April 25, araw na hindi ko inaasahang sasalubungin ko ng may pighati. Hindi ko alam kung kaya kung bang magsaya ngayong mag-isa lang ako. Kanina paggising ko ay nakatanggap ako ng mga mensahe galing sa pamilya ko na nagsasabing 'they wish me a happiest birthday'. Malayo kasi sila kaya I can't celebrate it with them.
Oo, panibagong taon na naman para sa akin. Ngunit hindi na tulad ng dati ang pagsalubong ko sa araw na ito dahil wala na si Dash na sasamahan ako sa pagcelebrate ng kaarawan ko. Siya lang ang kaibigan na meron ako pero iniwan rin ako. Well, kaibigan ko si Thirdy pero hindi na naman ako umaasa na makakasama ko siya ngayong araw.
He sent message to me yesterday but I just end up blocking him. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako. Tama naman siguro ang ginawa ko kahapon. Kailangan ko naman talagang putulin ang connection na meron pa kami para makafocus siya sa magiging pamilya niya.
Masakit pero kailangan kung maging masaya para sa kanya. Siguro ngayong birthday ko ang mahihiling ko lang ay makalaya na sa sakit na dulot ng pagmamahal ko sa kanya. Another year for me kaya sana bagong lalaking magmamahal talaga sa akin ng totoo. Iyon bang walang sabit.
'The best thing about tonight's that we're not fighting
It couldn't be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying'
Gulat ako napatingin sa saradong pintuan namin nang may marinig akong kumakanta. I know that voice at hindi ako pwedeng magkamali. Agad kung tinungo ang pintuan at binuksan. Hindi nga ako nagkamali dahil ang lalaking iniisip ko lang kanina ay kasalukuyang nakatayo na sa harapan ko na may hawak na gitara at kumakanta.
'I know you're wearing thin down to the core
But hold your breath
Because tonight will be the night that will fall for you'
"What are you doing?" Seryoso kong turan na siyang nakapagpatigil sa kanya sa pagkanta. "Anong tonight? Umaga pa lang!" dagdag ko pa.
"Edi, Today will be the day that I will fall for you," nakangiti niyang sagot sa pagtataray ko.
"Whatever, just stop that and go home."
Kunti nalang at nanlalambot na naman ang puso ko sa kanya. Gusto ko na siyang mawala sa paningin ko habang kaya ko pang makontrol ang sarili ko. Ayaw kong tuluyan akong bumigay sa kanya dahil gusto ko nang mag-move on.
"Just listen please," ani nito. Wala na rin naman akong nagawa nang muli na naman siyang nakaskas ng gitara.
'Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find'
Ramdam ko sa bawat bigkas niya ng lyrics na parang pinapatama niya mismo ito sa akin. I want him to stop pero para na akong nagayuma sa kanta niya dahil gusto pa itong marinig. Gusto kong marinig paulit-ulit ang boses niya.
'This is not what I intended
I always swore to you that I would never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed
But I have loved you from the start'
Loved? You just loved me from the start at hindi na ngayon. Ang bilis mawala ng pagmamahal mo kasing bilis ng pagbabalik mo sa ex mo.
'Oh, but hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind'
Fall for me? Paano pa kung magpapakasal na siya?
Hindi ko nalang namalayan na sunod-sunod na naglandasan sa aking pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw kong umiyak, ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. But why I can't control my f*cking tears anymore?
'I won't live to see another day
I swear------
"STOP!" sigaw ko. Gulat naman siyang napatigil at napatingin sa akin ng may pagtataka. "Umuwi ka na."
"Hindi mo ba gusto ang kanta? Anong gusto mo para makanta ko." Malumanay niyang naging turan habang diretsong nakatingin sa'kin. What's wrong with him? Bakit pa ba niya ginagawa ito sa akin gayong may Mykie na siya.
"Just go home." Wala na akong ibang masabi kundi ang katagang ito. Ayaw kong magbitaw ng hindi magandang salita sa kanya kaya sana ay umalis nalang siya. Ayaw kong isumbat sa kanya kung paano niya ako sinasaktan. Okay na ako kahit masakit na paulit-ulit siyang ipagtabuyan.
Akma na akong papasok ng bahay nang hawakan niya ako para pigilan at hilahin palapit sa kanya. Ngunit mabilis ko rin naman siyang tinulak.
"What's wrong with you?" tanong niya na parang inosente siya sa lahat. Bakit kailangan niyang umakto na parang hindi niya alam ang dahilan. "I'm sorry pero andito na ako."
"No, what's wrong with you Thirdy? You're getting married with mykie tapos andito ka pa? Bakit? Para paasahin ako paulit-ulit? Tama na dahil hindi ko na kaya!" I shouted at his face.
"What? I'm not going to marry her. Anong bang pinagsasabi mo?" tanong niya na para bang gulong-gulo siya. Para bang isang fake news ang aking sinabi na napulot ko lang kung saan kaya hindi niya mapaniwalaan. Bakit kasi hindi niya nalang aminin sa akin?
"She's pregnant and you're the father diba?"
Kailangan ko pa atang ipamukha sa kanya ang lahat ng nireaveal ng hinayupak niyang fiancé bago niya maintindihan ang mga pinagsasabi ko dito. Ganito ba kawalang pakiramdam at konsiderasyon ang lalaking ito? Ako na nga itong nagpaparaya para sa kanila pero paulit-ulit niya pa akong sinasaktan.
"Iyon ba ang sinabi niya sa iyo? Walang nangyari sa amin kaya paanong magkakaanak ako sa kanya?"
Puno ng pagtatakang napatingin ako ng deritso sa kanya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o balak niya lang talaga akong paniwalain ulit.
Hindi na ako nag-abalang sumagot. Hinintay ko lang na magsalita siya ulit dahil sadyang marami siyang dapat ipaliwanag sa akin.
"Ikaw lang ang mahal ko Ey-em kaya please be my girlfriend."
May inilabas siyang isang kwintas mula sa bulsa ng pantalon niya. Wala naman akong naging imik nang lumapit pa siya lalo sa akin at isinuot ito bago ako hinalikan sa aking noo.
"Just be my girlfried. At pinapangako ko sa'yo ang susunod dito ay engagement ring na."
"Thirdy, why are you doing this?" Ano bang kasing ginawa kong kabutihan para hindi niya ako sukuan kahit ipagtabuyan ko pa siya?
"Mahal kita kaya please say yes."
"Yes."