CHAPTER 13

Sabi nila umiyak lang daw kapag nasasaktan para mawala ang sakit na nararamdaman.

Sinungaling sila.

Magdamag na akong umiyak pero ramdam ko pa rin ang sakit. Hanggang ngayon ay dinuduurog pa rin ang puso ko. Hindi ko na nga magawang umalis sa higaan at patuloy ko lang pinapaliguan ng luha ang aking unan.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nahuli mong may ibang kalandian ang jowa mo. Tanga! Hindi ko naman pala siya jowa, ako lang ang kalandian niya. Bakit ba kasi ako umasa na sa akin na siya pagkatapos ng confession na iyon? Nakalimutan ko ata na lalaki rin siya, tulad lang ng ibang madaling bumigay sa temtasyon ng babae.

Pero sabi ko dati iba siya, diba?

Baka naman totoo ang sinabi niya na si Mykie ang humalik sa kanya?

Pero bakit kasi siya tumugon sa halik ng haliparot na iyon?

'Mahal kita Ey-em'

Gulat akong napabangon nang marinig ang boses na iyon. Nangangahulugang may new message. Tangina mong ringtone ka! Hindi niya ako mahal.

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table saka binasa ang narecieve na mensahe. It's another text message from thirdy. He's begging again para kausapin ko siya. Nakokonsensiya na naman tuloy ako kahit siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.

Sa totoo lang ay miss na miss ko na ang lalaking ito. Gusto ko na siyang makausap. Gusto ko na siyang mayakap at maamoy ang nakakaadik niyang pabango. Hindi naman siguro masama kung kausapin ko siya, diba?

'Ano magiging marupok ka na naman?' Ani ng isang bahagi ng utak ko na siyang dahilan para mapasabunot nalang ako sa sarili ko.

"Tangina, naguguluhan na ako."

Kung andito lang sana si Dash, hindi ako nahihirapan ng ganito. Siguro nabigyan na niya ako ng advice kung paano i-handle ang bagay na tulad nito. Bakit kasi kung kailan kailangan ko siya, wala siya. How I wish she's here with me.

Pero tama ba na patuloy akong magmumukmok dito knowing na walang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko? Wala si Dash at ang meron lang ako ay ang sarili ko. Patuloy ko bang hahayaan ang sariling masaktan dahil lang sa neneng Mykie na iyon?

"I'm a Queen, hindi dapat ako umiiyak."

Pinahid ko ang huling patak ng luhang lumandas sa aking pisngi. Kailangan kong malaman ang totoo. Marupok na kung marupok basta malaman ko lang ang side ni Thirdy. Hindi niya ako kukulitin ng ganito kung wala siyang mahalagang sasabihin.

Nagreply ako sa message niya. Sinabi ko na imeet niya ako sa tambayan naming kung saan ko sila nakitang naghahalikan.

Handa na akong harapin siya ulit pagkatapos ng nangyari kahit masakit pa rin kapag naaalala ko ang kanilang eksena. Basta kahit ano pa ang kanyang sasabihin ang tatanggapin ko. I love him at hindi ko 'yon mababago sa ngayon kahit nasaktan pa ako.

AFTER a minutes ay nakarating na rin ako sa School. Hindi na ako dumaan sa classroom naming para umattend ng klase bagkus ay dumiretso na ako sa nasabing tagpuan. Magkahalong kaba at sakit ang aking baon dito sa puso ko kasama na rin ang hindi mabilang na mga katanungan.

"Are you here to meet my fiannce?"

Agad akong napalingon nang marinig ko ang tunog lamok na boses ng neneng. "What?" Hinarap ko siya ng pagtataka.

Bakit siya ang nandito, imbes na si Thiirdy?

At anong tawag niya kay Thirydy? Fiance?

"Bingi ka ba? I'm asking if you –"

"Hindi ako bingi neneng kaya rinig na rinig ko na tinawag mong fiancé ang boyfriend ko." Hindi ko naman talaga jowa si thirdy pero ayaw ko naman na mukhang walang laban sa neneng na 'to.

"Kung ako sa'yo, kalimutan mo nalang siya. We're getting married at wala akong pakialam kung girlfriend ka niya," anito. Did I hear it right? They getting married, how come?

"Pagkatapos mo siyang itapon dati, ngayon sasabihin mo na papakasal na kayo? Sinong niloloko mo bitch?"

I can't just believe na malalaman ko na papakasal sila after that bullshit kissing scene. Kasal? Bakit sinabi pa ni Thirdy na mahal niya ako kung sa una palang naman pala ay fiancé na niya si Mykie. Prank lang ba ang nangyaring break up sa kanila at ang pakikipagclose sa akin ni hayup na lalaking iyon?

"Tangina mo Mykie! Nakipaghiwalay ka sa kanya tapos ngayon nasa akin na siya saka ka naman babalik na parang walang nangyari. Lubayan mo kami ni Thirdy." Pagpapatuloy ko nang hindi sumagot ang neneng. Hindi ako papayag na ang ulam na pinulot ko pagkatapos niyang itapon ay muli niyang aagawin.

Hindi sapat na dahilan ang pagiging engaged nila para tuluyan akong magparaya. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito tapos sisirain pa niya. Handa kong kalimutan ang halikan nila pero ngayon sasabihin niya na fiancé na niya ang taong mahal ko. Supalpalin ko ang haliparot na ito para matauhan 'e.

Wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa babaeng kaharap ko ngayon. May balak ba ang neneng na ito na mahimik habang buhay? Sa tingin ba niya ang naibibigay ng ginagawa niya ang mga tanong ko na kasing dami ng makapal niyang buhok.

Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso niya kaya gulat niyang sinalubong ang mga mata ko. "You're boring Mykie," ani ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko e. "At dahil hindi naman ikaw ang pinunta ko dito kaya goodbye. Aral ka muna bago mo agawin ang Thirdy ko," pagpapatuloy ko.

Binitawan ko siya at bahagyang tinulak. Mabuti nalang at namaintain niya ang balance kaya hindi siya natumba. I hate talking with this trash kind of girl.

Akma na akong aalis nang---

"I'm pregnant."