The Numb by JeAnnPulido
Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)
Anyways, enjoy the story guys!
*
Chapter 10
Ashley's POV
Mabuti naman at naging alerto ang mga kasama ko. Nagsiakyatan na sila sa mga kwarto nila, which is the guest's room.
Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso sa walk in closet. Pinagilid ko lahat ng coats ko at saka sinulat ang pin-code sa secret passage way. It leads me to the room where I can get my things to use in a gang fight.
Yep, you got it right. Nalaman na ata ng ilang mga rouges ang location ng gang na nagpatumba sa 3rd leader nila. Pero syempre, buhay pa 'yung leader nila. Nasa kulungan lang siya sa ngayon.
Nagpalit ako ng black sando with black leather jacket, jeggings, 5-inched heeled-boots and protective gloves. Di ako mahilig sa black. Napagtripan lang. Para naman color coding. Haha
Kinuha ko yung domo bag ko na naglalaman ng mga gadgets at weapons. Kinuha ko rin 'yung earphone na walky-talky ko pati bonet tsaka maskara saka pinatay ang ilaw at lumabas na.
Pagkasara ko ng kwarto nakita ko si Tori sa kabilang dulo ng hallway at nagsasabing huminto raw ako. Nasa second floor kasi ang rooms. Tinignan ko siya ng mabuti kahit madilim kasi parang meron siyang sinasabi sa akin sa pamamagitan ng bibig niya.
"May tao sa baba" 'yan ang naintindihan ko kaya naman inilabas ko ang sleep gun ko
Tsk. These jerks are fast with work, huh?
Bumaba na ako saka sinuot ang bonet ko at maskara. Sumunod naman si Tori. Baka mapilitan nanaman akong lumipat ng titirahan nito. Tsk. Nagtago ako sa likod ng sofa at tinutok na ang sleep gun ko 'dun sa lalaking may hawak na baril.
Nang matamaan na siya ay bigla siyang natumba.
"Over here!" rinig kong sigaw ni Tori kaya naman may napatingin sa pwesto niya
Pero bago pa man nila matamaan si Tori ng kanilang mga baril ay natamaan niya na ito sa kamay ng mga pin niya na pangpatulog. Kasi nga, hindi kami pwedeng pumatay. I don't kill and I... won't. Kaya naman hanggang pampatulog nalang MUNA kami.
"Psst!" napatingin naman kami ni Tori 'dun sa nagsitsit at 'dun namin nakita na sila Alice at Kath lang pala 'yun
"Ilayo muna natin ang mga rouges na 'to sa subdivision. Baka may mapahamak pa" whisper ni Alice at pumunta na kami sa likod ng bahay pero alerto parin naman
Nang walang isip na ipinagbabaril kami nung kalaban ay napamura naman ako ng wala sa oras. Sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse saka ito pinaandar.
Bahala na kung saan man kami makarating. In-on ko 'yung walky-talky ko at sinaksak sa speaker ng kotse para naman marinig ko na ito ng malakas.
"Saan tayo patungo?" tanong ni Tori
"Maghiwalay hiwalay nalang tayo para kanya kanya nalang ng kalaban" sabi ni Kath na hinihingal hingal
"Maghiwa hiwalay tayo pero sa iisang place lang dapat tayo patungo" sabi ni Alice
Nakita ko namang marami rami rin pala silang sumusunod sa amin.
"We'll fight. Full speed muna at kapag nawala na sila sa paningin natin, pupunta si Alice sa kotse ko at si Kath kay Tori. Kapag nagpakita na sila, bubuksan ang mga windows at titira. Game? Parang maglalaro lang naman tayo" sabi ko at nagfull speed na
"Game" sabay nilang sabi
Nang makalayo na kami, huminto ako kaya huminto rin yung tatlo. Pinark nila Kath at Alice ang mga kotse nila sa isang street saka sumakay sa kotse namin ni Tori. Nang makarinig ako ng putok ng baril ni-lock ko na ang sasakyan saka tiningnan si Alice.
"Is it okay for you to shoot?" tanong ko
"Hell yeah. Wala pa naman tayong training eh" sabi niya saka kinasa ang baril na hawak hawak niya
"Cool" sabi ko at nagpaandar na
Baril lang ng baril sila Kath at Alice pero napapansin kong nagiba ng daan ang mga rouges. Kaya naman huminto muna kami at lumabas ng kotse.
"Anung nangyari?" tanong ni Alice kina Tori sa walky-talky
"Ewan. It seems like they're up to something" sagot ni Kath
"Where is that road leading to?" tanong ni Tori kaya naman nagkatinginan kami ni Alice
"Public Colleges" sabay naming sabi kaya naman pumasok na kami sa sasakyan at pinaandar ulit saka finull speed patungo sa school
"Tawagan mo si Sir Panot, immediately" utos ko kay Alice at sinunod naman niya
Hindi naman nagtagal ay sumagot na siya.
"Hello?" bati ni Sir Panot
"Get out of school. Now" utos ko at mas binilisan pa ang pagpapaandar
"Wait. Bakit? Anung meron?" tanong ni Sir
"Get out. Sa likod kayo ng library dumaan. Just follow the Ashley!" sabi ni Alice at hinanda ang baril niya
"Noted. Mag ingat kayo mga bata" sabi ni Sir at binabaan na kami
Sht. Hindi ko na sila makita. Malamang nakita siguro nila ang mga uniforms namin na nakasabit sa labas ng bahay. Aish.
"Wala akong ma-trace na vehicle na nagaandar kundi 'yung sa atin lang nila Tori" sabi ni Alice
"Public Colleges is in trouble" sabi ko
Malapit na. Walong kanto nalang.. Napahinto naman kami bigla nang makarinig kami ng anim na sunod sunod na malakas na putok.
"What's happening?" tanong ni Tori sa walky-talky
"Bomba. Mga bomba" sagot ko at nagpaandar na ulit
"What?" tanong ni Alice
"P-public Colleges.. Na.. Na"
"What Sir? What?" tanong ni Alice
Lima nalang na kanto andyan na kami.. Wait for me, PC.
"Nabombahan. Wasak na ang faculty, ang library, ang mga rooms. Ang bilis ng pangyayari. Ibang klase ng bomba ang ginamit nila. Buti nalang at na-warning-an niyo kaming umalis kaagad. Kung hindi, malamang, patay na dapat kami ngayon" sabi ni Sir at timing na nasa harap na kami ng school kaya naman hininto ko na ang pagdradrive at lumabas na
Napakapit ako sa cellphone ko ng mabuti.
Marami nang tao kahit na alas diyes na ng gabi. Meron 'ring mga pulis. Siguro dahil sa insidenteng nangyari. Kahit umaapoy pa yung gate sinipa ko parin 'yon saka pumasok.
"Miss. Hindi kayo pwedeng pumasok" sabi ng isang pulis at hinarang ako pero hindi ko na napigilan at itinutok sa kanya ang baril ko
Wala akong pake. Hindi rin naman nila kami mamumukhaan eh. Nakasuot parin ang mga maskara namin.
Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya na parang sinasabi na sumusuko siya kaya naman sinikmuraan ko siya at nilagpasan. Umiinit ang ulo ko ngayon. Parang gusto kong pumatay.
Sht those rouges.
Sinunog nila ang field at talagang may iniwan pang message.
"NOT SO FAST NOW, ARE YOU?"
Nandilim na ang paningin ko.
They better not let themselves get caught by me or else..