The next morning. I talked to my Lawyer. At ang sabi nya. People are talking about me on how I stopped down as their CEO. Marami raw sabi-sabi at haka haka na hindi daw dapat ako magpatalo sa mga taong gusto akong pabagsakin because they just want daw my position especially my power. I then explained to him that, I'll get back when everything is ready. He replied that I should get back as soon as possible dahil hindi raw nila gusto ang pumalit sakin.
Yes. Andun na ako sa employees na umaasa sa akin but all I care about today is my family. Aanhin ko ang kumpanya na pagmamay-ari ko kung mawawala naman sa akin ang pamilya ko. I will never do the same mistake again. Saka nalang ako babalik kapag bumalik na sa dati ang lahat.
"Knoa, son. How are you?. Miss ka na ng Papa.." Simula noong umalis sila. Hindi na ako nag-atubili pa na padalhan sya ng mga mensahe. But he NEVER replied to me, not atleast once. Malaki ang sama ng loob nito sakin dahil marami akong pangako na hanggang pangako lang noon. Not even sure kung sama ng loob ba ang meron sa kanya o galit na talaga. That's why I need to persuade him as much like this because I want to win him back, just like his Mom.
"Magreply ka naman oh. Kahit minsan lang. Nagtatampo na ang Papa sa'yo." Now. I'm begging! Like him when the times na higit pa sa busy ang schedule ko.
Kagat labi kong pinagdasal na agaran itong magtitipa para sa tugon nito sakin. Ngunit, galing na akong cr. Tapos nang nagtimpla ng kape. Umupo. Pumirma ng ilang projects. Umatend ng seminar. Kumausap ng kontraktor. At nag virtual inspect ng building subalit, hindi man lang ito nagreply.
Lungkot ang bumalatay sa dibdib ko. Ganun ba kasama ang pagkukulang ko't ganun nalang din nila ako tratuhin ng ganito?. Gaano ba katagal akong nangako sa kanila na napako lang?. Isang taon ba?. Limang taon?. Dekada?.
Yumuko ako. Pumikit na rin kasabay ng paglunok ko ng sakit na dumaan sa lalamunan ko. Sakit ang naramdaman ko sa dibdib ko pagkatapos kong dumilat.
"Oo nga pala. Ilang taon na ba si Knoa?. Siyam na taon Jaden. Haha.. sa tingin mo ba, wala pang isip yang anak mo?." Daig ko na yata ang isang baliw sa ginagawa ko ngayon.
Sa nakikita ko. Hindi lang pala basta tampo ang meron sa kanya kundi galit na. Biruin mo. Ang isang taon na nga lang, matagal at mahaba na kung may tao ka talagang hinihintay. Limang taon pa kaya. Sampu?. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko pala sya masisisi. Hindi ko din sila masisi dahil masyado pala akong nasilaw ng kapangyarihan na meron ako. Nakalimutan ko na sila, na kulang nalang umabot sa hindi ko na sila uwian. Yeah! Umabot nga sa puntong ganun na nga kaya siguro nagsawa na rin sila sa akin. Kaya sino ako para tanungin at magalit sa pagbabago na pinapakita nila?. Tapos ako nga. Ni hindi ko sila magawang bigyan ng oras, noon.
Ang salop nga nakakalos kapag napuno na, tao pa kaya?.
I mean. Siguro napuno na rin sila. Naabot na rin nila yung dulo ng kanilang pasensya kakaintindi sa mga dahilan ko. Na noon, hindi ko iyon matanaw. Hindi ko makita at hindi na rin maintindihan. Ngayon ko lang lubos maisip na, sumobra na pala ako sa pagiging sobra!.
"Ryan, pre?. " Tawag ko sa pangalan nya. Kahit sya itong unang nangumusta.
"Kamusta na?. Pasensya na. Busy ako sa trabaho. What's up?. Ayos ka lang?. " He asked like he knew something is wrong.
Umupo ako sa terasa sa labas. Gabi na naman. Parang ang bilis lumipas ang panahon habang naghihintay ako sa bagay na hindi ako sigurado.
This again hita me harder. Ganito kaya ang pakiramdam nila noong lagi nila akong hinihintay nalang?. Naghihintay sa wala?. Naghihintay na baka bigla silang susulpot sa kung saan kahit napaka-imposibleng mangyari iyon?.
Tumango ako habang hindi maiwasang matawa sa sarili. How dare I even demand them to stay still and wait for me, always while I, I can't even do things for them to stay?.
