CHAPTER 9

'Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?'

'Okay ka lang ba?"

'Sorry last night, hindi ko sinasadya.'

'Pupunta ako diyan kapag di ka nagreply.'

Basa ko sa mga message niya. Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyang tinatadtad niya ng mga mensahe. Nagtype lang ako ng reply na, 'Nagsusulat ako, ayaw ko ng istorbo'. Ito lang naman ang dahilan ko na magpapatigil sa kakulitan niya. Hindi naman talaga ako nagsusulat dahil hindi ko kayang magfocus sa aking kwento, gayong nasa isip ko pa ang nangyari sa pagitan naming kagabi. Napakalinaw sa aking isipan ang eksenang kahit kailan ay hindi ko inaasahan.

Nagising ako kaninang madaling araw na parang ang bigat ng aking pakiramdam. Napaka-aga pa ngunit ang pakiramdam ko ay galing ako sa isang marathon. Ramdam ko rin ang hapdi ng aking pagkababae na para bang napunit. Anong nangyari?

Babangon na sana ako nang mapagtanto ko na hindi pala ako nag-iisa sa kwarto. May isang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko – si Thirdy. Kinakabahan kong sinilip ang aking hubad na katawan sa ilalim ng kumot. Natigilan pa ako ng saglit hanggang bumalik sa aking isipan ang nangyari kagabi. We had a sex. Hindi naman kami lasing dahil kahit tikim lang ng alak ay hindi naman nagawa. Kusa lang talagang hindi naming napigilan ang pag-iinit ng aming katawan.

Dahan-dahan akong tumayo at nagbihis para hindi ko siya magising. Alam kong bastos ang umalis ng hindi man lang nagpapaalam pero ginawa ko. Hindi ko kayang humarap sa kanya pagkatapos ng nangyari. Parang napakababa kong babae para bumigay agad. Pero putangina kasi, di ko kayang tumanggi.

At ito ako ngayon, parang tangang umiiwas sa kanya. Inaamin ko ginusto ko rin ang nangyari kaya hindi ako galit sa kanya. Umiiwas ako dahil nahihiya ako sa kanya. Bakit ko ba kasi hinayaan ang lahat ng iyon.

"I need to talk to Dash."

Sa mga ganitong sitwasyon na hindi ko alam ang aking gagawin ay si Dash ang tumutulong sa akin. Alam ko na hindi pa kami nagkakausap ng maayos ulit pero handa na akong lunukin ang pride ko, makausap lamang siya. I'm a queen pero mukhang nawala bigla ang korona ko.

I tried to dial Dash's number pero unattended. Ilang beses kong inulit pero ayaw talaga. I even tried to message her in messenger pero hindi siya online. Anong nangyayari sa kanya? As far as I know, hindi niya kayang tumagal nang ilang oras na hindi online. Kilala ko siya hindi siya nagpapatay ng phone at higit sa lahat ay sasagot siya sa tawag ko kahit hindi kami okay. Hindi kaya may nangyari sa kanya.

Dali-dali kong kinuha ang sling bag ko at lumabas ng bahay. Kailangan kong makasigurado na okay lang siya. Hindi ko na nga pinansin kung nakapangbahay pa ako ng damit. Basta I am still gorgeous.

Ilang minuto lang ang lumipas at ngayon ay nakatayo na ako sa harap ng bahay nila. Akmang kakatok na ako sa pinto nang bigla iitong bumukas at iniluwa nito ang nanay ni Dash. Nagulat pa nga ako sa itsura ni tita, maiitim ang ilallim ng mata niya at mukhang bumawas rin ang timbang niya.

"Hi po tita," bati ko dito.

"Ey-em, anong kailangan mo."

Hindi alam ni tita na kaibigan ako ni Dash, ang noong unang punta ko dito ay pinakilala ako ni Dash bilang kaklase. Kaya siguro hindi niya inaasahan ang pagdalaw ko ngayon.

"Andiyan po ba si Dash?" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil kailangan ko na talaga siyang makausap.

"Yan nga ang problema ko dalawang araw na siyang hindi umuuwi at hindi ko macontact." May lungkot sa mga mata ni tita nang sabihin niya ang katagang iyan.

"Wala ba siyang nasabi sayo? May boyfriend ba siya? Baka naman nakipagtanan na siya." Tuloy-tuloy na tanong niya.

"Ah, subukan ko pong pumunta sa mga pwede niyang puntahan," ani ko.

Hindi na ako pumasok sa bahay bagkus ay nagpaalam na ako. Hindi alam ni tita may boyfriend si Dash? Pero imposible namang makikipagtanan siya kay Aeron. May problema na ako, tapos may problema pa kaibigan ko. Ano na uunahin ko?

Dash, nasaan kana ba?