CHAPTER 10

LUNES ng umaga. Maaga akong pumasok ngayon, hindi tulad ng nakasanayan kong oras. May usapan kasi kami ni Aeron na magkikita ngayon. Kahapon lang pagkauwi ko galing kina Dash ay agad kong tinawagan si Aeron dahil kailangan ko talaga siyang makausap. Ngunit dahil hindi siya pwede kahapon sa kadahilanang hindi ko alam ay ngayon nalang daw siya sa akin makikipag-usap.

Hindi ko na talaga kayang tumagal pa ng isang araw na hindi alam kung nasaan ang kaibigan ko. Kagabi nga ay hindi na ako nakatulog. Hindi mawala-wala ang pangamba ko tapos dumagdag pa ang walang humpay na messages at missed call ni Thirdy. Masakit isawalang-bahala ang taong mahal mo pero mas masakit malamang nawawala ang kaibigan mo. Mali naman atang maging masaya ako araw-araw kasama si Thirdy habang hindi ko alam kung nasa mabuting kalagayan ang kaibigan ko.

Siguro masama nga ugali ko pero hindi ko naman kayang tuluyan siyang mawala sa akin. Kung alam ko lang magiging ganito, sana hindi na ako umalis sa tabi niya kahit ipagtabuyan pa niya ako.

Alas syete, kasalukuyan akong nasa aming tagpuan – sa likod ng culinary building. Walang masyadong mga estudyante dito kaya makakapag-usap kami dito ng maayos. Kahit pa siguro kami nagsigawan ay pwede.

"Ey-em." Agad akong napalingon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Mugto ang mga mata at mukhang walang tulog.

"Aeron, hi." Bati ko dito ngunit pilit niya lamang akong nginitian.

"Pasensiya kana kahapon, subrang dami ko kasing ginagawa. Hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil bukod sa maraming school requirement at hindi ko pa alam kung saan makikita si Dash," paliwanag niya.

Kita ko sa mga mata niya ang pagod. Hindi ko naman kasi maintindihan si Dash, bakit nawawala siya. Naglayas ba siya o nakidnap siya?

"So, wala ka ring balita kay Dash?"

"Kahapon ko lang nalaman na nawawala siya, noong tumawag ka. Akala ko lang ay galit siya kaya hindi siya nagpaparamdam. Hindi ko naman akalain na dalawang araw na pala siyang nawawala." Hindi ko alam kung maiinis ako sa lalaking ito o ano. Jowa siya pero sa dalawang araw na lumipas ay hindi niya man lang inalam kung nasaan at kamusta ang girlfriend niya.

"Noong isang araw hinintay ka niya diba?"

Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Booksigning iyon ni inang CC. Sinabi sa akin ni Dash na hinihintay niya si Aeron kaya iniwan ko siya.

"Hindi ko siya nasipot noong araw na iyon. Sabi niya may mahalagang sasabihin siya sa akin pero nagkataon na may emergency sa bahay kaya hindi ko siya napuntahan."

Ibig sabihin walang Aeron na sumipot. Iyon din ang huling araw na nakausap ko si Dash. Maari rin na iyon ang araw ang hindi siya umuwi. Pero saan naman siya pupunta noong araw na iyon.

"Hayaan mo sasabihin ko sayo kapag may balita na ako sa kanya," ani nito.

Siguro nga nawalan siya ng oras kay Dash sa nagdaang dalawang araw. Ngunit hindi ko siya masisisi dahil hindi lang naman sa girlfriend niya umiikot ang mundo. Hindi man niya sabihin ay pagod na siya at in the same time ay puno ng lungkot ang kanyang mga mata.

Ramdam ko ang lungkot niya na para bang tumatagos hanggang buto. Hindi ko na nga namalayan na bigla ko nalang siyang yinakap. Siguro, hindi ako ang kailangan niya ngayon pero sana kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya.

"Mahahanap rin natin siya," I assure to him.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya pabalik. Maybe, he really need hug. Hindi na iba sa akin si Aeron dahil sa ilang taon na magkarelasyon sila ni Dash ay naging kaibigan ko na rin siya.

Habang yakap ko siya ay naramdaman ko nalang ang paglandas ng aking luha. Hindi ko akalain na darating kami sa puntong ganito. Bukod sa pamilya ni Dash ay kami na ang pinakalapit sa bruhang 'yon. Ngunit tingnan mo ngayon, kami pa ang walang alam kung nasaan siya. Kung inunan ni Aeron ang requirements, mas inatupag ko naman ang pakikipagharutan. Kaya para ako ang mas walang kwenta dito.

Ilang minuto lang ang lumipas at kumalas na rin si Aeron sa aming pagyayakapa.

"Salamat," anito.

Nginitian ko lang naman siya bilang tugon. Nagpaalam na rin siya sa akin dahil may morning class pa siya kaya hinayaan ko na. Down na down akong napasandal sa pader. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Kamusta." Muntik na akong ma-out of balance sa pag-ayos ng tayo nang marining ko ang boses ng taong hindi ko inaasahang makikita ngayon.

"Thirdy? Kanina ka pa diyan?" naiilang kong tanong. Hindi ko nga siya kayang tinggan ng deretso sa mga mata niya.

"Masarap ba siya yumakap?" Nasa usual tone lang ang kanyang boses pero parang sarcastic ang naging dating nito sa akin. Kahit naiilang ay pinilit kong salubungin ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin. Tingin na parang tagos hanggang buto.

"So, kanina ka pa pala diyan kasi naki –"

"Sagutin mo ang tanong ko! Mas masarap ba yakap niya kesa sa yakap ko?" Kung kanina ay nasa usual tone siya, ngayon naman ay ramdam ko na ang galit niya.

Huwag niyang sabihin na nagseselos siya.

"Alam mo may klase pa ako kaya mauna na ako sa'yo." As much as possible gusto kong umiwas muna sa kanya.

Akmang tatalikutan ko na siya nang marahas niya akong hinawakan sa braso at ihiharap ulit sa kanya. May diin ang pagkakahawak niya kaya ramdam ko ang sakit. Parang pinipiga ang laman ko.

"Huwag mo akong tatalikuran," maawtoridad niyang turan.

"Nasasaktan ako," pagdadaing ko. Hindi ata kasi aware ang lalaking ito na nakakasakit na siya.

"Sagu –"

"Ano ba!" Hindi na ako nakapagpigil kaya nasigawan ko na siya kahit di pa tapos ang sasabihin niya. Nakakasakit na siya. "Kaano-ano ba kita? Kaibigan lang naman kita diba? Kaya pwede hayaan mo muna ako." dagdag ko.

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya ngunit kahit isang salita ay walang lumabas sa kanya. Naramdaman ko nalang ang pagluwag ng hawak niya sa braso ko hanggang tuluyan niya ako bitawan. Mukhang natauhan.

"Kingina."

Padabog kong iniwan siya.