CHAPTER 5

Hindi siya mahirap pakisamahan, hindi siya mahirap magustuhan.

Parang tanga nga lang, noong day 1 'di kami magkasundo kasi mapag-asar siya, tinawag ba naman akong Cecelib devote kahit siya rin naman ay alagad ni inang CC. Pero salamat pa rin kay inang dahil ang kwento niya ang naging daan para muli kaming magtagpo ng isang boy wattpder or sabihin na nating a living fictional character.

"Oy kanina ka pa naghihintay?" tanong niya pagdating. Kasalukyan kaming nasa plaza para kumain ng street foods together. Para bang date namin pero para lang naman sa akin dahil alam ko namang wala lang ito sa kanya.

"Matagal na naman talaga akong naghihintay sa'yo diba?" pag-aasar ko. Ngunit sa totoo lang, hinihintay ko naman talaga ang panahong magustuhan niya ako.

Unang araw ko palang siyang makita noong nagbreak si ng neneng niyang jowa ay nakuha na niya agad ang atensiyon ko. Ang pagmakaawa niya noon na 'wag siyang iwan ay sadyang kakaiba. Ang pag-iyak niya na para bang gumuho ang mundo niya ay sadyang nakakadala. At ngayong magkaibigan na kami ay nakikita ko kung anong klaseng lalaki siya. Hindi siya perpekto sa paningin ko dahil napakarami niyang flaws pero nakikita kong mabuti siyang tao. Medyo maloko pero totoo sa sarili.

"Huwag mo akong titigan baka matunaw ako niyan." Agad kong naiwaglit ang aking iniisip nang bigla siyang magsalita. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa maamo niyang mukha. Bakit ba kasi ang harot ko.

"Ah…eh---"

"Ah, matagal na akong sa'yo pero ayaw mo lang talaga," pagputol niya sa sasabihin ko.

Kung matagal na pala siyang akin, edi sana kami nalang. Banat lang kasi 'yon. Nailing ako ng bahagya, pakiramdam ko nababaliw na ako. Nababaliw sa kanya.

"Tara na nga, gutom na ako. Alam mo bang ilang oras kong naghintay sayo? Uuwi na sana ako kung hindi ka lang dumating," pag-iiba ko sa usapan. Ayaw ko naman na mahalata niya ang lagkit ng mga tingin ko sa kanya. Ayaw ko rin naman na isipin niyang may gusto ako sa kanya kahit meron naman talaga.

Nauna akong maglakad sa kanya patungo sa tindahan ng street food ni Aling Beta. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin paharap sa kanya. "Aray ha!" angal ko.

"Sorry na kung pinaghintay kita. I love you."

Kingina, sipain ko ang lalaking ito e'. Nagkamali ata ako ng lalaking naging kaibigan dahil kung ako madaling mafall, siya naman dakilang pafall. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ang sinasabi niya para pagtripan ako o ito talaga ang totoong nararamdaman niya.

Nakakaloko at nakakalito para akong nasa gitna ng kagubatan at hindi matagpuan ang daan palabas. Bakit ba kasi ganito ang lalaking ito? Hindi ko alam kung alam niya ba kung anong impact ng mga sinasabi niya sa akin.

"Natahimik ka na naman, I love---"

"Okay." Pagputol ko sa sasabihin niya. Ayaw ko na ulitin niya pa ulit ang sinabi niya baka lalo pa akong mahulog. "Tigilan mo ako baka seryosohin ko ang mga sinasabi mo," dagdag ko pa. Pakiramdam ko talaga nasa gilid ako ng bangin at isang tulak nalang ay tuluyan na akong mahuhulog.

"Edi seryosohin na natin, total matagal na rin naman tayong magkakilala."

Akala ko ay tapos na siya sa mga banat niya pero may pahabol pa pala. Hindi ko alam ko nagbibiro lang siya pero ang alam ko lang masasapak ko na ang kupal na ito. Kinikilig ka naman. Agad akong napatampal sa noo ko dahil sa kakiligang iniisip ko. Pigilan niyo ako baka hilahin ko na ito papuntang simbahan para magpakasal.

"Tulala ka na naman, halika na nga." Para akong walang lakas na nagpatianod lang sa kanya papunta sa street food stall. Pigilan niyo na ako, kinikilig pa rin ako sa kanya. "What do you want?"

Hindi ko namalayan na nasa stall na pala kami. Nakatitig siya sa'kin at hinihintay ang sagot ko sa tanong niya. "Ikaw-----este ikaw bahala," ani ko. Sa isip ko lang dapat sasabihin na siya ang gusto ko pero madaldal talaga bibig ko. Hindi ko namalayan na nabigkas ko pala, mabuti nalang ay nadugtungan ko.

"Akala ko, ako gusto mo. Sana pala sa bahay nalang tayo." Akala ko ay okay na, hindi pa pala dahil nagawa pa niyang banatan ang salitang ikaw. Pero seryoso ikaw naman talaga ang gusto ko kaya uwi na tayo.

"Ate, kwek-kwek nga po," sabi ko sa tindera. Hindi ko pinansin ang banat ni Thirdy para kunyari wala akong interes dito. Mahirap pala maging marupok, madaling kiligin at mafall sa mga simpleng salita.

"Tingnan mo'to, mas pinili ang kwek-kwek kesa sa akin. Ano bang kulang sa akin? May itlog rin naman ako ah." Agad kong naipasok sa bunganga niya ang kwek-kwek na isusubo ko na sana dahil sa biglaang sinabi niya. Walang hiya ang kupal na ito, natawa tuloy si Aling Beta.

"Tangina ka, tigilan mo ako!"

Ramdam ko ang papumumula ng pisngi ko kaya agad kong iniwas sa paningin niya ang mukha ko dahil baka mahalata pa niya. Parang ako nahiya dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na meron siyang gano'n pero hindi naman 'yon nakakabusog kaya mas gusto ko pa rin ang kwek-kwek.

"Sabi ko nga susubuan nalang kita," aniya. Tiningnan ko naman siya ng 'what' look ko. "Huwag kang green-minded, kwek-kwek ang isusubo ko sayo." Pagpapatuloy niya nang agad atang nakuha ang tingin ko sabay subo sakin ng isang buong kwek-kwek. Grabe, ang laki ha. Mahirap pakasyahin sa bunganga ko.

"Bagay kayong dalawa." Komento ni Aling Beta na siyang dahilan para mailuwa ko ang pagkaing nginunguya ko. Putek sayang pa 'yon. Agad naman ako nitong inabutan ng tubig.

"Hindi po kami bagay kasi gwapong tao po ako tapos hayop siya," nakangising turan ng kupal.

"Kingina ka kupal!"

Kung kanina ay kinikilig pa ako sa banat niya, ngayon ay literal na akong naiinis. Inabot ko ang bayad kay Aling Beta, saka nagpasyang naglakad paalis. Hindi ko pinansin kung kumakain siya, hindi ko rin binayaran ang kinakain niya.

"Teka lang, ako maglilibre ngayon diba? Bakit nagbayad ka?"

Hindi ko pinansin ang tawag niya sa akin. Para akong walang naririnig na tuloy-tuloy lang sa paglalakad palayo. Bahala ka diyan, kupal ka.

"I love you!" sigaw niya.