NOPI Chapter 36 : Our first date

NOPI Chapter 36

Sephine's POV

Habang tumitingin ako sa labas ng bintana ng kotse ni Charles ay nagpipigil ako ng paghinga. Bakit ba ganito ang naging kalabasan ng usapan namin kanina?

Para lang hindi na siya magtampo at magselos ay nakapagdecide ako ng biglaan na ngayon nalang kami magdate. What the hell. Napakarami pa namang oras sa mga susunod na mga araw.

Gusto niya ba talaga makipag-kompetensya kay Kuya Joseph?

Pagkaisip ko palang non ay natawa na ako kaagad. Hahaha

"Hmm? Anong nakakatawa, Seph?" tanong ni Charles kaya naman binaling ko na ang tingin ko sakanya

"Iniisip ko lang 'yung ginagawa mo at sinasabi mo kanina. Jealous and sulking Charles is so cute," sagot ko dahilan kung bakit siya natawa

"I'm not jealous, okay? I'm just afraid of losing you to someone else" sagot niya kaya naman hindi na ako sumagot at nagpigil na ng tawa

Hindi ba't parehas lang 'yon? Excuses. Excuses. Tsk. Tsk.

Medyo mahaba haba din ang byahe base sa mga bilang ng buildings na nadadaanan namin. We're probably heading in a another town, I guess.

"San tayo pupunta, Charles?" tanong ko dahilan kung bakit siya ngumiti

"Sa kabilang syudad lang. Don't worry, we're almost there. We'll just have some sightseeing and maybe stroll around. Doesn't seem so bad for an abrupt date, right?" tanong niya pabalik habang itinataas baba ang kilay niya

"Bakit sa kabilang syudad pa? Aren't you tired?" tanong ko

"I am but if it takes all my energy and time just to be with you, I'll gladly accept it with open arms" sagot niya kaya naman napangiti na ako

Nabalot ulit ng katahimikan ang kotse niya pero this time, it's not because I don't want to disturb the sulking and jealous Charles but because the silence felt so comfortable.

Hindi naman nagtagal ay huminto na ang kotse niya sa isang parking lot kaya naman bababa na sana ako pero agad niya akong pinigilan.

"Wait," lumabas siya't umikot saka ako pinagbuksan ng pinto

"You are my date, after all" sagot niya saka niya nilahad ang kamay niya sa akin kaya naman nag-blush ako pero agad din namang hinawakan ang kamay niya at lumabas na

Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumabay na ako. Mahaba haba din ang naging lakad namin hanggang sa makarating kami sa Town Center.

Napatulala ako sa dami ng mga tao. It's like a festival here. Nakakahiya mang aminin pero.. first time kong pumunta sa ganitong klaseng lugar.

I feel like going back to the time when I was still a child, getting all excited at the things I haven't had an experience of yet.

Charles' POV

Tinitigan ko lang si Sephine na mukhang masaya sa nakikita niya. Hindi ko nga alam kung kailan nagpakita ang mga ngiti sa labi ko eh. But all I know is that she does have this effect on me.

I nudged her to the stalls which was the reason why she stopped night dreaming.

"Huh?"

"Let's eat something first and then stroll later. Good?" tanong ko kaya naman ngumiti na siya ulit saka tumango

"Good"

Dinala ko sa isang tindahan na napakapamilyar sa akin at sa mga barkada ko.

"Aba'y Sir Charles, napapunta po kayo rito? Dati rati ay sila Sir Ed ang kasama niyo pero ngayon babae ah? Girlfriend mo ba 'to?" tanong ni Tita Celia ng makita niya ako kaya naman napangiti ako kaagad saka tinaas ang kamay namin ni Sephine na magkadikit parin

"Halata po ba? Hoho. I'm showing it off, you see" sagot ko pabalik saka ko tinignan si Sephine

Nang makita ko siyang mamula ay natawa nalang ako kaagad saka siya pinat sa ulo gamit ang isa ko pang kamay.

