CHAPTER 12

Alam mo ba ang pinakamasayang pakiramdam?

Syempre, 'yong mahal ka ng taong mahal mo. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap. Parang kanina niya lang sinabi na mahal niya ako kahit kahapon pa naman iyon. Para kasing sirang plaka na paulit-ulit sa aking isipin. Nakakakilig in its finest. Sa totoo nga lang ay nilagay ko kagabi ang eksenang iyon sa sinusulat kong kwento. Inspired na kaya ang Dyosa niyo kaya siguradong makakatapos ako ng Romance story.

Hindi na nga kami nakaattend ng klase namin kaya namasyal nalang kami. Parang first date lang pagkatapos magkaaminan. Pero ano nga ba kami? Mahal naming ang isa't isa pero hindi naging malinaw kung anong label namin. Ang mahalaga masaya kami sa isa't isa.

'Mahal kita ey-em.'

New Message ring tone yan. Pinasabi ko ulit kasi kahapon para marecord ko para magawa kong ringtone. Gusto ko kasi na araw-araw na maalala na mahal ako ni Thirdy. Ayaw kong makalimutan ang tono ng boses niya no'ng bitawan niya ang katagang iyan.

'See you later, may ipapakita ako sayo.'

Basa ko sa message na pinadala niya. Tangina, kilig na naman ang Dyosa. Ano kaya ang ipapakita niya? Hala, baka may surprise siya. Hay naku, si Thirdy talaga mahal na mahal ako.

Hindi na ako nag-aksaya ng minuto. Agad akong bumangon mula sa aking higaan at tinungo ang banyo. Oras na para maligo para mawala ang mga negative feelings at ang matira lang ang positive tulad ng sa amin ni Thirdy.

After kong maligo ay nahanap na ako ng matinong damit. Syempre, uniform 'yon. Hindi ako papasukin ng Guard kapag hindi naka complete uniform. I even applied light make up kahit maganda na naman ako. Alam kong in love na sa akin ang taong maha ko pero gusto kong mas lalo pa siyang ma-in love. Ayaw ko naman dumating sa punto na iwan niya ako dahil ayaw na niya sa look ko.

Makalipas ng 10000 years este 30 minutes ay naglalakad na ako papuntang school. Hindi na ako tumagal sa pag-aayos dahil maganda na ako at excited na sa surprise ng Thirdy ko.

Surprise?

Kasalukuyan na ako sa aming tagpuan na napapalibutan ng matatayog na puno. Lugar kung saan niya binalik ang panyong made in ukay-ukay. Nasa harapan ko na rin ang isang napakalaking supresa. Isang surprise na literal na nakapagpalabas ng aking mga luha, hindi dahil sa subrang saya kundi dahil sa sakit. Ito ba ang sinasabi niyang ipapakita sa akin?

He's kissing his ex-girlfriend.

Nadatnan ko silang naghahalikan at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos? Gaano ba kasarap ang labi ng higad na Mykie na 'yan?

Gusto ko silang lapitan at ingud-ngud sa damuhan ang mukha ng higad na babae pero hindi ko magawa. Para akong nakaapak ng rugby sapagkat hindi ko magawang makaalis sa aking kinakatayuan.

Ito 'yong disadvantage ng mahal niyo ang isa't isa pero wala namang label. Nasasaktan pero hindi alam kung anong ipaglalaban.

Nakatayo pa rin ako habang pinapanuod ang kissing scene na parang eksena lang sa isang pelikula. Nanatili ako sa aking posisyon hanggang maghiwalay ang makasalanan nilang mga labi. Naaninag pa ng aking matang di maubusan ng luha ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Mykie.

Shit, ang sakit.

Tama nga siguro ang sabi nila na first love never dies. Lalo pa at kitang-kita ko ang eksena ng mahal ko at ng first love niya sadyang nakakawasak ng puso. Akala ko ay tapos na sila, pero mukhang hindi pa.

Parang kahapon lang sinabi niyang mahal niya ako. Tingnan mo ngayon may kahalikan na siya at hindi ako.

"Ey-em." Tawag niya sa akin. Mukhang napagtanto na niyanng pinapanuod ko sila. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang nanlalamig kong mga kamay. "Kanina ka pa? Bakit ka umiiyak?"

"Tama lang naman ang dating ko. Eksaktong nakita ko ang most exciting part."

Hindi ko nagawang diretsong makatingin sa mga mata niya dahil ang babaeng nasa likuran niya na ngayon ang agaw pansin. Gusto ko siyang ibitin sa puno.

"Kung ano man ang nakita mo, nagkaka –"

"Iyon ba ang gusto mong ipakita sa akin? Ang ganda naman ng eksena, mala-Romance Movie."

Parang dinudurog ang puso ko sa harapan nila. Tapos na ang eksena pero patuloy pa rin itong paulit-ulit sa isipan ko. Sana hindi nalang niya sinabi sa akin mahal niya ako para hindi nalang sana ako umasa. Sana sinabihan niya nalang ako na may napapagitan pa sa kanila ng ex niya para nakapagprepare sana ako. Para akong sumabak sa gyera na walang dala kahit isa.

"She kissed me," aniya.

"She kissed you?" pag-uulit ko sa tanong niya. "Tangina! Kitang-kita ko kung paano ka tumugon sa halik niya. Ilang minuto ba tumagal ang halikan niyo? Kulang nalang maghubad kayo at magsex sa harap ko!"

Tinanggal ko ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Nandidiri ako sa kanya. Hindi ko akalain na ganito pala siyang lalaki, akala ko iba siya. Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi bago siya bigyan ng isang ngiti. Isang pekeng ngiti na puno ng sakit.

"Sana maging masaya ka sa piling niya," ani ko bago sila tuluyang talikuran.