CHAPTER 14

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin iyon ni Mykie.She's Pregnant with thirdys' baby. Ang hirap tanggapin na 'yong taong mahal mo ay magkakaanak na pero hindi sa'yo kundi sa iba. Sa babaeng una niyang minahal kaya anong laban ko do'n.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mykie kahapon ay pinuntahan ko pa si Thirdy sa classroom nila para sa kanya ko malaman ang totoo. Ngunit hindi pala siya pumasok at walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanya. Siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa't isa. Isusuko ko nalang ba siya? Siguro ay oo. Noong araw ring iyon ay hindi na ako nag-abalang pumunta sa bahay nila. Ako ang nasasaktan niya kaya bakit ako pa ang maghahabol.

Now, nakakulong na naman ako sa loob ng kwarto at walang balak pumasok. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong kulang sa akin. Bakit kailangang lagi akong naiiwang mag-isa. Sanay naman akong mag-isa pero no'ng nakilala ko siya, do'n ko narealize na kailangan ko ng kasama.

Ngunit ngayon I am so alone. Wala si Dash dahil hanggang ngayon ay wala pang balita sa pagkawala niya. Wala rin si Thirdy dahil simula ngayon iiwas na ako. Ayaw kong makasira ng relasyon dahil sa pagiging makasarili ko. Ayaw ko mag-share kaya ako nalang ang magpaparaya. Kahit hindi ko ugaling bumigay ay gagawin ko hindi para kay Thirdy at Mykie kundi para sa batang dinadala ni Mykie.

Kasalukuyan kong denedelete lahat ng messages sa akin ni Thirdy, pati na rin ang photos at ilang documents na magpapaalala sa akin ng existence niya. Nakapagdecide na ako na kakalimutan ko siya na parang hindi siya dumating sa buhay ko. Sa relasyon kailangan ng closure pero sa sitwasyon namin ay hindi na siguro. Wala na rin akong natatanggap na messages o kahit tawag man lang mula sa kanya. Siguro ito na ang ending ng love story namin.

I open my email para isunod na burahin ang ilang email niya sa'kin nang maagaw ng isang unopen message ang aking pansin. Email ito from Dash noong huling araw ko siyang nakausap. Ilang days na rin kasing hindi ko tinitingnanan ang email ko kaya hindi ko ito nababasa. So, I click it to read. Hindi ugali ni Dash na magsend ng message through email kaya nakapagtataka.

'Hi Besh.

I know na hindi ka madalas magvisit sa email mo maliban nalang kung magsesend ka ng manuscript mo. Kaya naisipan ko na dito isend ang message kong ito para hindi mo agad mabasa para wala kang chance para pigilan ako. Siguro saka mo ito mababasa kung kelan wala na ako.

Besh, I'm sorry pero pagod na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam mo na kung bakit niyaya kita na samahan ako sa birthday ng pinsan ko? Takot kasi ako sa dahil alam ko na doon din ang step-brother ng cousin ko na may hindi katinuan. Ayaw kong umattend pero kailangan kasi family gathering. Besh, I'm so alone that time dahil wala ka at hindi rin ako close sa mga pinsan ko. At noong gabing iyon ay pinagsamantalahan ako ng step-brother ng cousin ko. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Pagkatapos no'n sinabi ko naman sa pinsan ko ang kababoyan na ginawa sa aking ng step-brother niya pero ako pa ang nasabihan ng malandi. Nilalandi ko daw ang lalaking pinsan daw dapat ang turing ko. Hindi na rin ako nagsabi kina mama dahil alam ko naman na napakatino ng tingin nila sa lalaking iyon. Tinago ko nalang ito.

At ngayon nalaman ko na nabuntis ako ng gago. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko masabi sa iba kahit sa'yo dahil hindi ko kaya. Ayaw kong mahusgahan. Kay Aeron ko sana sasabihin pero hindi niya ako sinipot ngayon. Siguro hindi niya rin matanggap ang kalagayan ko.

