Prologue

GULAT kong nabitawan ang librong aking binabasa nang isang malakas kalabog ang umalingawngaw sa aking pandinig. At, dahil may lahi ata akong tsismosa kaya nagpasya akong hanapin kung saan nagmula ang ingay na iyon. Ilang segundo kong nilibot ang matalas kong paningin sa paligid bago ko natyempohan ang babae at lalaking nagtatalo sa 'di kalayuan na sa tingin ko ay mag-jowa. Mukhang intense ang away nila dahil nakatumba na ang tatlong basurahan sa tabi nila. Sa tingin ko ay ito ang pinagmulan ng malakas na kalabog kanina.

"Ang lakas rin naman ng loob ng mag-jowang ito, dito pa talaga nagtalo sa children's park." Mahina kong komento dahil baka marinig pa nila. Medyo malayo naman sila sa akin pero malay ko ba kung mala-engkanto sila na nakakarinig kahit malayo.

"Pero mukhang interesting ang pinagtatalunan nila," dagdag ko pa.

At dahil hindi lang ako maganda kundi tsismosa pa kaya mabilis kong pinulot ang nahulog na libro at nagpasya akong lumapit ng kaunti sa kanila. Umupo ako sa isang upuan malapit sa kanila at nag-aktong nagbabasa. Pero wrong move ata dahil napalingon sa akin ang lalaki. Mabuti nalang at may biglang nadapang bata sa harapan ko mismo, kaya dali-dali koi tong kinuha at pinaupo sa tabi ko.

"Anak, mag-ingat ka naman," ani ko. Nagkunyari pa akong care na care sa bata na para bang anak ko talaga. Makalipas ng ilang segundo ay kita ko sa peripheral vision ko ang pagbawi ng lalaki ng kanyang mga tingin sa akin. Bumalik na rin ang atensiyon niya sa kausap na jowa kaya tinigil ko na ang ginagawa ko sa bata at bumalik ulit sa kunyaring pagbabasa. Pero ang lampang bata ay nagustuhan ata ako dahil imbes na umalis ay humiga pa sa lap ko. Sige, diyan ka lang ineng dagdag props ka pa sa acting ko.

"Babe, don't do this." Mahinahon at may halong pagmamakaawa ang naging turan ng lalaki. Hindi ko alam kung anong problema nila pero ngayon palang na nararamdaman ko na ang awa para sa lalaki.

"Pagod na ako, ayaw ko na sa relasyon na ito!" Kung mahinahon ang lalaki, mala-megaphone naman itong si ateng na feeling maganda. Pagod na ako? Ano ateng nasa telenovela ka? Gigil mo ako.

Dahil sa mala-megaphone na boses ni ateng gurl ay pasimple ko silang sinulyapan. Titingnan ko lang naman kung miss universe ang ganda ni ate para magsisigaw dito. Lakas ng loob, sarap hambalusin.

"Hayaan mo na ako Thirdy," ani niya between her sobs. Gimilid siya ng kunti paharap sa akin para hindi masyadong ipakita sa lalaki ang pag-iyak niya pero halata naman na umiiyak siya. Bobo nito, may sounds pa ang iyak. Ang ingay mo naman umiyak gurl.

Pinasawalang-bahala ko nalang ang maingay niyang iyak at nagfocus sa mukha niyang natatabunan ng ilang hibla ng buhok. She looks familiar. Ilang segundo akong nag-isip kung saan ko nakita ang mukhang 'yan na hindi naman kagandahan. Mabuti nalang at mukhang nakamemory plus gold ako kaya bumalik sa bright kong isip ang araw na nakita ko si ateng.

"Siya pala ang neneng na first year sa school," bulong ko sa sarili ko. Hindi ko naman kilala ang girl na ito, sadyang agaw pansin lang talaga ang neneng look niya. Pero sa pagkakaalala ko ay Mykie ang pangalan niya, oh diba parang Mickey Mouse lang. Sinong mag-aakala na mas may jowa pa ang mukhang elementary na ito kesa sa dyosang si ako. Kaloka rin itong jowa niya dahil literal na sumisigaw ang gandang lalaki.

"Break na tayo." Huling katagang binitawan ni girl bago tuluyang umalis at iniwan si poging jowa este ex-jowa na.

Parang malambot na ice cream naman si kuya na pabagsak na napaupo nalang sa damuhan. Marahil ay sagad ang sakit na ibinigay dito ni neneng girl. Teka, bakit parang iba ang dating ng sagad? Ah, pakialam ko ba? Hindi ata alam ni ate girl kung anong sinayang niya. Para siyang nagtapon ng masarap na ulam sa tabi ng kalye. Pulutin ko kaya?

At dahil hindi lang ako dyosa kundi maawaing pumupulot sa masarap na tinatapon kaya nagpasya akong rumampa sa harap ni kuya este lapitan siya. Comfort ko lang, baka sakaling mafall sa akin.

"Mr?" Kinuha ko ang panyo kong galing pa sa china at iniabot sa kanya. Swerte niya dahil siya palang ang pahihiramin ko ng panyo na made in China este galing sa ukay-ukay. Wag na maarte basta may panyo at maganda ako.

"Ano 'yan miss?" nakakabobo niyang tanong.

"Mr. pagkain ata tingin mo diyan e. Malamang po panyo, ipunas mo sa luha mong nagre-unite na sa sipon." Sa ganda ng panyo ko tatanungin ako kung ano 'yon? Bobo ba talaga ito o tanga? Nagtatangahan nga siya sa Mykie na iyon e, kahit hindi naman maganda.

Hinidi tinanggap ng kuyang iniwan ang panyo ko, gusto pa ata niyang magbonding ang sipon at luha niya. Nangangalay na kamay ko dito, kaya naman tinapon ko na sa mukha niya ang panyo. Kapal ng mukha na hindi ako pansinin, I'm a queen. Magiging queen ng buhay niya.

Hindi ko na hinintay na ibalik niya sa'kin ang panyo dahil nagrampa na ako palayo. Naniniwala kasi ako sa kasabihang 'ang tunay na dyosa ay hindi iniiwan kundi siya ang nag-iiwan', pero applicable lang 'yan sa akin.

Kuya habulin mo ako, sasaya ka sa buhay ko.