The day passed at hindi ko na muli nasilayan ang mukha ng kupal na iyon. Hindi ko alam kung dayo lang ba siya dito sa School that time o baka busy lang siya. Araw-araw ako sa library at walang kupal na nanggulo sa akin. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit mukhang palagi ko siyang hinahanap. Hindi kami friends at wala rin akong balak makipagkaibigan sa kanya kaya bakit nadidissappoint ako ngayong hindi ko mahagilap ang pagmumukha niya.
"Besh." Bigla akong yinakap mula sa likod ng bruhang si Dash na late na naman. "May assignment ka? Pakopya." Oh, diba ang lakas rin ng loob niya. Late na nga papasok tapos wala pang assignment. Bakit ba kasi hindi siya tumulad sa akin na kahit madalas tamarin sa klase at tarantado ay early bird pa rin at higit sa lahat ay may homework. Assignment na pinasagutan ko lang naman sa pinsan ko.
"Bahala ka, gumawa ka nga ng sa'yo." Kunyari pinagdadamutan ko pa siya pero sadya namang pinaggdadamutan ko. Oh, diba ang gulo ng utak ko.
Akma na akong tatayo nang hablutin na niya ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang homework ko. "Salamat besh," ani ng bruha. Kahit wala pang natatanggap na sagot sa akin ay sinimulan na siyang isulat ito sa papel. Walang-hiya talaga ang babaeng ito, mabuti nalang at kaibigan ko.
"Sige, ikaw na magpasa ng assignment ko kay ma'am." Napatigil siya sa pagsusulat dahil sa sinabi ko at tiningnan ako ng 'what do you mean bitch' look. "Sabihin mo kay ma'am na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok," dagdag ko. Natulala lang naman siya sa sinabi ko na para bang isang biro na kahit 1% ay hindi nakakatawa. Hinalikan ko siya sa pisngi bago rumampa na palabas ng classroom. It's time again to meet my hubby.
Kung dati ay laging sa library ako pumupunta tuwing hindi ako nag-aattend ng klase, ngayon ay naisipan kong maiba naman. I need other place rin na matatambayan. Naglakad-lakad ako hanggang makarating ako sa isang parte ng campus na maraming matatayog na puno at walang katao-tao. Best spot? Nagpasya akong ilapag na ang mga gamit at umupo sa ilalim ng isang madahong puno kung saan hindi ako natatamaan ng mainit na sikat ng araw.
"Perfect place to be with my hubby from PS." Pumikit pa ako upang damhin ang mainit na simoy ng hangin na sinasabayan pa ng paglaglag ng ilang dahon.
"Maybe perfect place to be with me." Gulat akong napadilat at napalinga-linga sa paligid nang marinig ko ang turan ng isang boses lalaki. Familiar na boses ng lalaki. Pero wala namang naaninag na tao ang maganda at mapupungay kong mata.
May maligno?
Dali-dali kong kinuha ang bag ko ay akmang aalis na nang biglang may lalaking nahulog sa harap ko mula sa langit este lalaking tumalon mula sa taas ng puno. Isang lalaking nakapagpanganga at tulala sa'kin. Lalaking noong isang araw pa hinahanap ng malalandi kong mata.
"Maybe you're looking for me miss?" ani niya. Malinaw kong narinig ang sabi niya pero ang dila ko ata ang mismong nawala kasama ng utak ko. Hindi ko talaga mahagilap ang tamang isasagot ko.
Yes, hinahanap ko siya noong isang araw pa at ngayon din diba?
"This art is made last 2003 and it named thirdy. Do you want to take it?" Pagsasalita niya ulit nang hindi pa rin ako kumibo at walang kurap na nakatitig sa mukha niya. Nagsisigaw na ang utak ko na tama sa pagtitig at barahin ng pamatay na banat ang kupal pero katawan ko mismo ang umaayaw. "Miss? Ey-em!"
"Ha?" Para akong walang alam sa nagaganap at sa katangahan ko ngayon.
"Halabyu," nakangisi niyang turan.
That smile is really damn fucking cute. At napakafamiliar niya talaga niya sa'kin.
"Gusto mo ba talaga? Ibibigay ko naman sa'yo, sabihin mo lang."
"Ang alin?" tangang tanong ko. Sa totoo lang dahil lutang ang isip ko kanina ay wala talaga akong naiintindihan sa sinasabi ng kupal na ito. Ewan ko ba kasi sa sarili ko, hindi naman artista ang kupal pero iba ang naging dating niya sa'kin kanina. Para siyang totoong anghel na nahulog sa langit.
"Ang isang obra-maestra na tinitingnan mo ngayon. Paulit-ulit ka naman, nagulat ka ba sa kagwapuhan ko?"
Obra-maestra? Sarili ba niya ang tinutukoy niya. Hindi naman ata ako nainform na bukod sa kupal ang lalaking ito ay mayabang rin.
"Mr. hindi ako interesado sa'yo," pagkaklaro ko. Sa wakas ay bumalik na rin ako sa tamang katinuan.
Bago pa siya makasagot ay nagpasya na akong talikuran siya at naglakad palayo sa kanya. Ngunit, para rin pala siyang kidlat dahil mabilis niya akong nahawakan sa braso kaya napaharap na naman ako sa kanya.
"Sa'yo ata ito." Ngumiti siya sa akin kasabay ng pag-abot ng panyo. Panyong made in ukay-ukay na ibinigay ko sa luhaang jowa ni neneng Mykie. May pagtataka kong muling tinitigan ang mukha niya.
Naalala ko na kaya pala siya familiar dahil siya ang kawawang iniwan ng neneng. Hindi ko siya nakilala dahil siguro nag-iba na rin ang ayos ng buhok niya at matured kumilos. "Di mo ba tatanggapin?" Agad kong binawi ang titig sa kanya at biglaang hinablot ang panyo na nasa kamay niya.
"Salamat," tangi ko nalang nasabi.
"Hindi, ako dapat ang magpasalamat. Salamat sa panyo mo at sa'yo na mismo. Kung wala ka do'n wala akong mapupunas sa sipon at luha ko." Turan niya na natawa pa ng bahagya. "Salamat rin at pinakita mo sa akin ang maganda mong mukha noon dahil kung hindi, maaaring hindi ko marerealize na hindi lang si Mykie ang babae sa mundo," pagpapatuloy niya.
Hindi lang naman talaga ang neneng na 'yon ang babae sa mundo dahil marami pa. At mas marami pang magaganda tulad ko.
"Anyway, I'm Thirdy."