ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
"Dahil sa online class mga bilihin ng murang computer dinagsa ng mga estudyante"
"Mahigit kumulang tatlong'pu na ang bilang ng mga positibo sa Covid Nineteen"
"Ginang, pumanaw matapos ang limang araw na paghihintay ng bus para makauwi sa kanyang pamilya"
"After 'Sarap ng buhay!' remark, Dela Penya required to Physically attend session next Monday"
"Mama! Saan nakalagay yung quarantine pass?!" hiyaw ko mula dito sa living room ng aming magarang tahanan.
Nakaupo ako sa sofa habang naka-harap sa malaking flat screen tv kung saan doon ipinapalabas ang kaliwa't kanang balita ukol sa kumakalat na virus.
Katatapos ko lang maligo at mag ayos ng aking sarili dahil ako ay lalabas ng aming pamamahay ngayong araw.
Ako ang chosen one ngayong Linggo.
Hindi!
Mali!
Ako ang chosen one ng buong quarantine period!
Wala namang iba pang mauutusan si Mama na lumabas bukod sa akin dahil alangan naman utusan niya ang bunso kong kapatid na si Princess, Princess nga diba so dapat siya ang pinagsisilbihan namin.
"Nakapatong sa taas ng ref Nathaniel! Bilis-bilisan mo nga ang kilos mo at baka maubusan tayo ng fresh na karne at gulay! Pati wag mong kakalimutan ang gatas ni Princess ha!? doon ka bumili sa supermarket tiyak na may promo doon! Malilintikan ka sakin kapag nakalimutan mo!" kita mo na?
Busy si Mama sa kakasigaw habang pinagsisilbihan ang prinsesa niyang anak sa loob ng kubeta, umagang-umaga ay nagyayaya si Princess na tumae sa cr.
Pasalamat nalang kami ni Mama na marunong ng umupo sa bowl ang apat na taon kong gulang na kapatid.
"Kilos na Nathaniel! Mamaya kana manood diyan! Madami ng tao sa palengke kaya kumilos kana!" dahil sa muling pag sigaw ni Mama ay tumayo na ako sa pag kakaupo sa sofa.
Naka suot ako ng puting t-shirt na may tatak ng bandang Ben and Ben habang black pants sa pang ibaba at puting converse shoes. Mayroon din akong suot na dilaw na bonet pang pa-kumpleto sa aking porma.
Pinatay ko muna ang telebisyon bago humakbang papalapit doon sa refrigerator para kuhanin ang nasabing quarantine pass.
"Ma yung listahan ng bibilhin nasaan?" wika ko habang papalapit doon sa ref.
Kita ko mula sa aking nilalakaran ang bukas na pintuan ng kubeta kung kaya't kita ko si Mama Ruth na binabantayan si Princess sa pag-pupu.
Binalingan naman ako ni Mama ng tingin habang inaabot ko ang quarantine pass sa ibabaw ng ref.
"Ayan oh! Nasa lamesa" tila inis na tugon ni Mama sa akin kaya nginitian ko nalang ito.
Naabot ko na ang quarantine pass at doon ko ito ibinulsa.
Nakangiti lang akong pang inis kay Mama habang humahakbang papalapit doon sa lamesang may nakapatong na basket na punong-puno ng mga prutas.
Pagkalapit ko doon sa lamesa ay kinuha ko ang listahan ng aking bibilhin sa labas.
"Wag kanang bumili ng mga prutas dahil madami pa naman diyan, bumili kanalang ng dalawang kilong ubas sa palengke dahil ubos niyo na ni Princess" wika ni Mama sa akin habang nasa loob siya ng kubeta.
Tumango naman ako sa sinabi ni Mama habang pinapasadahan ng tingin ang listahan.
"Karne,gulay at ubas lang ang bibilhin mo sa palengke Nathaniel ha" habilin sa akin ni Mama.
"Opo" malambing tugon ko naman sa kanya at doon na ibinulsa ang listahan.
Nakangiti naman akong bumaling kay Mama at doon humakbang papalapit sa kubeta.