"Haha.. " Napalakas pa yata ang tawa ko kung kaya't nagtaka ang kausap ko.
"May kasama ka ba dyan?. Anong nakakatawa?. Kingina mo pre! Natatakot na ako sa'yo!. " Dama ko ang kaba sa bawat salitang binitawan nya.
Makaka na buntong hininga ang napakawalan ko. "Ako lang mag-isa dito pre. Si Martha. Ang dinig ko, andyan daw sa Pinas. Kasama ang mga bata.. "
"Bakit kasi hindi ka nalang umuwi rito at dito mo na sila suyuin? "
"Kung sana, ganun lang kadali ang lahat pare." Napa-piksi ako sa kirot na naramdaman sa parteng dibdib ko. "Matagal ko na sanang ginawa.." Habol ko pa.
"Oo. Mamaya na. Kausap ko pa si Jaden." I overheard him talking to someone. Si Carol ata yung nasa paligid nya. Asking, kung sinong nasa linya. By the way. Her wife is our classmate noong highschool din kami. Di lang ito laging kasama sa galaan ng barkada dahil masyado itong mahinhin at mahiyain. Kung hindi mo ito kakausapin, hindi rin ito magsasalita. Ganun sya. Hindi ko nga alam kung paanong niligawan ito ni Ryan at napasagot. Basta ang kwento nya din samin. Butas din daw ng karayom ang pinagdaanan nya bago nakuha ang matamis nitong oo. Di ko na rin masyaong inusisa noon dahil abala din ako sa paghahanap kung nasaan ang buntis kong asawa. That's the time na nag run-way girl sya sa akin maging sa pamilya nya.
"May gagawin ka pa ata?. " I assume dahil baka nakakaabala na ako.
"Oh. Hindi. Hindi naman pare. Inimbestigahan lang ni Misis kung sinong kausap ko kaya sinabi kong ikaw.. Hahaha. Ayaw kasing maniwala. Tinignan pa nga ang screen ng cellphone. Hahahaha.. "
Buti pa sya ang saya saya na nya. Kailan naman kaya ako?.
Inggit ang namutawi sa akin. Bagay na hindi ko mapigilan at kayang tanggihan.
Hindi ko nagawang tumugon sapagkat hindi ko kayang itago ang inggit na meron ako. "Natahimik ka yata?. "
"Wala. May naisip lang ako bigla. " Rason ko lang dahil masyado itong mabilis pumik-up ng mood ng tao.
"Sino? Ang Misis noh?. " Biro nya. Tumawa lang ako ng mahina bilang tugon. "Tiwala lang pre. Maayos din kayo yan.. "
"Sana nga eh.. Hanggang kailan naman yun pre?. "
"Tsk. Ikaw talaga kahit kailan. Kailan pa naging maliit ang pasensya mo?. Hindi yata si boy Jaden ang kausap ko, si CEO Jaden ata ito.. Hahaha.. "
"Tsk.. "
"Hahaha. Biro ko lang pare. Masyado ka naman kasing seryoso. Pero usapang lalaki to pare ha. Kung maghintay lang ang iniisip mo. Isipin mo rin sila. Isipin mo kung gaano din sila katagal na naghintay sa pag-uwi mo. Diba matagal?. Sorry to say this pre pero kasi, pati kami, nagtatampo na rin kaya sa'yo. Wala ka na nga lagi sa outing na na iset na. Wala ka pa ngang reply sa group chat natin, pati ba naman seen mo lang. Madalang pa. Kaya paano ka magiging aware sa lahat kung lagi mo nalang pinap-riority ang sarili mo?. Tumingin ka din kasi sa iba. Wag lagi tignan ang sarili mo."
"Ganun na ba ako nagbago pre?. " Hindi pa tanggap ng pride ko ang nalaman sa kanya.
"Ayoko mang sabihin ang totoo, pero oo.." He paused. "Ganun ka pinagbago ng naabot mong pangarap dre.."
Natigilan ako sa bansag nya. Yun yung tawagan namin noong elementary pa kami hanggang kolehiyo. Na kami lang din ang nagkakaintindihan ng ganun kapag yun na yung gamit na bansag. Saying, 'dito lang ako dre'.
"Tulungan mo naman akong bumalik sa dati dre.."
"Sure thing. Pero bago yun. Uwi ka muna dito dahil wala akong pamasahe papunta dyan. Hahaha.."
Sa totoo lang. Sa lahat ng nakausap ko about my situation. Sya lang itong nagpagaan ng loob ko habang sinesermunan ako. Thank dre!