CHAPTER 6

I LOVE YOU.

Huli kong narinig mula sa kanya kahapon nang iwan ko siya sa tindahan ni Aling Beta. Wala kaming label pero nagpapalitan kami ng I love you. Magkaibigan lang naman kami pero kung umasta siya parang mag-jowa kami. Mapang-asar siyang lalaki pero nakikita at nararamdaman ko sweetness at pagmamahal niya.

Syempre para sa kanya ay bilang kaibigan. Inaamin ko na gusto ko siya dahil iba siya sa mga naging boyfriend ko este nanligaw. NBSB pala ako.

"Besh." Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang umupo si Dash sa harapan ko. Kasalukuyan kasi kaming walang klase ngayon. Tiningnan ko siya na parang nangtatanong. "May lakad ka mamayang gabi? Birthday ng pinsan ko, tara sa bahay." Pagpapatuloy niya nang makuha niya ibig sabihin ng tingin ko.

"Ah se---"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagvibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ng skirt ko. Kinuha ko ang phone at chineck kong sino ang nagsend sa'kin ng message.

"Sino ba 'yan? Bakit nakangiti ka pa?"

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa message niya. Isang mensahe na nakapagpawala ng inis na naramdaman ko kahapon sa kanya. Nagyaya lang naman siya na gawin naman ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa ever since. Ang romantic niya.

"Besh, I can't attend your cousin's birthday. May lakad kami mamaya ni Thirdy," respond ko sa tanong niya kanina. At dahil sa naging sagot ko ay bigla nalang tuloy sumimangot ang bruha, akala mo naman ikinagaganda. Maganda naman talaga siya, hindi lang sa paningin ko kasi judgemental ako.

"Ako ang unang nagyaya pero sa kanya ka sasama? Kaibigan ba talaga kita?" pagrereklamo niya. Hindi lang basta reklamo dahil ramdam ko ang inis at dissappoinment niya sa'kin. Gusto kong tanggapinang invitation niya pero mas lamang ang invitation ni Thirdy.

"Besh, niyaya niya kasi ako mag-star gazing. Alam mo naman na never ko pa ito nagagawa with someone special diba?" Gusto kong maintindihan niya ang punto ko pero sa itsura niya ngayon ang mukhang wala siyang pakialam sa dahilan na sinabi ko.

"Pwede naman natin 'yan gawin sa susunod." Wala ba siyang balak tanggapin ang sagot ko sa invitation niya? Naiintindihan ko naman na gusto niya akong isama para makilala ang mga pinsan niya pero mas gusto ko pang makikilala si Thirdy.

"But I want to do it with Thirdy," ani ko. Alam ko na masasaktan siya sa pahayag kong ito. Alam ko na hindi maganda ang magiging impact nito sa feelings niya. Kilala ko si Dash, ayaw niyang tinatanggihan ko siya pero ngayon tinatangihan ko na siya dahil sa isang lalaki.

"Bahala ka! Sana umulan!" naiinis niyang turan bago umalis sa harapan ko. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o sasakalin siya dahil sa paghiling niyang sana umulan. Bitter ang bruhang frenny na 'yon.

MAKALIPAS ng ilang oras ay natapos na rin ang klase namin. Sa katunayan naman talaga ay tatlong professor lang ang nagbigay ng lesson dahil tamad talaga ang ibang instructor namin. Napatingin ako sa wrist watch ko at bumungad sa akin ang oras na 7:00 pm. Nag-over time na naman pala ng 30 minutes ang last instructor namin. Nagpalinga-linga ako sa loob ng classroom para hanapin si Dash pero kahit anino niya ay hindi ko maaninag.

"Ey-em hinahanap mo ba si Dash? Sumabay siya kay sir palabas," pagbibigay impormasyon ng kaklase ko. Tinanguan ko lang naman siya bago nagpasyang lumabas. Maharot na babaeng 'yon iniwan ba naman ako.

"Ang tagal mo naman."

Muntik ko na mabitawan ang hawak kong phone nang biglang may nagsalita sa gilid pagkalabas ko ng pintuan. Jusko, si future lang pala. Hawak ko pa ang dibdib ko nang harapin ko ang gwapong nilalang na nanggulat sa akin.

"Did I surprise you?" tanong niya habang nakahawak pa sa batok niya na para bang nahihiya. Kahit wala naman talaga siyang hiya. "Hindi ka kasi nagreply sa message ko kaya pinuntahan na kita dito." Dagdag niya na siyang nakasagot sa tanong ko kung bakit siya nandito.

Muntik ko na makalimutan na may gagawin pala kami ngayon at nagtatampo pala sa akin si Dash. Kaya niya pala ako iniwan. Tumingala ako para tingnan kung may stars ba o wala dahil baka mala-sumpa ang sabi ni Dash kanina na sana umulan, bruha pa naman 'yon. Oopppsss I'm bad.

"Wala ka pa masyadong makikitang mga bituin pero mamaya marami na 'yan." Ani niya nang magets niya ata ang aking naging aksyon. Infairness, naiintindihan na niya ang kinikilos ko, hindi tulad ng dati na para siyang laging loading. "Kaya nga sa'yo ako ngayon nakatingin dahil ikaw muna ang aking bituin," pahabol banat niya.

