CHAPTER 7

Isang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Thirdy noong gabing iyon. Isang halik lang naman iyon pero kakaiba ang dating nito sa aking sistema. Dahil ba babae ako? May pagkatarantado nga ako pero kahit isang beses ay hindi ako nakipaghalikan. Tarantado lang ako, hindi malandi. Pinagpapanstasyahan ko man ang lalaki at monomolestiya pa nga minsan sa aking isipan pero hindi naman ako aabot sa punto gagawin kong totohanan. Kaya naman nagulat talaga ako sa nang maghalikan kami kagabi. Myghad kinikilabutan ako.

Wala naman siyang binitawang salita pagkatapos noon dahil bumalik kami sa dating ginagawa na para bang walang nangyari. Este sa kanya lang naman talaga 'yong parang walang nangyari. Mabuti nalang at walang iba pang nangyari noong gabing iyon.

Pero sayang na rin, masarap kaya siya?

Napailing ako ng ilang beses dahil kinikilabutan talaga ako mga iniisip ko.

"Hindi niya lang siguro 'yon sinasadya," mahina kong sambit. Pili kong kinukumbensi ang aking sarili na kalimutan ang halik na iyon.

"Miss Claveria, ano ang hindi sinasadya?" Biglang bumalik ang aking isipan sa reyalidad nang marinig ko ang aming professor. Nag-aalinlangan akong napatingin sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang nakataas pa ang isang kilay. Akala ko ang mahina lang ang pagkakasabi ko, ngunit mukhang napalakas ata ng kunti.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong classroom at hindi nga ako nagkamali dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Tiningnan ko si Dash para humingi ng tulong pero mukha wala naman siyang pakialam dahil seryoso lang siyang nagseselpon na para bang walang interes sa paligid.

"Miss Claveria?" tawag sa aking ni Ma'am.

Peke kong nginitian si ma'am, "Wala po ma'am, you can continue your discussion." Kung dati ay sinasagot-sagot ko pa si ma'am, ngayon naman ay mukha akong maamong tupa sa harap niya. This is not me.

Unti-unti ko na atang hindi makilala ang sarili ko. Kailan pa akong naging malumanay ng sagot sa professor? Bakit pakiramdam ko unti-unti na rin akong binabago ng lalaking iyon.

"I'm done with my discussion Miss Claveria, hindi ka lang talaga nakikinig." Bumalik si ma'am sa table sa harapan para ligpitin ang mga gamit niya. "Class dismiss," ani niya.

Nagsilabasan naman ang aking mga kaklase na pinangunahan ni Dash. Galit pa ba siya sa'kin? Kahapon pa niya ako hindi kinakausap. Dali-dali akong lumabas para habulin si Dash.

At this time ay hindi naman ako pumalpak dahil naabutan ko siya sa labas na nakasandal sa pader na para bang may hinihintay. Sabi ko na, hihintayin rin ako ng bruhang ito.

"Dash, tara na." Masigla kong pag-aaya sa kanya. Wala na kaming susunod na klase kaya maaari na kaming umuwi. Hindi ko rin napagbigyan si Dash noong isang araw kaya naman babawi ako sa kanya ngayon.

"Mauna ka na, hinihintay ko pa si Aeron," turan niya. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Okay ka lang ba?" Medyo malungkot ang boses niya kaya nag-aalaa talaga ako sa kanya. Isa siyang masiyahin nilalang kaya nakapagtataka na matamlay siya ngayon.

"Umalis ka na."

Matamlay man ay boses niya ay alam kong seryoso siya. Wala na akong magawa kundi napapahiyang umalis. Kaibigan ko siya pero mukhang hindi naman ako ang kailangan niya ngayon. Akala ko pa naman ay ako ang hinintay niya – si aeron pala.

Sino nga ba si Aeron? Siya lang naman ang jowa niya na mas malimit pa ang traffic sa edsa kesa sa magkita sila. Siguro ngayon nasa tamang huwisyo na ang lalaki kaya magmemeet sila ni Dash. Gusto ko mang magkausap kami ng kaibigan ko para magkaliwanagan ay hahayaan ko nalang muna siya sa jowa niya. Kailangan rin nila ang quality time.

Malapit na ako sa main gate nang biglang may sumabay sa'kin sa paglalakad. Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaibang kabog ng dibdib. Parang takbo ng mga kupakaripas na kabayo. Nakita ko na naman siya, naalala ko na naman ang halik niya.

