CHAPTER 17

Akala ko tuluyan nang mawawala sa akin si Thirdy. Akala ko bumalik na talaga siya kay Mykie. Pero tingnan mo naman ngayon boyfriend ko na talaga siya for real. Pinagloloko lang naman pala ako ng haliparot niyang ex. Nagpaliwanag na sa'kin si Thirdy kung bakit hindi niya ako sinipot at ilang araw siyang nawala.

At ngayon kasalukuyan kaming nasa bahay ng tita niya. Ipapakilala niya lang naman ako sa pamilya niya bilang girlfriend na niya. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyayari na ito. Crush ko lang dati ngayon ilelegal na ako sa pamilya niya. Sa tingin ko sulit rin ang mga luhang sinayang ko dahil sa kanya.

"Babe, nagtxt na sa akin si mama. Malapit na daw siya." Masayang turan ni Thirdy.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi pa ata ako ready na makilala ang mama niya. Pwede pa bang mag-back out. Anong sasabihin ko sa mama niya? Nakakahiya naman ng bongga, para akong matatae na ewan.

"Anak magjuice ka muna." Inabutan ako ng isang basong juice ng tita ni Thirdy. "Huwag kang kabahan, mabait ang nanay niyan." Dagdag pa nito bago muling nagtungo sa kusina.

Paano ba kasing ang hindi kabahan? First jowa ko ang hayup na ito kaya first meet anf greet ko rin ito sa parents ng mahal ko. Kung alam ko lang na kakabahan ako ng bongga sana hindi muna ako pumayag na ipakilala niya ako. Pero kasi ngayon lang pupunta dito ang mama niya at uuwi ulit bukas kaya wala talaga akong choice.

"Babe?" tawag ko sa jowa kong tahimik na nakaupo sa tabi ko. Tumingin lang naman siya sa akin ng may pagtatanong. "Magugustuhan kaya ako ng mama?" tanong ko.

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko na magtanong. Hindi ko naman alam kung anong klaseng babae ang nanay niya. Pero kung sakaling hindi man ako magustuhan nito, ano naman ang gagawin ko? Hindi ata kaya ng beauty ko na mareject ng pamilya ni Thirdy.

"Ano ka ba syeempre naman oo. Si mama kasi gusto niya kung anong nagpapasaya sa akin kaya magugustuhan ka no'n kasi ikaw ang happiness ko." Pag-aassure niya na siyang nakapagpalakas ng aking loob.

Sana nga madala sa charm ko ang mama niya.

Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng mahihinang katok sa pinto. Nagmadali namang tumayo si Thirdy para pagbuksan ito. Hala, baka ang mama niya na ito. Inhale, exhale Ey-em.

"Mama, kamusta naman po ang naging byahe niyo?" rinig kong tanong ni Thirdy pagkabukas ng pinto.

"Nakakapagod anak pero ngayong nakita kita ay nawala na ang pagod ko." Sagot naman ng nanay niya. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil nasa labas pa ito.

Agad na nagbigay ng way si Thirdy para makapasok ang nanay na siyang literal na nakakalaglag ng panga. "Tita?" agad kong naging turan kaya nagtataka naman siyang napatingin sa akin.

"Ey-em, oh my ghad!"

Mabilis siyang lumapit sa akin at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko inaakala na makikita ko siya at lalong hindi ko akalain na siya ang nanay ni Thirdy. Matagal ko na siyang kilala at hindi man lang niya napakilala ang anak niya.

"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Thirdy.

Gulat ata siya sa mga naging aksiyon namin ng nanay niya. Sino bang hindi kung makita mo na ang nanay mo at girlfriend mo ay close pala. Ngayon hindi na ako matatakot na baka hindi ako tanggapin ni tita para sa anak niya. The way she treated me ay isang patunay na gustong-gusto niya ako.

"Yes, she's my mothers closest friend." Ani ko.

"No, actually I am not just her friend hija. I am your mother's half sister. Hindi lang namin sinabi sa iyo dahil napakabata mo pa noong nasa probinsiya ka palang." Magiliw niyang pagtatama sa naging sagot ko.

"What?" halos naging sabay naming naging turan ni Thirdy.

"Bakit? Gulat na gulat? Anyway Thirdy nasaan na ang girlfriend na ipapakilala mo sa'kin?"

Nagkatinginan nalang kami ni Thirdy dahil sa naging tanong ng nanay niya. No, it can't be.

"Why? She's not her?"

"Ma, Ey-em is my girlfriend." Pagpapakilala niya sa akin na siyang nakapagpanganga kay tita. "I didn't know that we're cousin thats why she's my girlfriend." Pagpapatuloy niya pa.

Shit! It can't be. I am in relationship with my cousin.