Hindi ba kinikilabutan ang lalaking ito sa mga banat niya? Pakiramdam ko kasi sa bawat banat niya ay nagkakaplus one siya dito sa puso ko. Lakas makaharot.

Alas otso ng gabi, kasalukuyan kaming nasa rooftop ng bahay nila este bahay ng tita niya. Nakikituloy lang rin kasi siya tulad ko habang nag-aaral. Nagkataon naman ngayon na may lakad ang tita niya at mga anak nito kaya siya lang ang naiwan dito. Sa madaling salita kaming dalawa lang ang tao dito.

"Bakit hindi ka sumama sa tita mo?" pakikitsismis ko. Alam ko naman sa sarili ko na tsismosa talaga ako pero sa puntong ito ay interesado lang talaga ako sa lalaking kasama ko ngayon. Simula sa maliit hanggang sa malaking detalye ng buhay niya ay gusto kong malaman.

"Hindi ba obvious? Andito ka kaya ibig sabihin ay ikaw ang gusto kong kasama." Nakangisi niyang turan bago ipinagpatuloy ang paglalatag ng aming hihigaan or uupuan.

May point naman siya, ngunit hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit gusto niya akong kasama. Ayaw ko rin naman umasa na gusto niya rin ako tulad ng nararamdaman ko. Alam ko na rin naman kung ano ang pakiramdam ng umaasa sa wala.

"Bakit ka tulala diyan? Halika dito." Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko na naman namalayan na tapos na pala ang pag-aayos niya. Ngayon ko lang rin napagtanto na ilang minuto na akong nakatayo sa harap niya.

Nginitian ko siya pabalik saka lumapit sa kanya para umupo sa tabi niya. Medyo matagal na rin naman kaming magkaibigan. Komportable na rin naman ako tuwing kasama ko siya. Ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit para akong makahiya na nahihiya at naiilang na umupo sa tabi niya. Para akong elementary na nahihiya pa sa crush ko. Hindi naman ako ganito bago siya makilala. Sa buong buhay ko ay hindi ko naramdaman ang hiya dahil makapal naman talaga ang mukha ko at ako ang reyna dito.

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?"

"Ha?"

Tiningnan ko siya ng pagtataka. Tingin na para bang nagtatanong kung ano bang ibig niyang sabihin. Sana naman ay hindi niya mahalata na medyo hindi ako comfortable kasama siya ngayong gabi. Isa akong manunulat kaya hindi inosente ang aking isipan sa makamundong pagnanasa. Ngayong gabi, ano bang pwede kong maisip habang solo ko ang taong gusto ko.

"The star." May tinuro siya sa sa madilim na ulap na mga bituin lang ang nagbibigay buhay. Lutang naman ang aking isipan na tiningnan ang direction na kanyang tinuro. At nakita ko ang bituing hiwalay sa karamihan. Nag-iisa ito ngunit siya ang pinakanagniningning sa dilim. "Siya ang pinakamaliwanag na bituin," panimula niya.

Binawi ko na rin naman ang tingin sa bituing tinutukoy niya at bumaling sa bituin ng buhay ko – siya.

"Kapag magkalayo tayo at maraming bituin, hanapin mo lang ang bituing 'yan. Diyan ka tumingin dahil sinisigurado ko sa'yo na nakatingin rin ako," pagpapatuloy niya.

"Ah okay." Kunyari na intindihan ko kahit mas naintindihan ko pa ang detalye ng hugis ng mukha niya. Kingina, ang harot ko.

"Parang hindi ka naman interesado sa sinabi ko." Tumingin siya sa akin kaya nagtama ang aming mga paningin. Medyo madilim dito sa rooftop dahil pinatay namin ang ilang ilaw ngunit naaaninag ko pa rin kung gaano kaganda ang mga mata niya. "Kanina ka pa nakatitig sa akin Ey-em. You really want this artwork huh."

"Ha?"

Bakit ba ngayon pa hindi nagpafunction ang utak ko. Mukhang napaghahalataan na tuloy ni Thirdy. Pero alam ko naman na biro lang lahat ng ito sa kanya.

"Halabyu."

Unti-unti niya pang nilapit ang mukha niya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang titig sa aking mga mata. Nastock na rin naman ang aking paningin sa kanya. Ilang segundo lang ay biglang bumababa ang tingin niya sa aking labit.

Shit don't tell me hahalikan niya ako.

Lalo niya pang niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang maging ilang inches nalang ang pagitan. OMG, naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Ginagat niya pa ang ibabag labi niya. So sexy, shit.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang bigla siyang lumayo. Ha? "You're so cute," komento niya.

Muli niyang binalik ang paningin sa taas na para bang walang nangyari. Wala naman talaga nangyari, sa isip ko lang naman talaga meron. Shit nakakahiya ako.

"Ah, CR lang ako." Tumayo ako para tunguhin ang CR. Ngunit laking gulat ko nang biglang may humawak sa braso ko para pigilan ako. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Ngunit nakakalaglag puso nang hilahin niya ako palapit sa kanya at eksaktong naglapat ang aming mga labi.

Did we just kiss?