The Numb by JeAnnPulido
Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)
Anyways, enjoy the story guys!
*
Chapter 11
Victoria's POV
"Ash. Gising na" sabi ni Kath at niyuyugyog-yugyog pa si Ash
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa condo na bagong bili ni Ash. Uminom ata ang gaga eh. Maraming mga hard drinks 'dun sa kusina niya. Tsk.
Ganito talaga siya everytime na hindi niya makuha ang gusto niya.
"STFU" malumanay na sabi ni Ash sabay tabon ng unan sa mukha
"Anong shut the fvck up ka jan?! Gumising ka na nga! Late na tayo sa school!" sigaw ni Kath kaya naman napamulat na si Ash saka bumangon sa pagkakahiga
"School? Wala nang school" sagot niya
"Tanga mo. Diba ang may ari ng Public Colleges ay may kapatid na nagmamay-ari rin ng isang school sa syudad?" sabi ko saka tinapon sa kanya ng tuwalya niya na nakuha naman niya
"So?" pagtataray niya
"So, sa insidenteng nangyari kahapon, nasira ang school at kailangan pa ng ayusin. Kaya ang papasukan natin na school sa NGAYON ay ang school na kung saan ay pagmamay-ari ng kapatid ng may-ari ng Public Colleges" sagot ni Alice
"Anong school ba?" iritang sabi niya at binigyan kami isa isa ng glare
Nagkatinginan naman kami nila Alice. Psh. Paniguradong hindi 'to papayag. Tsk tsk
"Isa" sabi niya
"Dalawa"
"Tatlo. Get out of my ro--"
"Sa Gaein Academy, Ash" sagot ni Alice
Pagkasabi nun ni Alice biglang nag iba ang aura ni Ash pero expressionless parin.
"I'm not going" sabi niya at pumasok na sa comfort room
"Pero maliligo ka naman! Ibig sabihin pupunta ka!" sigaw ni Kath dun sa pinto ng comfort room
"NOT" madiin na sagot ni Ash kaya naman na-papout nalang si Kath at nakiupo rin kasama namin sa kama ni Ashley
Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa basagin ni Kath ang katahimikan.
"Pero. Bakit kasi 'dun pa?! Alam naman siguro lahat ng taong nandito sa syudad na kaaway ng Public Colleges lahat ng school dito! Argh!" sigaw niya at humilata sa lapag
"Abno" sabi ko at nakihiga rin sa lapag habang si Alice naman, humiga sa kama
Don't worry, malinis na tiles naman ang lapag ng condo ni Ashley eh kaya okay lang na humilata. HAHAHA
"Iisang campus lang ang meron dyan, hindi ba? Ibig sabihin, hindi maiiwasang magkita kita ang mga mortal na magkakaaway na mga gang" sabi ko
"Oo, hindi nga siya imposible. Pero wag kang nega sister. Tiwala lang sa destiny. Ipaglalayo layo nila tayong mga magmortal na magkakaaway. HAHA" sabi ni Kath
Siguro, alam niyo nang meron kaming gang?
Well, passion na talaga namin ang paglalaban. Hanggang nung 7 years old kami, nakita namin 'yung mga babaeng nakamaskara sa mga pictures sa harapan ng Public Collges. At dun namin nalaman na sila ate Chesca pala 'yun. Maraming nagmamahal sa kanila and at the same time ay natatakot.
Mga cool daw sila.
Hindi pa man namin sila nakita sa personal alam namin na kahanga hanga sila, kaya ayun. Nag SSC'x wanna be na kaming apat. 'Yung mga sinasabi ni Kath na mga mortal naming kaaway ay ang mga gangs na gusto kunin ang trono namin bilang pang apat na pinakamagaling na gang sa buong Asia.
Kaya kami nagsusuot ng mga maskara, for our safety and the ones we love.Baka kasi madamay pa sila ng ilang mga mortal naming kaaway.
JOKE. FOR THE CHAR LANG ANG MGA MASKS OY. Pwede namang bare faces lang pero magaganda kami eh.
We prioritize our looks before our safety. Yeah baby~
Nagulat naman kami nang bigla kaming batuhin ni Alice ng unan. Gago 'to ah.
"Alam ko na kung paano mapapapasok si Ashley sa Gaein Academy" sabi ni Alice saka nag smirk
Tsk. Tsk. Ano nanaman kaya ang iniisip nito?
*
"Ugh. I still have a hangover, freaks" sabi ni Ash at lumabas na nang kotse
Nandito na nga pala kami ngayon sa gate ng mga taga Gaein Academy. Paano namin napilit si Ashley? Well, sinabi lang naman ni Alice sa kanya na..
