Stephanie kaya naman nagtawanan sila
"Right! Magpa-party pala tayo"
Ilang oras din ang lumipas at umingay lang sila ng umingay. Nung tuluyan nang hindi ko marinig 'yung mga ingay nung mga nasa likuran ay nilingon ko na sila. Nung silipin ko sila ay natutulog na pala sila. Haha. Look at their faces.
"Psst," tawag ko kay Seph kaya naman tumingin na siya sa akin
"Hmm?" tanong niya
"Give me your phone, may remembrance akong ibibigay sayo" sagot ko kaya naman kahit naguguluhan siya ay kinuha niya na ang phone niya
Oh. Dalawa ang phone niya. Blue at pink. Wow. Haha
Binigay niya 'yung blue na phone sa akin kaya naman binuksan ko na 'yung camera saka pinindot ang front cam. Nag-ok sign ako habang nasa background ko naman 'yung mga eggnogs at Falcon cousins na tulog na tulog. After ng ilang shots ay binigay ko na kay Sephine 'yung phone niya.
"Haha. Akala ko ba naman kung ano na" sagot niya saka pumindot pindot
Nakita ko namang ginawa niyang wallpaper 'yung isa sa mga shots kaya naman natawa nalang ako.
"Ise-send ko sakanila 'to mamaya" sagot niya
Naglabas naman siya ng earphones saka kinonek dun sa phone niya. Nung binigay niya 'yung isa sa akin ay kinuha ko nalang 'yon saka nilagay sa isang tainga ko. Kinuha niya rin 'yung isa saka nilagay sa isang tainga niya.
"Who's your favorite artist?" tanong niya kaya naman napa-isip ako
"Exo" pagkasabi ko non ay agad niya akong tinignan na parang hindi siya makapaniwala
"What?" tanong ko pero natawa siya bigla kaya naman nahiya ako
"Hindi ko 'yon ine-expect galing sayo. Okay, let's go with that" sagot niya saka nagsimulang mag-pindot ulit sa phone niya
Nang magstart nang mag-play ang music ay pumikit na si Seph.
"Inaantok ka ba?" tanong ko kaya naman tumango siya habang nakapikit pa rin
"I can't sleep yesterday. Sobrang excited ata" sagot niya kaya naman natawa nalang ako
"What are you? An elementary kid attending a field trip?" tanong ko kaya naman minulat niya na 'yung mga mata niya saka pinalo sa akin 'yung bag niya kaya naman natawa nalang ako
"It's just.. ngayon lang ako makalabas labas ng school or bahay na ang kasama lang ay ang mga kaibigan ko. I just can't help it" sagot niya saka siya bumalik sa pagkaka-sandal sa upuan niya kaya tumingin nalang ako sa daanan
Nung nag-yawn siya ay napatingin ako ulit sakanya.
I know, Seph.
Walang dalawang isip kong hinawakan ang ulo niya saka ini-lean sa balikat ko. Mukha namang nabigla siya dun dahil minulat niya 'yung mga mata niya pero agad ding siyang pumikit.
"Wala akong pangbayad" bulong niya kaya naman natawa ako kaagad saka humarap sa daanan
"I'm rich anyways" sagot ko kaya naman siya nanaman ang natawa
"Mabigat ako so you better be ready kapag nakatulog na ako" bulong niya ulit
"Hah. Pasalamat ka nga at allergic ako sa magaganda eh" bulong ko pabalik kaya naman natawa siya
"Sorry naman kung panget akong nerd"
*
Nang makababa na ako ng van ay inikot ko na ang paningin ko. Naalagaan at talagang pinaganda.
Good job, Rod's parents!
"Oh. Where's Sephine?" napatingin naman ako kay Ed nung itanong niya 'yun
"Ah. Nauna siyang bumaba eh at hindi ko alam kung saan na tumakbo" sagot ko
"Haha. Pabayaan niyo na muna 'yon. Ganun talaga siya" sagot naman ni Stephanie kaya naman hindi na nagsalita si Ed
Aba'y syempre, si Stephanie na ang pinaguuspan eh.
"Sir Rod," lumapit naman si Rod dun sa guard saka ito kinausap
Hindi naman nagtagal ay umalis na 'yung guard at lumapit na sa amin si Rod.
"Dun daw tayo sa third nippa. May naghihintay na guard sa atin 'don," tumango nalang kami at nagsimula naman na silang maglakad
Tinignan ko naman 'yung bag sa may upuan ng front seat.
"Violet," tawag ko kay Violet kaya naman tumingin siya sakin
"Bakit?" tanong niya
"Alam mo ba kung saan pumunta si Sephine?" tanong ko kaya naman napakamot siya ng batok
"Nagpahangin siguro. Masanay ka nalang. Side effect 'yan ng walang tulog" tumango nalang ako at binuhat nalang ang bag niya
Naglakad na rin ako at sumunod sakanila. Nilabas ko na ang phone ko at tinexan si Sephine.
To Sephine: Dinala ko na ang bag mo. Iiwan ko nalang kina Violet. Make sure you won't get lost
Sephine: Roger that ~
Nang makarating na kami sa third na nippa ay napa-wow nalang kami sa ganda nun. The different dim lights, the design, the glass walls, everything.. Wow.
Nang makapasok naman kami ay napa-wow nanaman kami ulit. The interior design and the furniture's also amazing. Parang sa boracay lang or Hawaii ang theme.
"Sa taas ang girls, kaming boys naman ay dito sa baba" sabi ni Rod kaya naman nagsitanguhan na kami
"Magpahinga nalang muna tayo. Mga 8:30, magdi-dinner tayo sa may family restaurant sa resort" nang magsimula nang umakyat 'yung mga girls ay sumunod ako kaagad
Nang huminto na sila sa isang room ay iniwan ko na sakanila ang bag ni Sephine.
"Imba din 'tong si Charles eh" pagpaparinig ni Venus
"What a view, right?" dagdag pa ni Ynna na dinagdagan naman nila Venus, Violet at Stephanie ng asaran kaya naman inilingan ko nalang sila
"Minsan lang 'yan" sagot ko
"Sus. Kay Sephine lang naman 'yan mabait eh" nginusuan ko nalang 'yung sinabi ni Mandy saka ako nag-wave ng kamay ko at dumiretso na sa baba
Nang makarating na ako sa room namin ay agad na akong humiga sa isang kama saka nilabas ang phone ko.
To Sephine: Punta na dito. Sa Third from the right na nippa. May nakasulat na 'reserved'
Sephine: Thanks! Otw na.
Nang ma-receive ko na 'yung message niya ay pumikit na ako saka nag-idlip. Hindi ako nakapagpahinga kanina sa byahe. Maybe I was the excited one.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~