NOPI Chapter 35
Sephine's POV
"It's getting late, Kuya Joseph. 7 po ang curfew ng school eh at hindi po kami pwedeng lumabas ng campus by then. Pwede po bang bukas nalang tayo lumabas?" tanong ni Venus kaya naman agad na tumango si Kuya Joseph saka ako niyakap at pinat sa ulo
"Friday bukas at sa pagkakaalam ko'y wala kayong klase diba? Gusto niyo bang gawin whole day? Should we have a family bonding then?" tanong niya kaya naman excited kaming nagsigawan na magpipinsan
Napakatagal na rin nang magsama sama kaming lahat kaya naman nakaka-excite talaga. Hihi.
After saying our farewells and good nights ay nagkanya kanya na kami ng daan ng mga pinsan ko. Magkakaiba kami ng rooms after all, ang room ko ay part ng dorm 5, ang may vacant na room na pwede sa isang guest at kung iisipin ay isa akong exchange student so in short, I'm also a guest here.
May mga estudyante rin naman sa dorm 5 pero konti lang ang kakilala ko dahil majority ay parte sila ng ibang departments.
Papasok na sana ako sa mga security office ng makita ko ang isang silhouette ng isang lalaking kanina ko pa iniisip.
"Charles?" tanong ko pero hindi siya nagsalita at tinignan lang ako kaya naman nagtaka ako't agad na naglakad papalapit sakanya
"Bakit ka nandito? Magga-gabi na ah? Hindi ka pa nagpapahinga?" tanong ko't hahawakan na sana siya pero nabigla ako ng inunahan niya ako't hinila palayo sa dorm papunta sa may garden banda
Pinaupo niya ako sa left bench habang siya nama'y umupo sa right bench. Magkaharapan lang sila't hindi magkalayo kaya naman parang magkaharapan din ang lagay namin ni Charles ngayon at tulad ng mga bench ay napakatahimik namin.
Nanginig ako nang mapansin kong kahit patapos pa lang ang October ay napakalamig na nang hangin. O posible ba dahil sa hindi ko malamang dahilan?
Sinilip ko na ang kaharap kong parang wala atang balak na kausapin ako kaya naman tinitigan ko nalang siya.
They say men are handsome every time they're serious about something pero bakit ba parang lahat ng ginagawa niya eh nakakapagpagwapo sakanya lalo?
Nakaupo siya sa harapan ko ngayon. His long legs were casually crossed.
Suot suot niya ang uniform nila na para bang uniform ng isang professional business man. He was wearing a white shirt that was buttoned up to its collar paired with a slim-fitting royal blue suit which emphasized his broad shoulders and slender waist.
Naka-not so fit and not so loose pants din siya with shiny black shoes.
Ang ilaw nalang ng poste ang nandito kasama pa ang ilaw na dala ng mga butuin at buwan kaya naman kahit hindi mo siya masyadong makita ay mahahalata mong wala siya sa mood.
He was sitting there serenely that I thought he was fine but.. his aura appeared to be very cold and distant and well.. lonely.
Nasanay ako sa pagiging calm and collected niya pero hindi ako nasanay na trinatrato niya ako ng ganyan.
"Uhh. Anong meron, Charles? May nagawa ba ako? May nasabi ba akong mali?" tanong ko dahilan kung bakit siya napahinto sa pagiisip at tinignan na ako
"Nothing," hindi na ako nagsalita
I yawned and immediately got embarrassed. Sinilip ko si Charles na nakatingin pala sa akin kaya naman nahiya ako lalo.
"Charles. Pasensya na pero pagod na talaga ako. Hindi ako nakakatulog ng maayos kakaisip lang sa performance kanina. Kung pwede sana ay kausapin mo na ako. May problema ba tayo?" tanong ko kaya naman napakagat siya ng labi niya
Hmm. Seems like nagi-guilty siya sa binibigay niyang silent treatment sa akin.
