Mahal ko po kasi
Mahal ko po kasi
Mahal ko po kasi
Paulit-ulit sa aking isipan ang katagang iyon na para bang sirang plaka. Bakit ba kailangan niya pang sabihin iyon sa harap ng maraming tao? Bakit ba kailangan niya akong paulit-ulit na paaasahin? Bakit ko rin ba kasi binibigyan ng malisya ang mga kilos at sinasabi niya? Subra na akong naguguluhan at hindi ko na alam kung ano ang aking paniniwalaan sapagkat ang isip at puso ko ay pareho lang ang sinasambit – gusto ko si Thirdy.
Ilang beses ko namang tinatawagan si Dash pero hindi siya sumasagot. Wala pa naman kaming pasok ngayon kaya hindi ko siya makikita. Ilang araw na ring hindi ko siya nakakausap ng matino. Kung kailan kailangan ko ang mga advice niya, saka naman hindi kami okay. Lalo pa tuloy gumugulo ang iniisip ko.
Siguro mas mabuting isulat ko nalang itong nararamdaman ko para kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Sa tingin ko naman ay sakto ang pakiramdam na ito para sa isang scene sa istoryang inusulat ko. Ilang raw na rin akong walang update kaya imbes na pakaisipin ang walang pag-asa kong feelings, ay dapat siguro ay magfocus ako sa pagsusulat. Sabi nga ni Thirdy I deserve a writing crown. Malay mo, ito ang maging daan para magustuhan niya ako. Remember, reader siya.
Akmang sisimulan ko na ang pagtitipa ng keyboard nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali kong sinagot ang tumatawag without looking the caller ID – baka si Dash.
"Dash?"
Ilang segundong katahimikan ang nanatili.
"Da –"
"It's me," ani ng nasa kabilang linya. Isang baritonong boses ang sumagot kaya tiningnan ko ang caller ID – its Thirdy. Imbes na madissappoint dahil hindi si Dash ang tumawag ay nakaramdam pa ako ng tuwa. Ibang saya talaga ang nahahatid ng boses niya sa aking sistema.
"Napatawag ka?" Kunyari nagtataka pa ako kung bakit tumawag siya. Kunyari hindi lumulukso ang puso ko dahil narinig ko ang boses niya na parang musika.
"Nakalimutan ko sabihin kahapon, birthday ko ngayon at may maliit na handaan si tita. Punta ka dito mamaya 6:00 pm. "
"Hala, bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi tuloy ako nakabili ng gift." Ilang buwan na kaming magkaibigan pero hindi ko man lang pala nalaman ang birthdate niya.
"Just bring your self here coz' you're the best gift," Ani niya na literal na nakapagpakiliti sa aking buong sistema. Malandi gurl.
Nag-usap pa kami ng mga random topic bago niya tinapos ang tawag. Nabanggit ko rin kasi na nagsusulat ako kaya sinabi niya lang na tapusin ko na ito at 'wag mawawala mamaya sa party niya.
Alas sais ng gabi, kasalukuyan na akong nakatayo sa tapat ng bahay nila. I am wearing a red crop top and fiited ripped jeans kaya naman litaw ang hubog ng aking katawan. Dala ko na rin ang gift ko na nabili ko lang kanina habang papunta ako dito. Rinig na rinig ko ang malakas na tugtugin. May pakalat-kalat naring iilang bisita. Siguro ay pawang mga kamag-anak lang ang imbetado nila. Tutuloy pa ba ako? Nakakahiya.
"Siguro sasabihin ko nalang sa kanya na masama ang pakiramdam ko," bulong ko sa sarili ko.
Akmang aalis na ako nang----
"Ey-em?"
Nahihiya akong akong unti-unting humarap sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Bakit ba kung kelan napagpasyahan kong huwag nalang tumuloy ay saka pa niya naisipang lumabas ng bahay. Nakasuot siya ang simple gray shirt at fitted jeans na bakat pa ang ------ alam mo na.
"Where are you going? I've been waiting for you." Ani nito nang tuluyan na kaming magkaharapan.
"Ah – eh, nakakahiya pumasok." Hindi ko rin naman sigurong magsinungaling, ngayong nahuli niya akong paalis imbes na papasok ng bahay.
"Mga pinsan at malalapit naming kamag-anak lang naman ang nandito."
Tinanguan ko lang naman siya bilang tugon. Wala na rin namang saysay kung magdadahilan pa ako gayong nandito na rin naman ako. Nagulat nalang ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko. "Tara," aya niya. Nginitian ko lamang naman siya at sumabay sa kanyang lakad papasok sa bahay.