"Wag na kung saan pupunta pa Nathaniel ha, hindi pa tapos ang quarantine kaya hindi ka pa pwedeng mag lakwatsa tulad ng ginagawa mo dati" malambing na habilin sa akin ni Mama ng makalapit ako doon sa pwesto nila.
"Yes mother earth" nakangiti kong tugon sa kanya bago ko siya ginawaran ng halik sa pisngi.
"Bango ha! Baka naman mag boy-boys hunt ka naman sa palengke!? Nako Nathaniel! Malilintikan ka talaga sa Papa mo! Mapipilitan na naman yung umuwi ng Dubai kapag nalaman niyang nag lalandi ka uli! Nako tigilan ha! Tigilan" nakangiting pang-aasar sa akin ni Mama na ikinatawa ko lang.
"Ku-kuya Nat" nakangiti lang ako kay Mama ng marinig kong nagsalita si Princess.
Kaya naman pala mabaho dahil nandito ako sa loob ng kubeta.
Binalingan ko ng tingin si Princess na matamis ang pagkakangiti sa akin.
"Ang stinky Princess! Iwi ang baho!" nakangiti kong wika sa kanya at doon ginulo ang Dora style niyang buhok.
"Ku-kuya Nat yung milk ko po wag mong iwanan" nakangiti nitong habilin sa akin.
"Yes Princess" nakangiti kong tugon sa kanya bago ulit nagsalita si Mama.
"Siya bilisan mo na! Anong oras na oh?" pagmamadali sa akin ni Mama kaya lumabas na ako ng banyo.
"Teka lang naman Ma! Ang aga-aga pa oh!" itinuro ko pa sa kanya ang malaking orasan na nasa ibabaw ng ref.
"Basta bilis na! Wag nang madaming dada! Yung susi ng kotse nandoon sa ibabaw ng cabinet sa kwarto namin kunin mo na bilisan mo!" dahil sa pagmamadali ni Mama ay dali-dali na akong kumilos para kuhanin ang dapat kuhanin.
Dahil sa bilis ng aking pagkilos ay nakita ko nalang ang aking sarili na nasa loob ng aming kotse.
Nakasuot ako ng puting mask dahil baka hulihin ako sa check point mamaya doon sa barangay.
Napaka-higpit ng patakaran dito sa lugar namin dahil sa virus na kumakalat.
Covid nineteen! fuck you!
Mahigpit dahil consistent ang pagiging Covid free dito sa aming lugar, sa buong Rizal yata ay kaming mga taga Pililla ang walang naitalang cases sa loob ng dalawang buwan.
Isinaksak ko na ang susi ng kotse sa saksakan at doon ini-start ang makina.
Seryoso lang ang aking mukha ng buhayin ko ang stereo ng sasakayan at doon ikinonek sa aking cellphone para magpatugtog ng Ben and Ben songs.
Nang magsimulang tumugtog ang indak ng kanta ay doon ko na pinaandar ang aming sasakyan palabas sa garahe ng bahay.
Tulad ng sabi ko ay ako ang chosen one sa buong quarantine period, ako ang alay!
Sabagay kahit hindi naman quarantine period ay ako ang kadalasang namamalengke ng aming mga kinakain sa pang araw-araw.
Tatlo lang kami sa bahay dahil si Papa Lester ay isang engineer doon sa Dubai at siya ang nagpatayo ng aming tinutuluyan dito sa Pililla.
Gusto ni Papa na doon nalang kami manirahan sa Dubai pero malaki ang pagtanggi ni Mama doon.
Nagpapasalamat ako kila Mama at Papa dahil hindi sila nag-sasawang suportahan ako sa mga gustuhin ko.
Hindi sila nagsasawang suportahan kami ni Princess kahit na parehas kaming makukulit.
Hindi kami spoiled brat ng kapatid kong si Princess dahil may proper guide si Mama Ruth sa aming dalawa "kung anong nakahanda yun ang kakainin" 'yang mga katagang iyan ang dala-dala ko sa loob ng labing isang taon kong pamumuhay dito sa mundo.
Ako si Nathaniel Guerero David at kaka-twenty one ko lang nung isang buwan kaya sa bahay kami nag daos ng mga kaibigan at kaklase ko ng aking debut.
