AFTER 5 YEARS
"Ate Ey-em, ano pa bang ginagawa mo diyan? Ando'n na sina kuya sa simbahan." Natatarantang turan ng pinsan ni Thirdy na si Hazel.
"Ano ka ba hindi magsisimula ang kasal kapag wala ako," ani ko habang inaayos pa ang pagkakakulot ng buhok ko.
Syempre hindi naman ako pupunta doon ng basta-basta lang. Alam ko namang maganda na ako pero kailangan ko pa lalong maging maganda ngayong nakapahalaga ng araw na ito. Ito ang kasal na hinihintay ng buong pamilya.
"This is it Ey-em." Mahina kong turan.
"OA mo naman ate, halika na nga hinihintay ka na ng jowa mo do'n." kabitteran na turan ng kasama ko.
Bakit ba ito ang iniwan na kasama ko, 'yan tuloy di ko masyadong maenjoy ang moment ko dito dahil sa intrimitidang ito. Nauna na siyang lumabas ng bahay at sumunod na lang ako sa kanya.
Pagkalabas namin ay agad na bumungad sa akin ang puting kotse. Oh diba taray lang. Akala ko ay aalalayan ako ni Hazel papasok sa kotse pero ang bruha naunang pang sumakay kesa sa akin. Excited masyado, akala mo naman siya ang ikakasal. Mabuti nalang at inalalayan ako ni manong driver, mahaba pa naman ang suot kong gown.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasa harap na agad kami ng simbahan. May mangilan-ngilan pang mga bisitang pumapasok sa simbahan. Gosh, bigla naman akong kinabahan.
Pinagbuksan ako ni manong driver at inananalayan makalabas ng kotse. Hay, sa wakas andito na ako. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. I'm so excited for the wedding.
"Bakit ngayon ka lang babe? Kanina pa kita pinasundo kay manong," bungad na tanong sa akin ng jowa ko. Hindi man lang muna pinuri ang kagandahan ko. "Ang lakas rin makabongga ang gown mo ha. Private photographer ka, hindi ikaw ang ikakasal." Dagdag pa nito. Hayop talaga ang lalaking ito hindi man lang naaappreciate ang kagandahan ko.
"Sorry na. Nagfefeeling bride lang naman ako e. Teka nandiyan na ba ang bride?" nahihiyang kong tanong.
"Actually kanina pa, hinahanap ka nga. Halika na pasok na tayo, I'm sure magsisimula na ang wedding." Aniya.
Inabot niya muna sa akin ang camera bago kami sabay pumasok sa loob ng simbahan. Hindi pa nagsisimula ang wedding kaya lumapit muna kami sa groom na nakatayo sa unahan.
"Ey-em, David nakarating kayo." Salubong na turan sa amin ng poging Groom sa harapan namin.
"Of course I am your photographer Thirdy kaya di ako mawawala. Congrats, my buddy is really getting married." Ani ko saka siya yinakap.
Yes, Thirdy is getting married today at hindi sa akin kundi kay Avie. Si Avie ang naging long time girlfriend niya simula noong magkahiwalay kami dahil magpinsan kami. Masaya ako para sa kanya dahil natagpuan na niya ang babaeng nakatadhana talaga sa kanya. And also, I already found my man which is si David.
Maya-maya pa ay nagsimula nang kumanta ang singer. Isa-isa na ring nagsilakad sa carpet ang mga Brides maid na sinundan ng napakagandang anghel. Avie is now approaching to Thirdy, wearing her beautiful smile for her future husband.
"Are you okay?" tanong ni David. Saglit akong napatigil sa pagtake ng picture at bumaling kay David na nakaupo sa malapit sa'kin.
"Ha?"
"You're crying Ey-em, are you okay?"
"I am."
Nginitian ko siya bago muling nagfocus sa pagkuha ng mga litrato. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi naman dahil sa nasasaktan ako kundi dahil masaya ako para sa kanila.
Sabi sa akin ni Thirdy dati ang isusunod niyang bibilhin ay engagement ring. Nagawa naman niya pero sa ibang babae niya naibigay which is kay Avie. Noong una masakit tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. Hindi ko nga maimagine na makita siyang masaya sa iba.
Pero ngayon, kinukuhanan ko na ng picture ang babaeng papakasalan niya ngayon. Avie is really a good woman at alam kong mahal niya si Thirdy higit pa sa pagmamahal ko.
Maybe thirdy is my man back then but we are not really meant to be. Mahirap isipin para sa iba pero para sa amin, it is just a matter of acceptance.