CHAPTER 11

'I'm so sorry, please talk to me now.'

Ito ang bumungad sa akin nang buksan ko ang phone ko. Hanggang ngayon kasi ay iniignore ko pa rin si Thirdy. Kung noong una ay nahihiya lang ako sa kanya, ngayon naman ay naiinis na ako dahil sa ginawa niya noong nasa likod kami ng Culinary building. Ano ba kasing problema niya.

Iwinaglit ko siya sa aking isipan at sinimulan ang pag-aayos ng gamit ko. May problema man ako ngayon, ngunit kailangan ko ngayong pumasok. Hindi ako pwedeng mag-absent dahil siguradong pagbalik ni Dash ay sa akin siya magtatanong ng mga na missed niyang lesson. Speaking of Dash, pinaubaya na namin sa mga pulis ang paghahanap sa kanya. Ngunit, kahit gano'n ay hindi pa rin kami mapakali lalo na si tita.

Lumilipad ang aking isipang tinungo ang pinto. Muntik pa nga akong bumangga. Pagkalabas ko ay sinigurado kong nakalock ito.

"Ey-em."

"Ay F*ck you! Shit!" bulalas ko dahil sa gulat.

Hindi ko napansin na may nakaupo pala sa gilid. Siguro ay dahil occupied masyado ang aking isipan. Pero, ano ba kasing ginagawa niya dito? Para siyang batang hamog na hindi alam kung saan pupunta.

"Thirdy, bakit andito ka?"

Yes, it's thirdy. Hindi ko maipaiwanag itsura niya ngayon, para siyang ewan. Ano na naman kaya ang eksena niya. Tumayo siya upang magkapantay na kami. Sinalubong ko naman ng tingin ang mga mata niyang puno ng emosyong hindi ko maipaliwanag.

"Hindi ka sumasagot sa tawag at messages ko kaya pinuntahan na kita dito," sagot niya sa tanong ko. Ramdam ko ang lungkot sa bawat pagbigkas ng mga salita. Anong problema niya?

"Pasok na tayo baka mahuli pa ako sa klase." Pag-iiba ko sa usapan.

As much as possible ay ayaw kong dumating sa punto na pag-usapan namin ang dahilan. Ayaw kong balikan ang gabing puno ng pagkakamali at ang nangyari noong isang araw. Ngunit hindi ko ata mapipigilan.

"Bakit ang cold mo sa akin? Hindi naman tayo ganito diba?"

Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Alam kong marami siyang tanong kung bakit ako nagkakaganito. Maaari ring hindi sapat na dahilan ang nangyari sa amin dahil pareho naming ginusto.

"Ano ba tayo?" Hindi ko na napigilang hindi bigkasin ang tanong na matagal na sa aking isipan.

Ano ba kami?

Ano ba ako sa kanya?

Bakit hindi niya nalang ako pabayaan? Diba, kapag natikman na naman ng mga lalaki ang katawan naming mga babae ay umaalis na sila.

Ako ang lumalayo. Bakit naghahabol pa siya?

Ang daming nabubuong tanong sa aking isipan simula nang makilala ko siya. Mga tanong na hindi ko magawang masagot dahil hawak niya ang sagot. Ngunit hindi ko magawang kunin sa kanya dahil sa takot. Panahon na ba para magkalinawan kami?

"Gusto kita!"

Parang tanggal lahat ng tutuli ko sa lakas ng pagkakasabi niya. Isang katagang dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Isang katagang nagpaalis ng ilang tanong sa aking isipan. Ngunit gusto niya nga ba ako bilang ano?

Hindi na akong nag-abalang sumagot sa kanya. Seryoso akong nakatitig sa kanyang mga mata na parang librong puno ng kwento. Alam kong marami pa siyang sasabihin kaya maghihinntay akong ilabas niya lahat.

"Mahal kita Ey-em. Hindi bilang kaibigan kundi bilang babaeng nagpatibok sa aking puso. Tangina, ang badoy mang sabihin pero totoo."

Hindi niya ako nagkamali dahil may naidagdag pa siya na siyang dahilan para sunod-sunod na naglandas ang butil ng aking luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung nagbibiro pa ba siya sa mga oras na ito o ano.

Mahal niya ako? Bakit ngayon niya lang sinabi?

"I like you since day 1," panimula niya ulit. "Noong araw na nakipagbreak sa akin si Mykie. Ang cute mo habang nakikinig sa away namin. Hanggang abutan mo na nga ako ng panyo noong tuluyan na niya akong iwan. Kung wala ka do'n maaaring wala na rin ako ngayon," pagpapatuloy niya.

Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Ang ganda ko kasi, char. Akala ko ay effective na ang naging acting ko noon. Hindi ko akalain na alam niyang nakikinig ako sa agaw eksena nilang break up. Hindi pa talaga ako pwedeng maging artista.

Pero tama ba ang narinig ko? He like me since day 1. Tangina, una palang pala mutual na ang feelings namin.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" anito.

Siya, wala na bang sasabihin? Baka may idadagdag pa siyang makakapagpalabas ng sipon ko. Gusto ko rin subukan ang nangyaring pag re-unite ng luha at sipon niya dati.

"Hoy! Ang pangit mo umiyak." Dagdag pa niya nang wala pa ring natatanggap na sagot mula sa akin. Nilait pa talaga ako ng kupal. Ang ganda ko kaya.

"Tangina mo." Napahagulhol ulit ako ng iyak. Wala namang nakakaiyak pero iyak ako ng iyak. Ganito talaga kapag ang taong mahal mo ay mahal ka rin?

"I love you," anito bago ako yinakap.

Lalo pa akong naiyak nang maamoy ko ang scent niya. Isang scent na hindinng-hindi ko makakalimutan. Same scent noong first day namin.

Kailangan pa palang may mangyari sa amin at iwasan siya bago umamin. Torpe rin ang lalaking ito. Kung kailan nasa moving on process na ako saka pa magsasabi ng totoo.

"Iyak lang ba isasagot mo sa mga sinabi ko?"

Hinigpitan niya pa ang yakap sa akin na para bang ayaw niya akong pakawalan. Sinagot ko rin naman ang yakap niya. Aarte pa ba ako?

"Tangina, mahal din kita Mr."