"Buti naman at dinala mo siya rito. Nako, bagay kayo! O siya, 'yung dati pa rin ba?" tanong niya kaya naman tumango na ako

"You really know me well, Tita Celia. Naka-reserve pa rin po ba?" tanong ko kaya naman agad siyang tumawa

"Nako, oo naman! Para sa mga batang parang pinalaki ko na, reserved na reserved talaga 'yon! Pasok na" sagot niya kaya naman agad ko nang hinila si Sephine na halatang takang taka sa nangyayari

Linampasan namin 'yung mga customers at pumasok sa likuran ng maliit na kainan ni Tita Celia patungo sa garden ng bahay nila.

Nang makarating na kami sa garden ay lumusot kami sa waterfall-like vines at agad na bumulaga sa amin ang maliit na cottage na pinapalibutan ng napakaraming tanim at bulalaklak. May mga ilaw din na tila bang pang Christmas na nakapalibot sa mga ito at my table sa loob ng cottage pati na rin iilang mga upuan.

"Wow. Based on your conversation earlier, it seemed like you often come here with Ed and company" sabi ni Sephine kaya naman agad akong tumango at dinala siya sa may cottage

"It's not much compared to what we usually have with our family and social circle friends. Fancy restaurants, grand venues and exquisite cuisine? Hays. Sometimes, we need this too. Where no one knows who we are, to tell us what to and not to do and well, where we can be ourselves" sagot ko

Nang makapasok na kami sa cottage ay agad ko siyang pinaharap sa akin at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"I want to show you my world. Alam kong kilala mo ako bilang isang Begley - the heir of the Begley Conglomerate and the cold and aloof Heartthrob Prince of Royal Academy. Pero may hindi ka pa nalalaman. I've always dreamed of having a life as simple as this. So serene, so peaceful. I'm Charles, and I'm a dreamer"

Sephine's POV

Habang sinasabi niya 'yon ay diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko kaya naman kitang kita ko ang reflection ko sa mga ito.

"And you know what? I dreamed of you too. In short, you're my dream" aniya kaya naman hindi ako sumagot dahil sa init ng mukha ko

If he isn't sweet then what in the world is he?

"Ah, you're mine now, right? So you're not just a dream anymore" dagdag niya kaya naman mas namula ako

"Sir Charles, nandito na po ang order niyo" agad ko nang kinuha ang kamay ko't umurong palayo sa table kaya naman pumasok na 'yung mga nagse-serve ng pagkain at inilagay doon ang mga ito

Thank god they came. Sa sobrang pagiging sweet talker ni Charles, eh makakasagot ako kaagad ng I do. HAHAHAH-- wait, bakit ba I do agad ang iniisip ko? Am I really out of my mind?

"T-thank you," sabi ko sa mga nagserve nang aalis na sana sila dahilan kung bakit sila tumingin sa akin at ngumiti

"You're welcome po. Enjoy, enjoy" sabi nung isa't nagsitulakan na silang lumabas ng cottage

Napakagat ako ng labi ko ng marinig ko 'yung mga pinagbubulungan nila.

"Nagtataka ako kung bakit isang nerd ang dinala ni Prince Charming Charles pero okay din naman ano?"

"Oo nga! Ang bait niya at ang ganda ng kutis! Ang ganda rin ng boses at temparamento niya!"

"Ang cute nila no? Narinig niyo ba 'yung sinabi ni Sir Charles kanina? You're my dream daw!"

"Ayiieeeeh!"

"Kailan ba ako magkakaboyfriend ng tulad kay Sir Charles?"

"Duh! Mangarap ka nalang! Sa tingin mo ba may katulad si Prince Charming!?"

"Hays! Oo nga no?! Kainggit naman si ate nerdy!"

Pahina ng pahina ang mga boses nila ng palayo sila ng palayo sa garden. Nagbubulungan nga sila pero dahil napakatahimik dito sa garden eh rinig na rinig namin ni Charles ang lahat.

Sinilip ko si Charles at nang makita kong nakatingin din siya sa akin ay napakamot siya sa batok niya saka ngumiti saka naman natawa na ako dahilan kung bakit din siya natawa.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note: Hi guys! If you liked the revised version of the book, be sure to raise your voices and give me your feedback. And if you saw some mistakes here and there, please do tell me. Feedback is important for further improvement and growth. Please do vote and comment! Thanks for reading guys! Have a blessed day! XOXO~