CHAPTER 15 ( Thirdy's Special chapter)

'Sana maging masaya ka.'

Katagang hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin sa aking isipan. Paano ako magiging masaya kung hindi siya ang aking kasama? Alam kong nasaktan ko siya ng subra noong araw na nakita niya kami ni Mykie. Gusto ko na siyang makausap pero hindi pa pwede. Kinuha ni Tita ang phone ko at pinagbawalan ako sa social media. Ayaw kasi ni tita na may makaalam sa nangyari sa akin, maliban sa kanila dahil baka makarating na naman kay mama at mastress pa ito.

Ilang days na akong nanatili dito sa Hospital. Naaksidente kasi ako noong araw na makikipagkita sana ako kay Ey-em. Bakit kaya gano'n ang tadhana, kung kelan kailangan saka may nangyayaring aberya.

"Babe?"

Gulat akong napatingin sa pintuan ng kwarto nang maraning ko ang boses na iyon. Akala ko ba ay walang nakakaalam sa nangyari sa akin, ngunit bakit nandito siya? Lumapit siya sa akin at inilapag sa lamesa ang mga dala niyang pagkain. Umupo siya sa hospital bed at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit naman hindi mo agad pinaalam sa akin ang nangyari? Kung hindi ko pa pinilit ang pinsan mo na magsalita ay hindi ko malalaman na andito ka pala." Pagpapatuloy niya hindi ko siya kinibo o tapunan man lang ng tingin.

Siya ang dahilan kung bakit hindi kami okay ng taong mahal ko. Kaya as much as possible ay ayaw kong makita siya dahil bumabalik lang ang mga sakit na dinulot niya sa akin.

"Umalis ka na," mahina kong naging turan.

"Bakit? Dahil ba hindi ako ang iyong kailangan?"

Alam naman niya na hindi siya ang aking kailangan pero nagawa pa niyang ibanlandra ang sarili niya sa harapan ko. "Akala mo ba ay pupuntahan ka dito ng Ey-em na 'yon? Pagkatapos ng mga sinabi ko siguradong lalayuan ka na ng babaeng 'yon," dagdag pa niya.

"Pwede ba umalis ka nalang." Bakit ba ang tigas ng bungo ng babaeng ito. Siya itong nakipaghiwalay pero ngayon siya pa ang naghahabol. Lakas rin ng trip.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo na para bang pilit binabasa ang expression ko bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Aalis lang pala ang dami pang arte. Hindi ko talaga alam kung anong problema ni Mykie, isang araw bigla nalang bumalik na parang hindi niya ako inwan. She's crazy at hinding-hindi ako makikipagbalikan sa kanya.

Pagkaalis ni Mykie ay siya namang pagpasok ni tita. "Good news, pwede ka na umuwi." Anito.

KINABUKASAN, kasalukuyan na akong nasa bahay at patuloy pa ring nagpapahinga dahil bukas ay balik na agad ako sa eskwela. Hindi na nga rin ako makapaghintay dahil makikita ko na naman si Ey-em. Birthday niya bukas kaya dapat maging memorable ito sa kanya.

"Thirdy, ito na phone mo." Iniaabot sa akin ni tita ang phone ko na ilang araw ko ring hindi nakasama. "Napaliwanag ko na rin sa nanay mo kung bakit hindi ka niya makontak ng ilang araw." Pagpapatuloy pa nito bago ako muling iwan sa kwarto.

Agad kong chineck ang messages, nagbabakasakaling tinadtad ako ng mga mensahe ng babaeng mahal ko pero nabigo lang ako. Kahit isang message na galing sa kanya ay wala man lang. Hindi niya ba ako namiss? O baka ginugol niya sa pagsusulat ang mga nakalipas na araw lalo pa at hindi kami okay noong huling nagkausap kami.

I click her facebook profile to check some updates. At isang post niya ang sadyang nakaagaw ng pansin sa akin. Picture niya ito kasama ang kaibigan na si Dash at may caption na Rest in Peace. Dash passed away? Bakit? Paano?

Dali-dali akong nagtype ng message para kamustahin siya. Alam kung subrang bigat ng pinagdadaanan niya ngayon dahil bukod sa nasaktan ko na nga siya ay namatayan pa siya ng kaibigan.

Ilang segundo lang ang lumipas ay naseen na din niya ang message ko. Ngunit sadyang nakakagulat ang sumunod na nangyari dahil biglang nalang bumungad sa akin ang 'you can't reply in this conversation'. Did she just block me? What wrong with her? Hindi pa rin niya ba ako napapatawad?

"No, I really need to talk to her.'

Akma na akong nalalabas ng kwarto nang biglang pumasok ang pinsan ko. May dala siyang pagkain at ilang prutas. "Saan ka pupunta kuya? Dinalhan na kita ng pagkain dahil sabi ni mama di ka pa pwedeng magkikilos," ani nito.

Pabagsak nalang ulit akong napaupo sa kama. "Ey-em needs me."

"Sinabi ba niya? Ni hindi nga nagtitxt o tumatawag man lang e. Kuya 'wag kang masaktan pero mahal ka ba talaga no'n?" untag nito.

Oo, hindi niya ginawa ang mga iyon. Hindi man lang siya tumawag sa akin noong ilang araw na hindi ako nangparamdam pero kasalan ko rin naman kung bakit siya nagkakagano'n. Wala akong nabigay na assurance sa relasyon na meron kami tapos nakita niya pa ang ginawa ni Mykie.

"Bakit hindi ka nalang makipag-balikan kay ate Mykie. Alam kuya pinilit talaga niya ako na sabihin ang nangyari sa'yo no'ng araw na hindi ka nakapasok. Mabuti pa si Ate Mykie hindi tulad ng Ey-em na 'yan na pinapaasa at sinasaktan ka lang naman ata." Mahaba niyang litanya nang hindi ako sumagot sa nauna niyang opinion.

"Huwag mong babanggitin sa harap ko ang Mykie na 'yan dahil hindi ko na siya babalikan. Lalong 'wag mo siyang ikokompara kay Ey-em coz' they are different.," ani ko. Ayaw ko talaga na nakokompara sila dahil malayong-malayo sila, my past and my present.

"Pero kuya---"

"Ako ang nakasakit sa feelings niya. I broked her heart na walang ginawa kundi mahalin lang ako," pagpuputol ko sa sasabihin ng pinsan ko. "Iwan mo muna ako," dagdag ko pa.

Wala na akong natanggap na sagot mula sa pinsan ko bagkus ay tahimik lang siyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko na kayang patagalin pa ang problema namin ni Ey-em. Kailangan kong bumawi sa kanya at lalong kailangan na ng assurance sa relasyon na meron kami.

"I need a plan."