Chapter 17: Stay

Minsan talaga sa buhay natin, kailangan nating magpakumbaba. Kailangan nating iyuko ang ating mga sungay para makalaya sa pagkakakulong sa isang sitwasyon. Sitwasyon na mismo tayo rin ang gumawa at tayo rin lang mismo ang gagawa ng paraan upang makawala rito. We need to learn to change and adapt. As much as we can para hindi tayo mahuli sa oras na meron sa atin. Because if that ticking time is up. No more. Wala ng bawian. At ang tanging magagawa nalang natin ay ang magsisi sa huli. Pagsisising hindi na maibabalik ang dati at lalong hindi na muli mabubuo ang nawasak na.

Kaya hanggat maaga pa. Hanggat may oras pa. At hanggang kaya pa. Gumalaw ka na. Gumawa na ng paraan para ayusin ang lahat.

"Hey, Love. I miss you.." mangingiyak ko itong tinipa at pinindot ang send para maipadala ito sa kanya. Alam kong marami akong pagkukulang. Inaamin ko iyon ngayon. Alam kong hindi na rin maibabalik pa ang panahon. Pero sana, kahit ngayon ulit. Patawarin nya ulit ako.

Gago ka kasi Jaden! Napakalaki mong Gago!

Opo na po! Hindi ko naman iyon ikinakaila!. Inaamin ko ito at hindi ko kayang itanggi sa ngayon.

"I miss you so much and I can't-" yung init sa gilid ng mga mata ko. Tuluyan na ngang nabuo at naging luha na unti unti nang dumaloy sa pisngi ko. "-I can't live without you ."

The hardest part of being alone is feeling you're lonely. The emptiness around your big house is filling all the deafening silence in my ear down to my heart that it causes me pain. Pain that runs through my veins down to my spine. Na kapag hindi ko nakontrol ang biglang pagkakaroon ng puwang sa pagkakatao ko. Mababaliw na talaga ako!

"Kailangan kita Bamby. Patawad sa pagkukulang ko. Sorry sa mga napako kong pangako. Bumalik lamang kayo. Babawi ako sa inyo.."

Sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit nakaya ko pang I type ang mga katagang iyon kahit malabo na dahil sa luha ang mga mata ko.

Parang hindi ako mismo ang nagtipa nito kundi ang puso ko.

Ang OA man kung iisipin pero iyon talaga ang pakiramdam ko.

"Please, reply me just once." Fuck me! I'm begging this time.

Na noon hindi ko maharap ang bawat text nila at tawag sa tuwing kailangan nila ako. It's my secretary who will attend them. And fuck those time of being Jaden Bautista!.

Naghintay ako ng—

Tatlong oras.

Oo. Ganun katagal – pero walang dumating na tugon.

Bagsak ang mga balikat kong nahiga nalang sa kama ng walang kinakain na anuman.

Feeling all the pain.

I even tried calling Knoa. But he didn't even let me talk to him. Can't be reached ang sabi. Tapos unattended pa.

"Lance.." Wala akong ibang choice kundi tawagan ito.

"Yes, boy.." boy pa rin ang tawag nito sakin minsan. Lalo na kapag may bagay na alam nyang pinagdadaanan namin ng kapatid nya. "You still okay?." Pahabol nitong saad.

I nodded like he's infront of me. It's a call from messenger but not a video call. It's just an audio.

"Yup.." may lungkot sa puso kong sambit. Can't even deny it today.

"You know what boy. Magpakatatag ka ha.. Kilala mo naman sya. She'll come back when she's ready."

"Galit ba sya sakin?."

"I don't know bro. Wala kasi syang sinasabi sakin about what's going on."

Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. "Pero huwag kang mag-alala boy. Nasisiguro kong hindi sya galit sa'yo.."

"Hoping to that bro.."

"You know her much than me.. pero sa ngayon Jaden.. Hayaan na muna natin sya sa kung anong gusto nyang gawin.."

"Nag-aalala ako Lance.." we're calling each other's first name now. So, this topic is serious.

"Don't worry okay. Andito ako. Pati ng mga bata. She's doing alright.."

Hindi ako nagsalita. Tama naman sya. It's like. Her silence is much more dangerous than her loud rants. She's like that. Hindi umiimik kapag galit o naiinis o basta bad mood. Mas gusto kong maingay ito kaysa walang sinasabi eh.

"Please look after her Lance. Talk to her if possible. Natatakot ako minsan sa pananahimik nya yan.."

"I know bro. Sure. I will. And you?. Are you doing alright?."

"Yeah.."

"Tsk! Di mo ako maloloko sa yeah na sagot mo ha... Cry if you need to. But don't drown to your tears bruh. Wake up and eat. May mga anak ka pang kailangan ka at lalong naghihintay rin sila sa pagbabalik mo. Ok?."

"Thanks.."

"I have to go. May pasok pa ako.." una na nyang binaba ang tawag bago ako. Tinitigan ko pa muna iyon bago binaba rin. Hoping still for her reply.

Pero wala pa rin.

A minute later. My phone beep.

Sa larawan palang nya sa lock screen ng phone ko. Nabuhayan na ako.

Her message.

"Please stay." Yun lang ang laman niyon na naging dahilan ng pagkatulala ko ng ilang oras.

Hanggang sa napasigaw na ako sa tuwa!.

"What the hell! She replied!... Fuck it Jaden!!!.." napatalon-talon pa ako. Nagpaikot-ikot sa loob ng silid. Humiga ng kama. Gumulong. Umupo. Tumayo. Umikot. Nakangiti hanggang tainga. Hawak ang batok dahil sa saya na higit pa sa nanalo sa loto ang premyo.

Yung pakiramdam na ito. Yung pakiramdam ng excitement. The feeling of feeling that you're taking back the old feeling of yours is amazing and priceless.

Is Jaden Bautista back?.

Not yet. May hinahanap pa ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano.

But you're happy that she replied?.,

OF COURSE!!!

Isa iyon sa pinapangarap ko ngayon. Ang bumalik sya. Ang maging ok kami. Ang kasama ko muli ang mga bata. Mabuo muli kaming pamilya.

Bagay na higit pa pala sa kayamanan ang halaga. Ang pamilya.

Muli kong tinitigan ang tugon nya. Umupo ako sa malamig na sahig. Bumaluktot at kinagat ang kuko ng hinlalaki.

"Thank you, Love. Yeah. I'm just here. Waiting for you. If you need anything. Don't hesitate to call me. And, Thank you for the reply. You made my day. I love you.." para akong bata na nagtitipa ng love letter sa kasintahan nya.

Ito yun!

Ito pala yung bagay na hinahanap ko. Ang bagay na hindi ko maipaliwanag.

Ang mamuhay ng parang bata.

Ang ibig kasing sabihin nito ay, kahit nagkakaedad na tayo. Huwag nating kalimutan na maging bata. Hindi maging isip bata pero maging bata, sa galaw, sa pananaw, inosente ba, at sa purong pagmamahal na walang bahid ng ibang intensyon.

Yan ang isang aral na natutunan ko sa isang speaker minsan sa kumpanya.

If you want to live long. Be like a child. Brave and innocent.