Chapter 19: Truthful

"Nak.. " Wala pa man akong sinasabi. Heto na at inunahan na ako ni Mama. "Ano?. Kamusta na?. Kumain ka na ba?. Balita ko, umuwi raw dito si Martha? Yung nag-alaga dati sa asawa mo nung naglayas sa kanila?.. " I don't even know what to say now. Kanina kasi. Marami akong gustong sabihin. Isumbong ba. Not literally sumbong, pawang mga hinanakit lang na hindi ko masabi basta basta sa iba. Kundi sa Nanay ko lang. Tulad ng mga sinabi nya. Isa lamang yan sa mga gusto kong bigyan diin sa kanya.

I leaned against the wall. Imbes umupo ako sa isa sa upuan dito sa may balcony. Mas pinili ko ang pwesto ko ngayon. Pakiramdam ko kasi, maiibsan ang bigat ng katawan ko kapag may sinandalan ako. Tulad nitong semento. Sana lang, tao nalang din sya. Dahil mas marami na syang alam tungkol sa nararamdaman ko ngayon kaysa sa iba.

"Pupunta nga sana ako duon kaso nahiya ba ako. Ano ba kasing nangyari anak?. Linawan mo nga ang Nanay.." Gusto kong mahiya para sa sarili ko. Ngayon ko muling napagtanto na mali ang mga nagawa kong desisyon noon. I was like, she's throwing a hard slap for me. Telling that, bakit mo kasi ginawa yun?.

Alam ko na ngayon kung bakit ganun nya lang ako paluin sa tuwing nalelate akong umuwi. Lagi nyang sinasambit dati ang, 'para matuto kang bata ka, masyadong matigas yang ulo mo'. Galit ako noon sa tuwing may nakukuhang palo mula sa kanya pero hindi ko kailanman nakita ang sarili kong kamalian. Na dapat pala, wala akong ibang sisisihin dito kung hindi ang sarili ko. Because in the first place. Alam kong may oras akong dapat sundin. Pero pinili ko pa ring sumuway. Considerable pa naman siguro yun noon dahil bata pa ako. Walang gaanong alam sa buhay. Inosente sa ibang mga bagay. But her? She knows almost everything, na minsan hindi natin binibigyan ng pansin kapag tayo ay masyadong into ourselves. Saka lamang natin malalaman ang aral sa likod ng mga bagay na tinuturo nila noon kapag nasa sitwasyon na tayo ngayon. It takes time pala for us to study things, It amazes me.

"Mama naman..." Parang bata kong saad. Pagdating talaga sa isang Nanay, Ang anak ay nagiging malambot. Kahit gaano pa katigas ang isang anak, tumitiklop talaga kapag ang Nanay na ang nagsalita.

"Hindi ka talaga magiging malaya kapag hindi mo hinayaan na husgahan ka ng ibang tao Jaden."

What does she mean?. Bakit hindi ko maintindihan?.

"Hindi mo yata ako naintindihan, Yang buntong hininga mo, Kilalang-kilala ko yan." Kinamot ko ang sarili kong batok. I got her point naman. Ang lamang lang sakin ngayon ay ang hiya. Nahihiya akong umamin sa kanyang niloko ko ang nag-iisang babaeng kinahuhumalingan ko noon. Nahihiya akong magpakatotoo.

Totoo pala yung kasabihan na, madaling sabihin ang kasinungalingan pero mahirap tanggapin ang katotohanan.

At hirap akong tanggapin ang katotoohanang, nagkamali ako. Mas lalong mahirap para sa akin ngayon na punan ang aking mga pagkukulang sa kanila noon.

I swallowed, hard. Ilang beses pa muna lumunok bago muling kinamot ang batok saka napagdesisyunag maupo na. Nanginig kasi bigla ang mga tuhod ko. Kaya kinailangan kong umupo na dahil kapag hindi, baka bumagsak lang din ako bigla sa sahig. At ayokong si Mama ang tutulong sakin para bumangon. Mas lalong nakakahiya.