Hindi naman kami Pulis para mag karoon ng mañanita o salo-salo ng sama-sama.
Hindi kami mga pasaway na Pulis.
Social distancing po tayo social distancing kaya through video call ako nag daos ng bente uno kong kaarawan.
Five'seven ang taas ko at mas matangkad pa 'ata ako kay Mama.
Sa Eulji University of the Philippines - Quezon City ako nag aaral kaya bago palang mag karoon ng Enhance Community Quarantine noong March ay nag byahe na ako pauwi dito sa probinsya ng Rizal sa Pililla.
Mahirap na kung doon ako aabutin ng lockdown sa Quezon City, nag dodo-dorm lang kasi ako at hindi ko masyadong ka-close ang mga kasama ko doon.
Mahilig ako sa music lalo na sa mga banda tulad ng Ben and Ben and every concert at live shows nila dito sa Pilipinas ay pinupuntahan ko dahil para silang oxygen sa akin, hindi ko alam kung mabubuhay ako kung hindi ako nakakarinig ng kanta nila.
Para kasing may spell yung mga bawat linya ng kanta nila na nag papa-hypnotize sa akin, the best of the best sila!
Wala akong sports dahil ayaw na ayaw kong pagpapawisan, madalas ang kaharap ko ay mga libro at laptop.
Kung hahanapin mo naman ako sa university tiyak na sa library mo lang ako makikita.
I do tutor sa mga gustong magpaturo sakin and it's all free!
Basta okay na sakin yung galaxy chocolate! okay na okay na sakin yun! pero kung wala naman masarap yung japanese cake doon sa labas ng university three pesos isa.
At kung hindi niyo mamasamain ako nga pala ang Mister Education ng aming department sa taong ito.
Isa na din sa dahilan kung bakit madami akong tutor student na tinuturan, kadalasan mga senior high school.
Hashtag bagets!
Nakita ko nalang ang sarili ko sa parking lot ng palengke habang ipinaparada ang gray na kotse, pinatay ko na ang stereo dahil tapos na din naman ang tugtog.
ㅡㅡㅡ
Katatapos ko lang bilhin ang mga nasa listahan ni Mama at inabot ako ng mahigit dalawang oras sa pamimili, nauna muna ako sa palengke sumunod dito sa mall.
Nasa compartment na lahat ang mga pinamili ko para hindi ako mahirapang magbitbit.
Isa na din sa dahilan kung bakit masaya akong chosen one dahil bukas ang vinyl store dito sa mall.
Naglabas na din kasi ang Ben and Ben ng kanilang vinyl tape nationwide kaya isa ako sa mga mapapalad na bibili ng ganitong bagay.
Para akong tangang nakatingala sa malaking sign ng store...
"The Blue Market Records" pagbasa ko doon sa sign.
Nakasuot sa akin ang itim na string bag na bigay sa akin ni Papa na naglalaman ng aking personal na wallet at isa pang wallet na naglalaman ng pera at dito ko din isisilid ang vinyl na bibilihin ko mamaya.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at humakbang na ako papasok sa loob ng nasabing store at ng makatapak ako sa loob ay para akong nasa langit dahil sa sumalubong sa'king musika.
Bukod sa mga opm ay mahilig din ako sa mga old songs, ika nga ni Mama isa daw akong old souls.
Mahilig ako sa mga kanta nila McCartney, nila Elvis Presley, Frank Sinatra, Jack Bruce at iba pa at ngayon nga ay ang paborito kong kanta ni Frank Sinata ang tumutugtog sa buong store...
...My Way.
Hindi ko alam kung bakit may legend akong naririnig na kapag kinakanta mo ito sa mga videoke ay papatayin ka, narinig niyo na din ba yun?
Hays nevermind!
Walang masyadong tao dito sa loob ng store maliban doon sa isang lalaking nakatalikod mula sa akin na may kausap na isang empleyado.
Tila parehas pa kami ng suot dahil naka white shirt, black pants at may suot-suot din siyang black na string bag sa likuran.
Nakatingin lang ako doon ng mapa igtad ako sa nagsalita.
"Hi sir! Good afternoon what can I help you?" tila ako'y nasa fast food chain dahil sa lalaking tumawag sa aking pansin.