Isang nakakaintrigang tingin ang agad na sumalubong sa amin nang makapasok na kami. Masyadong malawak ang loob ng bahay kaya kahit may karamihan ang bisita ay hindi pa rin masikip. May mga batang naglalaro at hindi man lang pinansin ang aming pagdating. Ngunit sa mga tingin ng nakakatanda ay hindi kami nakaligtas. Agad ko tuloy nabawi ang aking kamay na hawak ni Thirdy.
"Girlfriend mo kuya?" tanong ng isang dalagita na sa tingin ko ay nasa edad na kinse.
"Para sa –"
"Ah hindi, magkaibigan lang kami." Hindi ko na hinintay na makasagot pa si thirdy. Wala akong tiwala sa mga sagot niya tuwing napagkakamalan kaming mag-jowa. Oo, gusto kong balang-araw ay maipakilala niya ako bilang nobya niya pero hindi sa paraan na nagbibiro lamang siya.
Hindi na rin naman nagprotesta si Thirdy sa naging sagot ko. Ipinakilala niya rin ako sa mga tita at tito niya bilang kaibigan. Biniro pa nga kami ng ilan na sana daw ay nobya nalang ako ni Thirdy. Kilig na naman tuloy ang maharot na si ako. Pagkatapos niya ako ipakilala ay pinakain niya na rin ako, sa wakas. Kinana pa kaya nagugutom ang dyosa.
Ilang oras rin ang inilaan ko sa pagsagot sa mga tanong ng tita at pinsan niya bago nila napagpasyahang umuwi na.
Saktong alas dyes ng gabi ng unti-unting nagsisialisan na ang kanyang mga bisita. Tumigil na rin ang mga pinsan niya sa pagkakantahan at nagpasyang magpahinga na.
"Hija, mas mabuting dito ka nalang matulog. Malalim na ang gabi, delekado na lalo na kung mag-isa kang uuwi." Suggestion ng tita niya na siyang may-ari ng bahay. "Thirdy, isama mo siya sa bakanteng kwarto sa taas," baling naman niya sa pamangkin. Hindi niya rin naman hinintay ang sagot ko dahil nagtungo na rin siya sa kwarto.
Tulad nga ng sinabi ng tita niya ay sinama niya ako sa nasabing kwarto. "Kwarto ito ng anak ni tita na panganay, wala siya dito kasi nagtatrabaho na 'yon sa ibang bansa," pagkukwento niya. Pabagsak pa siyang humiga sa kama na para bang pagod na pagod siya.
"Nasaan ang parents mo? Wala kang napakilala sa akin kanina." Hindi naman siguro masama kung magtatanong ako ng ganito sa kanya. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang curiousity ko.
"Nasa lugar namin. Hindi sila nakarating kasi mahirap rin naman ang byahe at hindi nila maiwan an mga kapatid ko kasi may pasok." Kita ko sa mga mata niya ang lungkot kahit hindi niya pa sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Masakit naman talaga ang magcelebrate ng kaarawan mo na hindi kasama ang iyong mga magulang.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya kaya agad siyang bumangon. "Don't be sad, I'm here." Hindi ko man ako ang pamilyang kailangan niya ngayon, at least andito ako para samahan siya.
Wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya. Tinitigan niya lang ang aking mga mata na para bang may sinasabing mensahe gamit ito.
"What?" I feel something dahil sa titig niya. Bigla nalang bumilis ang kabog ng aking dibdib at hindi ako mapakali. Stop staring me please. Gusto kong umiwas sa kanyang mga tingin ngunit katawan ko na mismo ang ayaw sumunod sa aking isipan.
Unti-unti pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin bago hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok kung humarang sa aking mukha. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa subrang lapit pero hindi ko naman siya matulak. Kaya laking gulat ko nalang nang tuluyang naglapat ang aming mga labi. Yes, he's kissing me right now. Walang naging protesta ang aking katawan bagkus ang kusa pang pumulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Sa una ay marahan lang ang kanyang halik na nagawa ko pang tugunan.
Yes, I kissed him back. I don't know why.
Hanggang unti-unting naging marahas ang kanyang halik. Hanggang limipat ang kanyang malikot na labi sa aking leeg. He's giving me a soft kiss that I can't even resist. Alam ko na kung saan ito papunta pero hindi ko man lang magawang pigilan ang nangyayari. Sapagkat gusto ko rin ang sensasyong nararamdaman ko sa mga oras na ito. I am even wet down there.
Para akong wala sa tamang katinuan na pinaubaya ang sarili sa kanya.