"Natukso ako Ma. Sa Secretary ko.. " Mahina man ngunit parang may nakalagay na megaphone sa tapat ng labi ko upang maging dahilan ng pagiging kabado ko. Yumuko ako bago nagpatuloy. Hindi sya nagbigay tugon. Hindi man nakabukas ang video sa tawag nya. Alam kong sinadya nya yun dahil alam nyang mahihiya akong magsalita kapag kaharap ko sy.a. "Minsan lang naman yun pero nalaman agad ng mga empleyado. Lalo na ng Dad ni Bamby. At sya. Naging usap-usapan sa opisina. Hanggang sa nagpatawag sila ng emergency meeting. Gusto nila akong pabagsakin.."

"At napabagsak ka nga nila?. Tama ba?. "

Aaminin ko, Hindi ko magawang umoo kaya

"Hmmm.. " nalang ang nasabi ko. Kabastusan man pero I feel like I don't want to say it out of word.

"Na hindi mo kayang sabihin sa asawa at anak mo ng diretso dahil ang alam nila. Masyado ka ng matayog para bumagsak tama?. At hindi rin matanggap ng sarili mo, na maiisahan ka pa ng nasa baba mo.."

"Hindi ko alam na may plano pala sya Ma.. Nagpadala ako. Hindi naisip ang kahihinatnan."

"Bakit, hanggang saan ba kayo umabot?. " Anya.

Damn it!.

"Binaba mo ba ang panty nya para ipagkalat sa opisina nyo na babae mo sya?. " She added effortlessly.

Napalunok ako. Walang masabi. "Tahimik ka. Ginawa mo nga?. "

"Natukso nga lang ako Mama.. Hindi ko iyon sinasadya. Lango ako sa alak. Hindi ko–.." Huminto ako para makahinga. Para kasi akong sinasakal. "—gustong mangyari yun Ma. Isa rin po akong biktima rito na hindi alam ng lahat. She sets me up."

"Ang nakakatakot rito anak ko, ay kung nabuntis mo sya.."

Umiling ako ng todo. "Sigurado akong hinding-hindi mangyayari yun. Sigurado ako."

"Paano ka makakasiguro? Lango ka nga sa alak diba?. Ang sabi mo pa, hindi mo gusto yun?. Kung set up lahat ng yun. Posibleng mangyari yun anak.." Nag-aalala na nyang saad. "Duon ako pinaka nag-aalala Jaden. Ayos lang sana sakin kung pinatulan mo sya. Pero hindi dapat sana umabot sa puntong ganun. Delikado at dehado ka sa parteng yun."

"Nasisiguro ko sa'yo Ma.. Walang ganun. At kung maaaring nabuntis man sya. Hindi na sakin yun."

"Paano mo nga masisiguro?. Anak, kung uhaw ang tao sa karangyaan at kayamanan lalo na sa kapangyarihan. Lahat kaya nilang gawin. Makuha lang ang gusto nila."

Tama nga sya. Why am I so confident to say na sigurado ako na hindi sya mabubuntis?. Sa pagkakatanda ko, hindi ko iyon ginusto. She provoked me. Kaya bumigay lang din ako. Lalaki ako. Kasalanan ba ang ganun?. I just did what she wants. I just fulfilled her needs. Mali bang kumagat ako?. I have my needs too.

Somebody told me. Minsan raw. Hindi naman mali ang isang bagay. Nagiging mali lang daw ito kapag may nakaalam. May nasasaktan ka nang tao o lalo na kapag may umiyak nang tao dahil sa ginawa mo. That's the moment na, kasalanan na ang ginawa mo at mali na sa paningin ng ibang tao.

Maging totoo man tayo o hinde. Kapag may nasaktan na tayong mahal natin sa buhay. You'll realize that, you've done so far to hurt someone you love. Makikita mo talaga ang consequences sa kilos at galaw mo. You'll realize, "Ah. Mali nga ako. Mali na pala noong una palang." Then that moment will open your eyes to unlearn, relearn and learn again such things that truly matters in life.