"Ahm...ah...eh" hindi ko alam kung bakit doon ako tumitingin sa lalaki na ngayon ay naka upo na sa gray na sofa doon sa waiting area, hindi ko makita ang mukha niya dahil naka sumbrelo ito at naka suot ng mask.
"Sir?" muli akong napaigtad dahil sa pagtawag na iyon.
"Mag ayos ka nga Nathaniel! Mag ayos ka! Wag lumandi! Papagalitan ka ni Papa!" pagkausap ko sa aking sarili bago balingan ng tingin yung matabang lalaki.
"What can I help you sir?" alam kong nakangiti ang lalaking ito kahit na naka suot siya ng mask.
"May vinyl na po kayo ng Ben and Ben?" nakangiti ko ding tugon sa kanya kahit na naka suot din ako ng mask.
"Yes sir! Swerte niyo po dahil iisa nalang ang stock namin, kahit quarantine po may mga dumadayo dito sa amin" paglalahad niya sa akin.
Matapos ang ilang discussion ay nag fill up lang ako ng isang papel para orderin yung vinyl ng Ben and Ben.
Ngayon nga ay naka upo na ako sa sofa dito waiting area para tawagin ang pangalan ko, hawak-hawak ko na din ang itim kong wallet na naglalaman ng pera.
Yung lalaki kanina ay nakatayo ulit doon sa istante ng store sa harapan ko dahil kinukuha niya din yata ang inorder niyang vinyl, iniwan niya yung bag niya dito sa sofa katabi ko.
Busog na busog ang mata ko sa buong paligid dahil sa mga vinyl na naka desenyo, masayang-masaya din ang aking tenga dahil sa tugtog na umaalingawngaw sa buong store.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil para akong nasa langit.
I feel like I'm home.
"Sir Nathaniel David?" muli na naman akong napaigtad sa pagtawag sa akin.
Kape pa.
Napabaling ako doon sa lalaki na kumakausap sa akin kanina at literal na naglakihan ang aking mata dahil sa hawak-hawak nito.
Ang vinyl ng Ben and Ben!
"Yes po?" hinubad ko ang pagkakasukbit ng string bag at doon iniwan sa sofa.
Dali-dali na akong humakbang papalapit doon sa istante para kuhanin ang vinyl, nakasalubong ko pa yung isang lalaki na sa hindi ko inaasahan ay nakita kong vinyl din ng Ben and Ben ang kapit-kapit niya.
Hindi ko na iyon pinansin at tinumbok ko na ng mabilis ang istante para doon bayaran ang aking binili.
"Vinyl player sir, baka po gusto niyong mag avail?" wika nito sa akin habang binubuksan ko ang aking wallet.
"Meron na po ako eh" tugon ko naman sa kanya.
"Okay sir" huling wika niya bago ko iabot ang pera sa kanya.
"I receive one thousand five hundred sir" muli niyang pagwika at tumango naman ako "Ito na po sir" aktong ilalahad niya ang vinyl sa akin ng biglang tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa.
"Wait po" wika ko sa kanya bago ko kuhanin ang aking cellphone.
"Sure sir" tugon nito sa akin matapos kong makuha ang phone.
'Mother earth is calling' iyan ang naka-rehistro sa aking telepono.
"Wait lang po ha" pagbaling ko sa empleyado at kita ko naman itong tumango bilang tugon.
Tumalikod ako sa kanya bago ko sinagot ang tawag at itinapat sa aking kaliwang tenga.
"Hello? Nathaniel anak!? nasaan ka'na?" bungad ni Mama ngunit hindi ko iyon naintindihan dahil napabaling ang aking tingin doon sa lalaki kanina na ngayon ay papalabas na ng store.
'Ano kayang name niya?' pagtatanong ng maharot kong isipan.
"Nathaniel anak! Nasaan kana!?" napailing ako ng magtaas si Mama ng boses.
"Hello Ma" pagbaling ko na sa tawag.
"Nasaan kana Nathaniel!? nako jusko ha wag na wag kong malalaman na lumalandi ka! Quarantine ngayon jusko ka palipasin mo muna ang quarantine sinasabi ko sayo!" hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni Mama.
