CHAPTER 1

"Biological hazards are acquired from disease-causing microorganism and the poisonous toxins---" kanina pa putak ng putak ang professor naming tungkol sa mga hazard na ito. Hindi ko rin naman naiintndihan ang kanyang sinasabi sapagkat kanina ko nararamdaman ang antok. Pakiramdam ko nga rin ay makakatulog na rin ako dito anytime.

"Miss Claveria, kanina ko pa napapansin na mukhang hindi ka interesado sa aking discussion. May problema ka ba?" tanong ni ma'am na siyang nakapagpabalik ng aking isipan sa reyalidad. Tamad kong inayos ang aking pagkakaupo at singkit ang mga matang hinarap si ma'am.

"Wala na po bang iboboring ang lesson mo?" tanong ko. Isang tanong na para bang normal lang sa akin pero literal na nakapagpanganga sa aking mga kaklase at gayundin kay ma'am. Tinanong niya ako kung ano ang aking problema kaya naman sumagot ako. anong masama sa sagot ko para matahiik sila lahat?

"Labas!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng apat na sulok naming classroom. Tama ba ang narinig ko? Pinapalabas na ako ni ma'am? Well, ayaw talaga ni ma'am na naboboring ako sa klase niya.

Tumayo ako agad na para bang buhay na buhay na naman ang dugo ko na kanina lang ay natutulog na. Binigyan ko naman si ma'am ng isang napakagandang ngiti na kahit kanino ay never ko pang naibigay.

"Thank you Ma'am," ani ko. Magiliw na pagpapasalamat ang aking binitawan but it sounds like sarcastic para sa kanila.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at rumammpa patungo sa bukas nga pintuan. Rinig na rinig ko naman ang bulungan ng mga lamok este ng mga kaklase ko. Mga mukhang mababait na estudyante pero tamad at demonyita rin naman, lamang lang talaga ang kaplastikan.

"Ang lakas naman ng loob niyang sumagot ng gano'n kay ma'am."

"Maldita na nga wala pang respito."

"Pero astig siya."

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko bago ako tuluyang lumabas ng classroom. Ano bang mali sa sinabi ko? Nagsabi lang naman ako ng totoo, palibhasa kasi mga sinungaling ang mga hinayupak. Katulad ko rin naman ay inaantok sila sa subject ni ma'am, literal lang talaga silang plastic na nagsasabing naintindihan ang lesson kahit hindi naman. Hindi ko talaga ugaling pagtiisan ang isang bagay na hindi ko gusto kaya una palang sinasabi ko na. Alam ko rin naman na hindi ako ibabagsak ni ma'am dahil bukod sa kamag-anak pa namin siya ay kaya ko ring isampal ang mga perfect kong exam sa kanya.

Bagot na bagot akong tumungo sa library. Oh diba, mabait naman ako? Nagtungo ako sa paborito kung pwesto sa likod ng isang shelves pero may isang neneng na nakaupo na. Inilapag ko ang aking gamit sa table kaya naman takang napatingin sa akin ang neneng. Sinagot ko naman ang tingin niya ng tinging 'I'm the queen, lumayas ka' habang nakacross-arms pa ako. Pero mukhang tanga ata ang gaga o baka hindi makaintindi ng maldita kong galawan kaya hindi pa rin natinag sa pagkakaupo. But she looks familiar.

"May kailangan ka po ba ate?" inosente niyang tanong. Well, mukha naman talaga siyang inosenteng first year dahil sa neneng look niya. Pero hindi makatwiran ang hindi effective sa kanya ang galawan ko.

"That's my spot kaya kung pwede lumayas ka diyan," ani ko. Partida malumanay pa 'yan kasi mabait ako sa inosenteng bata na mukhang walang alam sa mundo.

"Pero akong nauna dito," pagkakatwiran niya.

"Kung sa mag-asawa nga, ang legal wife ay napapalayas pa ng kabit, ikaw pa kaya. Nauna ka lang pero gusto ko umalis ka." Nauubusan na talaga ako ng pasensiya sa neneng na ito.

"Per----"

Sasagot pa sana siya nang isa-isa kong niligpit ang mga gamit niya. "Aalis ka o aalis ka?" tanong ko sa kanya. Sige mamili ka kung saan ang tamang choice para mabaliw ka na. Ang tigas ata ng bungo nito bakit hindi makaindi ng mga simpleng banat ko. Saka pa ba aalis ang gagang ito kapag nakita na niyang inuugatan na ako dito kakatayo?

Makalipas ng ilang segundong pagtitigan naming ay umalis na rin siya. Akala niya siguro ay magpapatalo ako, hindi niya ba alam na nakukuha ko kung anong gusto ko? Well, hindi naman pala lahat dahil hindi ko nga makuha ang mga asawa ko. Itong upuan lang talaga ang kaya kung ipaglaban kasi ito lang ang pwesto na makakapagbasa ako ng tahimik at walang istorbo.

But wait, siya si Mykie.Ang neneng na nakipagbreak sa yummy niyang jowa. Bakit ko ba ngayon ko lang naalala, napamukha ko sana na di siya maganda para mang-iwan. Well, it's been a months rin naman ang lumipas after ng encounter na 'yon.

Anyway finally, makakaupo na rin ako sa aking nag-iisang trono. This place is really mine. Kinuha ko na ang isang English book ko saka binuklat at pinatayo paharap sa'kin ang pages. It's time to read baby. Inopen ko na rin ang aking phone at naglog in sa Wattpad mylabs, saka sinandal ito sa libro. Oh, diba astig ang strategy ko. Oh my husbands here I come.

Akmang sisimulan ko na ang aking pagbabasa nang biglang may kumuha ng phone ko. Librarian? Dahan-dahan kong nilingon ang taong kumuha ng phone ko na kasalukuyang nasa aking bandang likuran. "Hi besh," nakangiti nitong bati sa akin. Hindi nga ako nagkamali isang demonyitang bruha ang umepal pero hindi nga lang ang librarian kundi ang kaibigan ko kuno---Dash.

Para tuloy nagkaroon ng sariling isip ang aking mga kamay nang bigla ko nalang siyang sinakal. Hindi rin naman siya nagpatalo dahil sinabunutan na niya rin ako, at dito nagsimula na ang aming instant gyera. Pero syempre joke lang dahil maldita lang ako at hindi pa demonyita. Malambing ko lang naman siyang binatukan, 'yon bang mapapaaray siya ng malakas at kusa niyang ibabalik sa akin ang phone ko.

"Umalis ka sa klase ni ma'am kanina para lang magbasa ng Wattpad?" sarcastic niyang tanong. Baliw na ito, akala mo naman bago lang sa kanya ang ginagawa kong ito.

"Pinaalis niya ako, rememeber?"

"Bastos ka kasi." Pranka ang depota pero totoo naman siya kahit nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ko naman ipagkakaila na nabastos ko si ma'am sa part na iyon.

"Tina---"

"Tinanong ka niya kaya sinagot mo lang siya. Naku alam ko na iyan," pagpapatuloy niya sa dapat kong sasabihin. Alam naman pala ng gaga pero aaktong parang nagtataka pa siya. "Anyway, wala na tayong susunod na klase dahil may meeting. Tara na gala tayo," dagdag pa niya.

Well, ano pa bang bago sa babaeng ito, gala lang naman ang laman ng isip niya. At, kahit ilang milyon pa akong humindi ay nakikita ko pa rin ang sarili kong nakikipagtawanan sa kanya. Kaya naman kahit gusto ko na ulit makasama ang aking mga asawa ay pinili ko nalang sumama sa bruhang ito.