"Free ka ba ngayon?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan namin. Bakit yayain mo na naman ba ako sa bahay niyo?

"Parang oo, bakit?" Wala naman talaga akong gagawin ngayon pero kunyari hindi lang ako sigurado. Kapag sumagot ako ng 'oo' ay magmukhang lagi akong 'Go' sa mga gala niya.

"Tara, abot pa tayo do'n." Napatigil ako sa paglalakad at nagtataka siyang hinarap. "Booksigning ni inang ngayon, hindi mo ba alam?" Dagdag niyang nang mapagtanto na hindi ko naintindihan ang una niyang sinabi.

Nakatatlong kisap-mata ata ako bago magsink sa isip ko ang kanyang sinabi. "Hala nakalimutan ko," may halong disappointment kong turan. Actually, matagal ko nang alam na may booksigning si inang. Bakit ko ba nalimutan 'yon? Dahil sadyang nakakalimot ang existence ng lalaking kasama ko ngayon.

"Tara."

Ilang minuto lang ang inilaan namin sa byahe bago kami makarating sa nasabing venue ng booksigning. Mukhang medyo huli na kami dahil kitang-kita ko halos hindi malusutan ng karayom na mga tao. Subrang dami, kahit anong edad at kasarian ay handang pumila ng mahaba para lang makapapirma at papicture kay Inang CC. Wala na kaming inaksayang minuto ni Thirdy, pumila na kami agad kahit kasing haba sa traffic sa edsa ang pila. Kinuha ko na rin ang ilang libro ko na isinulat ni inang. Lahat iyon ay wala pa niyang pirma dahil ito ang unang pagkakataon na nagbooksigning siya dito sa lugar namin.

"Dito ka lang ha, bibili lang ako ng tubig," paalam niya sa'kin. Tinanguan ko lang naman siya bilang tugon. Mabuti na lang rin at naisipan niyang bumili. Sa totoo lang ay kanina pa ako sa jeep nauuhaw.

Ilang segundo lang naman ang lumipas at bumalik na siya dala ang isang bottle ng tubig. Kinuha ko iyon sa kanya saka tuloy-tuloy na nilagok. "Wala naman itong lason o gayuma diba?"

"Hindi ko na kailangan lagyan 'yan ng gayuma dahil nahuhullog ka na rin naman sa'kin, diba?" May banat na naman ang kupal, sarap iumpog sa pader. Mukha namang narinig ng babaeng nasa harap ko ang banat ni kupal kaya napatingin ito sa amin.

"Ang cute niyo pong magjowa. Sana all po may jowang wattpader," komento nito.

"Hin –"

"Oo nga, lalo na kung alagad rin ni inang." Agad kong kinurot sa tagiliran ang kupal dahil bigla-bigla nalang niya akong inunahang sumagot. Wala namang silbi ang sagot niya.

Hindi ko na kinibo ang kupal. Kinuha ko nalang ang selpon ko at nagbukas ng fb.

"Tayo na." Muntik ko na mabitawan ang selpon ko nang biglang may bumulong.

"Hayup kang –"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapansin ko na ako na pala ang sa unahan at kaharap ko na si inang. Nakangiti siya sa akin at hinihintay na iabot ko sa kanya ang hawak kong libro. Pero na-starstruck ata ako sa kanya. Parang sa tingin ko ay nawala lahat ng salita sa isip ko dahil wala talaga akong mahagilap na sasabihin.

Nagulat nalang ako nang biglang inakbayan ako ni Thirdy. "Tititigan mo lang ba siya?" ani nito.

Natataranta kong nilapag sa harap ni inang ang mga libro. Para akong lumulutang sa ulap na siya lang aking aking kasama. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakaharap mo na ang taong may-akda ng mga librong binabasa mo.

"Bagay kayo." Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman taka akong napatitig sa kanya na ikinatawa naman niya. "Ang ibig kong sabihin ay bagay kayo ng boyfriend mo. Bihira lang kaya makahanap ng jowang supportive sa pagbabasa ng ganitong genre," paglilinaw niya.

"Actually po –"

"Mahal ko po kasi."

As usual siya ulit ang tumuloy sa sasabihin ko. Paasa ang kupal na ito.