"Opo Ma, nandito ako sa vinyl store pauwi na din ako may binibili lang" tugon ko sa kanya.
"Siya sige-sige! Dumaan ka muna sa bakery shop at itong kapatid mo'y naglilihi na naman sa ube pandesal" wika sa akin ni Mama.
"Opo Ma, sige na pauwi na po ako" huli kong tugon bago ko pinatay ang tawag.
Dali-dali na akong humarap doon sa lalaki bago kuhanin ang vinyl na aking binili.
"Thank you sir" pasasalamat nito sa akin na tinanguan ko bilang tugon.
Dali-dali na akong humakbang papunta doon sa waiting area na kinauupuan ko kanina at ng makarating ako doon ay mabilis ko ng isinilid ang vinyl sa aking string bag bago ko lisanin ang 'The Blue Market Record'.
ㅡㅡㅡ
Alas syete na ng gabi at mag isa lang ako dito sa loob ng aking kwarto, naka upo sa upuan habang nakaharap sa laptop na nakapatong sa study table at kumakain ng ube cheese pandesal.
Kung papasok ka sa loob ng kwarto ko ay hindi mo na gugustuhin pang lumabas dito dahil may sariling mini ref, comfort room, sariling tv at iba pa.
Bukod sa pagiging melophile isa din akong selenophile kaya may makikita ka dito sa aking kwarto na tatlong moon lamp na naka desenyo sa bawat gilid.
Pinapalibutan din ng mga strap light ang aking kisame na nakakadagdag sa ganda ng aking kwarto.
"Thank you tutor Nat!"
"Salamat po tutor Nat!"
"You're welcome!" tugon ko sa kanila at muling kumagat ng ube cheese pandesal.
Nakaharap ako sa aking laptop dahil may mga babaeng senior high na katatapos lang mag pa tutor sa akin, nag post kasi ako sa facebook na kung sinong gustong mag patutor ay i-chat lang ako para ma schedule.
"Next Monday na ulit ang schedule niyo, thank you" nakangiti kong wika sa kanila bago ko patayin ang video conference namin.
Everyday may tatlo or dalawang estudyante akong tinuturuan gabi-gabi.
Hindi ako napapagod dahil passion at kagustuhan ko ito, hindi ka mapapagod sa isang bagay na gustong-gusto mong gawin.
Nang matapos ang video call na iyon ay nagbukas muna ako ng aking facebook dahil baka may mga bago akong estudyanteng tuturuan.
"Nathaniel! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto.
"Opo! Saglit lang!" tugon ko sa kanya habang nag checheck na ako ng mga notifications.
Nasa isang daan ang notifications ko at puro comment iyon mula doon sa post ko nung isang linggo pa.
Pinindot ko iyong post na iyon at muling binasa ang aking pinost.
"Hi guys! Para sa mga bored at walang magawa sa bahay free ako para mag tutor ng ilang mga lessons specially sa English at Filipino - leave me a private message para maayos natin yung schedule niyo. Thank you in advance! <3"
Nag scroll ako pababa para muling basahin ang mga comment mula sa aking post.
"Teacher Nat pwede niyo po akong turuan sumayaw?"
"Nathaniel ilakad mo ako sa mga magaganda mong student?"
"Nat turuan mo akong kumain ng talong"
"Sana all teacher"
"Sana all magaling kumanta ang teacher"
Comments mula sa mga tarantado mga gago kong kaibigan at kaklase.
May ilang mga comments din mula sa mga senior high school na babae na tila kinikilig pa dahil puro hearts ang kanilang comment.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nakakatuwang comment at suporta ang aking natatanggap.
Tuloy lang ako sa pagbabasa ng mapatigil ako sa isang komento.
Napataas ang aking kilay dahil sa kanyang comment na iniwan sa aking post.
Three minutes ago lang iyon pero nakatanggap na agad ng labing limang reaction mula sa mga taong hindi ko kilala.
Nakapublic kasi ang post kong iyon kaya nakikita din siya ng ibang tao dito sa facebook.
