NOPI Chapter 19
Charles' POV
"What the?! Ba't natalo mo ako?" tanong ni Ken saka niya tinignan ang score board
"Hah! Sige, sino pa ang gustong humamon sa Defending Champion?" proud naman na sabi ni Stephanie saka niya itinaas ang kanang kamay ni Sephine
Si Sephine naman ang kaliwang kamay niya ay naka-pogi pose at talagang gumagawa pa siya ng smug face. Ang galing niya pala mag-table tennis. What a woman. Sa lahat ata ng bagay ang galing niya.
Nasa loob kami ng gaming centre ng resort. Sa 2nd floor ng restaurant. Tapos na kaming kumain kaya naman nag-decide silang magikot-ikot dito. Unang naglaro ay sina Ed at Ken pero na-bore din si Ed dahil hindi niya matalo talo si Ken. Nung hinila na ni Ed si Sephine, Ken was completely and bitterly defeated. Haha.
"Ayoko na. Sephine's a monster!" sigaw ni Ken saka niya binigay kay Ed 'yung racket pero pinasa din ni Ed kay Rico
"A-ah. Nakakatakot 'yung smash ni Sephine," pagkasabi non ni Rico ay nagtawanan ulit kami
So gay!
"Venus, ikot tayo" sabi ni Ken saka niya hinila si Venus pababa ng hagdan kaya naman nagkatinginan kaming mga natira
"Tara. Ikot din tayo, guys!" sabi din ni Violet
Hindi ko alam kung bakit pero napasilip ako kung san pumunta si Sephine. Nung makita kong umakyat siya sa rooftop, nag-wave ako kina Ed at agad na tumakbo papunta dun.
Ilang hagdan din ang inakyat ko bago ako makarating ng rooftop. Ang rooftop nila may playground at pool. Haha. I've seen many rooftops with pools and playgrounds before pero everything seems different now.
"Ba't ka sumunod? Hindi ka ba magi-ikot?" tanong ni Sephine kaya naman napatingin na ako sakanya
Naglalakad siya papunta sa swing.
Maybe she's the reason why everything's so different now.
The aroma, the breeze and even the view. It's more clearer and more colorful.
"Bata ka nga talaga. Magswi-swing ka ano?" tanong ko at narinig ko naman ang pagtawa niya
"I just want to sit and feel the cold air. Bawal ba 'yon?" tanong niya kaya naman napa-shrug nalang ako
Umupo na siya don sa swing saka huminga ng malalim.
"You want me to push the swing?" tanong ko saka ako lumapit sa kung nasan siya
"Ah. Thanks pero okay lang. Hindi ako mahilig sa mga magalaw na mga bagay eh" natawa ako dun
"Don't tell me.. motion sickness?" tanong ko kaya naman ngumuso siya sabay tango
Umupo na ako sa kabilang swing saka tumingin sa pool.
I didn't know that. Haha.
"Kaya pala nawala ka kanina after nating makalabas ng van" natawa naman siya saka napakamot sa batok niya
Okay. That's kind of cute.
Nung mag-yawn na siya, tumayo na ako.
"Tara na. Magpahinga ka nalang muna" nang sabihin ko 'yon ay tumango na siya saka tumayo
"Yeah"
Rico's POV
"Psst. Marami nang nakatingin kay Sephine" napatingin naman kami kay Sephine dahil sa binulong ni Ed
Morning na. Pagkagising palang namin kanina, may mga text na kami galing sakanila na mauuna na daw sila sa beach. Talk about super excited. Haha. Busy nagsasaya ang mga Falcon cousins sa may malayong part ng beach resort, bumibili sila ng lucky charms or whanot habang kami namang mga lalaki ay nandito lang sa may tabi, kung saan namin nilalayuan ang alon.
Marami ngang nakatingin. Nagbabasa si Sephine ng libro habang naka-upo sa blanket na inilatag naming together with the huge umbrella. Nakasuot siya ng tortoise green na two piece pero may see through din naman siyang dress kaya naman hindi siya revealing.
Hatalang awkward at hindi sanay si Sephine sa mga ganyang bagay. Though ganun parin kagulo ang kulot niyang buhok at ang kapal pa rin ng salamin niya.