Kung sakaling mabasa mon a ito, puntahan mo naman ako dito sa dati nating tambayan noong first year palang tayo. Iyong abandoned house ng mga Cruz malapit sa sementeryo, alam mo pa naman ito diba.

Mahal kita Besh.

-Dash '

Tuloy-tuloy na naglalandasan ang aking mga luha. It's been days at ngayon ko lang nabasa ang mensaheng ito. Napakatanga ko talaga.

Dali-dali kung isinara ang laptop ko at kinuha ang sling bag sa table. Kailangan kong puntahan si Dash sa nasabi niyang location. Alam ko na hinihintay niya ako. In this point ay kailangan niya ako at kahit hindi ako okay tulad niya ay sasamahan ko siya. Mas mabigat ang pinagdadaanan niya kesa sa wasak kong puso.

Kalalabas ko palang ng bahay nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong itong kinuha sa bag at sinagot without looking in the caller ID. Please bring me a good news.

"Hija, nakauwi na si Dash." Ani ng nasa kabilang linya which is si tita.

Hindi na ako nag-abalang sumagot. I end the call at dali-daling sumakay taxi. Hindi na ako makapaghintay na makita si Dash. I send message na rin kay Aeron para ipaalam ang magandang balita. Salamat naman at umuwi na siya, akala ko pa naman ay kung anong nangyari na sa kanya. Mababatukan ko talaga ang bruhang 'yon dahil pinaalala niya ako ng subra. Sa ilang araw rin na nawala siya ay masyado siyang maraming namissed na happenings. Marami na naman ako ikukwento sa kanya, kasama na doon ang pagiging broken ko.

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bahay ng kaibigan ko. Hindi na ako nagdalawanng-isip na kumatok sa pinto. Agad naman na binuksan ito ni tita na nakasuot ng itim na damit at namumula ang matang may luhang nagbabadya.

"Tita, where's Dash?" excited na tanong ko. Pilit lang naman akong nginitian ni Tita saka binuksan ng maayos ang pinto para makapasok ko. Whats wrong with her?

Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang lahat ng myembro ng pamilya niyang nakasuot ng itim at nag-iiyakan. But the coffin in the another side of living room catch my attention. Bakit may kabaong?

"Halika lapitan mo siya," malungkot na turan ni tita.

Pabilis nang pabilis ang kabog ng aking dibdib habang papalapit kami ni tita sa kabaong. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa luha kong nagbabadyang tumulo sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. Tangina, sabihin niyo sa akin na hindi si Dash ang nasa loob ng coffin na 'yan.

"Look at her face, so peaceful." Panimula ulit ni tita nang tumigil na kami sa harap ng coffin ng isang napakagandang babae.

Pinagmasdan ko ang mukha ng babae sa loob. Isang wangis na hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. It is really my friend, peacefully lying inside her coffin.

'Dash bakit nand'yan ka sa loob? Anong ginagawa mo diyan? Hindi pa tayo nangkakabati ulit pero bakit iniwan mo na ako? Alam mo ba na naparami kung gustong sabihin sa'yo? Dash bakit ngayon mo ako iniwan? Putangina, kailangan kita! Ano nalang gagawin ko ngayong wala ka na?'

Para akong malambot na gumang unti-unti nalang napaluhod habang naghahagulhol. I can't imagine seeing my friend inside the coffin.

"Natagpuan siya sa abandoned house ng mga Cruz. She hang herself."

Ramdam ko ang pighating nararamdaman ni Tita. Dash is her only daughter kaya wala nang sasakit pa sa pagkawala ng prinsesa niya. Agad kong yinakap si tita para kahit papano ay mabawasan ang pangungulilang nararamdaman namin pareho.

Sinabi ko na rin sa kanya ang laman ng message na natanggap ko mula sa anak niya na siyang lalong nakapagpaiyak sa kanya. Hindi siya makapaniwala na gano'n na pala ang nangyayari sa anak niya. At kahit ako naman ay hindi makapaniwala.

Sana hindi ko na siya binaliwala noong mga oras na iyon. Sana mas pinili ko siya at sinamahan kesa kay Thirdy. Sana pwede pa ibalik ang mga oras na iyon.