WebNovelTHE NUMB26.47%

nine

The Numb by JeAnnPulido

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 9

Ashley's POV

"M-magbabayad ka Villafuerte! Di pa tayo tapos!" sigaw nung lider na pawindang windang na naglalakad palabas ng gate

Aba, dapat magpasalamat siya eh. Pinatakas ko na siya at inihatid pa namin sa gate.

"Pshh. You mess with the wrong group" rinig kong bulong ng isa sa mga kasama naming naglaban kanina

"Welcome to The High Class Gangster Club!" sigaw ni Tori at Kath sa walong taga PC na kasama sa sabak kanina

Nilabas ko 'yung baril ko na pampatulog kaya naman lumayo sila Kath.

"Aanuhin mo yan?" tanong ni Alice

"What? This?" tanong ko sabay kasa at turo sa kanila

"Cut it, Ash. 24 hours kaya ang tulog kapag natamaan nan. Leche. Ilayo mo nga 'yan" sabi ni Tori

"Easy. Matagal nang 'di nagamit eh" sagot ko at tinuro dun sa pawindang windang na taga Gregory University at

BANG. Itinira ko na.

Nang tumingin silang lahat sa akin na parang ako ang pinakahindi kapani-paniwalang tao sa buong mundo ay ngumisi na ako.

*

Alice's POV

Brutal talaga kahit kailan. Tss.

"Ang astig niya talaga tol!"

"Oo nga! Buti nalang nasa cafeteria tayo!"

"Kyaah~ We just joined their club!"

"I know right? The Queen's so awesome!"

Hindi makapaniwala akong tumingin ako sa mga bagong club members dahil sa mga inakto nila.

Nagkatinginan na kami nila Tori't Kath saka kami nagtawanan.

*

Ashley's POV

"Ba't nagkaroon ng early dismissal, Ashley?" tanong ni Tori

Nagkibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang paglalaro ng Flappy Bird.

"Sabi ni Sir Panot. Meron daw naging away kaya ayun. Early dismissal raw muna" sabi naman ni Kath

"Pero may away rin naman na naganap sa cafeteria, 'di ba?" tanong ni Alice

"Yup. Siguro, meron na sila sa puntong patayan. Ang sa atin kasi ay basag ulo lang pero wala namang namatay" sagot ni Kath kaya nagsitanguan na 'yung tatlo

Mga abnormal talaga oh. Pinaguusapan nila 'yung patay-patay something na para bang napakaganda nitong topic. Tsk.

"AyTomboy" ani ko at nabitawan pa 'yung selpon na tatskrin nang biglang mag-ring ang bell

Napatingin naman ako kina Kath na nagpipigil ng tawa.

"Tawa na" sabi ko as if on cue tumawa na nga sila

Sayang. 99 na 'yung score ko eh. Kabanas naman. Tsh. Sige kasi untog 'yung ulo niya.

Pinulot ko na 'yung cellphone at tiningnan kung sino yung nagstorbo ng paglaro ko ng Flappy Bird.

*Monster Calling...

"Oh, Monster Calling raw" ani ko sabay bigay kay Kath nung tatskrin niyang selpon

"Weh? Si mama? Ano namang kailangan nun?" tanong niya sabay kuha nung selpon niya

"Ge. Excuse me muna" sabi ni Kath at pumunta na sa veranda

"Tomboy pala ha" pangaasar ni Tori kaya naman napairap ako sakanya at humiga na sa kama

Anyways, nandito nga pala kami ngayon sa bahay ko. Oo, bahay ko.

Iba ang bahay nila nanay at tatay sa bahay ko. Mansion yung sakanila ee. Sila Nanay Tessy at Tatay Roland ang mga nagtayong magulang ko. Sila yung kumupkop sa akin. Inampon ako nila Nanay at Tatay dahil gusto raw magkaroon ng kapatid si ate Louela.

Ang totoong anak nila nanay at tatay. Kaso lang hindi raw pwede mabuntis si Nanay Tessy dahil natanggalan siya ng matress. So, ayon na nga. Ako ang napili nilang ampunin.

"Hala! Sorry Ash! Sorry!" napaupo ako galing sa pagkakahiga dahil sa sigaw ni Tori

"Ano?" tanong ko at nakakunot ang noo

"E-eh? Hindi ba masakit 'yung bato?" tanong ni Tori

"Anung bato?" tanong ko

"Natapunan kita ng bato sa paa eh" sabi ni Tori kaya napatingin ako sa paanan ko

May bato nga at talagang napakalaki pa.

"Wala akong naramdaman" sagot ko na ikinakunot ng noo nila

"She's The Numb after all" sabi ni Alice sabay smirk

"I know" I answered with a grin

*

"Patayan talaga ang gusto mo Ash ano? Tss. Brutal na 'yan eh" sabi sa akin ni Alice na kasalukuyang katabi ko habang nanunuod

"Just watch" sagot ko

Mas gugustuhin kong manuod ng patayan kaysa mga romantisismong mga panuod eh. AHAHAHA

"Pwe! Ang panget naman nito, Kath! Akala ko ba marunong ka na magluto? Da eff!" sigaw ni Tori sabay takbo sa comfortroom kaya naman napatingin kami ni Alice kay Kath na nagpresenta na ipagluluto daw kami

"Eh. Ehehehe" sabi niya sabay peace sign

"Ako nalang ang magluluto. Alis diyan" sabi ni Alice sabay tayo at punta sa kusina

"Alice naman eh. Hmp" sabi ni Kath at tumabi na sa akin

Nagulat ako dahil sa biglang pag-ring ng telepono. Tsk

"Sagutin mo na Kath" sabi ko

"Ikaw na Ash. Anjan nalang sa tabi mo oh!" sagot niya sa akin

"Isa" sabi ko

"Dalawa" sabi niya

Ang kulit talaga ng lahi nito. Isa 'to sa ugali ni Kath. Kapag hindi niya nakuha ang bagay na gusto niya. Magtataray na siya at tatahimik hanggang sa makalimutan niya ang bagay na hindi niya nakuha. Tumayo na ako at kinuha 'yung telepono.

"What?" tanong ko

"Ash" whisper nung nasa kabilang linya, which is the guard of this subdivision

"Anung meron?" tanong ko

"May taong sumisilip sa gate ng bahay niyo at mukhang marami siyang kasama at may mga armas sila. Mukha silang gang na isa sa mga sakop ng rouges" sagot niya

"Fck" sabi ko sabay tingin sa mga kasama ko na kasalukuyang nakatingin rin pala sa akin

"I'll send the police there right away" sabi niya

"No. We'll handle this. Tell the neighborhood never to go out and lock their doors" sabi ko at binaba na ang telepono