"I'm sorry. I just.. Pwede ba kita tanungin?" tanong niya kaya naman tumango na ako kaagad
"Bakit ba kilala mo si Kuya Joseph?" tanong niya kaya naman nagtaka ako saka siya tinignan
"Uhh. He's a Falcon?" tanong ko pabalik
"That doesn't explain anything" nakasimangot niyang sagot kaya naman natawa ako
"Ah. So gusto mo ako mag-explain?"
"Kilala ko siya hindi lang sa dahilan na isa siyang Falcon tulad nila Violet, isa rin siyang napakasikat na public figure. Siya ang number one sa list of Bachelors everyone wants to marry in the country, siya rin ang panganay na anak ng main branch ng pamilyang Falcon"
"Akala ko sa Falcon cousins ka lang ng Royal Academy close eh" sagot niya saka ako iniwasan ng tingin pero huli na dahil nakita ko siyang nag-pout kaya naman pinigilan ko nalang na matawa
"Hindi pa pala sapat ang explanation ko? Paanong page-explain ba ang gusto mo?" tanong ko sakanya seemingly enjoying him sulking
"Binibigyan niya ako ng advice, pinapagalitan kapag may mali akong nagawa, pinupuri kapag may nagagawa akong maganda at tinutulungan kapag may problema ako. I'm close to him because of that and so much more" sagot ko
Hinintay ko siyang sumagot pero nang hindi ko na mahintay ay bumugtong hininga nalang ako.
"To make things short, he's like a father figure to me and he treats me like his daughter or younger sister" dagdag ko't para bang lumiwanag lalo ang gabi ng bigla siyang ngumiti na abot sa mata
"Really? Sigurado ka ba?" tanong niya kaya naman tumango na ako
Tinignan niya naman ako na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa utak ko ng ilang minuto pero agad din siya huminga ng malalim at bumugtong hininga na.
"My feelings have been in a roller coaster ride lately. Compensate me," natawa na ako kaagad saka tumango
"Paano? Gusto mo ba ng regalo? Baked sweets? Or kanta?" tanong ko pero umiling siya kaagad kaya naman nagtaka ako
"Since its already 7:40 which is way past the school curfews, let's have a date tomorrow," sagot niya dahilan kung bakit ako tumahimik
"Why? Ayaw mo ba? O may gagawin ka ba?" tanong niya kaya naman tumango na ako
"Uhh. May gagawin kami ng mga Falcon cousins bukas, Charles"
"Ay talaga? Sayang naman. Anong gagawin niyo?"
I broke into a cold sweat. Babalik ata kami sa square one.
"Pupunta kami sa hotel ni Kuya Joseph," pabulong kong sabi
I shivered at the sudden familiar coldness again.
Hay nako! Sinabi ko na ngang parang father figure ko si Kuya Joseph eh! Ano pa bang gusto niyang malaman? Cute siya whenever he's sulking pero he's making me more tired than ever! He's so stubborn!
"Charles, once again, he's like a father figure to me and he treats me like his daughter or younger sister. Ano pa bang dapat mong isipin dyan sa mga katagang 'yan?" tanong ko
"You.. you can't possibly have.. feelings for him, right? Do you like him? I mean.. As a man?"
Natahimik ako sa tanong niya sa akin. Whatthefck.
Why would I have feelings for my own big brother? Isn't that incest? Goodness gracious, I feel nauseous just thinking about it.
Nang mapansin niyang tumahimik ako ay nanlaki ang mga mata niya.
"You do? You like him?"
"Uh. Of course I do, he's an inspiration to everyone and everyone aspires to be like him. Ayaw mo ba sakanya?" tanong ko kaya naman natahimik siya at tinignan lang ako
Napabugtong hininga na ako saka hinawakan ang kamay niya dahilan kung bakit siya nabigla.
"Charles, are you jealous?" bulong ko kaya naman pinanliitan niya ako ng mga mata
"Tsk. Me? Jealous? No. He's rich, famous and well, a little bit good looking but he doesn't have you. So I don't have any reason to get jealous," sagot niya saka niya ako pinakitan ng white canine teeth niya nang ngumiti siya in a smug way kaya naman natawa ako
I'm Kuya Joseph's though. His little princess, his younger sister.
But being Charles'... is fine too. Haha
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~