Pagkatapos ng encounter with him sa lilim ng mga puno that day, hindi ko inaakala ang sumunod na nangyari. Iniwan ko siya pero sumunod lang naman siya sa akin at hindi na niya ako nilubayan. Gustong niyang makipagkaibigan sa akin at dahil curious rin naman kung anong klase siyang tao kaya pumayag ako. Gusto kong malaman kung anong kulang sa kanya bakit siya iniwan ni Mykie.
Hindi naman pala siya mahirap makasundo tulad ng inaakala ko. Oo, nakakainis ang ipinakita niyang ugali sa akin dati pero sa mga nakalipas na araw na kasama at kausap siya nakita ko na mabuti rin pala siya sa ibang paraan nga lang. Hindi ko akalain na ang napagtripan ko lang dati na bigyan ng panyo ay kaibigan ko na ngayon. Actually, he's like a living fictional character for me, ewan lang sa iba baka kupal pa din.
"Ang pangit talaga," basag niya sa malalim kong pag-iisip.
"Sino? Ikaw?"
Imbes na sumagot ay tiningnan niya lang ako ng seryoso na para bang sinasabing 'are you serious'. Bahagya akong natawa sa naging reaction niya. Alam ko namang ang tinutukoy niyang pangit ay ang sinusulat niyang tula. Kasalukuyan kasi kami ngayong magkasama at gumagawa ng tula bilang pampalipas ng oras. Kinuha ko ang ginawa niya at tahimik na binasa.
"Maganda kaya, mukhang mas magaling ka pa nga sa'kin e," komento ko sa gawa niya.
"Hindi para sa'kin," kontra naman niya. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito, walang bilib sa sarili.
"Okay, pangit diba? Ulit ka sa simula kasi pangit itong gawa mo diba? Alam mo kasi may pagkakataon talaga na kapag ikaw ang may gawa ay masasabi mo na hindi maganda. Alam mo ba kung bakit? Hindi ka kasi satisfied pero pagdating sa readers maganda naman. Wala ka namang tiwala sa'kin, simula nang naging friends tayo," mahaba kong litanya. Nakakainis na kasi, palagi nalang siyang ganito.
Simula no'ng lagi na kami magkasama sa pagbabasa at kahit sa pagsusulat ko pa ay napapansin ko na may potential siya when it comes in writing this kind of things. Ilang beses ko na sinabi sa kanya pero ayaw niya lang talaga.
"You sound like a nagging wife," ani niya saka ngumiti ng nakakaloko. Pereng tenge nemen e. Seryoso na nga ako tapos may gana pa siyang magbiro. "Writing throne is for you, not for me," dagdag pa niya. Aside kasi sa pagbabasa ay isa rin akong aspiring online writer.
"But I want to do it with you. Bakit hindi natin sabay gawin ito at sabay tayong makikilala." I'm trying to convince him pero kita ko sa mga mata niya ang hindi pagsang-ayon sa aking turan.
"Ikaw dapat ang makilala dahil para sayo 'to. Andito lang ako para magsuporta," aniya. Kinuha niya sa'kin ang papel na may tula at sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit namin. "Can we stop writing for now?"
"Ano namang gagawin natin? Masyadong maaga pa para umuwi."
"Bonding? Let's ride on the night under the moon and stars. Walang gulo, walang problema, at higit sa lahat saplot," nakangisi niyang turan. What?
"Gag---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bunganga ko. "Pssshh, ingay mo." Hinila niya ako palapit sa table ng librarian para isauli ang hiniram naming libro. "Thank you ma'am," ani niya sa bruha. Plastic ng hayup na ito kahit naiinis rin naman siya sa librarian.
Ala sais ng gabi pero maaga pa para sa'kin na umuwi kaya sumama nalang ako kay Thirdy. Kung saan man niya ako dadalhin ay hindi ko na alam. Ilang minuto rin ang aming nilaan sa paglalakad simula no'ng lumabas kami ng campus hanggang tumigil kami sa isang bahay.
"Papasok ka ba o hihintayin mo nalang ako dito?"
"I will wait you here," tipid kong sagot sa tanong niya.
Wala na siyang inaksayang oras at dali-dali na siyang pumasok sa loob ng bahay. Sa tingin ko ay bahay niya ito dahil kung hindi ay sinong tangang papasok nalang bigla. Hindi ko alam kung anong balak niya ngayong gabi pero mas hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya. Hala baka pagsamantahan niya ang kahinaan ko ngayon.
"Okay let's go." Gulat akong napatingin sa kanya na nakatayo na pala sa harapan ko. Hindi ko man lang namalayan na lumabas siya ng bahay. Nagbago ang suot niya at may dala siyang gitara. "Halika na, 'wag mo na ako titigan."
Nauna siyang naglakad kaya sinundan ko nalang siya. Tinahak naman ang daan papunta sa tabing dagat. "Anong gagawin natin?" Hindi ko na napigilan na magtanong kahit visible na rin naman ang sagot.
"Ano ba ang gusto mong gawin natin? Gusto mo ba ang masaya at masarap?" Lumingon pa siya at nginitian ako.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na rin kami sa dagat. Umupo siya sa buhanginan at inilapag sa tabi ang dalang gitara. Imbes na umupo ako tulad ng ginawa niya ay nagpasya akong lumapit pa sa dagat kung saan nadadampian na ng malamig na tubig ang aking paa. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at ipinikit ang mga mata. Napakasarap lasapin ang sariwang hangin na sinasabayan pa ng mahinang hampas ng alon.
Nanatili ako sa ganitong posisyon hanggang sa pagtunog ng gitara. Napadilat ako at nilingon kung ang lalaking nakakaskas ng gitara habang seryosong nakatingin sa akin. "Sa tingin ko mas lalo mo pang maeenjoy ang gabing ito kapag marinig mo ang kanta ko," aniya.
Para naman akong batang natutuwang lumapit sa kanya. "You like music?" Tanong ko sa kanya nang makaupo na ako sa tabi niya.
"I love music just like how i love our friendship, at lahat ng bagay na related sa musika."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sinumulan niya ulit tumugtog at sinabayan na niya ng kanta. Masasabi nilang di ako marunong mag-appreciate kung hindi ko sasabihin na maganda ang boses niya. Siguro kaya siya tinatamad sa pagsusulat dahil may isang bagay na mas malapit sa puso niya---------ang musika.