"Well, hindi naman maipagkakaila na maganda siya at sexy kahit na isa lang siyang hamak na nerd" natawa ako sa sinabi ni Ken
"Tado! May Venus ka na!" saka ko siya tinapunan ng tubig kaya naman natawa siya
"That was a compliment. You know it's rare for me to compliment a woman" tumango nalang ako dahil napaka-defensive niya talaga
Halatang takot kay Venus. HAHAHA
I flinched nang makita kong may nagtutulakang mga lalaki sa may beach house banda. Nako! She's going to get hit on. Haha. Impressive, Sephine!
"Busy nagbabasa. Hoy, Charles, puntahan mo na baka lapi—" hindi pa natatapos si Rod sa pagsasalita ay naglakad na si Charles saka pumunta kay Sephine
Napanganga ako ng literal.
Umupo siya sa tabi ni Sephine at kinausap niya na 'to. May hinalungkat naman si Sephine sa bag niya saka binigay kay Charles..
Whoah. Libro? Nagbabasa ba si Charles ng novels? Since when?
Ilang minuto naman ay nag-usap sila at nagtawanan. Nagkatinginan naman kami nila Ken, Ed at Rod.
"Si Charles.. Talaga bang.." - ako
"Maybe" - Rod
"Medyo" - Ed
"Baka" – Ken
Nagtawanan na kami.
"Wanna bet?" – ako
"Nah. Tama naman ata tayong lahat eh" – Rod
"Matagal ko nang alam" – Ken
"First encounter palang" – Ed
Nagkatingin kami ulit at nagtawanan nanaman ulit.
Sephine's POV
"HAHAHAHAHAHAHA!" nakanganga lang ako habang pinapanood sila Ed na nasa tabing dagat
They're laughing like crazy.
Pinagtitinginan din sila ng ibang tao. Kung hindi lang sila mga gwapo, pagkakamalan ko silang grupo ng mga baliw.
"Psh. Buti nalang umalis na ako dun. Hindi ko sila kasama" sabi ni Charles kaya naman natawa nalang ako
"Ano kayang pinaguusapan nila? Mukhang masayang masaya sila dun" sagot ko
Hindi naman nagtagal ay naghabulan na sila kaya naman napailing nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.
"They look like kids," napatingin ako kay Charles dahil dun
"Yeah. Why don't you join them?" tanong ko pero napasimangot siya kaagad
"It's fine. Ganito naman lagi. I get to watch others have fun" napatitig ako sakanya
He's.. sulking? Nung makita ko mga mata niya, napaka-seryoso. Being the next heir to the Begley Corporation probably gave him a lot of pressure.
Though I know how it feels.
"Anyways, bakit ba ayaw mong lumangoy?" biglang tanong ni Charles kaya naman napatingin ako sa dagat
Baka masira ang disguise ko eh. Haha
Pero syempre, hindi ko 'yon pwede sabihin sakanya.
"Mainit" sagot ko kaya naman tumango nalang siya at bumalik na sa pagbabasa
Ilang minuto din ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik 'yung mga pinsan ko.
Anong ginagawa nila dun sa antique shop? Halos 1 hour na silang nandun.
"I'm getting hungry. Gusto mo ba ng ice cream?" tanong ni Charles sa akin kaya naman tinignan ko siya
"Strawberry sayo, right?" tanong niya kaagad kaya naman natawa nalang ako saka tumango
"Okay. Wait lang. Bibili muna ako" sabi niya saka siya tumayo at naglakad na papunta sa isang store
Sinundan ko lang ng tingin si Charles, those same broad shoulders and amazing figure. To top it off, naka-t-shirt lang siya at chill shorts at slippers. He's Charles. I know he is. He's acting the same as before pero.. bakit parang may kakaiba ngayon?
Nung makita ko 'yung ilang babae na lumapit sakanya ay talagang pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sakanila. Mukhang tinatanong nila si Charles at ini-invite na mag-laro ng beach volleyball. Hindi ako nakapag-react nung bigla siyang hawakan nung isang babae sa dibdib niya.
Of course. It's Charles after all. He's not the Heartthrob Prince of Royal Academy for nothing. Simpleng simple lang ang get up niya pero nakakakuha na siya kaagad ng atensyon ng maraming tao.
Alam ko naman pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Matagal naman siyang pinagkakaguluhan eh.
Nabigla ako nung nagsalita si Charles saka siya lumingon sa akin. Nung tumingin na 'yung mga babae sa akin, agad na akong tumalikod at hinarap ang dagat.
What was that!?
Napahawak ako sa dibdib ko. Damn. Aatakihin na ata ako sa puso.
And what is this?!