*FLASHBACK
"Kung hindi ka sasama, then fine. Sinasayang mo lang lahat ng effort mo sa pagtakbo being the Public College's Queen. Ano nalang ang sasabihin ng mga teachers sayo? You want to be the Queen but you can't be a model for all the students? You want to be the Queen but you can't focus on your studies just because you don't want to go to Gaein Academy?" sabi ni Alice na matalim na nakatingin kay Ashley
Kami ni Kath umurong nalang. Iba talaga ang atmosphere kapag ang tahimik sa grupo niyo ay magsasalita ng mahaba. HAHAHA.
Atsaka nakakatakot ang mga aura nilang dalawa. Napakaseryoso naman kasi eh.
"Say anything you want. I don't fckin' care" sagot ni Ashley at nag-cross arms pa
Sasabat sana si Kath pero nagsalita na ulit si Alice.
"Surely, Allena and the bitches will be there" sabi ni Alice
"Malamang. Maraming gwapo 'dun eh" sabi ni Kath kaya naman napatingin 'yung dalawa sakanya ng masama
Agad na siyang napalunok at nag-peace sign pero umirap lang silang dalawa.
"Taray" bulong ni Kath kaya naman napailing nalang ako
"You're gonna let Allena win the throne?" tanong ni Alice
"She can have that damn throne" sagot ni Alice
"What about ate Louela? Paano na ang promise mo sakanya bago siya mamatay na kukunin mo ang trono niya sa pagiging Queen ng Public Colleges at bibigyan ng katarungan lahat ng namatay nung insidente last three years ago?"
*End of Flashback
'Yun iyon. Si ate Louela lang naman ang kahinaan 'nan eh. She was caught off guard when Alice mentioned ate Louela's name.
Lumabas na kami sa kotse. Marami rami rin ang tumitingin sa amin. Aba, sino nga bang hindi mapapatingin sa mga diyosang to?
I'm not being conceited again, okay? I'm just.. well, honest. PFFT.
"Ms. Villafuerte, sumunod po kayo sa akin" napatingin naman kami sa lalaking may salamin, siya 'yung classmate namin sa Public Colleges na may isa pa raw na grupo ang dapat na katakutan, kami.
"Where are you leading us?" tanong ko
"Sa Principal's Office" sagot niya at nagpamulsa ng kamay
"Then what are you waiting for? Go on" sabi ni Kath kaya naman naglakad na 'yung lalaki at sumunod naman kami
Sa INAASAHANG pagkakataon nga naman. Hindi pa nagsisimula, alam ko nang paguusapan talaga kami ng karamihan. Tss
"Diba mga taga Public Colleges 'yan? Panu sila nakarating dito?"
"Oo nga. Diba sis, nambubugbog raw sila?"
"Oo sis. May mga kapit daw silang gang ee"
Oo, may kapit kaming MGA gang, bakit man? Sapakin kita 'diyan eh.
"Virgin pa ba 'yang mga 'yan tol?"
"Oo ata. Ang ganda parin ng shape ng mga katawan eh"
"Mga laspag na 'yang mga 'yan tol. 'Yan pa, mga taga Public Colleges 'yan ee"
Napahinto naman kaming lahat ng mapatigil si Ash. Napatigil rin 'yung lalaking nakasalamin na sinusundan namin.
Nakaramdam ata siya. Tiningnan ni Ash 'yung huling lalake na nagsalita kaya naman parang pumangit ang atmosphere. Nakakaamoy ako ng away dito. Tsk. Tsk
"Hey," 'yang lang ang lumabas sa bibig niya saka siya nginitian
There she goes again.
"You're dead" dagdag ni Ash kaya naman napalaki ang mga mata ng ilang mga estudyanteng nakarinig at kumaripas ng takbo ang iilan
"Miss Villafuerte, first day palang po natin dito. Takot na ang mga estudyante sayo" sabi nung sinusundan namin at naglakad nanaman kaya naman sumunod na kami
"Pero, over na rin kasi 'yon ano. Ipaglantakan ba daw na mga laspag na kami? Gago ba 'yun? Baka gusto niya ng suntukan!" sabi ni Kath sabay pose na parang boxer kaya naman napailing nalang ako
"Anyways, you guys should already be used of these kind of treatments. So please, even if it's just a minute, behave yourselves" sabi nung lalaki kaya naman bumugtong hininga nalang kami
"Hey, I'm hungry," sabi ni Ash dun sa lalaki saka siya inakbayan
"M-miss Villafuerte naman" nauutal na sagot nung lalaki kaya naman natawa ako
"H-hatidan ko lang po kayo sa Principal's Office ng makakain," nahihiya niyang sagot kaya naman napangisi si Ash at pinat na 'yung lalaki sa ulo saka lumipat ng akbay sa akin
"Great. We'll behave. So lead us the way,"