"Hi! Pwede mo ba akong turuan sa kama?" pagbasa ko sa comment na iniwan niya.
"Sino 'to?" nag aalinlangan kong santinig at doon binasa ang mga reply sa kanyang comment.
"Gago ka Kokoy! Kung ano-anong sinasabi mo diyan!"
"Kokoy kilala mo si Nathaniel?"
"Tarantado ka pre! Umabot kana sa kabilang campus! Walang-wala na ba?"
"Napaka kengkoy mo talaga Kokoy! Gago ka!"
Iyan ang mga reply ng mga hindi ko kilalang nilalang mula doon sa kabastusan niyang comment.
"Parang tanga" inis kong turan bago ako nag react ng angry sa kanyang comment.
Hindi ko naman siya kilala para mag comment ng ganoong kabastusan!
Dahil sa hindi ko alam na kadahilang ay pinindot ko ang pangalan niya para doon bisitahin ang kanyang profile at timeline.
"Kokoy Buenaobra Broilette" pagbasa ko sa yayamanin niyang pangalan.
"Ganda ng name pang mayaman" santinig ko bago pindutin ang kanyang profile picture.
At sa muling hindi malamang kadahilanan ay napa lunok ako ng mga dalawang beses.
"Model?" wika ko habang tinitingnan pa ang iba niyang profile picture.
"Nathaniel! Kakain na! Bilisan mo na diyan!" rinig ko mula dito ang muling pagtawag sa akin ni Mama.
"Opo wait lang!" tugon ko sa kanya bago ko inexit ang kanyang profile picture para muling tingnan ang kanyang timeline.
"Kung gaano kaganda ang itsura ganoon naman kabastos" inis kong wika matapos kong makita ang mga larawan nito.
"Studied Architect at Eulji University of the Philippines - Manila, hmm? Sa kabilang campus pala siya nag aaral" tumatango-tango pa ako habang binabasa ang kanyang profile.
"Went to Sylvestre Academy" muli kong pagbasa dito.
"From Quezon City?" pagtatanong ko sa aking sarili ng mabasa ko kung saan siya nakatira.
Ilang minuto ko pang binabasa ang kanyang profile ng makita kong naka friend request pala siya sa akin at sa muling hindi malamang kadahilanan ay pinindot ko ang confirm.
"Kokoy Buenaobra Broilette request accepted" para akong tanga na binabasa pa ang mga salitang iyon.
"Nathaniel ano ba!? kakain ka ba o hindi!?" muli na namag pagtawag sa akin ni Mama.
Lumingin ako paharap sa pintuan at doon nag wika "Wait lang kasi Ma! May student pa po ako!" tugon ko kay Mama at muling bumaling sa aking laptop.
Tumunog kasi ito tanda ng may nag chat.
"Sino 'to?" wika ko sa aking sarili bago tiningnan ng mabuti kung sinong nag message sa akin.
Literal na nagtaasan ang aking balahibo dahil sa natanggap kong mensahe.
"Vidjakol?" nandidiri kong pagbasa mula sa mensahe ng gagong si Kokoy Buenaobra Broilette.
Hindi pa iyon natatapos dahil kita kong nag tatype pa siya tanda ng may sasabihin pa ito.
Nang matapos ang typing na iyon ay muli kong binasa ang message niya sa akin.
"Libre ka ba? Jakolan tayo gusto mo? No face okay lang, malaki ba 'yan?" nandidiri ko muling pagbasa sa mensahe niya akin.
Shete?
Sino 'to?
Naglalakihan ang aking mga mata dahil sa message na iyon.
Dahil sa inis at pandidiri ay papatayin ko na sana ang laptop ng muli siyang nag message sa akin.
"Sagutin mo call ko vidjakol tayo o kaya sop? Usto mo yon?" muli kong pagbasa sa kanyang mensahe.
Bastos putaragis!
Mabilis kong inilahad ang aking kamay sa keyboard at doon nag type ng aking reply sa kanya.
Pagkatapos kong mag type ay mabilis ko ding sinend sa kanya ang aking reply...
..."Hmp! Psycho! tarantado! gago!" iyan ang aking reply sa kabastusan niya.
ㅡㅡㅡㅡㅡ